You are on page 1of 3

📌"MARJORIE DELA CRUZ"

(Ang pangit mo ka-Bonding marj !)

Si "Marjorie" ay Bagong lipat dito sa lugar namin , 26 years old (Kasing edad ko lang) , Maganda sya ,
maputi , medyo maliit , Hawig nya si Maui Taylor at laging nakapusod ang buhok ! Friendly rin sya kaya
agad din namin siyang naging close.

One day isang araw , Nag ka-ayaan ng inuman sa bahay ni Dandan (tropa din namin) , kokonti lang kami
nun, kasi busy na yung ibang tropa sa work at yung iba may pamilya na eh ! Nasa pitong ka-tao lang kami
kasama na dun si marjorie , hindi sya umiinom ng alak pero malakas sya mamulutan ! Sya ang singer
namin , sya kasi ang pinaka may magandang boses.

MAY 28, 2021 (Friday) 7PM na ng gabi !

Sa kalagitnaan ng ka-Abnormalan naming lahat ,

Ako yung unang nakapansin sa kakayanan ni marjorie, ang creepy din ! Hindi lang ako umiimik nung
una , sa tuwing bumibirit sya sa Mic panay ang tingin nya sa hagdanan papuntang 2nd floor , nag tataka
ako kase wala namang naka display dun para tignan nya ! Then mga After 20 minutes si diane na yung
kumakanta , Maya-maya lang biglang nag salita ng mahinahon si marjorie,.."Beh , hinto mo muna.",..,
sagot naman ni diane,.."Ha ? ... Bakit ?",.., seryoso silang nakatingin kay marjorie at nagtataka , pero
ako.. bigla akong nilamig at feeling ko umaangat ang anet ko sa ulo ! Sabi ko sa isip ko, "(Alam ko na
toh)".,.. Nag salita si Dandan,.."Bakit marj ? Ang aga aga pa naman ah ?",.., biglang bumulong si marjorie
saming lahat habang nakatingin sya sa cellphone nya,.., "Yung Lolo mo Dan ! Nagagalit.",.., bigla kong
nasabi sa isip ko na,.."(deym, Sabi ko na may something)" ,.., Nanlaki yung mata ni dandan at nag biro
sya ng,..,"Ang pangit mo ka-bonding marj !"..,. Sabi nman ni marjorie,.., "Hindi ako nagbibiro ! Kung
ayaw nyong maniwala uuwi nalang ako." ,.., (nakakaramdam nko ng takot kaya nag dahilan ako) Bigla
akong tumayo non at sinabi kong,.., "Wait lang mag yoyosi lang ako sa Labas." ,.., nag tayuan naman sila
isa isa parang mga gagu 🤣 hahaahahah halos mamilipit ako kakapigil tumawa para kaming mga itik na
nag lalakad tapos ako yung lider 🤣 , nung nakalabas na kami napag-pasyahan naming lahat na lumipat
nlng kami ng pwesto tutal maaga pa naman at may apat pa na mucho na redhorse, niligpit nlng namin
yung mga kalat namin sa bahay ni dandan hanggang sa dun nlng kami nag inuman sa bakod nila Rob ,
wala ng videoke , medyo tahimik at parang ang sarap na mag Deep talk !

Mga bandang 8PM palang nun , kumpleto parin kame , medyo malamok na kaya pinulot ko yung mga
tuyong dahon sa bakod nila Rob pati yung mga pira-pirasong kahoy , pinag sama-sama ko sa bandang
harap namen , sinindihan ko para may Bonfire kame ! Palakpakan naman ang mga kurimaw parang mga
siraulo.

Ang sarap sa pakiramdam , kwentuhan lang tungkol sa mga nakaraan , para kaming mga bata ulit ,
parang malaya ang isipan namin sa paraiso , Kaso bigla akong naka isip ng kalokohan 🤣 feeling ko kasi
parang nakalimutan na nila yung nangyari kanina hahahah kaya nag salita ako ng,.., "Namiss ko bigla
yung Lolo ko." ,.., nag react naman agad si diane hahaahhaah sabi nya,..,"Ano ba naman yan heto
nnman.",.., tawa kame ng tawa ni rob habang si marjorie naman ay ngumi-ngiti, parang na gets nya rin
kaagad eh 🤣 pero biglang nag salita ng seryoso si Dandan,..,"Pero marj, pano mo nalamang patay na ang
lolo ko ? i mean pano mo nasabing lolo ko yun ?",.., at dito na inamin ni marjorie ang lahat.

Marjorie : "Wala ! Nararamdaman ko lang , kanina pabalik balik sya sa hagdan alam nyang nakikita ko
sya ! Pero yung huli , hindi na sya umalis sa hagdan , nakatayo lang sya ng matagal naka-simangot tapos
nakatingin sya sating lahat , ayaw daw nya ng maingay kaya nag salita nako knina sa inyo ! May babae pa
nga eh , nakaupo naman dun sa may sofa tapos may mga maliliit na tao , yung tinatawag nating
duwende ? Nandun sila sa ilalim ng lababo nag lalaro sila , Oo may 3rd eye ako , kaya kong basahin lahat
ng nakikita ko kahit kayo , blessing para sakin , pero badluck naman para sa iba, pasensya na kayo kung
ngayon ko lang nasabi ha ? Hindi nman kc dapat to ipagmalaki , kaya ko lang nasabi to ngayon kasi
sympre kaibigan ko kayo tsaka alam kong may Doubt kayo sakin."

