You are on page 1of 11

‘DI MO MASILIP

ANG LANGIT
NI BENJAMIN P. PASCUAL
BENJAMIN P. PASCUAL
• S’ya ay ipinanganak noong ika-16 Enero 1928 sa Lungsod ng loag,
Ilocos Norte.

• Isang kuwentista, nobelista at mandudula.

• Tagapayong legal ng GUMIL (Gunglo Dagiti Manunurat Nga Ilokano)


Metro Manila

• Unang Gantimpala sa Patimpalak ng Palanca, 1981


MGA TAUHAN
 Luding- Ang mabait at mapagmahal na asawa.
 Asawa ni Luding- Ang nakulong sa kasong Arson
 Mga nars at doctor
 Mr. Cajucom- Taga-BIR na tumulong kay Luding sa paghahatid sa ospital
 Mrs. Cajucom- Asawa ni Mr.Cajucom
TAGPUAN
 Barung-barong - Ito ang tirahan ng pangunahing tauhan.
 Ospital - Dito namatay ang anak nina Luding, kung saan naging parte ang
kanyang asawa ng pagtatayo nito bilang tagahalo ng semento.
 Bilangguan - Dito nakakulong ang asawa ni Luding na sumunog sa ospital.
TEORYANG REALISMO
 Ang katotohanan ang binigbigyan diin at may layunin na ilahad ang tunay na buhay na pinapaksa ang
kalagayan na nangyayari sa Lipunan tulad ng kurapsyon, katiwalian, kahirapan at diskriminasyon. Madalas din
itong nakapokus sa lipunan at gobyerno.

Eto na pare. Nang dumating na sila sa ospital, sabi ng waswas ko – sa ospital na ginawa namin, pare –
salubungan daw sa kanila ang mga nars at attendant. Akala siguro, pare, misis ni Mr. Cajucom ang waswas ko.
Bumaba raw ng kotse ang waswas ko, sapo ang parang babagsak niyang tiyan, at sabi raw ke Mr. Cajucom:
“Salamat ho, Mr. Cajucom”, at no’n siguro nalaman ng mga sumalubong na ang waswas ko’y nakiangkas lang
sa kotse, “Sa pri ward lang ako”.

- Ipinakita rito na sa ating lipunanang ginagalawan, hindi maiaalis na pera ang s’yang sukatan ng pagkatao. Para
sa mga mayayaman, hindi madaling tapak-tapakan mo sila o balewalain lang. Subalit sa mga mahihirap naman,
Madali lang itong gawin sapagkat ano nga ba ang magagawa nila?
TORYANG ARKITAYPAL
Gumagamit ng modelo o huwaran upang masuri ang elemento ng akda. Ito ay nangangailangan ng
masusing pag-aaral sa kabuuan ng akda sapagkat ang binibigyang-diin dito ay mga simbolismong
ginamit upang maipabatid ang pinaka-mensahe ng akda.
 Kalabaw- simbolismong Pilipino, katangian na ipinapakita ng pangunahing tauhan sa pagiging
masipag at matiyaga sa trabaho upang masustentuhan ang pangangailangan ng kanyang pamilya.
 Buwaya- ito ay ang mga taong gahaman sa pera at hindi tutulong hangga't walang kapalit.
PAGSUSURI
 Uring Pampanitikan

Ang uri ng panitikan na ito ay isang maikling kwento kung saan naglahad at nagsalaysay ang
may akda ng mga pangyayari sa kwento.

 Istilo ng Paglalahad

Ang istilo ng paglalahad ng may-akda ay panunumbalik ng isip kung saan inilahad ng may-
akda ang mga pangyayari sa kasalukuyan hanggang sa paglalahad nito ng mga pangayayari sa
nagdaan niyang karanasan. Ikinuwento ang dahilan kung bakit nakulong ang pangunahing
tauhan rito.
MGA DULONG
PAMPANITIKAN
Moralistiko
Ipinakita sa akda ang pagsasawalang bahala ng mga taong nakapaligid sa kanya. Hindi nila binigyang
halaga ang pakiusap ng taong humihingi ng tulong. Ipinakita rin dito ang hindi magagandang pag-uugali ng
mga tauhan gaya ng pang-aapi sa mga mahihirap.

Sosyolohikal
Ipinakita ang pakikisalamuha ng mahirap sa mayayaman kung saan madalas na makikitang inaapi ng
mayayaman ang mahihirap tulad ng ipinakita sa kwento.

Sikolohikal
Ipinakikita sa akda na ang tao ay nagbabago o nagkakaroon ng panibagong ugali dahil may nag- udyok
na mabago o mabuo ito. Tulad ng nangyari sa pangunahing tauhan dahilan sa pagwawalang bahala ng mga
taong hinihingian niya ng tulong nagkaroon ng pagbabago at hinanakit sa kanyang puso.
KAISIPAN
Ang korupsiyon at perwisyo ay
mula sa mga taong nakatataas.
Hindi maitatama ang isang
pagkakamali ng isa pang
pagkakamali.
LAYUNIN NG MAY AKDA
Ginawa ang akdang 'Di Mo Masilip
Ang Langit' upang itama o ipakita ang
pagtrato ng mga taong nakatataas sa
mga taong nakabababa.
MARAMING
SALAMAT SA
PAKIKINIG!
PANGKAT 2: BSA 1B

You might also like