You are on page 1of 4

Hello mga ka-Spookify! Si KillerNurse po ito, nag-babalik!

Katatapos lang ng finals namin kaya ngayon


lang ulit nakapag-update. Anyway, ito na po yung katuloy.

Naiinis na ako sakanya dahil lagi niyang pinapatay ‘yung kandila eh ang dilim-dilim pa naman.

“Ano bang kailangan mo? Bakit ka nandito sa bahay namin?” naiinis na tanong ko sakanya.

“Ikaw” narinig kong bulong sa kaliwang tenga ko. Ramdam ko pa yung hininga niya, buti nalang walang
amoy.

“Ako? bakit ako?” nagtatakang tanong ko sakanya.

“Kasi ikaw lang ang may kakayahan” sambit niya naman mula sa kanang tenga ko.

“Anong kakayahang pinagsasabi mo? Atsaka bakit ngayon ka lang nagpakita sa’akin? Tinakot-takot mo
pa ako! Inistorbo mo pa ako sa mga project ko!” naiinis kong sagot sakanya.

“Matagal ko ng sinusubukang magpakita sa’yo, kaso nahirapan ako kasi ang tapang mo. Tsaka may
bantay ka, kaya talagang nahirapan akong makipag-communicate sa’yo” paliwanag niya.

“Sino ka ba kasi? Bakit bigla kana lang sumusulpot at nang-gugulo dito sa’amin?” tanong ko ulit sakanya.

“Matagal ko na talagang gustong kumawala sa bahay na ‘yan at ngayon lang ako nabigyan ng
pagkakataon na makaalis mula nung binagbag nila ‘yung bahay”

Pagkatapos niyang magkwento ay biglang may nag-flashback. Akala ko ay nag-hahallucinate lang ako
pero totoo talaga siya. Nasa isa akong bahay at may nakita akong babae at lalaking nag-aaway. Maputi
ang lalaki at mukhang hindi Pilipino, sa palagay ko ay Americano siya dahil english rin sila kung mag-
usap.

Sinampal nang lalaki ‘yung babae kaya mas lumakas ang pag hagulgol nito. Mukhang aalis ata kasi sila
dahil may mga maletang naka-impake sa tabi nila, pero ayaw sumama nung babae. Iyak lang siya ng iyak
habang nakahawak sakanyang pisngi. Habang galit na galit naman ang Americano atsaka hinila ang
babae, sinundan ko sila kung saan sila pupunta. Pumasok sila doon sa pinakadulong kwarto ng hallway.

Pag pasok ko sa kwarto ay maraming mga abubot, bodega siguro itong kwartong ito. Habang hila-hila
niya ang buhok ng babae, tinulak niya ito papasok sa may aparador at dali-daling nilock ito. Gusto kong
tulungan ‘yung babae kaso dumaan at lumusot lang sa’akin yung lalaki atsaka lumabas ng pinto. Ganito
pala ang feeling ng multo, kahit gusto mong tumulong ay wala kang magawa.

Iyak ng iyak ‘yung babae habang kinakatok ang cabinet. Pag tingin ko sa lalaki ay kinuha na nito ang isa
sa mga maleta atsaka umalis ng bahay. New Years Eve pa ata dahil maraming fireworks sa labas,
nagtotorotot atsaka sumisigaw ng Happeh Nuyir (Manny Pacquiao accent).

Habang nag-sasaya ang mga tao, nag paputok pa ulit sila ng fireworks ngunit nagkamali sila sa pag-sindi.
Tumabingi ang fireworks at pumunta sa bubong ng kubo doon sa garden nitong bahay kung nasaan kami
nung babae. Mabilis itong nagliyab at kumalat agad ang apoy. Nagulat ang mga tao at hindi ko alam
kung may tumawag na ba ng bumbero, dahil ang apoy ay papunta narin dito sa bahay.

Binalikan ko yung babae sa bodega, nasa hallway palang ay rinig ko na ang pagmamakaawa ng babae.
Iyak siya ng iyak at isa sa mga ikinalungkot ko ay nang sabihin niyang..

“Let me go! Please! I’m bleeding right now! Hoooon! Let me go! I want to save our baby!” sigaw ng
babaeng umiiyak sa cabinet habang patuloy na kinakalabog ito at unti-unti naring nilalamon ng apoy ang
buong bahay.

