You are on page 1of 11

Di Ko Masilip Ang Langit by

Benjamin P. Pascual

Marxismo
Pang-apat na grupo
Pagbabalik sa kahulugan ng Marxismo
• Ang Marxismo ay isang ideya na
ginawa nila Karl Marx at
Friedrich Engels na sinusuri ang
lipunan at ang kaniyang mga
antas na 'di pantay. Ang layunin
niya'y baguhin ang lipunan na
inaapi ang mga manggagawa at
magsasaka.
Si Benjamin Pascual (Ang May-akda)
• Isinilang sa Laoag, Ilocos Norte. Isang nobelista at manggagawa ng maiikling
kwento. Ikinilala siyang mahusay na manunulat, sapagkat walang masyadong
konteksto na naibigay tungkol sakanya upang maiugnay sa teoryang marxismo.

• Pero batay sa mga nukuha natin sa istorya. Posibleng isa sa mga karamihan na
nabiktika nang lipunan ang may-akda kaya naisulat niya ang istorya na tugma
sa pananaw ng isang inusig.

• Isa din ebidensiya kung bakit posibleng nabiktima ang may-akda sa sistemang
kapitalismo ay ang mga sulat niyang akda na nakapokus sa opresyon ng
lipunan. Maliban sa Di Ko Masilip Ang Langit, isa pang istorya ay Ang Kulapi at
ang Landas sa Bahaghari.
Introduksyon
• Ang kwento ay galing sa pananaw ng isang
trabahador sa konstruksyon na isang taon na
nagtatayo ng ospital. Ang trabaho’y napakahirap,
ngunit ang sweldo’y labing walong piso (₱18)
lamang.
Parang hindi naman patas ‘yon diba?

Pero ikalungkot man natin, ang ganitong kabuhayan


ay karaniwan parin sa kasalukuyan. Ang mayayaman
at unti-unting yayaman, habang ang mahihirap at
mananatiling mahihirap o hihirap lang lalo.
• Ang tagapagsalaysay at ang kanyang asawa na si Luding, ay nakatira
sa isang barungbarong sa bakanteng lote ng isang bagong tayo na
subdibisyon.
Minamaliit o linalait siya, sapagkat gusto ng mga taong naninirahan
sa subdibisyon na umalis silang mahihirap. Dito lumalabas ang
mentalidad na dulot nang antas sa lipunan.

Matataas ang tingin ng mayayaman sa sarili at minamaliit


ang nakakababa.
Isang Manggagawa
Lamang
• Pumunta siya ng ospital upang mag-usyoso dahil buntis
ang kanyang waswas. Subalit masasama ang tingin
sakanya ng mga doktor sapagkat “mahirap” lamang siya,
kahit na isa siya sa mga rason kung bakit nakatayo ngayon
ung ospital na pinagta-trabahuhan nila.
Ano ba ang kahalagahan ng mga
manggagawa?
• Sila ang tagatayo ng mga gusali na tinitirahan at
tinatrabaho natin.
• pangunahing pinagkukunan ng trabaho

Pero bakit sila ang pinakamababa sa ating lipunan?


Sa Panganganak ni Luding
• Noong oras na ni Luding manganak, sila’y pilit na naghanap ng taksi.
Subalit hindi na ikinaya at humingi ng tulong sa kapitbahay nilang
mayaman. Sagot ng kapitbahay nila’y

At dito lalo naipakita na talagang may “kumakain pa ang


agwat sa lipunan. asawa ko.”

Mas pinahalagahan pa ang pagkain kaysa sa


panganganak? Hindi binigyan pansin ang magasawa sapagkat
mababa nga ang tingin ng mayayaman sa mahihirap. Pero sa wakas,
naidala din ang magasawa sa ospital.
Ang eksena sa ospital
• Pagkarating sa ospital, maraming tumulong kay
Luding sapagkat siya’y napagkamalan na isang
asawa ng mayaman, pero sa huli’y natuklasan na
hindi pala, kaya’t unti-unting pinabayaan na siya.

Ibig sabihin ng walang pera noon, ay wala naring


importansya.

• Bente minutos siya naghintay sa punto na hindi na


kinaya ni Luding, at nalaman nalang na may
bakante pala sa pri-ward, sadyang walang
nagbalak sabihin sakanya kasi di siya importante.
Katapusan
• Pagkatapos ng kawalan ng katarungan na naranasan ng mag-asawa,
gusto laman nila ipaglaban ang sanggol, at ang karapatan nila.
Ngunit hindi tinanggap ng ospital ang kanilang kamalian at siningal
pa din sila ng pera.

• Nakapatay na nga sila, pera pa din ang ang hinahanap. Ibig sabihin
ba na mas mahalaga ang pera kaysa sa buhay ng
isang tao? Wala ba silang konsensiya?
Ayaw man natin aminin sa sarili, pero sadyang pumipikit
tayo sa mga bagay na alam nating mali, ngunit bakit natin ito
pinapabayaan ngayon? Tulad ng mga itinuro sa atin - pag ika’y
namulat, kasalanan nang pumikit. Itong kasabihan ay dapat
isapuso natin sa ating mga sarili. Ang opresyon na
nararanasan ng mahihirap ay magpapatuloy lamang, hanggat
may talagang gumawa ng aksyon upang maitigil ito.

Madali lang mangako, pero mahirap tuparin.


Maraming Salamat!
Pang-apat na grupo
Tan, Beatriz
Fevidal, Ellyrizza
Raboy, Jeremie
Reyes, Troy
Fernandez, Kurt
Dela cruz, Gabriel

You might also like