You are on page 1of 12

Janmarc Jay U.

Sevilla BSCS-2
Gng. Rosa Esperanza V. Tabora 3/25/20

Module 1: Aralin 1
I.
A. Di Mo Masilip ang Langit (Benjamin P. Pascual)
B. https://teksbok.blogspot.com/2011/02/di-masilip-ang-langit.html

II. Buod
Ang kwento ng isang kantero, naghalo ng semento at tumulong magpatayo ng isang
ospital. Nung manganganak na ang asawa niyang si Luding, hindi sila inasikaso ng mga nars at
doktor sapagkat mahirap lamang sila ni Luding. Namatay ang bata nung nabagok ang ulo nito sa
sementong sahig ng lobby ng ospital. Pinagtangkaang sunugin ng kantero ang ospital. Siya ay
nahuli at nabilanggo. Pakiramdam niya’y matagal na siyang kinalimutan ng Diyos.

III. Pagsusuri
A. Uri ng Pampanitikan
Ang uri nga pampanitikan na ito ay isang maikling kwento kung saan naglahad ay
nagsalaysay ang may akda ng mga pangyayari sa kwento.

B. Estilo ng Paglalahad
Ang estilo ng paglalahad ng may-akda ay panumbalik – isip kung saan inilahad
ng may akda ang mga pangyayari sa kasalukuyan hanggang sa paglalahad nito ng mga
pangyayari sa nagdaan niyang karanasan. Ikinukwento ng may-akda ang dahilan ng
pangunahing tauhan kung bakit ito nakulong.
C. Mga Tayutay
1. “Hindi man lang pumasok at sinabi ro’n sa asawa na ang waswas ko’y
nasa labas at parang asong naghahanap ng mapapanganakan!”. -Isa itong
Pagtutulad dahil sa salitang “parang”.

2. “Papa’no parang isang magandang babae, pare na maya’t maya’y gustong


mong ukulan na humahanga at nagmamalaking tingin dahil alam mong
mga kamay mo ang katulong na gumawa at bumuo.” -Isa itong Pagtutulad
dahil sa salitang “parang”.

3. “Ang pasikot-sikot ng bilding e alam na alam namin, pare, na parang guhit


ng aming palad.” -Isa itong Pagtutulad dahil sa salitang parang.

4. “Hindi ko alam”, sabi niya. -Ito ay isang Pagtanggi na kung saan


ginamitan ng salitang “hindi”.

5. “Sabi ko naman, ayaw ka ba n’on, konkreto ang bahay ko at


ginugwardiyahan pa ng les-pu?” -Isang Tanong Retorikal, kasi hindi na
nangangailangan ng sagot.

6. “At nangyari yon. Pare, sa ospital na ang mga kamay ko ang katulong na
gumawa. Masakit, pare!” -Isang Panaramdam, nilalarawan niya ang
kanyang nararamdaman.

7. “Hindi ngayo’t priward ang tinigilan ng asawa mo e pri ward na lahat.


Sabi naman ng kahero, pare. Gusto kong mandagok!” -Isang Panaramdam,
nilalarawan niya ang kanyang nararamdaman.

8. “Ni hindi mo naman masilip ang langit sa labas mahulaan mo sa ayos ng


mga bituin, kung anong oras na nga.” -Isang Eksaherasyon, labis ang
ginamit na mga salita.

9. “Tersiya parte lang ng bilding ang kinain ng apoy.” -Isang Pagtatao,


ginamitan ng katangian ng tao ang apoy.

10. “Sunud-sunuran sa gusto ko, pare. Maganda pa. nakita mo naman sa


bisitor rum kanina. Me mukha naman, di ba?” --Isang Tanong Retorikal,
kasi hindi na nangangailangan ng sagot.
D. Sariling Reaskyon
1. Pananalig Pampanitikan/Teorya/Dulog
Mga Dulog Pampanitikan:
• Moralistiko

Ipinakita sa akda ang pagsasawalang bahala ng mga taong nakapaligid sa kanya.


Hindi nila binigyang halaga ang pakiusap ng taong humihingi ng tulong. Ipinakita rin
dito ang hindi magagandang pag-uugali ng mga tauhan gaya ng pang-aapi sa mga
mahihirap.

