You are on page 1of 11

DI MO MASILIP ANG LANGIT

Benjamin Pascual
(TEORYANG REALISMO)
PAMAGAT
“Dito sa ob-lo, pare, lalo na sa gabi, kailangan hulaan mo lang ang oras.

Kasi nga’y walang me relo ditto. Ni hindi mo naman masilip ang langit sa labas

mahulaan mo sa ayos ng mga bituin, kung anong oras na nga. Wala kang

masisilip dito kundi pader at rehas. Ewan ko naman kung me langit nga sa labas.

Hindi na ‘ko bilib sa langit, pare. Matagal na ‘kong kinalimutan ng Diyos.”

Marami ang nasa loob ng rehas na nawalan na ng pag-asa kung ano man

ang mayroon sa labas. Mga taong akala nila ay tinalikuran na sila ng kung

sinong nasa loob ng ulap. Maraming nangyayari na taliwas sa inaasahan natin.

Walang katapusang problema na nagpapalayo satin sa matuwid na daan na

dapat sana'y tatahakin. Doon mo lamang maiisip kung maniniwala ka pa ba at

aasa, kung pagkatapos ba ng lahat ay kaya mo pa lumaban sa hirap.

TAUHAN
1. Peon/Construction Worker
a. “Isa ako sa mga peon, yung nagtayo no’n kantero ko pare – ‘yon bang

tagahalo ng semento”

Ang peon o construction sa kwentong ito ang syang pangunahing tauhan,

at ayon sa kwentong ito isa sya sa mga gumawa ng isa sa mga gusaling
hospital sa Quezon City. Sa panahon ngayon makakakita tayo ng mga

peon o construction worker sa mga tinatayong gusali tulad ng condo,

building, call center, atbp. At isa nga sa mga trabaho nila ay ang

paghahalo ng semento (finishing), pagaayos ng wire, paglalagay ng

semento, atbp.

b. “Ang haybol naming no’n e hindi talagang bahay kundi isang maliit na

kubo, mas tama sigurong tawaging barung-barung ‘yon, dahil mas marami

ang yero – na unti-unti naming naitayo sa bakanteng lote sa tabi ng isang

bagong tayo ring subdibisyon”

Mula sa paksang ito malalaman natin na ang construction worker na ito ay

nakatira sa barung-barung lamang kasama ang kanyang asawa, at

mapapansin din natin dito na hindi ganon kadali ang kanilang kalagayan o

pamumuhay. Ang mga construction worker ngayon ay tunay na may maliit

na sahod sapat lamang sa mga pang-gastos pang-araw-araw,kung kaya’t

hindi ganon kadali para sa construction worker na umunlad o magpundar

ng kung ano-ano.

c. “Bopol ako sa ingles pare, mahina ko riyan at wala akong naiintindihan

sa mga salitang ingles na sinabi nila”


Ayon naman sa paksang ito, maari nating maisip na hindi nakapag-aral

ang naturang construction worker, at maaring isa sa mga kadahilanan

kung bakit pagcoconstruction ang trabahong meron sya at kung bakit sa

isang barung-barung sila nakatira. Sa panahon ngayon, kapag ikaw ay “No

read, No write” mahirap para sayo makapag hanap o kumuha ng trabaho,

kung kaya’t ang iba sa pagcoconstruction napupunta.

d. “Naging poblema sakin ang panganganak ng waswas ko. Unang anak

ko yun pare, unang pagkakataon na magiging tatay ako”

Mapapansin natin sa paksang ito na ang naturang construction worker ay

tila sabik at sobrang nagagalak sa pagbubuntis ng kanyang asawa. Tulad

ng mga amang magkakaroon ng unang anak ganon na lamang ang mga

kanilang nararamdaman kung kaya’t sobra ang kanilang pangangalaga sa

kanilang mga asawa.

e. “Pare, isa-isa raw tumalikod ang mga nears at attendant. Me natira

namang isang nars, na sabi raw sa waswas ko: Titignan ko ho kung me

bakante, maghihintay muna kayo ro’n.”

