You are on page 1of 4

Script

Step 1: Climate of Acceptance


Nurse 1: Magandang araw sa lahat, ako nga pala si Andrea Arcega at ito naman ang
aking kasama.
Nurse 2: Hello, ako nga pala si Angelyn Apiado nagagalak akong makilala at makita
kayo ngayong araw.
Nurse 1: Ngayong araw ay may gagawin tayong aktibidad na kung saan ang lahat ay
malayang maghayag ng kanilang mga kasagutan. Pero bago iyon ay maari bang
malaman ang pangalan ng lahat?
Nurse 2: Magsimula tayo kay sir.
Patient 1: Ako nga pala si Jeffrey Capardo, 31 taong gulang
Nurse 1: Salamat Sir, napakaganda naman ng iyong damit bagay na bagay sayo ang
kulay.
Patient 1: Ay salamat po (sabay kamot sa ulo na tila nahihiya)
Nurse 2: Madako naman tayo kay Ma’am ano naman po ang iyong pangalan?
Patient 2: Ako si Joan Camano (tila’y walang interes na tono)
Patient 3: Ako naman si Rogelyn Bubos tapos may mga kaibigan pa ako dun sa labas
(may itinuturo ngunit di naman nakikita ng iba) kaso ayaw ata nila lumahok. Ako nga
pala ay dalawapu’t isang gulang tapos pang lima ako sa magkakapatid. Hello po sa
lahat (sabay ngiti)
Nurse 1: Napakaganda at tamis naman ng ngiti na iyong ipinakita Ma’am Rogelyn.
Patient 3: Ay hindi naman po hehe kunti lang. (sabay ayos ng kaniyang buhok)
Patient 4: Ahmm ako nga pala si Kathleen Betchayda tapos ahhm ano dalawampu't
dalawa sa Agosto (na tila’y kinakabahan at di mapakali)
Patient 5: Ako naman si Adrian Bolagot, masaya ako na andito at magiging parte ng
aktibidad na ito.
Nurse 2: Kami din po Sir Adrian nagagalak din po kami sainyong kooperasyon.
Patient 6: Hello guys hello po mga ate at kuya, Ako nga pala si Frencis Anastacio. 18
years old po at nagagalak akong makilala kayong lahat.
Patient 7: Ako naman si Jessa Bobiles. (tila’y wala sa pokus)
Nurse 1: Apakaganda naman ng mga pangalan ng bawat isa, nagagalak akong
makilala kayo lahat at maging parte kayo ng aktibidad na aming inihanda.

