You are on page 1of 6

AKO’Y SASAIYO , HUWAG KANG

MATAKOT, AKO ANG IYONG


DIYOS HINDI KA DAPAT
MANGAMBA . PAPALAKASIN KITA
TUTULUNGAN, IINGATAN AT
ILILIGTAS LAHAT NG MAY GALIT
SA IYO AY MAPAPAHIYA AT
MAMATAY ANG SINUMANG
LUMABAN SA IYO

ISAIAS 41:10-11
Tekstong ArgumentatiboAno ang teksto?
• Ang TEKSTO ay ang mganakasatitik na mensahe naginagawa ng mga manunulat

Ano ang argumentatibo?


• Isang anyo ng diskurso nanakatuon sa pagbibigay ng isangsapat at matibay napagpapaliwanag
ng isang isyu opanig upang makahikayat omakaengganyo ng mambabasa otagapakinig.
Nagalalayon rin ito namakahikayat ng tao sa isyu o panig.

Ano ang tekstong argumentatibo?


• I s a n g u r i n g a k d a n g n a g l a l a y o n g mapatunayan ang katotohanan ngipinahahayag
at ipatanggap sabumabasa ang katotohanang iyon.• A n g i s a n g t e k s t o k u n g i t o
a y naglalahad ng mga posisyongumiiral na kaugnayan ng mgaproposisyon
na nangangailanganng pagtalunan opagpapaliwanagan. Ang ganitonguri ng teksto ay tumutugon
satanong na bakit.

Halimbawa: mga editoryal,pagsasagawa ng debate, at ibapa.


• A n g t e k s t o n g a r g u m e n t a t i b a y i s a n g uri ng akdang naglalayongmapatunayan
ang katotohanan ngipinahahayag at ipatanggap sabumabasa ang katotohanang ito. Argumentatib–
pangangatwiran.• I t o a y i s a n g u r i n g t e k s t o n a nagpapakita ng mga
proposisyonsa umiiral na kaugnayan sa pagitanng mga kaisipan o iba pang mgaproposisyon.

Proposisyon
- Paksa
Dalawang uri ng tekstong argumentatibo
•Puna
Kung ito ay nag-uugnay ng mgapangyayari, bagay, at mga ideya sapansariling pag-iisip,
paniniwala,tradisyon at pagpapahalaga.•
Sayanti!ik
Kung ito ay nag-uugnay sa mgakonsep sa isang tiyak na sistemang karunungan at pag-iisip
upangang kinalabasang proposisyon aymay tiyak na kahulugan.
Ano ang layunin nito?
• H i k a y a t i n a n g m g a t a g a p a k i n i g n a tanggapin ang kawastuhan ngkanilang
pananalig o paniniwala sapamamagitan ng makatwirangpagpapahayag.• P a p a n i w a l a i n ,
a k i t i n a t k u m b i s i h i n ang tagapakinig o mambabasatungo sa isang tiyak na aksiyon

Tekstong prosidyural
Ang mga tekstong prosidyural ay kahalintulad ng isang manwal. Naglalaman ito ng mga
hakbang na kailangang sundin upang makamit ang ninanais na resulta. Ito ay isang maliit
na aklat na makakatulong sa mga nangangailangan ng gabay upang maisagawa ang isang
bagay.

Halimbawa:
Kung nais kong magluto ng Adobo, kailangan kong sumangguni sa isang tekstong
prosidyural.

Nilalaman ng isang prosidyural na teksto tungkol sa pagluluto ng adobo.

1. Hugasan ang kasangkapan pang luto at ang mga lulutuing sangkap.

2. Sa isang kawali, mag gisa ng mga sibuyas at bawang.

3. Isunod ang manok at palambutin ng 10 minuto.

4. Lagyan ng toyo, suka at paminta.

5. Ang adobo ay luto na pagkalipas ng 5 minuto at maaari nang ihain.


Naratibo
Ang Babaing Balo

Isang matandang lalaki ang lumapit sa isang babaing balo. Gusgusin ang matandang lalaki.
Mukha itong gutum na gutom. Taggutom noon sa lugar na iyon, mahirap ang
pagkain."Mayroon ka bang makakain diyan?" tanong ng matandang pulubi sa balo."Ilang
araw na kasing hindi nalalamnan ang aking sikmura. Parang hihimatayin na ako sa
gutom.""Mayroon po akong isang dakot na harina at katiting na langis." Sagot ng
balo."Lulutuin ko nga po para makakakain kami ng aking anak bago kami mamatay na
dalawa.""Kung lulutuin mo ay bigyan mo naman ako." Sabi ng matandang pulubi.

"Sige po dito lang po kayo at maghintay." Sabi ng babae.Sinimot ng babaing balo ang harina
sa lalagyan at ang katiting na langis. Sinimulan niyang iluto iyon para maging tinapay. Iyon
na ang kahulihulihang patak ng harina at langis sa lalagyan niya. Ngayong ubos na ang mga
iyon, hindi niya alam kung paano pa sila kakain ng kaniyang anak. Siguro'y mamamatay na
lamang sila sa gutom.

Maliit lang ang nalutong tinapay. Tatlo silang kakain. Siya, ang kanyang anak na lalaki at ang
matandang pulubi. Kahit sa kanilang dalawa nang kanyang anak ay hindi na kakasya ang
maliit na tinapay na iyon. Hinati niya ang tinapay sa dalawa. Ang kalahati ay ibinigay niya sa
matandang pulubi.Ang kalahati ay itinira niya para sa kaniyang anak. Siya ay magtitiis na
lamang ng gutom.