Sa paksang ito ang naturang construction worker ay naglalabas ng sama

ng loob, sapagkat ang kanyang asawa ay hindi pinagtuunan ng pansin sa


mga panahong manganganak na ito. Sapagkat sila ay walang kaya, at

hindi naman ganong makapangyarihan. Tulad sa panahon ngayon, ang

mga pribadong ospital hindi agad na-aasikaso ang mga taong satingin nila

ay walang kaya.

f. “Simpleng-simple pare, bumagsak sa semento. Nakita ko ang bata, pare.

Nang gabing iyon ng sumugod ako sa ospital pagkagaling sa bahay”

Ito ang mga rason ng naturang construction worker kung bakit sobra na

lamang ang kanyang sama ng loob sa ospital na isa sya sa mga tumulong

upang maitayo. Kung ating iisipin at ilagay ang ating sitwasyon sa

sitwasyon ng construction worker kahit tayo magagalit at sasama din ang

loob tulad ng naramdaman ng naturang tauhan.

2. Luding/Waswas

a. “Wala pa ‘kong masasabi sayo tungkol sa waswas ko. Mabait sya. Siya

yung kung sisigawan mo’y tatalungko na lang sa isang sulok”

Ayon sa kwento inilarawan ang asawa ng pangunahing tauhan na mabait

at maintindihing asawa sapagkat sa likod ng paghihirap nilang mag-asawa,

ay nagagawa parin nitong intindihin ang kanyang asawa at ang kanilang

kalagayan. At kung ating iuugnay ito sa panahon natin meron padin


namang misis na ganito, na kahit sila ay salat ay nagagawa padin nilang

magtiis.

3. Mr. Lim

a. “Yung pribadong ospital na ari ng magkapatid ng mestisong intsik”

Sa kwentong ito si Mr. Lim ang naturang may-ari ng gusaling

pinagtatrabahuhan ng naturang construction worker, ospital kung saan din

manganganak sana ang kanyang asawa at kung saan din namatay ang

kanyang anak.

4. Mr. Cajucom

a. “Napilitan siyang lumapit sa isang malaking bahay do’n na ari ng isang

taga-BIR na ang pangala’y Mr. Cajucom na me kotse, at kumatok siya

nang kumatok at tumawag nang tumawag sa geyt”

Si Mr. Cajucom ang naghatid sa ospital kay luding, na nakatira sa

subdibisyon na malapit sa bakanteng lote na tinitirahan nila luding. Gamit

ang kotse ni Mr. Cajucom hinatid niya si Luding sa Ospital.

SOSYOLOHIKAL
a) "Ang haybol namin no'n e hindi talagang bahay kundi isang maliit na

kubo, mas tama sigurong tawaging barung-barong 'yon, dahil mas

marami ang yero - na unti-unti naming naitayo sa isang bakanteng

lote sa tabi ng isang bagong tayo ring subdibisyon."

b) “Para kaming etat, sa tabi ng isang basong gatas. Bakit e medyo

maaskad ang kara ko. Kung tingnan ako ng mayayamang taga

sabdibisyon e parang bang sa anumang sandali’y lolooban ko ang

malaki at magaganda nilang bahay.”

Batay sa pahayag na ito ng nagsasalaysay, sinisimbolo lamang ng kanilang

barung-barung ang kahirapan. At kung itutulad ito sa katotohanan ng buhay at sa

panahon ngayon, makikita na mayroon talagang kahirapan sa lipunan na

nagiging dahilan ng diskriminasyon. Dahil din sa kahirapan kung kaya't hindi

nagkakaroon ng pantay na karapatan at pagtingin sa mga taong nasa laylayan

ng lipunan.

SIKOLOHIKAL

a) “Malungkot, pare. Do’n na napanganak ang waswas ko, at ang

pagkaguluhan siya ng mga nars at doctor at isakay sa estretser at

isugod sa elebeytor para dalhin sa emerdiyensi rum. Eh huli na

patay na ang bata. Bopol ako sa ingles pare, mahina ako riyan at
wala ‘kong naiintindihan sa mga salitang ingles na sinabi nila na

siyang dahilan raw ng pagkamatay ng bata. Pero ang waswas ko pa

rin ang pinaniniwalaan ko. Sabi ng waswas ko’y namatay ang aking

anak dahil bumagsak sa semento. Simpleng-simple, pare.

