You are on page 1of 4

Maraming nag tatanong sakin sa chat , paano daw kung mainit ang na fi-feel nila tapos parang umaangat

ang anet nila at biglang tumatayo ang mga balahibo , Gaya nga po ng nasabi po , Element's po yun , pero
kung naiinitan lang kayo iligo nyo lang po yan libag lang yan hahahahahah.

PART 2

📌"LALAKE SA KOTSE & DAN CALUAG"

Marjorie : "Tapos dba yung kotse nyo ? Sa may garahe nyo ? May binatang lalake dun."

"Ang pangit mong ka-bonding Marj !",.., Nag ayawan na kami nun dahil mag 10PM na , habang nag
liligpit kami puro pananakot ang inabot ko sa mga tropa ko, ang bilis ng karma pre 😞 Nakuha pang mag
Biro ni rob sakin,.., "Tangek baka gusto lang mag drive non.",.., Ang sabi naman ni marjorie sakin,..,
"Bukas chat mo ko , tutulungan kita at tutulungan natin sya , nararamdaman ko malungkot sya ngayon
eh.",.., Tapos ayun na nga Hanggang sa magkanya-kanya na kaming direksyon pauwi.

So habang naglalakad ako , tinatawagan ko na yung bunso kong kapatid sa messenger HAHAHAHAH
baka kasi nag sarado nnman sila ng maaga , eh kaso ayaw sumagot ng kapatid ko kaya nag chat ako,..,
"Hanz ! Pauwi nko , paki bukas ang gate bilisss ! natatae nko.",.., (biro ko sa kapatid ko para bilisan nya at
maka-pasok nko agad ng bahay),.., tinawagan ko ulit sya sa messenger habang nakatayo lang ako sa
eskinita namin at inaaliw ko ang isip ko , Sinisilip ko ang bahay namin mula dito sa eskinita , tama nga
ang hinala ko , Sarado na ang bahay dahil patay ang mga ilaw sa baba , sa second floor lng ang
nakabukas , ibig sabihin lahat sila nasa kwarto na at wala ng tao sa baba ! Hanggang sa bumukas nlng
yung ilaw sa 1st floor at sa garahe namin at narinig ko ng kumakalampag ang kadena ng gate , kapatid ko
na yun.., "Nice.., Sa wakas ! Makakauwi nko at may kasama pa ako sa garahe." ,.., mabilis akong
pumasok nun at iniiwas ko yung mata ko sa sasakyan namen , tapos nung nasa loob nko ng 1st floor
sinabihan ko yung kapatid ko habang ni la-lock nya ang gate ,.., "Kilala mo si marjorie ? Sabi nya may
lalake daw jan sa kotse natin naka barong na puti.",.., 😆 bigla akong tumakbo sa hagdan paakyat ng
2nd floor at narinig ko nlng na sumisigaw ang kapatid ko habang natataranta mag sarado ng gate ,....,
"TARANTADO KA TALAGAAA ! MAAAAAAAH ! ,.. MAHHHH SI KUYAAAAA ! TANG*NA NAMAN TALAGA
OHHHHHH ! MOMMYYYYYYYY !",.., 😆 tapos dumiretso nko agad sa kwarto nila mommy,.., (😁 Sa mga
katulad kong magaling manakot jan pero nuknukan naman ng takot, Apir tayo 🖐️😆) , mabilis din nmang
umakyat ang kapatid ko dito sa kwarto nila mommy at hindi umiimik tapos naka-simangot at pinakyu
ako ng pasimple hahaahahaha tapos nag kwento na ako,.., "Mah, si marjorie ! Yung bagong lipat bahay
jan sa apartment nila aling seni , Bagong tropa nmin yun , sabi nya may lalake daw dun sa kotse natin ,
ang galing nya parehas sila ni ate rose (pinsan ko na nasa ibang bansa na), tutulungan daw nya tayong
mapa-alis yun bukas.",.., sagot naman ng maganda kong nanay,.., "Letse ! Puyat lang kayo ! Tulog tulog
din kase,.. tsaka Maganda nga yung ganyan para mag si uwian kayo ng maaga ! kakandaduhan ko kayong
lahat bahala kayong kumatok jan sa labas.",..., Lakas tama din netong nanay ko eh , nag paalam na kong
matulog , umalis na ko sa kwarto nya at pumasok nko sa kwarto ko ! nag chat sakin si marjorie ,.., "Ako
ng bahala bukas , basta before 8AM anjan na ako , pupunta tayo ng simbahan.",.., Sabi ko lang,.., "K",..,
hanggang sa natulog na ko.

