You are on page 1of 2

Hi admin ng spookify, nais ko lang po ibahagi ang kwentong karanasan ko sa bahay ng aking kakilala.

Itago niyo nalang po ako sa pangalang Jabami ng Tarlac City.

(Based on a true story)

Cora at Serio

Nangyari ito sa lumang bahay na mala kastila ang dating at sa ibaba nito ay pinag tayuan na ng salon.
Makikita mo ang bahay na ito sa tabi ng Red Cross malapit sa Maria Christina Park. Kung makikita mo
ang bahay ay opisina ng mga sinaunang tao panahon pa ng kastila.

Taong 2016 pa ito nangyari.

Nangyari ito noong bumisita ako sa bahay ng kaibigan ko at bagong lipat sila doon. Mayroon siyang
pamangkin na lalaki ang pangalan ay "Joren", apat na taong gulang at sadyang napakalikot. Ang bahay
na ito ay may dalawang palapag ang taas. Lagi namamalagi si Joren sa may taas ng bahay at halos di na
bumababa. Gustong gusto niya raw roon, at halos pabayaan siyang maglaro mag isa. Isang araw,
nagtataka daw ang nanay nito dahil tumatawang mag isa ang batang ito. At nang tinawag siya ng
kanyang ina para kumain, nabanggit ng bata na sasabay daw sina "Cora at Serio" sa kanila. Tinanong ng
mama niya kung sino sina "Cora at Serio" at nasabi ng bata na kalaro niya sila at matagal na silang
naninirahan dito sa bahay na iyon. Nangilabot ang ina ng bata na kaya pala minsan nagpapabili ang bata
ng pagkain, tatlo daw silang kakain doon. At nung unang gabi nila doon, dahil sa baba sila ntutulog
kasama ang trabahador nilang mga beki. Nung gabing iyon ay para bang may tao sa taas at may
lumalakad. Bawat yapak daw ay parang patakbong paglakad at ang mas matindi pa dun sa hagdan ay
parang may tumatakbong bata pataas at pababa. Meron pang pagkagising nila may bakas ng paa ng bata
doon sa hagdan at doon sa taas ay bakas naman ng paa ng mga matatanda. Halos naman daw bago sila
matulog naglilinis muna sila.

Noong ika mayo 2016, may kaunting magaganap na salo salo sa kadahilanang ang isa nilang pamilya ay
pumasa ng board exam. Umuwi ng Pura ang pamilya ni Jaren, at ang natira doon ang mga
nagtatrabahong mga beki na bigla bigla ay tumakbo silang palabas ng bahay at sila ay takot na takot.
Tinanong ko kung ano ang nangyari, ang sabi nila ay may narinig daw silang naggigitara sa taas at may
naririnig daw silang yapak. Dahil sa nakasampay ang twalya ng isang beki sa itaas, humangin daw na
malakas at nung sumama sa hangin ang twalya, nag anyong tao raw ito. Laking gulat naman nitong mga
beki kaya sila napalabas ng bahay at iniwan ang niluluto nila. Halos sa sobrang takot, kinabukasan ay
umalis sila sa salon. Isa pang nakakapangilabot na pangyayari tila ba ang dalawang myembro ng kanilang
pamilya ay nagbago ang ugali. Isang araw habang nakaupo ako sa mesa, sabi nung isang kapamilya nila
ang pangalan niya ay "Simon". Sabi niya sa akin, may mga kasama raw kami at gusto nilang makisalo sa
pagkain namin. Hindi ko sia masyadong pansin. At sabi pa niya na may bubulong daw sa tenga ko para
malaman niang totoo dw ang sinasabi niya dahil hindi ko sia pinapaniwalaan. At totoo nga tila bang may
humihip sa aking tenga at nilagnat ako kinabukasan. Kung di ako pinatawas ni mama ko sa kilala niang
albularyo, hindi ako gagaling. Ilang gamot para sa lagnat ang aking ininom ngunit wala pa ring epekto.
Hanggng sa sobrang takot na ng pamilya, ibinenta na nila ang bahay na iyon. Dahil para bang nag iba ang
ugali ni "Jaren" magmula nung napunta sa bahay na iyon. At nasabi niyang gusto niyang sumama kina
Cora at Serio dahil umaakyat at tumatalon doon sa may bintana. At dun sa ibaba nakikita niya ang
dalwang bata at tinatwag daw sia. Sa ngayon, isa na raw itong Canteen na tindahan ng lugaw. May
nabanggit ang pastor na ito dahil nakwento ko nung kumain kami doon. Ang bagong may ari doon ay
kachurch daw nila. May sinapian daw sa bahay na ito, sa ikalawang palapag. Bata daw ang sumapi sa
taong yon. At binanggit ng pastor ang pangalang "Cora at Serio" halos tumindig ang balahibo ko, dahil
iyon ang laging binabanggit ng pamangkin ng kaibigan kong si Joren.

The end

Jabami Yumeko

Tarlac City

You might also like