You are on page 1of 4

University of the Cordilleras – College of Arts and

Sciences
Language and Communication Department
Ikalawang Traymestre, T.P. 2018-2019

Tata Selo

Ni Rogelio Sikat

Isang Masining Pagsusuri

Ipinasa bilang katuguran

Sa pangangailangan ng asgnaturang Filipino 3

(Masining na Pagpapahayag)

Ipinasa kay:

Mrs. Illuminada Isican

Ipinisa ni:

Dela Cruz, Carl Joven A.

Ika-4 ng Abril, 2019

Petsa ng pagpasa
I. Pamagat: Tata Selo

Akda (Author): Mr. Rogelio Sikat

- si Mr. Sikat ay isinilang sa San Isidro, Nueva Ecija noong 1940. Dito na
siya lumaki ngunit nagpasya siyang lisanin ang San Isidro noong 1950’s [ara ,agtranaho
sa Universitiy of Santo Tomas. Pagkatapos maging campus writer at literary editor ng
Varsitarian, tinuloy niya hanggang maging isa siya sa mga sikat na pioneers ng
Panitikang Pilipino sa pamamagitan ng pagpili ng Filipino bilang lenggwahe ng kanyang
pagsusulat.

II. Mga Tauhann at Tungkulin:

 Tata Selo – pangunahing tao sa kwento at ginampanan nya ang role


na nakapatay sa Kabesang Tano sa dahilan na pinapaalis sya sa
sakahan na pinagtratrabahunaan niya.

 Kabesang Tano – Siya ang nagmamay-ari ng lupang pinagsasakahan


ni Tata Selo. Isang araw ay pinapaalis na niya si Tata Selo sa sakahan
niya dahil sa may iba na magsasaka dito.

 Alkalde – alkalde ng bayan ng San Roque na isa sa kumausap kay


Tata Selo tungkol sa pagtaga ng matanda kay Kabesang Tano.
Arogante at mapagmataas ang asta niya sa matanda.

 Hepe – kasama ng alkalde habang kinakausap nila ang matanda


tungkol sa kaso na hinatol sa matanda. Mayabang at mapagmataas din
anf asta na tipong wala ng galang sa matanda.

 Isang Bata – hindi gaano importante ang kanyang pagganap sa kwento


ngunit makikita sa batang ito ang pagkakaroon ng pag-asa sa kabila ng
maraming pagsubok. Bata pa ay naiintindihan na niya ang kalagayan ni
Tata Selo.

 Saling – Nag-iisang anak ni Tata Selo na katulong nsa bahay ng


Kabesang Tano. Hindi makapunta sa araw ng pag-aresto sa kanyang
tatay ngunit ramdam ang hinagpis at sabik na makita ang ama.

III. Lugar ng Pinangyarihan:

 Ang kwento ay angyayari sa bayan ng San Roque. Sa isang sakahan at na


pagmamay-ari ng pinakamayamang propitaryo ng lugar at ang sumunod ay sa
isang istaked kung saan nakakulong ang pangunahing tao.
IV. Buod (Summary):

 Nagsisimula ang kwento sa isang istaked kung saan pinagkakaguluhan si Tata


Selo sa dahilan na napatay niya ang Kabesang Tano na nagmamay-ari ng
lupang pinagsasakahan niya. Mga tao ay nagsisiksikang, nagtutulakan upang
makita lamang si Tata Selo ngunit ang mga pulis ay hindi sila pinapapasok sa
tanggapan mismo.

Ayaw maniwala lahat ng mga tao sa nagawa ng matanda sa Kabesang Tano.


