You are on page 1of 5

George M.

Domingo

Panukatan sa pagmarka:

1. Pagsusuri sa teksto – 50%


2. Paglalahad/Berbal na presentasyon – 30%
3. Mahusay na pagsagot sa mga katanungan – 20%
100%
I. Pamagat ng Akda:
Masaklap na Tagumpay
II. May-Akda
Ipinanganak sa Kalookan, Rizal, noong 13 Oktubre 1904; kasapi sa
Ilaw at Panitik, sa 12 Panitik at Big 8, Akdemyanng Wikang Pilipino; nagtamo
ng gatimpala sa timpalak sa nobela ng Liwayway noong 1937; obra-maestra,
Lihim ng Kumpisalan; nagtapos ng pagka-manggagamot sa Unibersidad ng
Pilipinas, 1930.
III. Tema
Ang tema ng kuwentong ito ay patungkol sa lubos na pagmamahal sa
ina at pagkawala ng oras sa taong kaisang-dibdib.
IV. Buod
Si Marcelo Blancaflor ay isang manggagamot. May sariling
laboratoryo sa kanilang tahanan at doon niya ginagawa ang pormula ng gamut
na gagamitin niya para sa kanyang ina. Habang ginagawa niya ang gamut ay
hindi niya nararamdaman ang oras, inabot na siya ng hatinggabi. At ng
makaramdam ito ng pangagalay ito ay nagpahinga at binuksan ang bintana at
ito ay dumungaw uoang makita ang kapaligiran. At ng makarinig ito ng kaluskos
sa itaas ng kanilang tahanan ay agad agad na umakyat ang manggagamot
uoang tignan ang kanyang ina. At tinanong ng manggagamot ang kanyang ina
bakit ito ay gising pa. Sapagkat ito ay nag-aalala, baka ang matanda ay
madama sapagkat ang matanda ay hindi na kakakita o bulag. At
pinaalalahanan naman ng ina ang manggagamot sapagkat ilang araw na itong
napupuyat. Ngunit ang sabi ng manggagamot ay maayos lamang siya
sapagkat ang paghihirap ng manggagamot ay ginhawa ng kanyang ina upang
makakita at ang ginahawa ng kanyang ina ay tagumpay naman ng
manggagamot na si Doktor Blancaflor. At tinanong naman muli ng matanda
ang kanyang anakkung nariyan nab a ang kanyang asawa, ang sagot ng
manggamot ay wala pa. At sinabi niya na pumunta ito sa kaarawan ni Milagros
at pinasamahan na niya ito sa kanyang pinasan na si Adolfo. Isang oras ang
nagdaan, may autong huminto sa harap ng pintuan at ito na nga ang kanyang
asawa at ang kanyang pinsan na galing sa kaarawan ni Milagros. Kinamusta
ng manggagamot ang kanyang asawa, ang sagot ng kanyang asawa ay
madaming tao, at muling sabi ng kanyang asawa ay kaya lamang kami ginabi
ng ganito sapagkat nagkaroon pa ng palatuntunan ang mga kilalang artista sa
radio.
Mag-iikawalo na ng umaga, iyon na ang unang hakbang upang
magamot ang kanyang ina. Pinatakan na ng gamut ang mata ng kanyang ina
at pagkatapos ay nilagyan nito ng bendang puti. At tanong ng ina kung paano
ang taling putting benda. At sagot manggagamot ay hayaan lamang nito.
Hinawakan ng matansa ang kamay ng kanyang anak at sabay itong hinalikan.
At sabi ng manggagamot ay sa wakas ina ay muli ng manunumbalik ang iyong
paningin tulad ng dati. Muli munang matutunghayan ang mga nakapaligid sa
iyo. At nagpasalamat naman ang kanyang ina. At sambat naman ni Gloria ay
kung gayon ina ay maiiwan na naming kayong dalawa at makakaya niyo na
ang mga gawain. At sagot naman ng matanda, oo. Ako na ang bahala sa
inyong dalawa. At pinaalalahanan naman ng manggagamot ang kanyang ina
na huwag itong magpapagod.
Isa, dalawa, tatlong araw pa ang nagdaan. At mapa-araw at gabi ay
walang ibang nasa isip ng manggagamot kundi ang kalagayan ng kanyang ina
sapagkat dito na lang niya muling maipaparamdam sa kanyang ina ang
pagmamahal. At inisip din ng manggagamot na napapabayaan na niya ang