• Sikolohikal

Ipinakikita sa akda na ang tao ay nagbabago o nagkakaroon ng panibagong ugali


dahil may nag- udyok na mabago o mabuo ito. Tulad ng nangyari sa pangunahing
tauhan dahilan sa pagwawalang bahala ng mga taong hinihingian niya ng tulong
nagkaroon ng pagbabago at hinanakit sa kanyang puso.

• Eksistensyalismo

Sapagkat nagkaroon siya ng sariling desisyon.*esisyong sunugin ang ospital


naminsan ay kanyang ipinagmalaki.Sa panahong iyon ay wala siyang ibang maisipna
paraan upang maisan ang sakit na kanyang nararamdaman.Ang sunugin atsirain ang
ospital ang tangin naisip niya upang mabawasan ang kanyangpagdaramdam,kaya?t
sinira niya ang mga gamit sa loob ng kwarto kung saan nagpapahinga ang mga nars at
doctor hindi sya nakuntento kayat sinunug niyaito na nagging dahilan ng kanyang
pagka kulong.

2. Mga Pansin at Puna


A. Mga tauhan
Luding- mabait at mapagmahal na babae. Asawa ni Luding- nakulong
dahilan sa galit niya sa mga taong hindi tumulog sa kanyang asawa Mga nars at
doctor Mr. at Mrs. Cajucom
B. Galaw ng pangyayari
a. Pangunahing Pangyayari
Sinimulan ang istorya sa pag-uusap ng dalawang preso. Ang isang preso
ay nagkukwento sa buhay niya bago siya makulong sa salang arson dahil sa
pagsunog niya sa ospital na siya mismo ang tumulong gumawa. Ang
tagapagsalaysay o preso ay mayroong asawa na si Luding. Ang preso ay
nagtratrabaho bilang tagahalo ng semento sa isang ginagawang ospital. Sila ay
nakatira sa isang lupain sa tabi ng magarang sabdibisyon. Ang bahay nila ay kubo
lamang na walang kuryente at ilaw. Sapat lamang ang iniipon ng preso para sa
kanilang pang-araw-araw.
b. Pasidhi
Isang araw ay nalaman niya na buntis ang kanyang asawa kaya't sila ay
nagplano at naghanda upang sa kanyang panganganak. Gumawa sila ng plano
kung sakalina nasa trabaho siya. Sinabi niya na doon na lamang sa ospital na
ginawa niya manganak ang kanyang asawa sapagkat ito ang pinakamalapit at
mayroon itong pri ward na kaunti lang ang babayaran.

c. Kasukdulan
Nang manganganak na nga si Luding ay wala ang kanyang asawa kaya't
ginawa niya ang kanilang plinano at naglakad papuntang sakayan. Ngunit hindi
niya kinayang maglakad dahil sa sakit ng kanyang tiyan kaya't kumatok siya sa
isang malaking bahay sa sabdibisyon at humingi ng tulong.

Si Mrs.Cajucom ang nagbukas ng pinto ngunit sinabing kumakain pa ang


kanyang asawa. Nang lumabas si Mr. Cajucom at nakita ang buntis ay naawa ito
at isinakay sa kanyang mustang at dinala sa ospital. Nang makita ng mga nars at
doktor si Luding ay inakala nila na siya ay asawa ni Mr. Cajucom kaya't siya ay
agad na inasikaso ngunit ng malaman nila na siya ay nakisakay lamang ay isa-
isang lumisan ang mga nars at doktor. Isa nars ang natira at sinabing maghintay si
Luding hanggang sa hindi na ito bumalik at doon na nanganak si Luding at sa
kasamaang palad ay nauntog ang bata at namatay.
Nang makita ito ng mga nars at doktor ay saka pa lamang nila tinulungan
si Luding. Dumating ang preso at nakita na lamang niya na patay na ang kanyang
anak.
Nalungkot ng lubusan ang mag-asawa at halos mabaliw.
d. Kakalasan
Inuwi na ng preso ang kanyang asawa ngunit bakas pa rin ang lungkot.
Bumalik ang preso sa ospital upang magbayad gamit ang mga perang kanyang
inutang nang maisipan niyang pumunta sa dati nilang pahingahan na ngayon ay
pahingahan na ng mga nars at doktor. Inihian niya ang lahat ng pwede niyang
ihian at sinira ang mga kagamitan sa loob ng silid. Nang wala na siyang masira ay
naisipan niyang sunugin ito. Kaya't ng magsimula na ang apoy ay siya ay lumabas
ngunit may nars na nakakita sa kanya at siya ay hinabol. Siya ay binugbog ng mga
nars at guwardiya at dinala sa prisinto.