Step 2: Bridge to Reality


Nurse 2: Bago tayo magsimula, ano pala ang inyong kadalasang ginagawa sa umaga?
Patient 1: Ako ay naglalakad sa aming bakuran at nagdidilig ng mga halaman ng aking
asawa.
Patient 2: Tiktok po nanonood po tapos matutulog ulet.
Patient 5: Ay noon madalas nagyoyosi ako sa umaga, pero ngayon paglalakad na ang
aking ginagawa.
Nurse 1: Pag kayo ba ay lumalabas sainyong bahay ano ang inyong nakikita sa
kalangitan o paborito ninyong nakikita sa kalangitan?
Patient 3: Buwan po, ang ganda ganda po kasi ng buwan tapos ang liwanag nya pa.
Tapos yung mga bituin nag twinkle twinkle sila.
Patient 4: Siguro po ahm bahaghari po, napakaganda po kasi ng kanilang mga kulay.
Kahit minsan ko lang po ito makita.
Nurse 1: Tamang tama, ang inyong mga kasagutan ay ating magiging pokus ng ating
aktibidad.
Nurse 2: Pag uusapan natin ngayon ay tungkol sa kalawakan. Excited na ba kayo?
Ibang Patients: Opo (ang iba malumanay, ang iba di sumagot, ang iba excited)
Nurse 2: Ang simula ng ating aktibidad ngayon ay pagkanta ng isang kanta na
pinamagatang “Kislap Kislap, Munting Bituin”
(https://www.youtube.com/watch?v=AewAjtfx-jQ)
Nurse 1: Ang gagaling naman ng lahat at ang gaganda ng mga boses!
Nurse 2: Nagustuhan nyo ba ang kantang inawit natin?
Patients: Opo nagustuhan namin.
Nurse 1: Sa tingin nyo saan tungkol ang kantang inawit natin?
Patient 5: Sa tingin ko ito ay tungkol sa isang batang gustong abutin ang bituin
Nurse 1: Tama ang galing galing talagang alam nyo kantang inawit natin!
Step 3: Sharing the World in which We live
Nurse 1: Ngayon naman ay magpapakita kami ng mga bagay na makikita sa
kalawakan.
(begins showing illustrations of the moon, sun, rainbow, etc and then describing it).
Nurse 2: Kami naman ay magtatanong sainyo ng ilang katanungan.
Nurse 1: Ano ang paborito ninyo sa mga ipinakitang larawan?
Patient 6: Ako po gusto ko ang bahaghari
Patient 7: Ako naman po gusto ko ang araw
Patient 1: Ako naman po yung buwan.
Patient 2: Ako naman po ulap.
Nurse 2: Bakit yun ang inyong paborito?
Patient 6: Kasi po ang ganda ganda ng kulay po ng bahaghari tapos para po syang
magic.
Nurse 2: Ano ba ang iyong pinakapaboritong kulay sa bahaghari?
Patient 6: yellow po, kasi kakulay nya po yung yellow tulips na paborito ko po.
Patient 7: Ako naman po paborito ko yung araw kasi ang ganda po ng kulay kapag
papalubog na lalo na kapag nasa dalampasigan.
Patient 2: Ako din, kaya paborito ko din ang araw. Napakagandang pagmasdan ang
orange sunset pag nasa itaas ng bahay namin.
Patient 1: Ako naman buwan, nakakapagbigay kasi ito ng liwanag tuwing gabi. Saka
nung nag iinuman pa kami ng mga kumpare namin ito yung nagsisilbing flashlight
namin para makauwi sa kanya kanyang bahay.
Patient 2: Nung bata po ako natutuwa po ako sa mga ulap kasi nagfoform sya ng iba’t
ibang shape tapos gumagalaw sila
Nurse 2: Tuwing kailan nyo naman nakikita ang mga ito?
Patient 6: Pag umuulan po saka umaaraw lumalabas yung bahaghari.
Patient 7: Lagi ko po nakikita ang araw maliban na lang siguro pag grabe yung ulan.
Patient 1: Yung buwan gabi gabi pero may mga gabing wala.
Patient 2 : Yung ulap po lagi ko nakikita, kaso pag maaraw kunti lang sila.
Nurse 1: Salamat sa inyong mga kasagutan, gagaling naman. Madako naman tayo sa
susunod na tanong. Sino ba dito ang humihiling sa shooting star?
Patient 3: Ay ako po winiwish ko po na sana masaya na si Nanay sa langit. Saka
pakiramdam ko po pag nag twiwinkle sila feeling ko c Nanay yun nag hehello sakin.
Kaya lagi po ako tumitingin sa langit pag gabi.
Patient 4: Ako naman po siguro sana gumaling na po yung puppy ko.
Patient 5: Ako naman po sana magtuloy tuloy na ang aking progress ng makauwi na
ako sa aking mag ina.
Nurse 1: Nakakaantig ng puso ang inyong mga hiling, at masaya ako na naipahayag
nyo ito sa ating grupo.
Nurse 2: Ang tanong naman na ito ay para sa lahat. Ano naman ang pinakaboritong
alaala nyo inyong napiling larawan.
(all participants answered; impromptu na lang)

Step 4: Appreciation of the Work World

Nurse 1: May mga karagdagang tanong naman na sasagutin, kung bibigyan kayo ng
pagkakataon pumunta sa mga larawang ipinakita saan nyo gustong pumunta?
Nurse 1: At sino ang inyong isasama kung mabibigyan kayo ng pagkakataon?
(all participants answered the nurse thanked the participants)
Nurse 2: Sa mga larawang ito, ano ang nagsisimbolo ng inyong personalidad?
(all participants answered)

Step 5: Climate of Appreciation


Nurse 1: Maraming salamat sa inyong kooperasyon sa aktibidad na ating ginawa
ngayon.
Nurse 2: Nakakatuwa na lahat kayo ay may kakaibang sagot sa bawat tanong na
aming ibinigay.
Nurse 1: Oo nga mga Ma’am at mga Sir ang gagaling nyo ngayong araw.
Nurse 2: Bago tayo matapos, ipapaalala ko lang na sa susunod na Linggo parehas na
oras ay magkakaroon muli tayo ng aktibidad. Nawa’y ang lahat ay pumunta at
makilahok muli.
Nurse 1: Ang ating snacks ngayon ay nasa likod. Muli nagpapasalamat akong muli sa
lahat. Magandang araw ulit!!
Patients: Maraming Salamat din po!

You might also like