You are on page 1of 1

Alamat ng Ilog Magat

(Kuwentong-bayan - Buod)

Noong unang panahon, mayroong isang binatang makisig at matangkad na nakatira sa

kagubatan. Ang tawag sa kanya ay Magat. Matikas siya, malusog at matipuno ang kanyang

katawan. Lagi niyang dala ang kanyang pana kapag siya ay naglalakbay. Nagpunta siya sa

kagubatan.

Isang araw, dahil sa kanyang paglalakbay ay nakarating siya sa isang napakalawak na

ilog. Iyon na yata ang pinakamalawak na ilog na nakita niya. At sa ilog na ito, natanaw niya ang

isang napakagandang babae. Ito na rin yata ang pinakamagandang babae na nakita niya sa buong

mundo.

Sa tabi ng dalaga ay natanaw ni Magat ang isang ahas na nasa sanga ng puno. Nakita rin

ng dalaga ang ahas at sa takot nito ay lumubog ito sa ilalim ng tubig at nagtago. Agad na pinatay

ni Magat ang ahas gamit ang kanyang pana. Nang mapatay ang ahas ay agad nilapitan ni Magat

ang babae at iniahon ito mula sa ilog. Binuhat niya ito hanggang makarating sa baybayin.

Makikita sa mukha ng dalaga ang labis-labis na pasasalamat at paghanga kay Magat

kung kaya’t hiniling ni Magat na maging asawa niya ito, at pumayag naman ang dalaga. Ngunit,

humingi ito ng pangako kay Magat, na huwag na huwag siyang titingnan nito kapag tanghali na.

Pumayag si Magat. Ngunit isang araw, nainip si Magat at bigla siyang nagtaka kaya hindi

niya napigilan na tingnan ang kanyang asawa noong katanghalian. Sa loob ng silid ng asawa, ay

nakita niya ang asawa na unti-unting nagkakaroon ng kaliskis ang buong katawan at tuluyan

itong naging isang buwaya hanggang sa di kalaunan ay namatay na rin ito. Ito ay dahil sa

pagsuway ni Magat sa kanyang pangako. Inilibing ni Magat ang asawang naging buwaya. At

dahil sa labis na dalamhati at kalungkutan, nagpunta si Magat sa ilog at nagpakalunod doon.

Sa paglipas ng panahon, ay naging makapangyarihan ang ilog na iyon. Taun-taon,

umaapaw ang ilog dahil sa paghihinagpis ni Magat. At ito ang dahilan kung bakit ito tinawag na

Ilog Magat.

You might also like