You are on page 1of 5

Script

Case: Acute Glomerulonephritis

Characters:

7 yr old Patient: Perlan Dumantay

Friends: Melai Enopia & Jean Liverty Cachapero

Mother: Roselie Jen Timbal

Doctor 1 (Clinic): Criselle Joy Bagondol

Doctor 2 (Hospital): April Anne Laborada

Nurse: Jessa Espanola

Pharmacist: Erika Joy Altura

Narrator: Lorie Laysa

Editor: Marinela Labay

------Intro------

Narrator’s POV: Sa bakuran ay mayroong mga batang naglalaro, Ito si Perlan, pitong taong gulang at ang
kanyang mga kaibigan. Ito naman ang kanyang Mommy Rose.

-------10 days prior to admission-------

Narrator’s POV: Nagising ang batang si Perlan at nakitang mayroong erythematous rashes sa kanyang
binti at (ankle sa tagalong ay bukong-bukong). Lumabas si Perlan sakanyang kwarto at agad itong
napansin ng kanyang Nanay.

Mother (Roselie): Nako anak ano yang nasa binti mo, at bat namamaga yan?

Patient (Perlan): Mommy ang kati po ( nangangati ang binti at paanan)

Narrator’s POV: Nabahala naman ang kanyang Ina sa lagay ni Perlan at ito ay dali daling naghanap ng
mga maaring ipahid sa mga nangangating parte ng katawan ng anak.
-------- 7 days prior to admission---------

Narrator’s POV: makaraan ang 3 araw ng makita ang mga pamamaga, rashes at pangangati ng anak
napag pasyahan ni Mommy Rose na dalhin na si Perlan sa kalapit na clinic.

Doctor 1 (Criselle): Good Morning po Momm, ano po ang mga iniinda ng pasyente?

Mother (Roselie): Magandang Umaga din po Doc, ang anak ko po kasi, 3 days ago po nung nagising siya
ay bigla nalamang nagkaroon ng mga rashes sa kanyang binti at ankle nangangati rin po ito at mayroong
bahagyang pamamaga.

Doctor 1 (Criselle): Ganoon po ba Mommy sige po.

Narrator’s POV: tiningnan at sinuri ng Doctor ang mga nasabing area ni Mommy Rose at nag prescribe
ito ng Amoxicillin. Matapos magpatingin ay dumiretso ang mag ina sa malapit na pharmacy.

Pharmacist (Erika): Good Morning po Ma’am ano pong atin?

Mother (Roselie): Amoxicillin po Ms.

Pharmacist (Erika): sige po Ma’am, ito po ang inyong number hintay nalang po na matawag (kumuha ng
gamot)

Pharmacist (Erika): Number 9, proceed to counter 3 po. 30 pesos po ma’am

Mother ( Roselie): ito po, salamat.

Narrator’s POV: matapos bumili ay agad ring umuwi ang mag ina, para makakain at makainom ng
gamot. Nagpatuloy si Perlan sa pag inom ngunit may mga pagkakataon na nakakaligtaan niya ito. (Time
lapse sana like iinom tas minsan hinde)

---------2 days prior to admission--------

Narrator’s POV: makalipas ang limang araw pagkatapos magpunta sa clinic si Perlan ay nagising muli ng
mayroong panibagong iniinda.

Patient (Perlan): (babangon na masama ang pakiramdam and nasusuka)

Mother (Roselie): (papasok sa kwarto) anak ayos ka lang ba? May masakit pa ba sayo?

Patient (Perlan): Mommy masama po ang pakiramdam ko para po akong masusuka, at ang sakit din po
dito (flank pain sa lumbosacral area, ituro ang masakit na area)

Mother (Roselie): Kumain ka muna anak at umimom ng gamot at magpahinga ka ulit.


Narrator’s POV: matapos kumain at umimom ng gamot ay nagpahinga muli si Perlan, at habang ito ay
natutulog minabuti ni Mommy Rose na mag warm compress.

---------1 day prior to admission-------

Narrator’s POV: Kinabukasan.

Mother (Roselie): (nasa dining sila pareho kumakain) Anak kumain ka na

Patient (Perlan): Mommy wala po akong gana, masakit po ang ulo ko.

Narrator’s POV: hindi na pinilit ni Mommy Rose si Perlan at hinayaan na lamang niya itong magpahinga.
Napansin rin ni Perlan at ng kanyang Mommy na kakaiba at tea-colored na ang urine ng anak.

------- few hours prior to admission------

Patient (Perlan): (nagising at naupo sa kama ng pumasok si Mommy Rose)

Mother (Roselie): (pumasok sa kwarto ni Perlan) anak namamaga ang mukha mo pati na rin ang dulo ng
binti mo.

