You are on page 1of 4

I.

Pamagat: Ang Diyanitor Mayakda: Aurelia A. Vicente Sanggunian: Baisa, A. G. & Lontoc, N.S.(2009). Pluma: Wika at Panitikan para sa Mataas na aaaaaPaaralan(Ikalawang Edition). Quezon City: Phoenix Publishing House Inc. pahina aaaaa443-446

II.

Tagpuan a.Panahon Ang kwento ay naganap sa katapusan ng buwan kung kailan maaari ka nang kumuha ng suweldo. b. Lugar Ang kwento ay umikot sa loob ng opisina na pinagtratrabahuhan ng diyanitor.

III.

Tauhan a. Protagonista Ang protagonista sa istoryang ito ay ang diyanitor. Siya ay nagtratrabaho bilang isang diyanitor sa isang opsina. Siya din ay may asawa at pitong anak. Ang gulang niya ay nasa pagitan ng apatnaput apat at limampu. b. Antagonista Ang antagonista naman sa istoryang ito ay si Mr. Claro. Siya ang boss sa opisina na pinagtratrabahuhan ng diyanitor. Ang kanyang pagtrato sa kanyang mga empleyado ay hindi pantay-pantay dahil namimili lamang siya ng kanyang susuweldohan. Buod Isang araw mayroong diyanitor na nagtratrabaho sa opisina. Ang araw na ito ay napakahalaga sa kanya marahil ito ang araw na ninanais niyang makuha ang kanyang tatlong buwang suweldo. Nakakapagtaka marahil mukhang siya lamang ang hindi binibigyan ng suweldo sa kanilang opisina. Kinakailangan niya ang suweldo na ito dahil may sakit ang kanyang misis at ang ilan sa kanyang mga anak. Sila din ay dumedepende lamang sa dalawa niyang anak na nag-shine boy. Maya-maya ay napagdesisyonan na niya na puntaha si Mr. Claro, ang kanilang boss. Ngunit, hindi pa rin siya binigya ng suweldo. Ang sabi ni Mr. Claro wala pa ring pera na maibibigay sa kanya. Kahit anong pagmamakaawa ng diyanitor hindi ito pinagbigyan. Kaya noong dumating na ang isa sa kanyang mga anak para kunin ang pera, wala siyang naibigay. Dahil wala siyang maibigay na pera pinauwi siya ng kanyang anak marahil malubha na daw ang sakit nang kanilang ina.

IV.

Pagkauwi niya sa kanilang tahanan ay sinalubong siya ng mga gutom niyang anak na nanghihingi ng pagkain. Dumeretso siya sa kanyang asawa at tunay na napakalubha na nga ng kanyang sakit. Dahil dito naging determinado siya na harapin muli si Mr. Claro at hingin ang kanyang suweldo. Pagdating sa opisina ay hindi na siya nagsayang ng oras pa. Siya ay dumeretso sa opisina ni Mr. Claro. Pagdating doon ay dumeretso na siya sa kanyang punto at hiningi niya kay Mr. Claro ang kanyang suweldo. Subalit muli nanaman siyang tinanggihan nito. Dahil sa kanyang desperasyon binalaan niya si Mr. Claro na bago pa mamatay ang kanyang pamilya ay uunahin niya muna siyang patayin. Totoo sa kanyang salita ay sinaksak niya nga si Mr. Claro. Nagtangka siyang tumakas ngunit siya ay nahuli ng mga guwardya at nagtangka siya muli pero ngayon ay siya ay tinamaan na ng bala ng baril. At sa mga huli niyang hininga nasabi niya pa ang katagang voucher.

V.

Suliranin Ang suliranin ng kuwentong ito ay ang hindi pagbigay sa kanya ng kaniyang suweldo gaano niya man ito kailangan. Resolusyon/Solusyon a. Pagtatangka Para maisaayos ang kanyang mga problema sinubukan niyang papirmahin si Mr. Claro sa kanyang voucher para makakuha na siya ng kanyang suweldo. b. Ibinunga Kahit anong pagmamakaawa ang gawin niya ay tinanggihan parin pirmahan ni Mr. Claro ang kanyang voucher dahil wala pang maibibigay na suweldo dito.

VI.

VII.

Wakas Sa muli niyang pagtangka ng pagpapapirma kay Mr. Claro ay tinanggihan nanaman siya nito. Hindi na siya nakatiis at nagawa na niyang saktan si Mr. Claro sa pamamagitan ng pagsaksak sa kanya. Aral at Mensahe Ang aral ng maikling kuwentong ito na dapat bago tayo bumuo ng isang pamilya ay siguraduhin nating masusustentuhan natin ito. Ang isa pang aral ay dapat hindi tayo maging isang mangdaraya kagaya ni Mr. Claro na pili lamang ang binibigyan niya ng suweldo. Ang mensahe naman ay dapat maging responsableng mamamayan tayo at dapat pantay-pantay ang pagtrato natin sa bawat isa.

VIII.

IX.

Teoryang Pampanitikan Ang maikling kwentong ito ay nararapat sa mga teoryang sosyolohikal at realismo. Ito ay naaayon sa teoryang sosyolohikal dahil ang mga sitwasyon sa kwentong ito ay madalas nating makikita sa ating lipunan gaya na lamang ng krimen at ang hindi pantay-pantay na trato sa tao Ito din ay naaayon sa teoryang realismo dahil ang mga nangyari sa kwentong ito ay nangyayari din sa lipunan. Gaya ng pamilya ng diyanitor, marami ding pamilya ang naghihirap dahil sa kakulangan ng pera. At tulad naman ng diyanitor marami din tayong mga kapwa na nagkakasala dahil sa pangangailangan ng pera.

X.

Pag-ugnay sa Kasalukuyan Sa panahon ngayon maihahalintulad natin ang diyanitor sa mga mahihirap na tao habang si Mr. Claro naman ay maihahalintulad natin sa gobyerno o kaya sa mga taong maka-sarili lamang. Kagaya lamang ng diyanitor ang mga mahihirap na tao ay wala namang masamang intensyon, sadyang nangangailangan lamang sila kaya sila nakakagawa ng krimen. At tulad ni Mr. Claro karamihan sa atin ay nananatiling bulag sa pangangailangan ng mga kapwa natin, at dahil dito tayo ay napupunta sa masamang kapalaran. Maiuugnay din natin itong maikling kwento na ito sa human rights. Lahat tayo ay pantaypantay kaya dapat lamang na pare-pareho ang trato sa atin maging mayaman man tayo o mahirap. Lahat tayo ay may mga pangangailangan at kung hindi tayo magtutulungan at tuluyan lamang tayong maghihilahan pababa hindi tayo uunlad o kaya ay hindi tayo magiging pantay-pantay.

Saint Marys Academy Pasay City School Year 2012-2013 High School Department

Pagsusuring Maikling Kwento: Ang Diyanitor Aurelia A. Vicente

Ipinasa ni: Jimenez, Kaye Angeline H. mula sa G9-Our Lady of Immaculate Conception Ipinasa kay: Gng. Mata Ipinasa noong: Ika-17 ng Hulyo, 2013

You might also like