e. Wakas
Sa huling bahagi ng kuwento ay sinabi niya sa kanyang kapwa preso na
siya ay matutulog na at sinabing, "Ni hindi mo masilip ang langit sa labas
mahulaan mo sa ayos ng mga bituin, kung anong oras na nga. Wala kang
masisilip dito kundi pader at rehas. Ewan ko naman kung me langit nga sa labas.
Hindi na ko bilib sa langit, pare. Matagal na 'kong kinalimutan ng Diyos".

3. Bisang Pampanitikan
1. Bisa sa isip
“Ang nawala na ay hindi na maibabalik”. Kahit alam na niya na hindi na
niya maibabalik ang namatay niyang anak, gumawa parin siya ng kasalanan
na sa huli pinagdusaan niya. Gayundin sa pagsusuri sa akdang ito. Hindi
talaga pantay ang antas ng pamumuhay sa ating lipunan ngunit kailangan
parin nating bigyang pansin at pahalagahan ang mga taong nangangailangan
ng higit na panguna at pagmamalasakit.

2. Bisa sa damdamin
Nakaramdam ako ng pagkalungkot sapagkat hindi man lang siya
tinulungan ng mga taong may kakayahang magpaanak sa kanyang asawa.
Nakakalungkot isipin na kung sino pa ang mga taong nasa mataas na antas
ay siya pang walang pagmamalasakit sa kapwa.
3. Bisa sa Kaasalan
“Hindi maitatama ang isang pagkakamali ng isa pang pagkakamali”. Sa
ginawa ng tauhan sa akda, alam niyang mali ang ginawa sa kanyang asawa
ngunit ginantihan niya pa ito ng mas mali na kaparaanan. Marapat na idinaan
niya ito sa isang legal na pamamaraan.

4. Bisa sa Lipunan
Sa kwento mo talaga malalaman ang realidad ng ating “Health System”
dito sa ating bayan. Kulang sa gamit, kulang sa tao at kulang sa talent at pag-
aalaga ng ibang kapwa. Makikita din dito ang katotohanan kung paano
tinatrato ang mga mahihirap.
Janmarc Jay U. Sevilla BSCS-2
Gng. Rosa Esperanza V. Tabora 3/25/20

