You are on page 1of 4

ACT 1 – SCENE 1 (Kwarto)

*magsisimula ang eksena sa isang alarm ng cellphone na nakasaksak*


*pokus ng kamera kay Shiela at babangon siya*

SHIELA: Anong oras na ba? Hala, hindi ko na naman pala nabunot yung cellphone ko.
Ilang oras na namang nakasaksak ‘to.

*babangon siya ipakikita ang dalawang bukas na bentilador/aircon at bentilador*

ACT 1 – SCENE 2 (Banyo)


*ipakikita ang pinto ng CR habang may tumutugtog*
*kumakanta siya ng Break Free sa CR*
*ipakikita na imbis na gamitin ang timba ay nagshoshower siya*

ACT 1 – SCENE 3 (Kusina)


*ipakikita ang pagkain ni Shiela at hindi niya tatapusin ito*
RONNEL: Ay, hindi ka na naman nakaubos ng pagkain mo. Sayang naman ‘yan.
SHIELA: Nagmamadali po kasi ako eh. Ayaw ko na rin po ng pagkain, pa.
RONNEL: Sige, bilisan mo nang gumayak at baka mahuli ka pa.

*magsesepilyo si Shiela nang nakabukas ang gripo*

RONNEL: Naku, kanina pagkain yung sinasayang mo ngayon naman tubig. Gumamit
ka naman ng baso nang mas makatipid tayo sa tubig.
SHIELA: Hayaan mo na, pa. Patapos naman na po ako. Saka ang dami-daming tubig
sa mundo oh.
RONNEL: Anak, hindi lahat ng marami ay hindi nauubos.
SHIELA: Wow, lalim pa ah. Hugot yarn?
RONNEL: Puro ka talaga biro bata ka. Eh saan ka ba pupunta’t nakagayak ka ngayon?
SHIELA: Ah, diyan lang po sa Plaza. May nagyaya po kasi sa amin nina Cristabel at
Fealyn sa youth organization daw po para sa Kalikasan diyan po sa Barangay.
RONNEL: Mabuti ‘yan anak. Eh ano, magpapahatid ka ba? Malapit lang naman.
SHIELA: Hindi na po, tay. Mamamasahe na lang po ako.
RONNEL: Oh, sige. Mag-iingat ka ha?

ACT 2 – SCENE 1 (Kalsada)


*ipakikita na magtatawag siya ng tricycle; kakaway siya at biglang may kabataan na
maglalakad siyang makikita*
*ipapakita na nakasakay siya sa tricycle*

ACT 3 – SCENE 1 (Stage ng Freedom)


*montage ng Freedom Park, ganern*
ANDREI: And that’s it para sa Part 1 ng ating orientation para sa KKK o Kabataan para
sa Kalikasan at Kapaligiran, I hoped that you understood what climate change is na
siyang una nating paksa sa ating educational discussion at maging kabahagi tayo sa
pagliligtas ng ating kalikasan. Any questions, insights that you want to share, or
clarification about the topics discussed?
SHIELA: Ma’am gusto ko lang pong itanong, tayo po ba bilang mga simpleng tao – kahit
kami po bilang simpleng estudyante, may kontribusyon sa paglala o makatutulong sa
paglaban sa climate change?
ANDREI: Yes anak, kahit kayong mag simpleng estudyante ay may kontribusyon sa
paglala ng sitwasyon ng climate change. Sa pag-aaksaya natin ng tubig at kuryente, sa
hindi pagtatapon nang tama, marami pang ibang bagay na akala natin ay wala lang
ngunit nakakabahagi sa pagkasira ng ating kalikasan. Ngunit kayo bilang mga
estudyante ay may kapangyarihan ding labanan ito sa pamamagitan ng kaalaman na
maaari nating ibahagi sa iba at maisakatuparan nila.
CRISTABEL: True po ba ma’am? Baka naman ginegemma niyo lang po kami?
FEALYN: Loka ka talaga, puro ka biro. Pasensiya na po kayo, ma’am.
NOEL: Alam niyo, may mga bagay na hindi dapat natin ginagawang biro lalo na ‘yang
usaping pangkapaligiran dahil ‘yan ay isang seryosong usapin na dapat aksyunan agad.
MARVIN: Tama ka, Noel. Nabalitaan niyo na ba yung nangyari sa ibang bansa kung
saan nanawagan ang mga ekspertong siyentipiko na aksyunan agad ang usaping
pangklima?
CRISTABEL: Ang seseryoso niyo naman, hindi kayo mabiro.
FEALYN: Beh, seryoso kasi kami ritong nag-oorientation.
ANDREI: Oh, tama na at nagkakainitan na kayo, para kayong Global Warming ah. Sige
na, dismiss na muna natin ang orientation. Makakauwi na kayo, kita-kits na lang bukas
para sa part two and assessment natin ha?

