You are on page 1of 3

Aralin 2 Gawain 1

Panuto: Batay sa binasang akda. Ipaliwanag ang sumusunod na kaisipan/pahayag.

Paliwanag
Bakit pinamagatang “ Di mo Pinamagatang “Di Mo Masilip ang Langit” dahil
ang tauhan ay wala ng nakikitang pag-asa o liwanag
Masilip ang Langit” ang kwento?
pa dahil sa naranasan nila sa buhay na mag-asawa
kung paanong ang asawa nito ay hindi inasikaso
agad sa ospital kaya ito ay nanganak sa labas at ang
ulo ng sanggol ay tumama sa semento na naging
dahilan ng pagkamatay nito. 

Paliwanag
Ito ay ng mamatay ang kanilang kauna unahang anak,
dahil sa pagpapabaya ng ospital kung san nanganak
Ano-anong mga pangyayari sa ang kanyang asawa. At ang pagkamatay ng kanilang
kwento ang nakapagdulot ng anak ay naging sanhi para maging tulala ang kanyang
pagdidilim ng isip ng asawa.
pangunahing tauhan?

Paliwanag
Paano winakasan ng may-
_
akda ang maikling kwento? Nagwakas ang kuwento sa paguusap ng pangunahing
Anong mensahe ang iniwan sa tauhan at kanyang kasama sa rehas . Nag-aya ang
mambabasa? pangunahing tauhan na sila’y matulog na. Nagiwan
ito ng mensahe na kahit anuman ang estado sa buhay
ng isang tao ay pare-pareahas mo silang itrato ng
may respeto.
Aralin 2. Gawain 2

Panuto: Bilang isang kabataan paano ka makakatulong para matugunan ang suliranin sa
kahirapan ng ating bansa.

Ang pagiging mabuting mamamayan ay nakikita sa kung paano ka sumunod sa. Susunod
ako sa mga batas ng aking bansa dahil naniniwala ako na ang kabataan ang pag-asa ng bayan o
pamayanan kaya ngayon pa lang ay sisimulan ko nang maging isang mabuting mamamayan sa
aking pamayanan. Kahirapan, iyan ang suliraning kinahaharap ng ating bansa. Isang suliranin na
deka-dekada nang problema ng ating bansa. Isang suliranin na kahit na anong gawin ay mahirap
mawala. At, isang suliranin na hindi lang naninira sa imahen ng ating bansa kundi naninira rin sa

kinabukasan ng bawat isa. Ako bilang isang kabataan, ay may layunin akong gawin ang aking
makakaya para hindi maging isang mahirap at hindi maituring na isang basura lamang sa aking
lipunan. Sa simpleng pamamaraan, ako’y magsisikap makapagtapos ng pag-aaral nang sa gayon
ay magkaroon ng magandang kinabukasan. Hindi lamang ako kundi pati ikaw, tayong lahat ay
kinakailangan ng pagkakaisa tungo sa kaunlaran. Lahat tayo ay may magagawa para sa
kinabukasan ng ating bayan, isang bansa na magagamit,maipagmamalaki at higit sa lahat ay
maipapamana sa susunod pang henerasyon.

Aralin 2 – Gawain 3
Batid ng pangunahing tauhan na mali ang ginawa sa kanyang asawa ngunit ginantihan
niya ito ng mas mali. Hindi niya ito idinaan sa isang legal na pamamaraan. Sa isang talata,
talakayin ang paksang: “Hindi Maitatama ng Isang Pagkakamali ang Isa pang Pagkakamali”

Kung gumawa ka ng mali at itinama mo siya sa isa pang pagkakamali para mo naring
niloko iyong sarili mo. Bagkus kung gumawa ka ng mali itama mo siya ng maayos at hindi ng
isa pang pagkakamali. Naiintindihan ng lahat kung bakit nagawang sunugin ng pangunahing
tauhan ang ospital kung saan nanganak ang kanyang asawa, ngunit maling mali pa rin na itama
ang pagkakamali sa isa pang pagkakamali. Kung maaaring idaan sa tama at legal na proseso ay
yun ang dapat gawin para maparusahan kung sino man ang may mali. Kasi kung lalaban ka sa
pamamaraang mali, ikaw lang din ang mahihirapan. Oo magkakaroon ka ng kasiyahan
pansamantala kasi nakaganti ka pero naisip mo ba ang pangmatagalan na resulta. Imbes na sila
ang magdusa e ikaw, ikaw ang magbabayad dahil sa kasalanang kanilang nagawa.

You might also like