Module 2: Aralin 1
I.
A. Walang Panginoon (Deogracias Rosario)
B. http://magbasanatayo.blogspot.com/2010/05/walang-panginoon-ni-deogracias-
rosario.html
II. Buod
Ito ay kwento ng isang lalaking nagngangalang Marcos na sukdulan ang galit sa
mayamang asenderong si Don Teong. Si Son Teong ang kontrabida sa buhay ng pamilya ni
Marcos. Siya ang dahilan kung bakit namatay sa sama ng loob ang ama, dalawang kapatid, at
kasintahan ni Marcos. Ang kasintahan ni Marcos ay si Anita, anak ni Don Teong. Ilang beses
nang tinitimpi ni Marcos ang kaniyang galit kay Don Teong. Kung hindi lang dahil sa ina niya ay
matagal na sanang wala sa mundo si Don Teong. Para kay Marcos ang pang-aapi ni Don Teong
ay hindi lamang simpleng pang-aalipin sa pamilya nila kundi pagyurak na rin sa kanilang dangal
at pagkatao.
Sina Marcos ay pinagbabayad ng buwis para sa lupang kanilang sinasaka kahit na ito’y
kanilang minana sa kanilang mga ninuno. Dahil sa walang kakayahang ipagtanggal ang kanilang
karapatan, napilitan silang magbayad sa kanilang sariling pag-aari iyang ang dahilan ng
pagkamatay ng kaniyang ama at dalawang kapatid. Namatay silang punung-puno ng sama ng
loob kay Don Teong na matagal nilang pinagsisilbihan. Lalong sumidhi ang galit ni Marcos kay
Don Teong nang malaman niyang ang dahilan ng pagkamamatay ng kaniyang kasintahan na si
Anita ay si Don Teong. Sinaktan ni Don Teong si Anita na siyang kinamatay nito. Sa dami nang
mga nawalang mahal sa buhay ni Marcos, hindi katakatakang takot siyang marinig ang animas,
ang malungkot na tunog ng kampana. Hindi pa naman humuhupa ang galit niya, siya naming
pagdating ng isang kautusan ng pamahalaan na sila ay pinapaalis na sa kanilang tahanan, ngayon
pang malago na ang kanyang palayan dahil sa dugo at pawis sa maghapong pagbubukid.
Binigyan sila ni Don Teong ng isang buwang palugit upang lisanin ang lupang kanilang
tinitirhan. Alam niyang ang mga nangyayaring iyon sa buhay nila ay kagagawan ng
mapangsamantalang si Don Teong.
Dahil sa galit na nararamdaman ni Marcos kay Don Teong, nag-isip siya ng paraan
kung paano siya makakapaghiganti dito. Nagbihis si Marcos nang tulad ng kay Don Teong.
Pinag-aralang mabuti ni Marcos ang bawat kilos ni Don Teong at inabangan niyang mamasyal sa
bukid si Don Teong ng hapong iyon. Pinakawalan niya ang kaniyang kalabaw at hinayaang
suwagin ang kaawa-awang si Don Teong. Kinabukasan, huling araw na pananatili ng mag-ina sa
bukid, habang nagiimpake na sila ng kanilang mga gamit, mabilis na kumalat ang balitang patay
na si Don Teong. Mahinahong pinakinggan ni Marcos ang malungkot na tunog ng kampana,
hindi tulad niyang ang kaluluwa ng namatay na si Don Teong ay mas inisip pa niya ang kanyang
matapang na kalabaw
III. Pagsusuri

A. Uring Pampanitikan
Ang maikling kwento ay isang anyo ng panitikan na nagsasalaysay nang tuloy-
tuloy ng isang pangyayaring hango sa tunay na buhay. Ito'y may isa o ilang tauhan
lamang, sumasaklaw ng maikling panahon, may isang kasukdulan at nag-iiwan ng
kakintalan o impresyon sa isip ng mambabasa. Ang kasukdulan ang bahagi ng kwento na
nagbibigay ng pinakamasidhi o pinakamataas na kapananabikan o interes sa mambabasa.
Ang kakintalan o impresyon naman ang kaisipang naiiwan sa isipan ng mga mambabasa.
Ito ay matatapos sa isang upuan lamang, maari itong magpakita ng iba't ibang damdamin
at bumabase sa buhay ng isang tao, mayroon namang kathang isip lamang.Ang maikling
kwento ay isang akdang pampanitikan na ang mga pangyayari ay umiinog sa buhay na
mga pangunahing tauhan.

B. Estilo ng Paglalahad
Ang istilo ng paglalahad ng akda ay binase sa isang sitwasyon, pangyayari o
karanasan sa buhay. Ito ay angkop sa antas ng pag-unawa ng mga mambabasa.

