You are on page 1of 2

PARAMDAM

Hi mga ka spookify so first time kong mag share ng story dito. Ako po si Pau 19 years old. Meron akong
kuya pangalan niya po ay Jv isa po siyang masipag at mapagmahal na kuya.

Since 12 years old po kase yung kuya ko may dinadala na siyang sakit bali ngayon po 24 na siya. Kulang
po siya sa pottasium yung sakit po niya na yan is bawal po siyang mapagod dahil manghihina siya ng
sobra as in parang walang buto , di makatayo , hindi makalakad , kahit po makaupo tsaka makainom ng
tubig hindi po niya kaya. Bata palang siya pabalik balik na siya sa hospital sila nila mama dahil pag
nagkakasakit siya palaging ganon. Kaya nasanay nadin si mama ko na pag hirap si kuya sinusugod agad
siya sa hospital tas gagaling ulit.

Then January 12 this year lang dumating yung araw na hindi namin inaasahan , 7am nagpacheck up siya
then pag uwe niya mga bandang 10am nagsabe siya na nahihirapan na siya huminga ako naman
nataranta Hindi na daw niya kaya, kaya tinawag ko si mama para ioxygen siya pero wala daw hindi daw
gumiginhawa yung pakiramdam niya nahihirapan paden daw siya. Then sinugod namin siya sa hospital
kasama yung mga dalawang tito ko , bf ko , kapatid kong isa then si mama tsaka ako. Nahirapan kame sa
byahe kase traffic then eltry lang gamit namin yung ibang sasakyan ayaw pa magpasingit. Halos lahat
kame nalang ang naging bubusina dahil sira ang busina ng sasakyan na gamit namin. Lahat ng mga
nakaharang na sasakyan pinagmamakaawaan namin na tumabi dahil emergency okay pa naman si kuya
non then finally nadala namin siya sa 1st hospital na pinuntahan namin. ( Diko na sasabihin kung anong
hospital) 5pm ata yun nung nakarating kame non. Sobrang layo at sobrang traffic that time. Akala namin
okay na dahil nadala na nga namin siya sa hospital but nung mga bandang 6 pauwe na sana kame para
kumuha ng gamit niya dahil sigurado naman kame na matatagalan si kuya don gaya ng dati bumyahe
ulet kame bali si mama nalang yung kasama ni kuya. Nung makalapit na kame biglang tumawag si mama
na hindi na daw nagsasalita si kuya. Lahat kame naguluhan baket ganon samantalang nung dinala namin
okay siya nag thumbs up pa siya. Bumalik ulit kame sa hospital di na kame nakauwe. Pagbalik namin
umiiyak na si mama pagkakita namin kay kuya tulala na siya as in di na pumipikit yung mata niya di nadin
siya nagsasalita. Umiiyak na kame lahat non si papa sumunod galing trabaho. Then sabe ng doktor wala
daw silang facilities para kay kuya kaya lumipat kame sa 2nd hospital malayo din kaya sobrang
natataranta na kame. Lahat ng pagpapaluwag sa kalsada ginawa namin mapabilis lang yung byahe
namin papuntang hospital. Pag tingin palang ng doktor kay kuya sinabe agad na malala ang lagay ng
pasyente then wala daw din sila facilities para kay kuya then kame byahe ulet dahil nagmamadali na
kame pagdating namin sa 3rd hospital akala ko okay na dahil inasikaso agad siya nahiga muna ako sa
sasakyan dahil diko na kinakaya yung nangyayare samin that time. Walang pang 2 minutes nung nababa
namin si kuya bumalik yung papa ko sabe wala na daw si kuya , yes patay napo siya sobrang naiyak ako
tumakbo ako papunta kay kuya si mama yakap si kuya umiiyak.

Dead on arrival napo pala siya nung nadala namin siya sa pangatlong hospital. Hanggang ngayon sobrang
sakit paden para saming lahat.

Then 2 months after nung nalibing si kuya umalis kame ng bf ko dito lang banda samen habang
naglalakad kame may nasalubong kame na naka bike malayo palang kinilabutan nako kitang kita ng
dalawang mata ko si kuya yon , kamukhang kamukha lahat lahat mata, buhok, itsura niya pasalubong
siya samin kase kame pababa siya pataas naka bike nakatitig pa siya saken sobrang naiyak ako then pag
tingin ko sa bf ko nagsitayuan balahibo niya nagkatinginan kaming dalawa sabe namin si kuya jv yon.
Hanggang pag uwe ko umiiyak ako di ako makapaniwala. Sinabe ko sa mama ko sabe niya may nakita din
siya kamukhang kamukha ni kuya nagtitinda naman daw ng mani. Sa tita ko naman nakasabay niya sa
jeep tas sa isang tita ko nakita niya sa palengke. Lahat kame nakita namin siya diko maipaliwanag kung
anong ibig sabihin ng lahat ng yon.

3 days pagtapos nung nalibing na si kuya tumawag yung pinagpacheck-up an niya na positive si kuya sa
T.V then nagkaron din siya ng Minenjitis.

To kuya sana napatawad mo kame sa lahat ng mga pagkukulang namin sayo. Ginawa naman namin lahat
kaso hindi na talaga kinaya ng katawan mo. Nagkasabay sabay yung sakit mo dahil sa pagdidiet mo.
Hanggang ngayon masakit paden para samin , lalo na saken kase walang oras na hindi kita naaalala.
Sobrang miss na kita. Masaya ako kase wala kanang sakit na mararamdaman pa. Hanggang sa muli
nating pagkikita sa bayang banal mahal kong kuya. Mahal na mahal ka namin. We miss you

Pau

Unknown

Unknown

2021

You might also like