MAY 29 , 2021 (Saturday)


7:50AM tumawag sakin si marjorie nandun na daw sya sa harap ng bahay namin sabi ko ,.., "Sige tuloy
lang.",.., tumuloy na si marj at pumasok nrin sya sa loob ng sasakyan after 5 mins , kumatok si marjorie
sa bintana ng sasakyan at sinenyasan nya ko ng 'OK na' , inaya ko na si mommy na sumakay na , dun sya
sa passenger seat katabi ko , then ako yung driver at nasa gitna naman si marjorie. Diretso alis na kami
hindi ko na pinainit ang makina ng sasakyan , Habang nag da-drive ako hindi nmin pinag uusapan yung
lalake , kwentuhan tungkol sa mga work lang hanggang sa makarating na kame ng simbahan.

Bumaba na kameng tatlo , sinabihan ako ni marjorie na buksan ko daw lahat ng pintuan ng sasakyan ,
nag labas sya ng tatlong puting kandila at nag tirik sya tapos nag pray kame , after naming mag dasal nag
salita si marjorie ng mahinahon,.., "Kahit wala si pader ok lang , may baon akong holy water." ,..,
binasbasan nya ang loob ng sasakyan pati sa labas at sinabing,.., "Oh sige na Rafael , sundan mo lang
yung liwanag ,... wag ka ng sasama kahit kanino ha ? Basta sundan mo lang yung liwanag sila ng bahala
sayo.",.., ngumiti si marjorie habang kumakaway at nag aya na siyang umuwi , nakatingin ang mommy ko
kay marjorie at bigla rin napa-ngiti , parang ang gaan-gaan na agad ng loob nya kay marjorie 🙂 habang
nag da-drive ako , eto ang mga sinabi ni marjorie sa maganda kong nanay.

Marjorie : "Hi po titaaaaa , ayan sa susunod po ha mag pa-pagpag kayong lahat pag galing po kayo sa
ibang lugar or sa mga ibang bahay lalo na po sa mga Sementeryo , Nung webes lang po ito , Sumama po
kasi sya sa inyong lahat , Actually...mabait naman siya , isa syang pulis kakalibing lang ng katawang lupa
nya nung last month , namatay po sya dahil sa bangungot.",.., (mahaba pa ang usapan naming tatlo nun
sa loob ng sasakyan hanggang sa makauwi na kami).., maraming salamat marjorie.

Same Day parin , MAY 29 (Saturday) 2PM, Eto na ang pinaka inaabangan nyong lahat,

Si 📌 "DAN CALUAG" , diba sinabi nya last time mga martes pa daw sya mag sasabi kay marjorie ? Eh kaso
sabado palang eh na excite na sya agad.

Nag chat si dandan sa group chat at nag aya sya na magkita kita kameng lahat sa bahay nila rob bago
daw sya mabigyan ng orasyon ni marjorie.

