You are on page 1of 10

Silent Killer: Pag-aaral Tungkol sa Pagbabago ng Buhay ng Isang Babaeng Mayroong

Kanser sa Kwelyo ng Matres (Cervical Cancer)

Transkripsiyon
Ano ang iyong pangalan?
"...Ako si Annalyn L. Olchondra..."
Ilang taon ka na?
"Ako ay 36 years old.."
Kailan ka nasuri?
"nitong November dinudugo ako tapos masakit etong balakang ko tapos nagpunta ako ng
ospital.. nagpacheck up ako ng urine.. normal naman daw yung urine ko.. ang sabi ibiopsy daw
ako.. pagkabiopsy sakin sabi may nakakapa daw silang iba.. nirefer ako sa ob na espesyalista
sabi may nakita daw na matigas tas nung January lumabas yung result.. Stage 4 cervical cancer
na daw...tapos nung january 26 dinugo ako ng sobra tapos sinugod nako dito..."
Anong mga pagbabago ang nakatagpo mo pagkatapos na masuri?
"Syempre nung una nabigla na nalulungkot.. Kase biglaan talaga siya eh sobrang lakas ko pa
noon tapos biglang ganito.. Madali nako manghina dahil nga dinudugo ako ng sobra..saka yung
pagtrato sakin ng family ko at pagtingin ko sa sarili ko feeling ko ang hina-hina ko.. Pisikal at
emosyonal"
Paano nakakaapekto ang cervical cancer sa iyong buhay bilang isang ina?
"Syempre simula nung nadiagnose ako at dinala dito sa ospital.. Hindi ko na nagagawang
asikasuhin ang mga anak ko.. Imbis na ako ang nag-aalaga sa kanila.. Ako pa ang inaalagaan
nila..dahil din sa pagpunta punta sa ospital saka yung mga checkup nauubos na yung oras at
lakas ko kaya wala nakong naibibigay sa kanila.. Lalo na sa mga anak ko medyo bata pa sila.."
Ano ang naramdaman ng iyong pamilya pagkatapos ng diagnosis?
“Syempre nangihina pati nag-alala talaga sila..kaya sabi ko kay Lord na lang talaga.. kay Lord na
lang kumapit..”
Ano ang mga aktibidad na nais mong gawin?
"Bumalik sa dati..dati kong katawan at lakas... yung kaya ko pa magwalis, maglaba saka
magluto.. Yung mga nagagawa ko dati na di ko na kaya ngayon.. Lalo na na nasa ospital lang
ako saka maselan kundisyon ko limitado lang talaga kaya kong gawin ngayon.. Pero pinaka nami
miss kong gawin eh yung pagsilbihan ang mga anak ko.. Mahirap kase mga bata pa sila
kailangan pa nila ng alaga at gabay ko...masubaybayan ko manlang sila sa paglaki.."
Gaano kadalas kang pumunta sa ospital at kung anong mga medikal na pamamaraan sa
iyo ng mga doktor?
"Nagsimula nung november dahil sa pagsakit ng balakang ko tapos sunod sunod na yun na
follow up checkup hanggang december... Kung hindi biopsy eh INE-IE (internal exam) ako...
Tapos sasabihin nga nila na matigas daw talaga yung bukol kaya nagaalala ako ng sobra..."
Anong mga pagbabago ang napansin mo sa paggamot ng iyong cervical cancer?
"Siguro sa katawan ko... Andami kaseng binibigay na gamot sakin eh tapos may catheter pako..
Nakakapanghina siya.. Kahit nakahiga lang ako para bang pagod na pagod na yung katawan ko..
Siguro dahil to sa mga dugong nawala sakin nung dinugo ako saka sa pagiisip sa kalagayan ko..
Nakakaubos talaga ng lakas.."
Ano ang mga kahihinatnan sa pagkakaroon ng cervical cancer?
"Siguro yung mabilis na pagbabago sa sarili mo. Sa katawan saka sa pagiisip...yun talaga eh kase
parehas na di handa ang katawan at isip mo sa biglaang balita kagaya nito.. Parang gumunaw
yung mundo ko nung nalaman ko..saka pati sa pera namromroblema ako.. Medyo may
kamahalan din kase lalo na yung check up, biopsy tas mga gamot pa.. Tagal ko na din dito sa
ospital magda dalawang linggo na mahigit.. Saka sa pamilya ko na din syempre.. Kung ako nga
nabigla sa kalagayan ko sila din syempre.. Di naman sila sanay na ako ang inaalagaan
eh..pakiramdam ko tuloy ang hina hina ko na..."
Paano mo nakayanan ang iyong cervical cancer?
“Dasal lang....kaya sabi ko kay Lord na lang talaga.. kay Lord na lang kumapit..saka yung family
ko..sila yung tumutulong sakin.. nagpapalakas ng loob saka mga kaibigan ko ..."
Ano ang iyong naramdaman nang nalaman mong mayroon kang cervical cancer?
“Oo... kasi nakaka stress yung mga gastos... Syempre nalungkot tapos inisip ko lahat ng
