You are on page 1of 10

TITLE: SANGGANG-DIKIT

GROUP 1

Directed by: Socias, Debrah


Assistant Director: Allain Ramonel

Cast

Inie De Gracia as Stella Del Valle


Nova Shella Nacua as Ruby
Jemyca Roquero as Stella’s Mom
Lalaine Mercaral as Psychologist
Shermaine Clou Tapangan as Marie
Angelica Rosary Mae B. Guardiano as Ruby’s Mom
Debrah Socias as Caller

Production

Edelfa Estremos
Angelica Licayan
Irish Mae Limpag

Scriptwriters

Angelica Rosary Mae B. Guardiano


Shermaine Clou Tapangan
Debrah Socias

Video Editors

Allain Ramonel
Diosdado Surigao
Unang Eksena
Location: Psychologist's Office

Narration: Ako si Stella. 25 taong gulang. Mahilig magtravel, well that’s what I remembered 2
years ago. Noong may kasama pa ako. Ngayon kasi nag-iba na.

Psychologist: What you’re experiencing were hallucinations, Ms. Del Valle. Iniinom mo ba ang
gamot mo sa tamang oras? I’m sorry to say this but it seems like your state is regressing. It is not
getting any better. Ms. Del Valle, I thought we had settled this matter. You don’t wanna see
yourself inside one of our Psychiatric wards again right?

Mama ni Stella: Ah, Doc. minomonitor ko naman po siya lalo na tuwing oras na ng kanyang
gamot. Wala na po bang ibang option Doc?

Stella: Doc, I told you all I saw was real. Nakausap ko nga po si Ruby. Nahawakan ko pa nga
siya. Bakit ba ayaw ninyong maniwala?

Ikalawang Eksena
Location: Bahay

Mama ni Stella: Anak, kumain ka ba?

Stella: Opo

Mama ni Stella: Pagkatapos mo riyan ay magpahinga ka na.

Stella: Opo

Mama ni Stella: Papasok na muna ako sa trabaho, ha?

Stella: Okay, Ma. Ingat ho kayo. (hahalik at yayakap sa ina.)


(Pumasok si Stella sa kwarto at naka-upong nakatingin sa may kisame sa sulok ng kanyang
kwarto, muling nanumbalik ang kanyang ala-ala kasama ang namayapang kaibigan)

Ikatlong Eksena
Location: (Garden)

Flashback..

Ruby: Pagkatapos natin ng high-school stella, anong gusto mong kunin na course sa college?

Stella: Hmmm baka teacher. Ikaw ba? Ano gusto mong kunin?

Ruby: Gusto kung kunin yung psychology. Para magamot ko na yang ka okrayan at kalungkutan
mo! HAHAHAHAH

Stella: HAHAHA baliw ka talaga!

(Nagtawanan sila dito)

End of the Flashback. .

Ika-apat na Eksena
Location: Bahay (kwarto, sala/living room)

Hapon na nagising si Stella dahil sa kanyang panaginip (dinalaw na naman siya ng mga alaala
nila ni Ruby sa kaniyang panaginip).

May narinig siyang ingay mula sa sala kaya babangon siya at titingnan ito. Nagtaka siya dahil
kadalasa'y gabi na umuuwi ang kanyang ina mula sa trabaho.

Pagbukas niya ng pinto. Nakita niya na naman ang isang pamilyar na mukha.

Stella: Ruby? (Nagtataka siya dahil tanda niya pa na ang suot nito'y pareho noong nangyari ang
insidente.)

Ruby:(lumingon at ngumiti sa kanya)


(Hindi maunawaan ni Stella ang kanyang nararamdaman. May halong takot, kaba at lungkot ang
namayani sa kanyang katawan. Napahawak ang dalaga sa kanyang ulo sabay sabing..)

Stella: Ruby! Ano baa!! ( Parang nabaliw, sinusuntok yung ulo, umiiyak)

Stella: Umaliss ka naaaa ahhhhhhh!! ( Paulit-ulit na sinasaktan ang sarili)

( Unti-unting itututok ang camera kay Ruby na may malaking ngiti sa labi)

(Nagising si Stella, it was just a dream)

Stella: *Breathing heavily* *Mayroon nanamang narinig na kaluskos sa sala*

(Lumabas muli si Stella sa kwarto at nakita na naman niya si Ruby, nagulat siya dahil iyon ang
panaginip niya, na para bang deja vu ang lahat. Ngumiti nanaman si Ruby sa kanya.)

Dali-daling pumasok si Stella sa banyo at sinara ang pintuan ngunit bigla na lamang siyang
kinilabutan dahil parang may tao sa kanyang lingkod at bago pa siya makalingon ay may
bumulong:

Ruby: Stellaaaa…

(Nagising na naman si Stella. Panaginip pa rin pala ang lahat na nangyari. Paggising niya ay
umiyak siya kaagad)

Stella: Hindi ko sinasadya, patawarin mo ako. (Paulit-ulit niyang saad.)