Nakakain ang matandang pulubi. Nasisiyahan itong nagpaalam sa kanya."Maraming


salamat," anang matandang pulubi. "pagpalain ka sa iyong kabutihang loob."Inihatid niya ng
tanaw ang matanda hanggang mawala ito sa paningin. Pagkatapos ay tinungo niya ang anak
na natutulog. Gigisingin na niya ito para kumain.

Naudlot siya ng paglapit sa anak napatingin kasi siya sa lalagyan niya ng langis. Nagulat siya
ng makitang puno iyon ng langis gayong kanina ay wala nang laman iyon. Nagtataka siyang
lumapit, binuksan din niya ang lalagyan ng harina. At nakita niyang puno rin iyon gayong
kanina ay wala nang laman. Natapos ang taggutom sa lugar na iyon na hindi nauubos ang
harina at langis ng babaing balo.

Bagay
Isang dakot ng harina
Katiting na langis

Tauhan
Isang babaeng balo
Matandang pulubi
Ang anak ng babaeng balo

Pangyayari
Gutom na gutom ang lalaking pulubi at gayundin ang babaing balo nakita ng lalaking pulubi
ang babaeng balo at naikiusap na ipag luto sya ng tinapay sa pamamagitan ng ibinigay
nyang isang dakot ng harina at katiting na langis

Buod
Tinulungan ng babaeng balo ang matandang pulubi kahit na silay nagugutom dahil nung
mga panahong iyon ay tag gutom pinag silbihan nya ang lalaking pulubi kahit syay gutom
na gutom nadin at ipinag luto nya ito ng tinapay para sa kanilang tatlo ng kanyang anak at
hindi nya alam kug papaano ito pa kakasyahin sa kanilan tatlo kaya ang ginawa nya ay
hinati nya ito sa dalawa para sa matandang pulubi at para sa kanyang anak at siya naman
ay nagtiis na lamang at pagkatapos kumain ng matandang pulubi nag pasalamat ito sa
babaeng balo at umalis na . ginising naman ng babaeng balo ang kanyang anak na
natutulog at bigla syang nagulat nung nakita nya ang lalagyanan ng langis na nag uumapaw
gayon din ang harina na puno ang lalagyanan namangha ang babaeng balo sa nakita nito

Aral
Huwag na huwag tayong mag dadamot sa ating kapwa patuloy lang tayong mag tulungan
kahit na tayoy nangangailangan din at siguradong pag papalain tayo sa ating magandang
Gawain
Talambuhay ni Dr. Jose Rizal
Si Dr. Jose Protacio Rizal ay ang Pambansang Bayani ng Pilipinas. Siya ay isinilang sa
Calamba, Laguna noong Hunyo 19, 1861. Ang kanyang mga magulang ay sina G. Francisco
Mercado at Gng. Teodora Alonzo.

Ang kanyang ina ang naging unang guro niya, maaga siyang nagsimula ng pag-aaral sa
bahay at ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa Biñan, Laguna. Nakapag tapos siya
ng Batsilyer sa Agham sa Ateneo de Manila noong Marso 23, 1876 na may mataas na
karangalan. Noong 1877 ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa Unibersidad ng Santos
Tomas at Unibersidad Central de Madrid hanggang sa matapos niya ng sabay ang medisina
at pilosopia noong 1885. Natuto rin siyang bumasa at sumulat ng iba’t ibang wika kabilang
na ang Latin at Greko. At nakapagtapos siya ng kanyang masteral sa Paris at Heidelberg.

Ang kanyang dalawang nobela “Noli Me Tangere” at “El Filibusterismo.” naglalahad ng mga
pang-aabuso ng mga prayle sa mga Pilipino at mga katiwalian sa pamahalaan ng Kastila.

Noong Hunyo 18, 1892 ay umuwi ng Pilipinas si Dr. Jose P. Rizal. Nagtatag siya ng samahan
tinawag ito na “La Liga Filipina.” Ang layunin ng samahan ay ang pagkakaisa ng mga Pilipino
at maitaguyod ang pag-unlad ng komersiyo, industriya at agricultura.

Noong Hulyo 6, 1892 siya ay nakulong siya sa Fort Santiago at ipinatapon sa Dapitan noong
Hulyo 14, 1892. Apat na taon siya namalagi sa Dapitan kung saan nanggamot siya sa mga
maysakit at hinikayat niya ang mamamayan na magbukas ng paaralan, hinikayat din niya ang
ito sa pagpapaunlad ng kanilang kapaligaran.

Noong Setyem bre 3, 1896 habang papunta siya sa Cuba upang magsilbi bilang siruhano at
inaresto siya. Noong Nobyembre 3, 1896 ibinalik sa Pilipinas at sa pangalawang pagkakataon
nakulong siya sa Fort Bonifacio.

Noong Disyembre 26, 1896 si Dr. Jose Rizal ay nahatulan ng kamatayan sa dahilang
nagpagbintangan siya na nagpasimula ng rebelyon laban sa mga Kastila.Bago dumating ang
kanyang katapusan naisulat niya ang “Mi Ultimo Adios” (Ang Huling Paalam) upang magmulat
sa mga susunod pang henerasyon na maging makabayan.

Noong Disyembre 30, 1896, binaril si Dr. Jose P. Rizal sa Bagumbayan (na ngayon ay
Luneta).

You might also like