Pagkatapos nun ay bigla nalang akong nagising at napansin kong nakahandusay ako sa kusina. Wala
paring kuryente kaya dahan-dahan akong tumayo para kapain sa lamesa yung lighter at kandila. Habang
kumakapa sa dilim ay sinubukan ko ulit siyang kausapin.

“Anong gusto mong gawin ko?” tanong ko sakanya.

“Puntahan at ipagdasal mo lang kami ng anak ko, malaking tulong na ‘yun para sa’amin” sagot niya at
tamang-tama naman na nahanap ko narin ang kandila at lighter.

“Yan lang pala ang gusto mo, tinakot mo pa kami dito sa bahay! Madali naman akong kausap e! Ano
bang pangalan mo?” sagot ko sakanya atsaka umakmang sisindihan ang kandila, ngunit tahimik lang ang
paligid at hindi siya sumasagot.

“Oy! nasan kana?” tanong ko ulit sakanya.

Biglang lumamig ang paligid na para bang may nakayakap sa’akin. Grabe ‘yung kilabot ko, times 3 nung
kilabot ko kanina. As in, feeling ko pati buhok ko sa kili-kili ay nanindig. Kaya napabitaw ako sa lighter at
napa-kibit balikat.

Maya-maya ay may naramdaman ako sa kaliwang tenga ko at biglang may bumulong.

“Katarina” bulong niya at biglang sumindi ang ilaw. Nakalimutan ko pala kasing patayin yung ilaw kanina
nung nag brown out kaya bigla nalang sumindi nung nagkaroon na ng kuryente.

Habang ibinabalik ko yung lighter at kandila sa altar ay nararamdaman ko na parang may tumatalsik sa
braso ko na tubig. Yung parang umaambon, ganon. Pero pano mangyayari ‘yun e nasa loob naman ako
ng bahay, kaya tinignan ko yung kisame kung may tumutulo, pero wala naman. Habang naglalakad ako
papunta sa kusina ay nararamdaman ko parin na parang may wisik ng tubig sa kanang braso ko. Hindi ko
nalang pinansin dahil baka narin sa sobrang pagod kaya kung ano-ano nalang ang nararamdaman ko.

Bago matulog ay ipinagdasal ko ang kaluluwa nilang mag-ina para hindi na nila ako gambalain pa.
Kinabukasan, wala na akong naririnig na kumakalabog sa bodega at wala naring iyak ng bata twing nag-
oon ako ng mic sa online class. Kaya nung hapon ay hinintay kong matapos ‘yung mga nag-
coconstruction doon sa tapat ng bahay namin para mapuntahan ko sila at ma-ipagdasal. Akala ko talaga
ay hindi lang natapos ang bahay na ito, dahil may haligi siya ngunit wala pang bubong, ‘yun pala ay
nasunog kasama sila Katarina at ang anak niya.
Maya-maya lang ay may dumating na van, ‘yun siguro ang nakabili doon sa lupa kung saan namatay sila
Katarina. Bumaba ang babae mula sa sasakyan at parang pamilyar siya sakin.

Napatingin rin sa’akin ang babae dahil siguro ay napansin niyang grabe akong makatingin sakanya. Jusq,
baka awayin pa ako nito ni ate ghorl!

“Blake?” sambit niya na ikinagulat ko. Akala ko ay guni-guni ko lang na narinig ko ang pangalan ko, pero
inulit pa niya ito.

“Luna Blake! Hija!” sambit ulit ng babae atsaka tinanggal ang face mask at face shield.

“Auntie Eloisa?” nagtatakang sagot ko atsaka tumayo at lumapit sa gate.

“Oo! Kay Kuya Elton mo ito! Dinalaw ko lang. Ay nako! Dito pala kayo lumipat, mabuti nalang at kamag-
anak din ang kapitbahay niya” tuwang-tuwang sambit niya habang papalapit sa gate.

Si Auntie Eloisa pala, ang tagal na kasi naming hindi nag-kita atsaka naka-face mask kasi kaya hindi ko na
namukaan.

“Teka po, kunin ko lang po ‘yung susi ng gate” paalam ko kay Auntie Eloisa atsaka dali-dali akong
tumakbo papasok ng bahay para kunin ang susi. Pagkabukas ko ng gate ay agad ko siyang pinapasok.