gagastusin kasi wala na ngang tutulong samin tapos magkakasakit pako.. nakaka lungkot din na
di pala ako pwede operahan sabi ng doctor... naisip ko din na kung sana iningatan ko sarili ko
noon pa lang baka sakaling hindi ako nagka cancer...”
Ang pagkakaroon ba ng kanser sa cervical ay huminto sa iyo sa paglahok sa anumang mga
aktibidad?
“Oo naman... sa bahay imbes na ako mag lilinis o mag aalalga sa mga anak ko hindi ko
magawa... dahil eto nakahiga ako dito sa ospital... di ko magawa mga simpleng bagay.. kahit
paghain man lang ng pag kain...”
Mayroon bang mga komplikasyon pagkatapos ng bawat pisikal na aktibidad?
“Di ko alam yan... di kasi ako makatayo e... di ako makapunta sa cr... masakit kasi talaga yung
puson ko... lalo na pag di ako nakakainom ng gamot...”
Ano ang mga pagsasaalang-alang pinansyal kapag nagkakaroon ng cervical cancer?
“Yung kinikita ng sari-sari store namin imbes na pambaon at pang-aral na lang ng mga anak ko
napupunta pa sa mga pambili ko ng gamot at sa babayaran dito sa ospital... minsan pag di talaga
kaya... umuutang muna ako sa kapatid ko... Meron naman akong Philhealth kaso hindi ko
nabayaran yun kaya di ko din magagamit..”
Naaapektuhan ba ng cervical cancer ang iyong buhay sa lipunan?
“Sobrang na apektuhan dahil nandito lang ako sa ospital... hindi ko magawang lumabas sa
kwarto na to... kung dati ako yung namamalengke para sa kakainin namin, ngayon hindi ko na
magawa yun... “
Gordon’s 11 functional Health Pattern
N ab: nagkaroon po ba kayo ng mga sipon po?ubo?
P: wala..ano lang..nagkaroon lang ubo ubo lang..
N ab: gaano po sa isang taon po, gaano po kayo kadalas ubohin sipunin?
P: isang araw lang di nga nagtatagal eh… tapos nitong November dinudugo ako tapos masakit
etong balakang ko tapos nagpunta ako ng ospital.. nagpacheck up ako ng urine.. normal naman
daw yung urine ko.. ang sabi ibiopsy daw ako.. pagkabiopsy sakin sabi may nakakapa daw silang
iba.. nirefer ako sa ob na espesyalista sabi may nakita daw na matigas
N: gaano daw po kalaki yun mommy?
P: mga nasa 4 ata yun
N: right po or left po?
P: Sa may ano siya ng..(kanan)
N ar:4 inches po or 4 cm
N ab:Ang laki naman nung inches
P:4 cm ata
N ar:San po yung masakit pwede po paturo
P: Dito
N ar:Nung before po kayo magpacheck?
P: Dito,Oo tapos nagpa ultrasound ulit ako tvs …. Sa kwelyo ng matres.. Tapos matigas siya
tapos biniopsy ako
N ar:San po kayo biniopsy? Diyan din po?
P: Sa matres
N: kelan po yan?
P: December… tapos lumabas yung result nung January
N ar:ano pong naka ano dun?
P: cervical cancer…stage 4 daw
(silence)
N ab: mag-mask ka
N ar: tapos?
P: nung 26 dinugo ako ng dinugo
N ar: december 26 po?
P: hindi January 26
N ar: gaano po karami kung tatantyahin niyo?
P: andami bubuo buo talaga
N ab: sa isanggg
P: isang araw lang yun
N ab: diaper po, nakakailang diaper kayo?
P: ngayon?
N ar & ab : nung dinudugo po kayo
P: isang araw lang naming nagamit kase saglit lang eh
N ar: tapos buobuo po talaga?
P: oo ,Alas onse siya ng gabi nagumpisa pero di naman inabot ng kinabukasan …..tapos nawala
N aby: ano po yung mga ginagawa niyo po para maging healthy po kayo? Nageexercise po ba
kayo? Nung before po?
P: di na nakakapag execise
N aby:Ano pong work niyo mommy?
P: wala sa bahay lang taga alaga ng mga anak
N ar: ilan na po mga anak niyo?
P: apat
N aby: mga ilang taon na po yun?
P: yung panganay 18
N aby: ano po siya cs or normal?
P: normal yun, normal silang lahat
P: Tapos ano edi 20 nanghina ako nung 26, pagka 28 dinala nako dito
N ar:Di niyo na po siya ininuman ng gamot nung uhmm
P: Hindi.. basta yung binigay lang sakin mefenamic
N ar:Sa family niyo po may history po ba ng cancer?
P: wala ako nga lang eh
N aby:naninigarilyo po ba kayo?
P: Oo dati… umiinom din
n aby: sa tingin niyo po bakit po kayo nagkaroon ng ganyan?
P: Sabi ano daw eh, sa mga… kase dati nung may asawa ako active ako sa sex tapos ano mahilig
ako sa pantyliner, mahilig ako dun.. hindi ako makaalis ng walang ganun.. maya’t maya
N ar: So araw araw po kayong naka pantyliner?
P:Oo araw araw…Tapos sa sigarilyo nga daw
