You are on page 1of 2

GAGAMBA

nangyari ito dekada '90s pa. Kinuwento lang ng barbero sa amin.

His POV.

Sobrang saya ng kabataan namin. Di tulad ngayon na puro gadgets ang inaatupag.

Sa amin dati lahat ng laro, kahit anong oras pa yan, game kami.

Di pa uso cellphone noon. Kaya pupunta ka talaga sa bahay ng mga tropa mo kung may sasabihin ka sa
kanila o kahit anong sadya.

Ito na nga. Agosto ng mangyari itong di ko malilimutang karanasan.

Ready na ang mga gasera , mga flashlight na tanging everready battery lang ang powersource.

Handa na kami maghanap ng gagamba.

Ang saya, sobrang saya. Tinahak namin ang bundok na sabi ng isa sa kaibigan ko'y sobrang dami daw
gagamba. First time namin pumunta don maliban sa kasama naming nag-aya.

At nakarating na nga kami sa bundok. Lahat ng posporo namin puno ng gagamba. Yung iba nasa dahon
nalang at mga sanga na bitbit namin. Di kami natatakot sapagkat bilog ang buwan, sobrang liwanag,
tsaka may mga kutsilyo din kaming dala.

Nagpasya na kaming umuwi.

Nauna na ang tropa naming alam ang daan. Mga 30mins na kaming naglakakad ng napagtanto naming
hindi ito ang nadaanan namin kanina. Sobrang mabangin ito at walang bakas ng daanan ng tao.

Tinanong namin sa kaibigan namin kung anong oras na.

Sya lang kasi ang may relo samin.

Alas dose sakto ang oras. Bigla kaming natakot. Kasi alas otso ng mag umpisa kaming maglakad, di pa
kami nakakadalwang oras eh alas dose na.

Tumahimik kaming lahat.

Lakad lang kami ng lakad hanggang sa may makita kaming bahay. Kita pa namin ang dalwang matandang
mag-asawang may ari ng bahay na nasa labas at parang nagkakape pa. Ang lalaking matanda ay parang
naghahasa ng patalim kasi rinig mo ang ingay nito.

Makikiinom sana ang isa naming tropa ng pinigilan sya ng isa pa naming tropa.

"Ugok ka ba? Anong oras na? Alas dose na diba? Sino pa iinom ng kape sa labas ng ganitong oras?

Tignan mo ang lalaki naghahasa pa ng patalim. Di kaba natatakot?"


Poteks sa sinabi ng tropa namin nanindig ang balahibo namin.

Tama nga naman sya. Halaaa ambilis namin kumilos at maglakad-takbo na walang nalilikhang ingay.

Laking pasalamat namin nang makakita kami ng maliit na daluyan ng tubig. Sinundan namin ito at di nga
kami nagkamali. Nakalabas kami sa bundok pero nasa kanilang barangay na kami.

Nakauwi kami mga alas dos na ng madaling araw.

Ayun at pinagalitan kami ng mga magulang namin . Nagtaka lang kami dahil antagal pala namin nawala e
halos 3hours lang lahat yung time na ginugol namin papunta at pabalik.

Kinaumagahan nag kita kita kami ng mga tropa sabay kwentuhan. Isa lang ang pinangako namin, di na
kami babalik sa bundok na iyon.

BTW, Halos lahat ng gagamba na nakuha namin puro panalo sa pustahan.

Nagtatapos.

Antique Battlecross

You might also like