“Ay wow! Ang ganda pala ng bahay niyo. Hindi manlang kayo nagsasabi na nakalipat na pala kayo dito sa
subdivision” sambit niya habang inililibot ang mga mata sa bawat sulok ng bahay.

“Gusto niyo po ba ng meryenda?” pag-aalok ko sakanya ngunit tumanggi ito. Hindi ko tuloy alam kung
pa’ano ko sasabihin sakanya ang tungkol kila Katarina.

“Auntie, pwede ko po bang masilip yung lupa ni Kuya Elton?” tanong ko sakanya.

“Ay oo naman! Lalo na kapag nagawa na ‘yung bahay niya, punta ka lang jan. Gusto mong makita
ngayon?” tanong niya. Mabuti nalang talaga at pinsan ko pala ang nakabili nitong lupa para hindi na’ko
matakot na baka makasuhan ng trespassing kapag pumunta nalang ako bigla dito. Nasa ibang bansa kasi
Kuya Elton kaya si Auntie Eloisa muna ang nag aasikaso dito.

Agad kong hinanap yung bodega, kaso dahil nga nasimulan na nila itong bagbagin yung ibang parte ng
bahay ay hindi ko na masyadong mamukhaan kung alin pa dito ang bodega. Ang luwang pa naman ng
bahay, kaya pumunta ako sa pinakadulong parte at makikita mo talaga ang mga bakas ng pagkasunog.

Para hindi naman magtaka si Auntie Eloisa sa gagawin ko ay umisip ako ng ibang paraan para
maipagdasal sila Katarina.

“Auntie, ayaw niyo po bang ipabless muna ito kasi ‘diba, may bahay nang nauna dito” tanong ko
sakanya.
“Oo nga no, magang ideya yan hija. Sige, tutal sabado naman bukas. Samahan mo akong pumunta sa
pari para ma-ipabless natin ito, para peaceful naman pag tumira na dito sila kuya mo” sagot niya na
lalong ikinagaan ng loob ko.

“Sige po, Auntie” nakangiting sagot ko sakanya.

Kinabukasan ay pumunta na kami ni Auntie Eloisa sa simbahan para sabihan yung Pari na ipapa-bless
niya yung lupa ni Kuya Elton.

Nung nasa bodega na nagbabasbas si Father ay pumikit ako atsaka taimtim na ipinagdasal ulit sila
Katarina. Habang nakapikit ay biglang lumamig ang paligid, tulad nung isang gabi. Pagdilat ko ng mga
mata ko ay nakita ko sila Katarina at ang anak niya na maaliwalas ang mga mukha at nakangiti.

Nagulat sila Father at Auntie Eloisa dahil sa paglamig ng paligid at sabay pang napa-kibit balikat.

“Thank you” bulong saakin ni Katarina atsaka biglang lumiwanag. Nasilaw ako kaya napapikit ako ulit at
pagdilat ko ay wala na sila Katarina at para bang biglang gumaan ang pakiramdam ko, dahil kahit
papaano ay natulungan ko sila.

After ma-ibless nung nasunog na bahay ay wala ng kumakalabog sa bodega, wala narin akong naririnig
na iyak ng bata. Wala naring nang-gugulo twing may online class ako. Kaya kahit natahimik na sila ay
patuloy ko parin silang ipinagdadasal.

Yun lamang po, maraming salamat sa mga nag-hintay at nagbasa hanggang dito sa dulo.

Hanggang sa muli!

-KillerNurse

You might also like

  • C16
    C16
    Document2 pages
    C16
    Juanito Alfonso
    No ratings yet
  • C3
    C3
    Document2 pages
    C3
    Juanito Alfonso
    No ratings yet
  • C2
    C2
    Document2 pages
    C2
    Juanito Alfonso
    No ratings yet
  • C6
    C6
    Document4 pages
    C6
    Juanito Alfonso
    No ratings yet
  • C1
    C1
    Document2 pages
    C1
    Juanito Alfonso
    No ratings yet
  • C18
    C18
    Document2 pages
    C18
    Juanito Alfonso
    No ratings yet
  • C9
    C9
    Document2 pages
    C9
    Juanito Alfonso
    No ratings yet