ACT 3 – SCENE 2 (Ilalim ng Puno)


*ipakikita na masayang kumakain ang magkakaibigan; nasa background or frame din
ang isang matandang balot na balot at nagwawalis*
HIGHLIGHT SA SINGLE-USE PLASTICS: palamig at mga tinapay
FEALYN: Ikaw naman kasi, nanahimik ka na lang sana kanina. Baka hindi pa tayo
matanggap sa KKK niyan.
CRISTABEL: Eh ang boring naman kasi ng orientation na ‘yon saka ni Ma’am. Saka,
ayaw niyo non, nagkaroon ng thrill.
SHIELA: Loko ka talaga hano. Bilisan niyo na diyan at nang makauwi na tayo.
*bibilisan ang pag-inom at pagkain sabay tapon sa lapag ng mga kalat*
JC: Mga hija, paki-ayos naman yung pagtatapon niyo.
SHIELA: Kaya niyo na yan, manong. Trabaho niyo naman ‘yan.
*sabay takbo paalis*

ACT 4 – SCENE 1 (Eskinita)


*ipakikita na habang naglalakad siya kanilang eskinita pauwi sa kanila ay tila may
nagmamasid sa kaniya kaya pahinto-hinto siya at palinga-linga*

ACT 5 – SCENE 1 (Lababo ng CR)


*maghihilamos siya sa CR at bukas lang ang gripo habang naghihilamos siya sabay
biglang magpapatay-sindi ang ilaw*

ACT 5 – SCENE 2 (Kwarto, Kama)


*mahihiga na siya nang nakabukas lang ang ilaw sa kwarto niya at nakabukas ang
dalawang bentilador; pipikit ang mata niya tapos bigla na namang magpapatay-sindi
ang ilaw sa kwarto niya tas biglang black lang*

ACT 5 – SCENE 3 (Kwarto, Kama)


SHIELA: Bakit ba ang init-init naman?
JC: Nararamdaman mo na ba?
SHIELA: Sino ka? Brownout ba?
JC: Kadiliman… Kadiliman… *evil laugh; sabay patay-sindi ulit ng ilaw*
SHIELA: Sino ka ba? Ha-hala, b-bakit hindi ako makagalaw?
JC: Ako ang tinig na hindi mo pinakinggan!
*open na lang ng ilaw sabay focus kay Shiela tapos bigla siyang pipikit nang madiin*

ACT 6 – SCENE 1 (Tambakan)


*mumulat si Shiela na parang bigla siyang ibinangon*
SHIELA: Ano ‘to, nasa’n ako?
JC: Masdan mo ang inyong pang-aabuso. Anong ginawa ninyo?
SHIELA: *tatakbo nang tatakbo; iba-ibang anggulo*
JC: Takbo, sige takbo. Diyan naman kayo magagaling na mga tao, ang takasan ang
gulong ginawa ninyo at takbuhan ang inyong mga kapabayaan!
SHIELA: Sino ka ba kasi talaga? Pwede bang tama na?
*magtatakip siya ng mukha habang tumatakbo; lalapit at iikot ang camera*

ACT 6 – SCENE 2 (Tuyong Tubigan)


*same pwesto ng katawan si Shiela tapos iikot ang cam, sabay baba ng takip sa
mukha*
JC: Tama na? Tama? Hindi niyo nga maiwasto ang pagpapahalaga sa katubigan ko?
SHIELA: *medyo babagal ang takbo* Nakikiusap ako, tama na.
JC: Kung hindi kontaminado o puno ng mga basura niyo, tuyong-tuyo na ang mga
katubigan sa mundo dahil sa kagagawan niyo.
SHIELA: Ibalik mo na ako sa amin, pakiusap. *biglang madadapa sa harap ng cam*

ACT 6 – SCENE 3 (Lupang Tinambakan)