N aby:Kailan po kayo nagstop magsmoke?
P:2 years na
n aby:Ano po yung mga madalas niyong kainin? Processed food po ba? Gulay?
P:Di ako masyado sa gulay eh… mga karne
N aby: Nagvi-vitamins po ba kayo?
P:Oo yung ascorbic
N aby: Ano po yun before talaga nagvi-vitamins na kayo?
P: Oo
N aby: Gaano po kadami yung naiinom niyong tubig sa isang araw?
P: Madami naman po mahilig ako sa tubig
N ar: Softdrinks po?
P: Oo dati
N aby: Nagkaroon po ba kayo ng weight loss po or weight gain? Tumaba po ba kayo or namayat
P: Nung nagkasakit ako sa gastro.. gastritis
N ar: Ano daw po yung dahilan ng gastritis niyo?
P: Sa alak saka sa ano
N aby: Kamusta naman po yung appetite niyo? Malakas po ba kayo kumain? O mahina po yung
gana niyo?
P: Dati malakas ako kumain..ngayon hindi na
N aby: Pagkumakain naman po kayo, hindi naman kayo nahihirapan ngumuya or lumunok?
P: Hindi naman
N ar: Ngayon po hindi po kayo nahihirapan dumumi or umihi?
P: kase yung ano yung ano ko.. yung dumi ko malambot
N aby: kamusta naman po yung pagtae niyo? Sa isang araw po nakakailan pong dumi kayo?
P: okay naman, mayat maya nga ako tumatae kase yung panunaw ko mabilis
N aby: kamusta naman po yung itsura ng dumi niyo po?
P: malambot naman …kulay brown
N aby: Sa pagihi niyo naman po?
P: Okay naman po basta wag lang to mababara.. malakas naman
N ar: Gaano na po kayo katagal naka -catheter
P: Matagal na…. mga 2 weeks na
N ar: Hindi po pinapalitan?
P:Pinapalitan naman, kakapalit nga lang nito kagabi
N aby:Ano po yung macoconsider niyo pong exercise sa bahay?
P: Pagnag-lalaba, naglilinis
N aby: Kamusta naman po yung pagtulog niyo po? Nakakailang oras po kayo ng tulog ngayon?
P: ngayon medyo ano.. pagising gising.. lalo na sa gabi kapag may nagbubukas ( pinto )
nagigising agad ako
N aby: pero hindi naman po kayo nahihirapan matulog?
P: mabilis naman ako makatulog kapag may ano lang talaga.. kapag may papasok
N aby: Ano po nagiging libangan niyo po habang nandito kayo?
P:Wala nakahiga lang
N aby: Cellphone po ba? Ganon po
P: Hndi po ako nagce cellphone
N aby: Edi ang boring po nun nay
(Patient laughs)
N aby: Asan po yung mga bantay niyo po?
P: Nasa baba po kumakain
N aby: Gano na po ba kayo katagal dito?
P: Nung jan.28 tapos inakyat nako dito nung 29
N aby: Kamusta naman po nung na-diagnosed kayo? Ano pong naramdaman niyo po?
P: Syempre nalungkot tapos wala daw opera.. di daw kaya iopera
N aby: Chemotheraphy po?
P: Baka mamatay ako dun..mahina pako eh
N aby: Ano po yung nagbago sa katawan niyo?
P: Namayat ako
N aby: Eh yung pakiramdam niyo po sa sarili niyo?
P: Nanghihina.. pero tinatatagan na lang
N aby: Dumating na po ba sa point na nawalan na kayo ng pag-asa nung nalaman niyo po?
P: Nagdasal na lang
N aby: Ilan po kayo nakatira sa bahay?
P: 2 pamilya, sakin at sa ate ko.
N aby: Edi malaking pamilya po kayong magkakasama?
P: oo
N aby: Ano pong pinagkukunan niyo po ng pangkabuhayan?
P: May tindahan kami.. sari-sari store
N aby: Ano pong naramdaman po nng pamilya niyo po nung na-ospital po kayo?
P: Syempre nangihina talaga..kaya sabi ko kay Lord na lang talaga.. kay Lord na lang kumapit..
N ar: Uhmmm mommy alam ko nas s-stress kayo ngayon, ano po yung mga naging way niyo
para maka adapt sa pangyayaring ito?
P: Dinadasal ko na lang
N ar: Kamusta naman po family niyo? Pano sila nakakatulong sa inyo?
P: Sila yung tumutulong sakin.. nagpapalakas ng loob saka mga kaibigan ko
N ar: Yung asawa niyo po?
P: Wala nakong asawa
N ar: Hiwalay na kayo?
P: Oo
N ar: Nung biniopsy po kayo syempre kinakabahan at mate-tense po kayo , ano pong way gina
wa niyo para mawala yung kaba or tense niyo?
P: Hinanda ko na lang sarili ko kase eh.. sabi kada check up ko ina-IE ako ( internal exam )..
syempre na tatamaan yung bukol sabi matigas daw talaga
N ar: Kapag po nagdadasal kayo nakakatulong po ba?
P: Oo naman… nare-relax ako
N ar: Kayo lang po? Or sinasamahan kayo magdasal ng anak niyo?
P: Ako lang .. sila nagdadasal din sila
N ar: Opo yun lang naman makakatulong sa inyo eh

