You are on page 1of 3

MERRY FE A.

PONTINO
BSED-FIL 2C

Di Mo Masilip ang Langit

PAMAGAT:
Pinamagatan itong "Di Mo Masilip ang Langit" dahil ang kwentong ito ay tungkol sa
mag-asawang namumuhay sa lipunang mababa ang pagtingin sa kanilang estado. Hindi sila
nabigyan ng mainit na pagmamalasakit at agarang asikaso kahit sila'y nahihirapan na. Sa
madaling salita, hindi man lang nalasap ng mag-asawa ang langit o kaginhawaan dahil sa
pagtrato ng mga nakapaligid sa kanila.

MAY-AKDA:
Si Benjamin P. Pascual ay isang kilalang Pilipinong manunulat ng maikling kuwento,
nobela, at dula. Isinilang siya noong 1917 sa Lipa, Batangas, at pumanaw noong 1998. Kilala
siya sa kanyang mga likha na naglalarawan ng buhay at mga suliranin ng mga karaniwang
Pilipino.

Ang kwento na "Di Mo Masilip ang Langit" ay isa sa mga akda niya na sumasalamin sa
mga hamon at kahirapan sa buhay ng mga ordinaryong tao. Sa kwento, ipinapakita niya ang
pagkakaroon ng mabigat na pasanin at ang pagkawala ng pag-asa ng isang tao dahil sa mga
pangyayari sa kanyang buhay. Ang kwento ay nagpapakita rin ng mga isyu tulad ng kahirapan,
kawalang-katarungan, at ang pagkawala ng tiwala sa sistema ng hustisya.

Sa pamamagitan ng kanyang mga akda, tulad ng "Di Mo Masilip ang Langit," ipinapakita
ni Benjamin P. Pascual ang mga realidad ng buhay ng mga Pilipino at ang mga suliranin na
kanilang kinakaharap sa lipunan.

PANIMULA
A. Pagpapakilala sa mga Tauhan:
Pangunahing tauhan na asawa ni Luding n siyang nagsasalaysay ng kwento sa kanyang
kasama na tinatawag niyang "pare". Isang responsable at mapagmahal na asawa. Ipinahayag niya
sa kwento na siya ay may dignidad ngunit ito'y nabago ng napalitan ito ng galit at sinunog niya
ang opsital dahil sa hindi agarang natulungan ang kanyang asawa. Nakulong siya sa kasong
arson.
Nars at Doktor Mga empleyado ng ospital na nagpalitaw sa nais ipahiwatig ng kwento.
Sila ang mga taong hindi tumupad sa sinumpaan at tungkulin ng kanilang propesyon Ipinakita
nila kung sino lamang ang may salapi ang siyang makakalasap ng daliang serbisyo at
prebelihiyo. Sila ay mga mukhang-pera.
Luding na magandang may-bahay ng pangunahing tauhan. Batay sa kwento, si Luding ay
nagdadalantao sa sanggol na babae. Isang maalaga at maunawaing asawa si Luding.
Ina ni Luding kung saan ay kasama ni Luding sa kanilang tahanan. May kabingihaan dala
na rin ng katandaan.
Si Gng. Cajucom ang walang pake sa nangangailangan ng tulong at ang kanyang
asawang si G. Cajucom, ang may-ari ng malaking bahay na nilapitan ni Luding nang siya ay
manganganak na. Siya ay isang taga-BIR na nagmalasakit na tinulungan ang buntis at hindi nag-
atubaling tumulong.
Ang ‘Pare’ na kasamahan ng pangunahing tauhan sa presohan. Hindi naibanggit ang
pangalan nito sa kwento.

B. Pagpapahiwatig ng suliraning kakaharapin ng mga tauhan:


Ang unang tauhan ay nahaharap sa mga legal na suliranin dahil sa kanyang krimen, tulad
ng arson. Kailangan niyang harapin ang kanyang kasong legal at posibleng parusa.
Pangalawa, ang mga tauhan ay mayroong pinansyal na suliranin, partikular na ang
kakulangan sa pera para sa panganganak ng asawa at pag-aayos ng legal na dokumentasyon sa
ospital.
Ikatlo, ang pagkamatay ng bata ay nagdulot ng matinding emosyonal na suliranin sa mga
tauhan, lalo na sa asawa ng unang tauhan. Ang pagkawala ng kanilang anak ay nagdulot ng
pagdadalamhati at galit sa sistema.
Ika-apat, ang pagtanggap ng lipunan sa kanilang mga karanasan, lalo na ang kakulangan
ng suporta mula sa kanilang komunidad, ay nagdudulot ng sosyal na suliranin sa mga tauhan.
Ika-lima, ang mga tauhan ay nahaharap sa mga moral na suliranin, tulad ng pagtanggap
sa pagkamatay ng bata at ang galit na nararamdaman sa mga nangyari.
Sa kabuuan, ang mga tauhan sa kwento ay hinaharap ang mga malalim na suliranin sa
aspeto ng legalidad, pinansyal, emosyonal, sosyal, at moralidad.

