You are on page 1of 12

SOSYOLOHIKAL/

HISTORIKAL
NA PAGDULOG
● Produkto ng kamalayang panlipunan ng may-akda
● Ang ugnayan ng lipunan at tauhan ang fokus dito.

● Alamin at unawain ang panahon kung kailan inakda ang isang akda.
● May mga pangyayaring hindi sakop ng karanasan ng mambabasa dahil
iba ang kanyang panahon sa panahong inakda ang partikular na akda.
● Bunga ng pagbabagong panlipunan at kultural.
Kontekst

Awtor Akda

Mambabasa
DiYanni (1998:1900)
1. Kailan isinulat ang akda? Kailan ito na publisa?
2. Anong mga panlipunang kaganapan at mga gawaing kultural ang umiiral sa panahon ng pagkakasulat at
pagkakapublisa ng akda?
3. Anong mga pwersang panlipunan ang namamayani, inilalarawan, at ipinakikita sa akda sa panahon ng
pagkakasulat nito?
4. Gaano Ang lawak ng pagkakaintindi natin sa nakalipas Batay sa ipinakita sa akda? Gaano ipinakita ng
akda ang pagkakaiba ng mga ideya at mga pagpapahalaga sa panahon nito?
BALANGKAS NG
MAIKLING
KWENTO
I. Uri ng kwento
- Kwento ng pakikipagsapalaran
- kwento ng sikolohiko
II. Pamagat
Di mo masilip ang langit (1981)
Ni Ramaden (Benjamin Pascual)
(Isinulat sa panahon ng batas Militar)
III. Nilalaman
A. Tauhan
Luding- mabait at maganda na asawa ng tagapagsalita, nakunan ng anak
Mr Cajucom- isang taga BIR na siyang naghatid kay Luding sa ospital
Benjamin (Tagapagsalita)- asawa ni Luding. Nagtratrabaho bilang Kantero(tagahalo ng semento) at
siya ang nag sunog sa ospital kaya nakulong at nakasuhan ng Arson.
B. Tagpuan
-ospital -preso
- subdibisyon
C. Galaw ng pangyayari o banghay
A. Pangunahing pangyayari
Ang kwentong ito ay tumutukoy sa malupit na hagupit ng kahirapan sa kasalukuyan. Ang
kahirapang nagiging ugat ng diskriminasyon sa mga mahihirap. Mabisa nitong tinatalakay kung ano
ang buhay na kinalalagyan ng mga taong pinagkaitan ng Karapatan at pantay na pagtingin mula sa
lipunan.
B. Pasidhi o pataas na pangyayari
Nang matapos ang bilding ay siya namang pagbuntis ni Luding. Naging masaya ang mag asawa. Ang
gusto ni Benjamin ay manganak ang kanyang asawa sa ospital na kanyang ginawa . Sobrang pagtitipid
ang ginawa ni Benjamin para maka ipon sa pangangailangan ng kanyang asawa at anak. Pinagusapan na
din nila kung ano ang ipapangalan nila sa kanilang anak. Sobrang sabik na sabik na sila lumabas ang
kanang anak.
C. Karurukan o kasukdulan
Nagsimula ang problema nang nakaramdam si Luding ng pananakit ng kanyang tiyan na siyang
hudyat ng kanyang pangaganak. Wala ang kanyang asawa sa bahay dahil ito ay nagtratabaho at ang kasama
niya lang ay ang kanyang ina na matanda na. Kaya siya nalang ay lumakad palabas ng subdibisyon upang
maghanap ng taxi o jeep papuntang ospital. Ngunit sa kalagitnaan ng kanyang paglalakad ay hindi na niya
natiis ang sakit kaya siya ang lumapit sa isang bahay na pag aari ni Mr. Cajucom. Kumatok sya at pinagbuksan
ng asawa ni Mr. Cajucom ngunit hindi niya ito tinulungan. Mabuti nalang at lumabas si Mr. Cajucom at
tinulungan si Luding at inihatid sa ospital.
D. Kakalasan o Pababang aksyon
Pagdating sa ospital, nagmadaling tumakbo ang mga nurs at doktor. Akala nila asawa ni Mr. Cajucom
ngunit nang ito ay nagpasalamat ay isa isa silang umalis at hindi tinulungan si Luding. Sabi ng isang nurs na
maghintay muna si Luding dahil titignan niya muna kung may bakante pa. Umabot ng ilang minuto at hindi pa
dumating ang nurs hanggang sa hindi na nakayanan ni Luding at don na sa loby nanganak. Namatay ang
kanilang anak dahil sa nabagok ang ulo nito sa sahig. Sobrang iyak ni Luding at ganon din si Benjamin.
Paglabas nila ng ospital ay pinabayad muna sila ngunit hindi sapat ang kanilang bayad kaya nagbigay muna si
Benjamin ng promissory note.
E. Wakas
Labis ang galit ni Benjamin sa mga nurs at doktor sa ospital kaya nilunod niya ang kanyang sarili sa
paginom ng alak. Pagkatapos ng libing ng kanilang anak ay bumalik si Benjamin sa ospital upang bayaran ang
kanyang kulang na babayarin. Pagkatapos ay naglakad lakad muna siya sa ospital gaya ng kanyang naka
gawian. Napadpad siya sa isang kwarto/silid kung saan nagpapahininga ang mga doktor at nurs. Sa galit ay
inihiian niya ang mga gamit, sinira, at sinunog. Paglabas niya sa silid ay may nakakita sa kanya kaya siya ay
nagtangkang tumakas ngunit siya parin ay nahuli at dinala sa prisinto.
IV. Taglay na Bisa
A. Bisang pangkaasalan
Ang paghihiganti ay hindi maganda gawin para sa mga taong kinsasamaan mo ng loob. Ang
paghihiganti ay may kapalit na kaparusahan.
B. Bisang pandamdamin
Nakaramdam ako ng pagkalungkot sapagkat hindi man lang siya tinulungan ng mga taong may
kakayahang magpaanak sa kanyang asawa. Nakakalungkot isipin na kung sino pa ang mga taong nasa
mataas na antas ay siya pang walang pagmamalasakit sa kapwa.
C. Bisang pangkaisipan
Ang nawala na ay hindi na maibabalik.
V. Kamalayang panlipunan
Mapapansin sa kwento ang kawalan ng kakayahang mabuhay ng mga mahihirap nang kahit na sapat
man lamang sa kanilang pangunahing pangangailangan.
VI. Teorya
Teoryang Historikal
Ang pagkukwento ng tagapagsalita tungkol sa kanyang karanasan bago siya nakulong at ang
kanyang mga realisation at pagbabago sa loob ng kulungan ay nagpapakita ng teoryang historikal.
● BAKIT NAGING HALIMBAWA NG
TEORYANG SOSYOLOHIKAL ANG “DI
MO MASILIP ANG LANGIT?”

You might also like