-end-

Tanong ng Pananaliksik 1: Paano nakakaapekto ang Cervical Cancer sa buhay ng

pasyente?

Bilang isang ina: "Syempre simula nung nadiagnose ako at dinala dito sa ospital.. Hindi ko na
nagagawang asikasuhin ang mga anak ko.. Imbis na ako ang nag-aalaga sa kanila.. Ako pa ang
inaalagaan nila..dahil din sa pagpunta punta sa ospital saka yung mga checkup nauubos na
yung oras at lakas ko kaya wala nakong naibibigay sa kanila.. Lalo na sa mga anak ko medyo
bata pa sila.."
Bilang isang mamamayan: “Sobrang na apektuhan dahil nandito lang ako sa ospital... hindi
ko magawang lumabas sa kwarto na to... kung dati ako yung namamalengke para sa kakainin
namin, ngayon hindi ko na magawa yun...”
Pisikal: "Siguro sa katawan ko... Andami kaseng binibigay na gamot sakin eh tapos may
catheter pako.. Nakakapanghina siya.. Kahit nakahiga lang ako para bang pagod na pagod na
yung katawan ko.. Siguro dahil to sa mga dugong nawala sakin nung dinugo ako saka sa
pagiisip sa kalagayan ko.. Nakakaubos talaga ng lakas.."
Aktibidad: “Oo naman... sa bahay imbes na ako mag lilinis o mag aalalga sa mga anak ko
hindi ko magawa... dahil eto nakahiga ako dito sa ospital... di ko magawa mga simpleng bagay..
kahit paghain man lang ng pag kain...”
Pera: “Yung kinikita ng sari-sari store namin imbes na pambaon at pang-aral na lang ng mga
anak ko napupunta pa sa mga pambili ko ng gamot at sa babayaran dito sa ospital... minsan pag
di talaga kaya... umuutang muna ako sa kapatid ko... Meron naman akong Philhealth kaso hindi
ko nabayaran yun kaya di ko din magagamit..”
Tanong ng Pananaliksik 2: Paano nakakaapekto ang pagsuri ng Cervical Cancer sa

psychosocial na kalagayan ng pasyente bilang isang babae?

"Syempre nung una nabigla na nalulungkot.. Kase biglaan talaga siya eh sobrang lakas ko pa
noon tapos biglang ganito.. Madali nako manghina dahil nga dinudugo ako ng sobra..saka yung
pagtrato sakin ng family ko at pagtingin ko sa sarili ko feeling ko ang hina-hina ko.. Pisikal at
emosyonal"

Tanong ng Pananaliksik 3: Ano ang sintomas na ipinapakita ng isang pasyente na

may Cervical Cancer bago malaman ang prognosis o kinalabasan?

Tanong ng Pananaliksik 4: Ano-ano ang mga komplikasyon sa buhay ng pasyente na

may Cervical Cancer?

1. What’s your name?


2. How old are you?
3. How long have you been a nurse?
4. What are the symptoms associated with Cervical Cancer
5. Are there any other conditions associated with Cervical Cancer?
6. Are there any ongoing follow up required?
7. Are there any long-term problems or complications for having Cervical Cancer?
8. What are the financial considerations when having Cervical Cancer?
9. Are there any restrictions in patients with Cervical Cancer?
10. Is there required type of environment for patients with Cervical Cancer?
11. What is advisable treatment for patients that has Cervical Cancer?

You might also like