*another eksena tapos babangon na si Shiela, extreme emotion; di na tumatakbo*
JC: Hakot rito, tambak don. Anong ginagawa ninyo sa kalupaan na imbis na gamitin sa
pagtatanim ay tinitirikan ninyo ng mga kabahayan.
SHIELA: Pakiusap, tama na. Hindi ko na ‘to kaya.
JC: Nasasakripisyo ang mga puno dahil sa inyo. Putol rito, tambak doon.
SHIELA: *mapapatingin sa putol na puno* nakikilala na kita, patawad. Patawarin mo
ako, patawarin mo kami. *sabay iyak*

ACT 7 – SCENE 1 (Kwarto)


*magigising siya at umaga na, pawis na pawis at umiiyak – magpupunas ng luha.
Sabay dali-daling papatayin niya ang ilaw at ang dalawang bentilador*

ACT 7 – SCENE 2 (CR)


*bubuksan niya ang shower, ngunit mapapatingin siya rito at bigla itong papatayin.
Bubuksan niya ang gripo; tabo at timba na ang kaniyang gagamitin sa paliligo*

ACT 7 – SCENE 3 (Lababo sa Kusina)


*ipakikita na nagsesepilyo siya at may hawak na baso; papasok sa eksena ang isang
tauhan at magsesepilyo rin: iaabot niya ang toothpaste sabay biglang bubuksan ng isa
pang tauhan ang gripo ngunit isasarado niya ito sabay mostra ng kaniyang baso*

ACT 7 – SCENE 4 (Labas ng Bahay)


RONNEL: Oh anak, pupunta ka ba ulit ng plaza? Halika na’t ihahatid na kita.
SHIELA: Huwag na po, Pa. Ayos lang po, maglalakad na lang po ako at ilang hakbang
lang naman po yung plaza at saka exercise na rin po.
RONNEL: Aba, nilalagnat ka yata ah. Sigurado ka diyan?
SHIELA: Opo, pa. Sige po, mauna na po ako.

ACT 8 – SCENE 1 (Classroom)


ANDREI: Good morning mga ka-KKK! So, before we start the discussion, magbalik-
tanaw lang muna tayo sa topic natin kahapon. Anyone from the group who wants to
share their thoughts?
SHIELA: Ma’am ako po.
ANDREI: Sige anak, go.
SHIELA: Kahapon po, napag-usapan po natin ang climate change at narealize ko po na
dapat ay bawa’t hakbang at gawain natin ay ating pinag-iisipan dahil bawa’t aksyon
natin ay maaaring makatulong o makasira sa kalikasan kahit tayo ay mga estudyante
lamang.
JHIMWELL: Wow naman, Shiela. Mukhang natuto ka na ah. Pero tama po siya, di ba
po ma’am? Naalala ko pa po yung sinabi niyo kahapon na may kapangyarihan kami
para sa negatibo o positibong pagbabago.
CRISTABEL: I say tamaaaaa.
FEALYN: Purrrrrrrr!
CRISTABEL: Oh kita mo, ikaw rin naman.
FEALYN: Eh tama naman kasi sila.
NOEL: Nakakaproud ka naman, Shiela.
MARVIN: Ang powerful mo sa part na ‘yan.
ANDREI: Lahat kayo ay powerful, kaya gamitin niyo ang powers niyo para iligtas ang
mundo – ang kalikasan.

ACT 8 – SCENE 2 (Ilalim ng Puno)


*nasa ilalim ng puno si Andrei at tila may hinihintay*
SHIELA: Ma’am, hello po.
ANDREI: Hello rin, anak. Anong atin?
SHIELA: May itatanong lang po sana ako. Kasi po isa sa nakapagparealize sa akin ng
mga mali ko ay yung isang janitor po natin, bago lang po yata si kuya.
ANDREI: Sigurado ka ba, anak? Wala naman tayong bagong hire na utility sa
barangay?
SHIELA? Hala! Totoo po ba ma’am?
ANDREI: Oo, anak. Walang tayong bagong tauhan sa pagkakaalam ko… Sige anak ha,
mauna na muna ako.

*biglang hahangin or may malalaglag na dahoon kaya mapapatingala siya sa puno*


*focus sa puno ang camera*

SHIELA: Kilala na kita, salamat.

*sabay alis at matitira ang katawan ng puno sa frame*

THE END

You might also like