Bumagsak sa semento. Nakita ko ang bata, pare. Nang gabing iyon

ng sumugod ako sa ospital pagkagaling sa bahay. Nakapagpapaala,

pare, sa isang kuting na nabalian ng leeg. Kuting, pare. Pusa.

Napaiyak ako pare.”

Sa siping ito, naihayag rito ang labis na kalungkutan ng isang

ama dahil sa pagkamatay ng kanyang anak. Alam naman nating

masakit ang maranasan ang ganitong sitwasyon lalo na’t kung sa

sarili nating kamag-anak o kadugo mangyari ito.

b) “Nang umuwi kami nang maggagabi na, pagkagaling sa libing naupo

ang waswas ko sa tabi ng bintana at tumingin sa labas. Parang

walang nakikita tumitingin lang sa labas. Ayaw magsalita, pare. Para

lang mabubuwang.”

Sa siping ito, inihayag ng pangunahing tauhan ang sinapit ng

kanyang asawa pagkatapos ang pagkamatay ng kanilang anak. Tila

ba’y na-trauma ang kangyang asawa.


c) "Pare, siguro nga'y senglot ako, ang tingin ko sa mga doktor at mga

nars na nakikita ko'y mga nakatawang mga alamid na pumatay sa

batang inilibing ko at ang waswas kong nakatulala sa bahay at ang

pangyayaring sa mga susunod na araw e maaaring wala na kaming

kakanin. Naramdaman kong gusto kong manira, pare. Gusto kong

sirain, wasakin ang bilding na 'yon na lagi kong ipinagmamalaking

isa 'ko sa mga gumawa"

Sa siping ito, dulot ng trahedya na dumating sa kanilang

buhay na nag-udyok sa pangunahing tauhan na gumawa ng hindi

tama. Bilang isang asawa at ama, naisipin niya na maghiganti,

nakaramdam siya ng poot at galit na siyang naging dahilan niya

para sunugin ang ospital. Sa siping ito masasabing nakakaapekto sa

bawat tao ang bawat pinagdadaanan. Magisisilbing aral ito o

magisisilbing pag-uudyok sa paggawa ng tama at mali.

POLITIKAL

“Eto na pare, nang dumating na sila sa ospital, Sabi Ng waswas ko-

sa ospital na ginawa namin, salubungan daw sa kanila Ang mga nars at

attendant. Akala siguro, pare misis ni Mr. Cajucom Ang waswas ko bumaba raw

ng kotse Ang waswas ko sapo ang parang babagsak niyang tiyan, at Sabi niya

raw Kay Me cajucom "salamat ho Mr. Cajucom, at no'n siguro nalaman ng mga

sumalubong na Ang waswas ko'y nakaangkas lang sa kotse"sa priward lang


ako". Pare isa-isa raw tumalikod Ang mga nars at attendant. Me natira namang

isang nars, na Sabi raw sa waswas ko. Titingnan ko ho kung me bakante,

maghintay muna kayo roon”

Pinapakita dito kung ano ang tingin ng isang tao sa mayaman at mahirap katulad

ng sa politika mas madaling nakakalapit ang mga may pinag aralan sa isang

politiko kesa sa walang pinag aralan gagamitin lang nila Ang isang tao dahil may

kailangan sila. Pero sa huli mas pinapakita nila Kung paano talaga magpatakbo

ang isang politiko.

TALASALITAAN

 Waswas-Asawa/misis

 Oblo-Rehas/Kulungan

 Yosi-Sigarilyo

 Aarburin-Hihingin/hihiramin

 Haybol-Bahay Les-pu -pulis

 Bopol-bobo

 Senglot-lasing

 Trasti-Bantay

 Tersiya-Ikatlong bahagi
 Peon-Trabahador

 Etat-dumi o tae

 Maatik-mapera

 Bilog/lapad- alak

PANGKAT 2
CABELITE, WILMA
CELUBRICO, ANDREA
INGENIERO, CAROLYN
GAMEZ, COLEEN
SILLOTE, ARVIN

You might also like