C. Mga Tayutay
1. “Ayaw niyang marinig ang animas.” – Isang Pagpapalit- tawag na kung saan
ang animas ay isang pagtunog ng kampana sa simbahan.
2. “Bang! Teng! Bang! Teng! Babae ang nalagutan ng hininga. Mliit naman ang
kanilang bayan upang malihaim pa kung sino ang binawian ng buhay.” – Isang
Paghihimig, pinapahiwatig ang tunog na Bang! Teng! Bang! Teng! sa isang
kampana.
3. “Samantalang pinararangalan siya ng kaniyang ina, ang mga mata niyang
galing sa pagkapikit kaya’t nanlalabo pa’t walang ilaw ay dahan-dahan siniputan
ng ningas, saka manlilisik at mag-aapoy.” - Isang Pagpapalit- tawag na kung saan
ang “ningas” ay sumisimbolo sa alab.
4. “Anak ko!” ang palahaw na panngis ng matandang babae sabay kapit sa leeg ng
anak. “Bakit ka mag-iisip ng gayon, sa tayo na lamang dalawa ang nabubuhay sa
daigdig?” – Isang Eksaherasyon na kung saan labi ang mga ginamit na salita.
5. “At naibig naman siya ng anak ni Don Teong. Bakit hindi siya maiibig?” –
Isang Tanong Retorikal na kung saan di na kinakailangan ng sagot.
6. “Kailangang maputol ang kalupitang ito!” ang tila pagsumpa sa harap ng
katalagahan na ginawa ni Marcos. – Isang uri ng Panaramdam na kung saan
inilarawan niya ang kanyang nararamdaman na galit.
7. “Kung takipsilim ay isinusuot na lahat ni Marcos ang pulinas, gora, switer at
sak adala ang latigong katulad ng pamalo ni Don Teong.” – Isang Pagtutulad na
ginamitang ng “katulad ng”.
8. “Kumilos agad angkapangyarihan upang gumawa ng kailangang pagsisiyasat
subalit ang lahat ng matuwid ay nawalan ng halag sa hindi kumikilos na ayos ng
kalabaw na animo’y wala sa loob ang ginawa niyang napakalaking pagkakasala.”
.” – Isang Pagtutulad na ginamitang ng “animo”.

D. Sariling Reaskyon
1. Pananalig Pampanitikan/Teorya/Dulog
Mga Dulog Pampanitikan

• Realismo
Ang kuwentong ito ay di nalalayo sa kinalalagyan ng ating bansa sa
panahon ngayon. Bagama’t nagsisitaasan na ang bantayog nitong mga may kaya,
hindi pa rin sila kuntento. Kinakapkapan pa rin ang butas na bulsa ng mga
mahihirap at pinangangahasan ang mga maralita hanggang sila’y mailubog.

• Klasisismo
Pinapakita sa kwento na mas binibigyang diin ang kaisipan kaysa sa
damdamin. Isa ditto ang pagiging gahaman si Don Teong, pinapa-iral nito ang
pagiging aristokratiko, kaya nagging ganon ang buhay ni Marcos.

• Naturalismo
Dito binibigyang diin ang katangiang likas ng tao na higit pa sa kanyang
katangiang moral nang sumiklab ang matindin galit ni Marcos para kay Don
Teong. Dahil sa matinding galit ni Marcos ay nauwi ito sa hindi magandang pag-
iisip ngunit sa huli’y ay hindi siya ang nakapaslang ditto kundi ang kalabaw nito
na sumungag kay Don Teong. Sa tagpong ito ng kwento ay nagibabaw ang likas
na katangian ng tao.
2. Mga Pansin at Puna
a. Mga tauhan
Marcos -Siya ang pangunahing tauhan sa kwento na punung-puno ng galit
sa asenderong si Don Teong. Si Marcos ang sumisimbolo sa mga mabababang uri
ngtao sa ating lipunan. Sila ang mga taong palagi na lang inaapi ng mga mataas na
uri ngtao sa lipunan. Sila ang nasa baba ng tatsulok ng lipunan kung saan ang mga
matatasay ang palaging nasa tuktok ng tatsulok. Bumagay sa karakter ni Marcos
ang awitin ngBamboo ang ‘Tatsulok’ kung saan sabi sa isa sa mga linya nito:
‘habang may tatsulok atsila ang nasa tuktok, hindi matatapos ang gulo..’ Si
Marcos ang natapos sa gulo nanamamagitan sa mga taong nasa taas at baba ng
tatsulok. Para sa kaniya, walangpanginoon, ibig sabihin, walang nararapat mag-
astang hari o panginoon sa atin dahilang bawat tao ay nararapat na maging
pantay-pantay.

