You are on page 1of 2

POSPORO

"Pag ako talaga nagbitaw ng salita, ingat talaga sila sa'kin. Sisigurahin kong hanggang dun nalang talaga
sila."

Laging binibigkas ni LENI (DI TINAY NA PANGALAN), tuwing may napag-uusapang di maganda tungkol sa
mga tao sa amin.

Antique Battlecross nagbabalik!

Kwento ito ng isa sa mga matalik na kaibigan ng mama ko. Let's name her GRASYA.

Pumanaw na sya ilang taon na ang nakalilipas. Masakit ang naranasan ng kanilang pamilya lalo't di
normal ang naging takbo ng buhay nila simula nung nagkasakit sya at unti unting nanghihina.

Hayaan ninyo akong dalhin kayo sa aming lugar sa pamamagitan ng pagkukwento. Trust is the only thing
I want you to give me.

Si Grasya...

Isang ina na walang ibang ginawa kundi magsakripisyo para sa kanyang dalwang anak na babae.
Nagtitinda sya sa school canteen dito sa amin. Madami syang mga kaibigang nagbibenta din sa nasabing
school. Hala kwentuhan pag di pa breaktime at busy busyhan naman pag anjan na ang mga estudyante't
guro na nagugutom na.

Ganyan ang laging ganap tuwing weekdays at family time naman sila sa weekends.

Lumipas ang panahon.. biglaan..

Sobrang biglaan..

Nanghina ang katawan ni Grasya. Di niya alam kung bakit pero habang kaya pa, kayod lang para sa
pamilya.

Fast forward. Bumigay ang katawan ni Grasya sa di malamang sakit. Di rin alam ng Doctor ang sakit niya.
Nangangayayat nalang sya. May mga vitamins na pinaiinom ang doctor ngunit wala pa ding epekto.

Hanggang sa isang araw, may nag suggest sa kanila na sumubok magpa Sorano (albularyo sa filipino).
Kilala ang soranong ito sa paggagamot dahil marami na syang napagaling.

Dumating na ang araw na gagamutin na si Grasya ..

Nagdasal ang sorano, humingi ng gabay sa kanyang mga kaibigang sya lang ang nakakakita.

Kumuha sya ng mga asoge ng posporo. Nilagay nya sa bawat space sa daliri sa paa ni Grasya.

"Napakainit!" Sabi ni Grasya. Pero hindi naman nasindihan ang mga asoge. Di na namalayan ni Grasya
ang nangyari pagkatapos nun.
Nagising si Grasya na hinang hina na. Andun pa din ang sorano.

"Anong nangyari , manong?"

Tanong ni Grasya.

"Nahimatay ka. Sumanib sayo ang kaluluwa ng nagkulam sayo." Sabi ni manong.

"Tinanong ko kung sino sya, sino ang sumanib sayo, LENI daw ang pangalan."

Nagulat at natakot si Grasya. Si LENI kasi ay isa sa mga nagbebenta din sa school at pinaniniwalaang
ASWANG.

"Tinanong ko ulit kung bakit niya ito ginawa sayo, sabi niya e dahil daw sa ikaw ang tinutulungan ni
ANGEL at hindi sya.

(Si angel ay kasapi ni Leni sa relihiyon nila pero hindi sya aswang/mabait na tao po ito.) Nagpumiglas ka
ulit at nahimatay. Malakas ang gumawa sayo nito. Gusto ka niya tapusin dahil lang sa inggit."

Wala nang nagawa ang sorano dahil malakas daw talaga ang kulam. Ang alam nalang nila kung sino ang
gumawa kau Grasya ng ganun. IpinagsaDiyos nalang nila ang nangyari at mangyayari pa.

Lumipas pa ang ilang araw at binawi na nga si Grasya. Namatay syang hindi pa handa sapagkat iniisip pa
niya ang kanyang dalwang anak.

Di natin alam kung kailan tayo kukunin sa mundong ibabaw.

Ang masaklap lang dito, di din natin alam ang kayang gawin ng akala natin e tao dahil lang sa tao ang
anyong pisikal nito.

Madaming demonyo ang pagala gala lang.

Naturally born sinners kasi tayo but by the Grace of God kaya tayo maliligtas. Meron din namang
tinanggap nalang ang pagiging makasalan, pinag-aralan at pinaghusayan pa.

Dito nagtatapos.

Madami pang kwento tungkol kay LENI. Sa mga readers jan sana magustuhan nyo.

Comment nalang kayo kung gusto nyo , buhay ni LENI naman. Hehehe

Antique Battlecross.

You might also like

  • C16
    C16
    Document2 pages
    C16
    Juanito Alfonso
    No ratings yet
  • C3
    C3
    Document2 pages
    C3
    Juanito Alfonso
    No ratings yet
  • C2
    C2
    Document2 pages
    C2
    Juanito Alfonso
    No ratings yet
  • C6
    C6
    Document4 pages
    C6
    Juanito Alfonso
    No ratings yet
  • C1
    C1
    Document2 pages
    C1
    Juanito Alfonso
    No ratings yet
  • C18
    C18
    Document2 pages
    C18
    Juanito Alfonso
    No ratings yet
  • C9
    C9
    Document2 pages
    C9
    Juanito Alfonso
    No ratings yet