kanyang asawa sa pagkakalubog sa paggawa ng pormula ng gamot para sa
kanyang ina. Ang matanda ay taimtim na nanalangin sa Panginoon. At
ipinagdasal niya ang kanyang paggaling upang hindi mabigo ang kanyang
anak sa pagkakagawa sa gamot na kanyang pinagpaguran. Nagdaan ang
hapon. Na halos anim na araw na nang mapukaw ang ina sa pagkahimbing. At
ito ay nakatulog. Sa kanyang pagising ay naramdaman niyang wala na ang
benda sa kanyang mukha at nakita na lamang niya sa ibabaw ng unan.
Ikinurap-kurap ng matanda ang kanyang mga mata. At dito na nga nalaman na
siya ay muli ng nakakakita at ang matanda ay agad agad niyang hinanap ang
kanyang manugang at pagtapat ng matanda sa pintuan ng kwarto ng kanyang
manugang ay bumuwagta sa kanya niya ang nakikipagtalik na manugang sa
kanyang bayaw na si Adolfo. At laking gulat ni Gloria na akala niya’y si Marcelo
na ang nakakita sa kanya at nagpasalamat na ang nakakita sa kanila ay ang
matandang akala niya’y hindi pa nakakakita. Nagalit ang matanda at sinabi kay
Adolfo na lumayas sa kanyang pamamahay na kasama ang manugang. Ngunit
hindi sumama si Gloria, naiwan ang matanda at si Gloria. At dito na ipinagtapat
ng matanda ang katotohanan na siya ay nakakakita na. Na nakita ng matanda
ang lahat ng pinaggagagawa nila ni Adolfo. At dumating si Marcelo at unang
hinanap ang ina. Nang Makita ang kanyang ina ay agad na tinanong kung ito
na ay nakakakita, agad na lumapit ang matanda kay Marcelo at sinabing oo
anak nakakakita na ako. At si Gloria naman ay humingi ng tawad sa matanda,
at nagtaka itong manggagamot kung bakit humihingi ng tawad siGloria ngunit
pinagtakpan ito ng matanda sapagkat ayaw bigyan ng kalungkutan si Marcelo
sa araw ng kanyang kasiyahan sa pagiging matagumpay sa paggawa ng
gamot para sa kanyang ina.
V. Pagsusuri
A. Uring Pampanitikan
Ang akdang “Masaklap na Tagumpay” ay isang maikling kuwentong
tauhan, sapagkat inilarawan ang pangyayaring pangkaugalian ng tauhang
nagsisiganap up ang mabigyan ng kabuuan ang pag-unawa sa kanila ng
isang mambabasa. Sa akdang ito pinakita ang mga ugali ng bawat tauhan,
kaya lamang ginawa ni Doktor Blancaflor na nawalan siya ng oras sa
kanyang asawa sapagkat gumagawa siya ng pormula ng gamot ng kanyang
ina. Pagtapos na magawa ng Doktor ang gamot at nang gumaling na ang
kanyang ina ay nakita ng kanyang ina na nakikipagtalik ito sa bayaw niya
na pinsan ng kanyang asawa ngunit hindi ito sinabi sa kanyang anak
sapagkat ayaw niyang making malungkot ito. Kaya lahat ng pag-uugaling
ipinakita ng mga tauhan ay may dahilan.
B. Istilo ng Paglalahad
Maayos ang pagkakalahad ng kuwento. Malinaw ipinakita ang
pagmamahalan ng mag-ina. At ipinakita ni Doktor Marcelo Blancaflor ang
wagas na pagmamahal sa kanyang ina, at maging ang isang mabuting anak
at mapunuring manggagamot.
C. Tayutay
1. Daig pa ang pulis kung magbantay ang iyong pinsan – ito ay
pagpapalit-saklaw.
2. Nakabasag sa kapayapaan – ito ay pagmamalabis sapagkat wala
naming nababasag na kapayapaan.
3. Takbuhan ng dugo – ito ay pagmamalabis sapagakat wala namang
dugo ang tumatakbong dugo kundi Dumadaloy.
VI. Sariling Reaksyon
A. Teorya
1. Romantisimo – ito ang namayaning teorya sapagkat ipinakita sa
kuwento ang pagmamahal ng anak sa ina at pagmamahal ng ina sa
anak.
2. Humanismo – inilapat ang teoryang ito sapagkat pinakita na tao ang
