You are on page 1of 3

Di mo Masilip ang Langit

by Benjamin Pascual
I. Punto de Bista
Ang punto de bista ng kwentong ito ay unang panauhan. Kung saan
ang ang pangunahing tauhan ang nagkukwento ng kanyang karanasan.
Sa pamamagitan nito mas naipadama ng tauhan ang kanyang
nararamdam sa pangyayari sa mga mambabasa.

II. Paksa o Tema


Ang pangunahing ideya na pinakita kwentong ito ay ang hindi
wastong pagtatrato sa mga mahihirap at ang kawalang pagpapahalaga
sa taong mahihirap.

III. Tagpuan
Barung-barong - Ito ang tirahan ng pangunahing tauhan.
Ospital - Dito namatay ang anak nina Luding, kung saan naging
parte ang kanyang asawa ng pagtatayo nito bilang tagahalo ng semento.
Bilangguan - Dito nakakulong ang asawa ni Luding na sumunog sa
ospital.

IV. Estilo
Ang naging estilo ng may-akda ay panunumbalik-isip, kung saan
inilahad ng may-akda ang kalagayan sa kasalukuyan ng pangunahing
tauhan at kung papano siya napunta sa ganong kalagayan.

V. Kaligirang damdamin
Ang dadamdaming umiiral sa kabuuan ng kwento kung ito ay iyong
babasahin ay kalungkutan dahil sa mga naging karanasan ng mag-asawa, at
pagka-awa sa mga ito dahil sa hindi naging wastong pagtatrato ng mga
mayayamang tao sa mga ito.

VI. Ritmo o Galaw


Naging mahinahon ang paraan ng pagkakahatid ng kwento. Kung saan
mararamdaman mo ang kalungkutan at kapanghinayangan ng tauhan sa
mga nangyari sa kanyang buhay.

VII. Denotasyon
Ob-lo - kulungan
Haybol - bahay
Mustang - Isang mamahaling sasakyan
Ospital - Ito ay pagamutan ng mga tao

VIII. Konotasyon
Ob-lo - Isang madilim na silid na hindi mo man lang masisilip ang langit
Haybol - maliit na kubo na gawa sa pinagtagpi-tagping yero na tiniritahan
ng mag-asawa
Mustang - Isang mayaman at makapangyarihang tao
Ospital - Isang obra na kanayang ginawa na hinahalintulad niya sa
isang babae.

IX. Himig
Ang damdamin na namutawi mula sa may akda ng kwento ay
kalungkutan. Naging puno ng kalungkutan ang buong kwento dahil sa mga
naranasan ng mag-asawa.

X. Kasabikan
Ang tensyon na binigay nito sa mambabasa ay pagkaawa at pagkapuot.
Lubos na nakakaawa ang nangyari sa mag-asawa at lubos naman na
nakakagalit ang mga ginawang pagmamaliit at pagkakait ng maayos na
serbisyo na binibigay lamang sa mga nakaka-angat sa buhay.

XI. Tunggalian
Ang tunggalian na inihatid ng kwentong ito ay tao laban sa lipunan. Ang
paguuri- uri ng mga tao sa lipunan, kung saan sila ay nabibilang sa
mababang uri. Kaya’t hindi sila pinahahalagahan ng mga taong nakakaangat
sa pamumuhay. Pagkakaroon ng diskriminasyon sa pagbibigay ng
kaukulang serbisyo na ibinabatay ng mga tao sa antas ng pamumuhay.
XII. Imahe
Ang imaheng nabuo sa aking isipan ay itshura ng mga lugar, katulad ng
kulungan na kanyang nilalagyan, bahay na kanilang tinitirahan sa
subdibisyon, Ospital na pinagdalhan kay Luding .

Bisang Pampanitikan
Bisa sa Isip
Ang diskriminasyon sa lipunan ay hindi nawawala st patuloy pa ding
umiiral. Nakakalungkot isipin na patuloy na naiiwan sa laylayan ng ating
lipunan ang ating mga kababayan na mahihirap, samantalang ang mga
mayayaman ay patuloy na yumayaman. Marahil kaya sila nanatiling
mahirap ay dahil hindi sila nabibigyan ng pagkakataong makaahon sa
hirap..

Bisa sa Damdamin
Nararamdaman ko yung sakit na naramdaman ng tauhan dito sa
kwento. Alam naman natin kung gaano kalalim ang pagmamahal ng mga
magulang sa kanilang anak kaya gagawin nila ang lahat para dito at
sobrang sakit kung mamawala sa kanila ang kanilang anak.
Nakakalungkot lang isipin na hindi man lang nagmalasakit ang mga tao
kay Luding. Sila ang may kakayahang tumulong, ngunit hindi man nila
pinagmalasakitan.

Bisa sa kaasalan
Wag matutong gumanti sa nakagawa sa atin ng kasalanan at
ipagpa-Diyos na lamang ang lahat. Wag ilagay ang batas sa iyong
kamay, mas maganda kung ito ay idadaan sa legal na paraan. Dahil
hindi maitatama ng isa pagkakamali ng isa pang pagkakamali.

You might also like