So pumunta nko dun kila rob , tatlo palang silang nandun ! si dandan , si rob , tsaka si april , Susunod
nlng daw si diane sabay nlng daw sila ni marjorie , nag luto muna kame ng pancit canton hanggang sa
dumating narin yung dalawa. So ayun Food trip kameng lahat habang naka palibot sa isang lamesita sa
sala nila rob , may nakita akong kandilang maliit dun sa ilalim ng lamesita , kandila na pang birthday cake
, di ko alam bat ko ba napag tripan yon , sinindihan ko nlng basta basta tapos etong si rob tarantado
talaga ! Bigla ba namang nanigas ang buong katawan nya at tumitirik pa ang mata 😆 natakot bigla si
diane tsaka si april , tapos etong si rob dahan dahan nyang inangat ang kamay nya na nakaturo pa kay
diane at iniba ang boses na parang tanga at sinabing,.., "Hooyyyyy , ikawwwwww ! Oo
ikaawwwwww !." ,.., Eh etong si diane madali kasi syang maloko (kaya laging broken yan 😆) , kaya
natakot tlga sya at mangiyak-ngiyak sya tapos yumakap sya kay marjorie bigla nlng tumawa si rob
hahahhaah naawa ako kay diane kaya hindi ako makatawa 😆 kumuha ng unan si diane at hinampas kay
rob at sinabing,.., "Ang pangit ng trip mo !!!",.., bigla namang umeksena si marjorie,.., "Alam ko nmng
wala eh , loko ka tlga rob , Sabi ko naman sa inyo wag nyong gawing biro yan eh , pasalamat ka walang
nakapaligid satin ngayon dahil kung meron , cguradong maiinsulto yon lalo na ang mga element's , sa
ginagawa mo para mo silang sinusubukan.",.., Tapos nag salita na ang bida , si Dan Caluag,.., "Marj ready
na ko ngayon palang , handa na ko sa mga gagawin ko." ,.., Sabi naman ni marjorie,..,"Sige , mas Ok nga
pag saturday ! kumuha ka ng papel , isulat mo lahat ng sasabihin ko at gawin mo to mmyang 6pm ng
ikaw lang mag isa sa area , sundin mo lng lahat ng sasabihin ko at dapat walang makakaistorbo sayo.",..,
📌Guys hindi ko pwedeng ibahagi sa inyo yung mga sinabi ni marjorie , hindi yun biro ! delikado yun lalo
na't wala kayong kasamang expert , wala kayong gabay.

Pinapikit ni marjorie si Dandan at piniringan ang mata , Bumulong si marjorie ng Latin tapos hinawakan
si dandan sa ulo , Sabi ni marjorie mas mainam daw yun para masubaybayan nya lalo si dandan at mas
mapapadali ang pag bukas ng 3rd eye nya after ng orasyon na gagawin. Maya maya lang nag paalam na
si marjorie para umuwi at nagmamadali pa, sabi nya,.., "Nga pala... Mauna na kame ni april , may
pupuntahan pa kami eh.",.., bigla namang napatingin si april kay marjorie na parang walang alam at
nagulat , dun ako nag taka !

"Goodluck dan.", ika ni diane....

Umuwi na kaming lahat at eto na ang kalbaryo ni dandan also known as DAN CALUAG 🙂

MAY 30 (Sunday) , Sa buong mag hapon di man lang nag cha-chat si dan caluag samin kaya naisip kong
tawagan sya sa messenger para kamustahin , 5PM sinagot nya ang call ko thru video call , nakita kong
nangingitim ang eye bag nya , hindi sya nag sasalita tapos nag End call agad sya kaya lalo akong
kinabahan. 7PM ng gabi naka recieve ako ng chat kay diane,.., "Tol labas ka, nandto kami kila rob
kasama na namin si dandan.",..,

Pumunta nako kila rob , nandun si diane at si dan caluag , apat lang kameng nandun , wala si marjorie
hindi namin sya ma-contact ! at si april naman ay umalis nasa quiapo pa daw sya , pinapa-tawagan rin
namin sknya si marjorie pero hindi na rin daw nya ma-contact ! So ayun , kinamusta na namin si Dan
Caluag.

Naka Voice record si Dan caluag ng hindi nya alam , nirerecord ko sya ng hindi rin alam nila diane at
rob , Nandun kami sa sala nila rob sa may lamesita ulit , At eto ang kwento nya habang nanginginig pang
mag salita.