C. Pagkikintal sa isipan ng mga mambabasa ng damdaming pagigitawin:


Ang dadamdaming umiiral sa kabuuan ng kwento kung ito ay iyong babasahin ay
kalungkutan dahil sa mga naging karanasan ng mag-asawa, at pagkaawa sa mga ito dahil sa hindi
naging wastong pagtatrato ng mga mayayamang tao sa mga ito.

D.Paglalarawan ng tauhan:
Unang Tauhan (Dating Preso), isang mahirap na lalaki na nagkasala ng arson at
nagsimula sa pagsunog ng isang ospital. Sa kuwento, ipinakita ang kanyang pangungulila sa
asawang buntis at sa kanilang naunang pagkakasala. Nagpakita rin siya ng galit at pagkabigo sa
sistema sa pamamagitan ng kanyang aksyon sa ospital.
Si Luding na Isang babae na mayroong plano na ipanganak ang kanyang anak sa ospital
ngunit nagkaroon ng trahedya na nauwi sa pagkamatay ng sanggol. Pinakita ang kanyang sakit at
pagdadalamhati sa pagkawala ng kanilang anak.
Mga Nars at Doctor na nagpakita ng pagmamalasakit sa asawang buntis sa unang bahagi
ng kuwento ngunit nagbunga rin ng pagkabigo nang mamatay ang sanggol. Sila rin ay
nasaksihan ang pag-aalboroto ng unang tauhan sa ospital.
Mga Guwardiya na nagpatupad ng batas sa bilangguan at tumulong sa pagkontrol ng
sitwasyon nang magkaroon ng gulo sa ospital.
Ang bawat tauhan ay nagdala ng kani-kanilang damdamin at reaksyon sa mga pangyayari
sa kwento, na nagbibigay-buhay sa mga karakter at nagpapakita ng iba't ibang aspeto ng tao at
lipunan.

TUNGGALIAN:
Ang tunggalian na inihatid ng kwentong ito ay tao laban sa lipunan. Ang pag-uuri- uri ng
mga tao sa lipunan, kung saan sila ay nabibilang sa mababang uri. Kaya't hindi sila
pinahahalagahan ng mga taong nakakaangat sa pamumuhay. Pagkakaroon ng diskriminasyon sa
pagbibigay ng kaukulang serbisyo na ibinabatay ng mga tao sa antas ng pamumuhay.
"Siguro'y gusto ko ipakilala sa ospital na kahit na 'ko mahirap, kahit hirap na hirap sa
buhay e me konti ako, ng tinatawag na dignidad at nakakakilala ako ng masama't mabuti at
marunong akong magbayad ng utang ko kahit sa kanila na pumatay ng sanggol ko. Ewan ko,
anu't anuman, pare, nagpunta 'ko sa ospital. Binayaran ko ang wiang ko. Ipinakilala kong
marunong akong magbayad ng utang at masiyahan ako ng konti at sinira ko ang promisori not sa
harap ng kahero, nang ibigay niya 'yon sa 'kin nang magbabayad ko." (Sipi mula sa kuwento)

KASUKDUKAN:
Inuwi ng pangunahing tauhan ang kanyang asawa na mababakas pa rin sa mukha nito ang
lungkot. Matapos inilibing ang kanyang anghel ay bumalik ito sa ospital upang magbayad gamit
ang perang kanyang inutang. Biglang lumihis ang hangin nang maisipan nitong ihian ang
pahingahan ng mga nars at doktor. Sinira niya rin ang mga kagamitan sa loob, parang nasisiraan
ng bait ang pangunahing tauhan. Nang wala na itong masira, walang kagatul-gatol niyang
sinunog ito.

WAKAS:
Tinapos nang may akda ang kwento sa kanilang pagtulog kung saan hinuhulaan nila ang
oras sapagkat sa loob ng rehas at pader na nakapaligid ay walang relo, tanging pakiramdam
lamang ang ginagamit dahil ni hindi rin nila masisilip ang langit. Ang maikling kwento ay
nagtatapos sa kawalan ng pag-asa sa pamamagitan ng mga katagang, "Ewan ko kung may langit
sa labas. Hindi na 'ko bilib sa langit, pare. Matagal na 'kong kinalimutan ng Diyos."

You might also like