Don Teong - Siya ang mayamang asendero na sinisisi ni Marcos sa


pagkamatay ng kaniyang ama, dalawang kapatid at ni Anita. Si don Teong naman
ang sumisimbolo sa mga taong matataas ang antas sa lipunan at sila ang mga
taong nasa tuktok ng sinasabingtatsulok ng lipunan. Madalas sila ang mga taong
nang-aapi sa mga nasa ibaba o mgamahihirap. Sila ay mga magagaling
manamantala sa kahinaan ng mga mahihirap sapaligid nila.

Ina ni Marcos - Siya ang palaging nagpapakalma sa galit na


nararamdaman ng kaniyang anak para kay Don Teong. Tahimik lang ang ina ni
Marcos. Siya ang taong sumisimbolo sa mga taong nasa ibaba ng tatsulok
ngunitwlang ginagawang hakbang para maputol ang kaniyang paghihirap. Ang
lahat ng bagaysa kaniya ay kaniyang tinatanggap dahil alam niyang wala siyang
magagawa kundi angtanggapin ang mga ito.

b. Galaw ng Pangyayari
a. Pangunahing Pangyayari
Si Marcos ay isang manggagawang hubog ng tiis. Ang kaniyang
pamilya na dating nagmamay-ari ng lupang sinasakahan ay sapilitang
kinuha sa kanila ng mayamang asenderong si Don Teong kaya labis-labis
ang poot ang kaniyang nararamdaman.
b. Pasidhi
Dahil sa pagkamatay ng kanyang ama, ng kapatid at ang kanyang iniibig
na si Anita, ang magandang anak ni Don Teong. Tuluyan ng nagdilim ang isip ni
Marcos, dagdagan pa ng tuluyan ng samsamin ni Don Teong ang lupang
kinagisnan.
c. Kasukdulan
Ang pinakamamahal na kalabaw ni Marcos ay napasakamay na rin ni Don
Teong. Subalit tuwing takip silim, isinusuot ni Marcos ang pulinas, gora at
suwiter dala ang latigo katulad ng mga suot ni Don Teong, at kaniyang
pupuntahan ang kalabaw at saka papaluin hanggang sa mag-apoy ang mga mata
ng alagang hayop.
d. Kakalasan
Isang araw, nakarating ang balita kay Marcos na si Don Teong ay
natagpuang patay. Nalaman nila na ang kalabaw ni Marcos ang walang awang
umatake sa matangdang asendero at lasug-lasog ang katawan nito ng kanilang
makita.
e. Wakas
Tumugtog ang anima, ngunit hindi na gaya ng dati na ayaw marinig ni
Marcos ito sa kadahilanang lungkot at poot na nadarama. Tuwing naririnig ang
anima, sa halip na idalangin ang mga kaluluwa ng mga namatay, ang naisip niya
ay ang matapang niyang kalabaw. “Mapalad na hayop na walang panginoon.”
Ang kaniyang naibulong.

3. Bisang Pampanitikan
a. Bisa sa isip
Hindi ko lubos maisip kung paano yoon nangyari kay Don Teong dahil hindi
naman ganoon kaliko ang sungay ng kalabaw para ito ay makapanuwag ng tao.
Napakalakas naman ata ng kalabaw na iyon upang masuwag niya ang isang tao at
nakayanan pa nitong sambutin ito gamit ang isa pang sungay.
b. Bisa sa damdamin
Ang bawat isa talaga sa atin ay mga nararamdamang poot at galit sa ating mga
puso na kinakailangang ilabas upang ang gumaan ang ating nararamdaman.
Naramdaman ko kung ano ang nararamdaman ng isang taong nagpipigil ng kaniyang
galit sa isang tao.
c. Bisa sa kaasalan
Dapat tayong matutong magpatawad kung ang Diyos nga nagpapatawad, tayo
pa kayang mga tao. Ating iisipin ang magiging kalabasan ng ating mga desisyon at
mga gagawin sa buhay.
d. Bisa sa lipunan
Ang kwentong ito ay di nalalayo sa kinalalagyan ng ating bansa sa panahon
ngayon. Kahit na ano man ang estado mo sa lipunan ay dapat tratuhin padin ito ng
pantay.

You might also like