📼 Dan Caluag : "Mga tol , hindi ako nakatulog ng maayos kaninang madaling araw , naka idlip lang ako
ng konti tapos ayun halos mabaliw na ko sa kawalan , hanggang ngayon balisa parin ako... after kong
gawin yung orasyon na sinabi ni marj kahapon , nung una parang wala lang ! As in wala tlga , parang
normal parin ako , hanggang sa mawala na sa isip ko yung mga ginawa ko , hanggang sa makalimutan ko
na bigla yung sa 3rd eye , Then mga 1AM nko nakatulog kaninang madaling araw , Magkakasama kami sa
isang kwarto tapos may dalawang kama don , isang double deck at isang single , dun ako natutulog sa
double deck dun sa taas tapos yung dalawa kong ate sa baba , si mama naman sa single ! Bigla akong Na-
alimpungatan , ewan ko parang nagising bigla yung diwa ko , di ko alam kung anong oras na nun eh , dun
ako nakaharap sa bintana , patay ang ilaw sa kwarto pero napaka liwanag ng buwan , bigla akong naiihi
kaya bumangon ako para bumaba sa double deck dahil may arinola naman sa kwarto namen , pero pag
tingin ko sa may bandang pinto may nakaupo , BABAE !! naka-yuko tapos yung buhok nya naka-harang
sa buong mukha nya , hindi ko ma-aninag masyado kung gaano ka-haba yung buhok o kung hanggang
saan , basta ang akala ko si mama , Si mama kc ang panay ihi samin , pero nung napansin ko na yung
suot napa-higa ulit ako ng mabilis sa kama at nag talukbong agad , puta Naka PUTING DASTER !!! Hindi
nag susuot si mama ng ganun ! Kahit sila ate wala silang damit na ganun ! Kaya habang naka-talukbong
ako iniisip ko kung sino yon ! Buti hindi ko tinawag ! Paano kung ibang tao pala talaga yun Tapos
tumingin pa sakin ,.. Diba ? .., tapos Kinakapa ko yung cp ko sa palagid ng higaan ko , hindi ko mahanap
kahit sa ilalim ng unan ko wala ! Paparingan ko sana sa phone sila ate para makasigurado ako at para
magising din sila , hindi kasi ako makasigaw sa takot , Hindi ko alam kung bakit tol , naiisip ko rin na baka
magalit yung babae at hilain yung paa ko ! basta parang may pumipigil sakin , Maya-maya Biglang
tumunog yung door knob yung parang may nag lock ? Tapos may umiiyak na , mahinang mahina lang
pero maririnig mo tlga yung iyak nya na parang humihingi ng atensyon tapos yung loob ko parang
hinihila nya , nawawala na yung takot ko parang mas umiiral na sakin yung Awa , naalala ko yung cnbi ni
marjorie sakin kahapon lakasan ko daw yung loob ko mahirap daw tlga sa umpisa ! Kaya Nung pag silip
ko puta nakita ko yung babaeng naka puting daster naka bigti sya malapit sa pinto !!! Nag talukbong ulit
ako at bumalik yung takot ko , mangiyak ngiyak nako ! maya-maya may Sumi-sitsit , Dalawang beses !
Same thing Nanlalaki parin ang ulo ko at mas lalong nag tayuan yung mga balahibo ko at mainit prin
yung pakiramdam ko , biglang may maliit na boses na tumatawa yung parang boses ng chipmunks !
Tapos tumagilid ako habang naka talukbong parin , Yung paa ko binaluktot ko dahil takot na takot tlga ko
, gusto kong sumigaw pero hindi ko maibuka yung bibig ko , Hindi din ako makagalaw na ! Para akong
na-stock up , Di ko alam kung bakit !,. Pinag papawisan na ko , pakiramdam ko may humahawak pa sa
kumot ko sa may bandang paanan ko , parang nakikipag laro sya tapos sinisilip ako ! Dun ko naalala yung
3RD EYE ko !! Nakapikit lang tlga ako ng matagal at ang lakas ng kabog ng dibdib ko tapos bigla kong
nakita si ate sa isip ko , nakita ko syang (...)."

itutuloy sa part 3✌️sadyang pinutol ko talaga dahil napaka haba nito.

Sa tingin ko, may idea na kayo kung anong entity yung nakita at naramdaman ni Ed este ni Dan Caluag.

📣Goodluck sa mga maiihi jan mamaya 🙂 Awooooo 👻

(Nasan ba si marjorie ?)

📌"WHAT'S UP MARJORIE DELA CRUZ"

Abangan sa part 3

🃏Payaso Mnl🔥

You might also like