Tinaga at napatay ng matanda anf Kabesa sa dahilan na pinapaalis niya siya sa
sakahan ngunit ang matanda ay tumanggi. Pinagpilitan ng matanda na malakas
pa siya at kaya pa niya magtrabaho ngunit sa pilit ay panay tanggi parin ng
binatang anak ng Kabesa habang nakikinig din ang alkalde at hepe na pawing
kakilala ng Kabesa. Hindi sapat na dahilan daw na tinungkod siya ng Kabesa
para magawa niyang patayin siya pero patuloy parin ang matanda sa kanyang
pagpapaliwanag na kanila raw iyung lupa at kaya pa niya ito pagsakahan at hindi
dapaat siya paalisin doon. Sabay ang pagsuntok ng Hepe sa kanyang sikmura at
mararamdaman ang nakakaawang kalagayan niya.

Kinabukasan ay sinabi ng alkalde na dadalhin ang matanda sa kabisera kung


saan siya ikukulong ng habang buhay. Ngunit ang kagustuhan ng matanda ay
patayin nalang lamang daw siya kesa makulong pa ahabang buhay. Sa araw rin
na ito ay dumalaw ang anak niya na si Saling na nakatira at naninilnihan sa
bahay ng Kabesa. Ngunit pinapauwi nalang niya ang kanyang anak sa dahilan
na wala narin siya magagawa tungkol sa hatol sakanya. Hindi siya nakinig sa
kanyang ama at pinatawag ang alkalde sa tanggapan. Dumating ang isang bata
na inaya niya upang yayain na si Saling umuwi na subalit hindi ito pinapasok.
Hindi ito inilanta ni Tata Selo at sinabi nalang na inagaw sakanya ang lahat.

V. Suliranin:

 Tungalian
Tao Laban sa Kapwa – nakikitpagtunggali ang pangunahing tao sa si Tata
Selo sa ibang mga taong nakapaligid sa kanya upang maipagtangol ang sarili sa
kaso na hindi sinadyang pagpatay sa Kabesang Tano. Simula palang ay makikita
na ang tunggaliang hinaharap ng matanda sa kwento. Sa pagpaliwanag ng
matanda ay tila wala parin silbi ito at walang katiyakan ang pakikipagtunggali at
pagwagi laban sa mga taong nakapaligid sakanya.

 Kasukdulan
- Dumating ang alkalde kasama ang hepe at pinasiya nito na mag-usap sila ni
Tata Selo sa tanggapang ito. Tinungkod daw ng tinungkod ng kabesa ang
matanda habang nagmamakaawa kaya biglang nataga niya ang Kabesa. Sinabi
ng matanda na malakas pa siya at kaya pa magtrabaho kaya hindi dapat
paalisin. Ngunit hindi siya pankinggan ng alkalde at umalis na naiwan ang hepe
at ang matanda. Muli nagpaliwag at bigla sinikmurahan at binatukan pa ng hepe.

 Kakalasan
- Ikalawang araw sa istaked kung saan sinabi ng alkalde na siya ay dadalhin
sa kabisera at doon ipagpatuloy ang hatol na makulong habang buhay.
VI. Mensahe

- Hindi lahat ng tao ay mapapakiusapan natin at makikinig sa anumang paliwag.

VII. Aral sa buhay

- Huwag tayo magmadali sa pagpasya sa isang tao sa dahilan na ito ay maaring


katanggap-tangap naman at unawaain natin sila at pakinggan. Maari tayong
makasira o makatulong sa buhay ng isang tao sa paraan ng pakikinig lamag at
pagunawa.

VIII. Tema

- Paninidigan sa mga nagawang bagay dahil sa kwento ay nasira ang reputasyon


ni Tata Selo sa pagpatay sa Kabesa pero hindi niya ito itinanggi at ipinipaliwanag
ay dahilan sa mga nagawa.

- Pag-aalala sa pamilya dahil inuna ni Tata Selo ang kalagayan ng kanyang anak
na si Saling kaysa sa sarili dahil sa pagmamahal.

IX. Pag-uugnay sa Buhay

- May mga tao talaga na mas-angat sa mundo at mali ang paggamit nila sa
kanilang kapangyarihan. May mga tao rin naman na nasa mababa at sadyang
inaapi lamang ng mga nasa itaas.

You might also like