Patient (Perlan): opo mommy mas masakit din po ditto (the same area flank pain)

Narrator’s POV: matapos makita ang kalagayan ng anak ay agad na dinala si Perlan sa ospital at naadmit.

-------Hospital-------

Nurse (Jessa): kuhanan ko lang po ng vital signs yung pasyente Ma’am.

(nagsagawa rin ng ibang tests at ultrasound sa part nato kahit overview lang parang photos from net
ganun)

(Scene inside patient’s hospital room)

Narrator’s POV: matapos maisagawa ang ibang tests at makuha ang vital signs ay dumating ang doctor
para iexplain ang kalagayan ng pasyente.

Doctor 2 (April): Good Afternoon po, I’m Dr. Laborada and lumabas na po yung mga results at nabasa ko
na po yung mga findings sa patient. Ayon po dito sa data ng vital signs ni patient normal naman po ang
kanyang temperature at heart rate, ang kanyang respiratory rate naman po at Blood pressure po ang
ating pinoproblema dahil bahagya po itong tumaas 140/90 po ang kanyang blood pressure. Bukod po
don ay may mga small pustular lesions at scars po sakanyang ankle, clear naman po ang kanyang
breathing sounds. Sa abdomen naman po ng patient ito po ay slightly globular. Ang naging final
diagnosis po sa case ng pasyente po ay Acute Glomerulonephritis mommy.

Mother (Roselie): ano po iyon doc?


Doctor 2 (April): Ang Acute Glomerulonephritis po mommy ay isang disorder sa kidney, nagkaroon po ng
inflammation sa filtration membrane ng kidney o iyong tinatawag po nating glomeruli iyon po ang
tumutulong na mag filter ng wastes at extra fluids sa ating kidney.(insert picture of normal kidney and
kidney with AGN) ganito po ang itsura ng isang normal na kidney, para naman po sa mga nagkaroon ng
AGN makikita natin na nagkaroon ng pamamaga or irritation ang parteng ito. Ilan po sa mga sintomas
nito ay ang mga naramdaman ng inyong anak gaya po ng high blood pressure, pamamaga ng mukha,
binti, nausea, at ang pagkakaron ng tea-colored urine, kaya po naging ganoon ang kulay ng urine ng
inyong anak ay dahil na po sa inflammation. Ang ganito pong uri ng sakit ay kadalasang sanhi ng
Infections, immune disease, o mga kondisyon na maaring makaapekto ng glomeruli kagaya po ng
pagtaas ng blood pressure.

Mother (Roselie): ganoon po ba doc, ano po ang mga kailangan gawin para tuluyan pong gumaling ang
anak ko?

Doctor 2 (April): kailangan po umiwas sa mga salty foods, mga pagkaing may mataas na protein,
potassium at phosphorus, at constant intake po ng mga prescribed medicines. Araw araw din naman po
naming oobserbahan at ichecheck ang kalagayan ni Perlan.

Narrator’s POV: Makalipas ang ilang araw na pananatili sa ospital ay tuluyan ng gumaling si Perlan.

(Scene inside Doctor’s Clinic)

Doctor 2 (April): Magandang umaga po, kamusta naman ang pakiramdam mo ijo?

Patient (Perlan): Maayos na po doc.

Doctor 2 (April): Mabuti naman kung ganon, mayroon po akong ilang mga gamot na ipeprescribe na
kailangan pa rin pong inumin ni Perlan, dapat po ay hindi ito kaligtaan at dapat ay mainom sa tamang
oras Mommy, dapat din po ay iwasan na ang mga bagay na maaring maging sanhi muli ng pagtaas ng
kanyang Blood pressure at pagkakaron ng inflammation sa kidney. Kailangan po mag maintain ng
balance diet at mag ehersisyo.

Mother (Roselie): Maraming salamat po Doc!

Doctor 2 (April): Walang anuman po, maari na pong makauwi ang pasyente

Narrator’s POV: matapos ang huling pagkonsulta sa doctor bago makalabas si Perlan ay nagpunta muli
ang mag ina sa kalapit na botika para bilhin ang mga gamot.

(silent video nalang ditto pumunta sila sa botika tas lip sync na usap and then inabot na ni Pharmacist
yung gamot)

Narrator’s POV: simula noon ay lagi ng binabantayan ni Momy Rose ang anak na si Perlan, at iniiwasan
ang mga bagay na makakapag dulot muli ng sakit sa anak, sinunod rin nila ang payo ng doctor sa pag
inom ng gamot sa tamang oras at ang pagpapanatili ng malusog na katawan sa pamamagitan ng pagkain
ng masustansyang pagkain at pag eehersisyo.

--------End--------

You might also like