sentro ng mundo. Walang mabubuong pagmamahal kung walang taong
nagpaparamdam o nagpaparamdam nito.
3. Realismo – Sapagkat ang kuwentong ito ay natural na nangyayari sa
totoong buhay. Ipinakita sa kuwentong ito ang pagmamahal ng anak sa
magulang. Sinusuklian ng anak ang paghihirap ng kanyang ina sa ilang
taong nakalipas.
B. Mga Pansin at Puna
a. Mga Tauhan
Maayos na inilarawan ng bawat tauhan ang kanilang mga tungkulin
sa kuwento.
1. Doktor Marcelo Blancaflor – siya ay tiyak na karakter, sapagkat
walang pinakitang pagbabago sa kanyang pag-uugali bilang
pangunahing tauhan, ipinakita lamang niya ang lubos na
pagmamahal sa kanyang ina.
2. Gloria – Asawa ni Doktor Marcelo Blancaflor, siya ay bilugan o
buong karakter, sapagkat may pagbabagong ipinakita sa
kanyang karakter. Ang pagbabagong iyon ay ang pakikipagtalik
niya sa bayaw o pinsan ng kanyang asawa na si Doktor Marcelo
Blancaflor.
3. Nanay – Nanay ni Doktor Marcelo Blacaflor, walang specific na
pangalan. Siya ay tiyka na karakter , sapagkat walang ipinakita
pagbabago sa kanyang katauhan. Una hanggang sa wakas ng
kuwento ay ang ipinakita lamang niya ay ang pagiging mabuting
ina sa kanyang anak maging sa kanyang manugang na si Gloria.
4. Adolfo – Pinsan ni Doktor Blancaflor, siya ay bilugan o buong
karakter, parehas lamang sila ng ipinakita ng katauhan ni Gloria
na asawa ng kanyang pinsan.
b. Galaw ng Pangyayari
Maayos na nailahad ng may-akda ang kuwento. Hindi mabilis at hindi
din ganoon kabagal ang kuwento, tamang-tama lamang ang takbo o
daloy nito. Ipinakita ng may-akda ang pagmamahal sa magulang bilang
kabayaran sa lahat ng paghihirap nito sa kaniya.
VII. Bisang Pampanitikan
a. Bisa sa Isip
Habang binabasa ko ang kuwentong Masaklap na Tagumpay ay
kumintal sa aking isipan ang kabutihan ng isang ina sa kaniyang anak at
kabutihan ng anak sa kanyang ina. Ang kuwentong ito ay isang salamin
muli sa ating lipunan, sapagkat gagawin lahat ng anak para sa kanyang ina
sapagkat ito ang dahilan kung bakit ito nabubuhay ngayon. At isa pa na
kumintal sa aking isipan ay ang pananalig sa Maykapal, dahil kapag
manalig ka sa kanya ay hindi ka niya bibiguin.
b. Bisa sa Damdamin
Ang damdaming ipinaramdam sa akin ng kuwentong ito ay halo-halo.
May saya, lungkot at galit. Nakakatuwa sapagkat ginagawa ng Doktor
Blancaflor ang lahat para sa kanyang ina. May lungkot na nadarama
sapagkat ang pangangaliwa ng asawa ni Doktor Blancaflor ay pinagtakpan
ng kaniyang ina. At galit sapagkat isa sa mga batas ng Diyos ay nilabag ni
Adolfo na pinsan pa mismo ng Doktor Marcelo Blancaflor.
c. Bisa sa Kaasalan
Bilang isang anak, gagawin ko ang lahat para sa ikakabuti ng aking
ina. At alam ko na ginagawa ng aking ina ang lahat upang ako ay maging
masaya. Kaya hangga’t may paraan upang maipakita mong mahal mo ang
iyong ina ay iyo ng gawin bago pa mahuli ang lahat.
d. Bisa sa Lipunan
Malaki ang pakinabang at maiaambag nito sa lipunan, sapagkat
marami sa mga kabataan ngayon na binabalewala ang paghihirap ng
kanil;ang ina. Isa na naming akda na sumasalamin sa buhay ng tao. Ang
pagmamahal sa anak at ang pagmamahal ng isang ina. Isa itong paalala
sa mga kabataan na huwag mong hahayaan ang magulang mo sa oras na
hindi mo na sila kailangan na ikaw ay kaya mo ng tumayo sa sarili mong
mga paa bagkus palitan mo ang lahat ng paghihirap nila sa pagkat ikaw
naman ang kanilang kakailanganin.

You might also like