inexplain lahat ni marjorie samin kung ano yung mga nakikita nya samin isa-isa, iba iba daw ang mukha
namin sa unang tingin nya , may demonyo , halimaw , mga nakakatakot at dun nya nalalaman kung
anong meron sa mga ugali namin , like kung inggitero ba kame or binabalot ng kasamaan or kung
manyakis, mga ganun.... ! Totoo yun guys wag kayong tumawa , hindi ako nag bibiro, Katulad kay diane ,
sa unang tingin ni marjorie sa kanya wala daw mukha si diane ! as in Walang kilay , walang mata , walang
ilong , walang bibig , parang puro balat lang pero in just 1 second lang , then magiging klaro na ulit ang
mukha, yung parang pumitik lang ?... pero hindi na sinabi ni marjorie samin ang mga katangian

naming pag uugali , privacy na daw yun para saming mag kakaibigan,.. bumanat naman ako bigla ng,..,
"Sabi ko na Psychic din ako eh.",.., nag tinginan silang lahat sakin sabay sabi kong,. "Nakikita ko kasi sa
mukha ni rob Engkantong pango eh 😆." ,.., at tinawag nman ako ni rob, tikbalang daw ako
hahahaahahahah , pero si Dandan tlga ang pursigidong nag tatanong kay marjorie, ang sabi
nya,..,"Marj ! Gusto kong subukan yung ganyan , gusto kong makita yung tunay na mundo.",.., natatawa
kami ni rob pero kailangan naming pigilan , at eto naman ang sagot ni marj,..,

Marjorie : "Hindi biro ang ganito , mas maganda nga kung hintayin mo nlng bumukas ng kusa ang 3rd
eye mo kaysa ipabukas mo, mas mahirap yung inaasahan kaysa sa biglaan, baka hindi mo kayanin ! May
alam akong orasyon para jan pero tanungin mo muna ng paulit ulit ang sarili mo , pwede ka kasing
mabaliw dto okaya baka mapahamak ang buhay mo , isipin nyong lahat guys , imagine habang natutulog
ka sa kalagitnaan ng gabi bigla ka nlng sisitsitan ! Bigla nalang may bubulong sa tabi mo , maraming ingay
, may galit , may umiiyak , may humihingi ng tulong , may sumisigaw ! Bigla ka nlng din makaka-amoy ng
hindi maganda sa ilong , may mabaho , may malansa ! Tapos kahit san ka mag punta iba't ibang itsura
ang makikita mo sa paligid , sa mga puno , sa mga bahay , at kung saan saan pa , mga nakakatakot , kung
nag lalaro kayo noon ng Dota ? Mas nakakatakot pa dun ang mga mukha nila , marami sila eh ! Marami
kayong makikita , mga kaluluwa , elements , demons , aswang at kahit pa yung mga incident's na
pwedeng mangyari.. ang kinaganda nito is pwedeng makontra ng maaga ang kapahamakan , at
makakatulong ka tulad ng mga albularyo , wag mo lang dadalhin sa masama."

(Marami pang sinabi si marjorie nun kaso nakalimutan ko yung iba, napaka haba talaga yan lang
natandaan ko) ,.. tapos bigla nnman nag bida si dandan,..,"Sige marj ! Bigyan mo ko ng apat na araw
para makapag isip , sa martes sasabihan kita.",.., at bigla ding nagsalita si rob,.., "Hayup ! Dan Caluag !
🤣.",.., at simula non , binansagan na namin syang Dan caluag !

Ako na ang Last tagay at patawa-tawa pa ko nun , actually naniniwala ako kay marj pero Nagulat ako sa
mga cnbi ni marjorie sakin ! Yung design lang sa labas ng bahay namin ang pinagmamasdan nya , mula
dto kila rob kitang kita ang porma ng bahay namin dahil may kataasan din toh tsaka halos magkakapit
bahay lang kameng lahat , pero ni minsan hindi pa nya nasisilip ang bahay namin tsaka ang garahe. Oo !
hindi pa sya nakakapasok samin pero na-Describe nya ang loob ng bahay namin potek !!! pero yung
huling sinabi nya talaga ang pinaka cute,

Marjorie : "Tapos dba yung kotse nyo ? Sa may garahe nyo ? May binatang lalake dun (...)" 😳

"ANG PANGIT MONG KA BONDING MARJ !!"

Nag ayawan na kami nun dahil mag 10PM na , habang nag liligpit kami puro pananakot ang inabot ko sa
mga tropa ko, ang bilis ng karma pre 🙁

(isesend ko ang part 2 guys kung nagustuhan nyo , kung hjndi... Edi hindi !)

Eto tips, kapag bigla kang nakaramdam ng parang malamig tapos parang umaangat yung anet mo at
tumatayo ang mga balahibo mo , may kasama ka daw na kaluluwa,

Kapag mainit naman , Elements daw yun.

Wag natin tong gawing biro , respeto parin para sakanila , tandaan mo ! Hindi lahat nakikita mo. 🙂
Thankyou 😘✌️

Abangan : "DAN CALUAG"

(itutuloy nya nga ba ?)

🃏Payaso Mnl🔥

You might also like

  • C16
    C16
    Document2 pages
    C16
    Juanito Alfonso
    No ratings yet
  • C3
    C3
    Document2 pages
    C3
    Juanito Alfonso
    No ratings yet
  • C2
    C2
    Document2 pages
    C2
    Juanito Alfonso
    No ratings yet
  • C6
    C6
    Document4 pages
    C6
    Juanito Alfonso
    No ratings yet
  • C1
    C1
    Document2 pages
    C1
    Juanito Alfonso
    No ratings yet
  • C18
    C18
    Document2 pages
    C18
    Juanito Alfonso
    No ratings yet
  • C9
    C9
    Document2 pages
    C9
    Juanito Alfonso
    No ratings yet