(Mas lalo siyang naiyak sa takot nang may napansin siyang kamay ngunit ikinagulat din niya
dahil ito pala'y kanyang ina lamang na inaalo siya.)

Nanay: Anak… Shhh tahan naaa. . ( Niyakap ang umiiyak na anak)

Stella: Mama,... (shaking)


Ika-limang Eksena
Location: School (Hallway)

Kinabukasan..

Pumunta si Stella sa paaralan kung saan siya nagtuturo. Mahigit dalawang taon na siyang guro
subalit pilit pa ring bumabagabag sa kanyang isipan ang mga masasakit na pangyayari mahigit
dalawang taon na ang lumipas. Ang pangyayaring patuloy na gumagambala sa kanyang buhay.

Naglakad si Stella sa pasilyo ng paaralan ng biglang may tumawag sa kanya.

Babatiin siya ng mga estudyanteng makakasalubong niya ngunit magtataka ang mga ito dahil
parang balisa si Stella at palingon-lingon.

Ruby: Pstt,.. Stella ! Stellaaaa!

Stella: (Lumingon sabay sabing) Hindi ka totoo, hindi ka totoo. .

Ruby: Stellaaaaaaaaaaa !

Stella: Sabi ng hindi ka totoo eh ! ( Sumigaw)

(Nagulat si Stella ng lumingon siya dahil si Marie lang naman yung tumawag at humawak sa
kanya. Si Marie ay co-teacher niya sa paaralan)

Marie: Ako lang to Stella? Ano bang nangyayari sayo? Ok ka lang ba?

Stella: ( Napa-buntong hininga sabay hawak sa ulo ) Hays.. Okay lang ako Marie , pasensya
kana ha. ?

Ika-anim na Eksena
Location: Bahay (Kwarto)
(Hapong-hapo na si Stella sa kanyang dinanas maghapon at makikita iyon sa kanyang mata kaya
nang makauwi siya'y nakatulog siya agad. Nabulahaw na naman ang kanyang pagpapahinga
dahil narinig niyang may tumatawag na naman sa kanya.)

Ruby: Stella… Stella…

(Bumungad sa kaniya ang maamo at magandang mukha ni Ruby. Gayunpaman, hindi siya
natakot.)

Stella: Ruby tama na.

Ruby: Stella, ako lang ito. Huwag kang matakot, totoo ako.

Stella: Pero paanong—?

Ruby: Kahit hawakan mo pa ako.

(Nag-aalinlangan man ay hinawakan pa rin at dinama ni Stella ang kamay ni Ruby)

Stella: Totoo ka nga, pero paanong nangyari iyon?

Ruby: Gusto mo bang pumunta sa Parke?

(Tumango naman si Stella at masayang sumama kay Ruby)

Ika-pitong Eksena:
Location: Park

(Nasa favorite place na sila, at nakaupo sa may buhangin ng parke dahil mayroon ding dagat
doon na kung saan kita ‘yung tanawin ng mga batang naliligo. )

(Katahimikan sa loob ng 10 or 15 segundo)

Stella: (Tumingin kay Ruby) I miss you.

Ruby: Di ka na takot?
Stella: Sorry, patawarin mo ko Ruby. Kasalanan ko ang lahat. (Sambit niya ng paulit- ulit habang
umiiiyak)

Ruby: (Biglang aawit ng kanilang paboritong kanta.) *Hawak kamay di kita iiwan sa paglakbay,
dito sa mundong walang katiyakan, hawak kamay, di kita bibitawan sa paglalakbay, sa mundo ng
kawalan”

(Natigil ang pag-iyak ni Stella at tumingin siya kay Ruby.)

flashback:

(Suot ang kanilang uniporme sa kolehiyo, pumwesto na naman sila sa kanilang paboritong
tambayan. Sila'y nakikinig sa kantang Hawak Kamay. Sabay nilang kinakanta ito.)

Ruby: Pagkagraduate natin, magkaibigan pa rin tayo ha, at saka walang iwanan kahit
mag-aasawa ka na, at magka-anak, kahit magka-apo o apo sa tuhod.
(Sabay naman silang tumawa)

Stella: Baka nga ikaw yung maunang mag-asawa sa atin eh. Pero oo naman, walang iwanan.
(Pinky promise, izo-zoom ang camera)

Transition:
(Nag pinky promise pa rin habang umiiyak na naman si Stella.)

Back to present:

(Tumawa habang umiiyak naman si Stella sa naalala.)

Ruby: Sorry, ako dapat ang humingi ng sorry sa iyo Stella. Dahil iniwan kita. Hindi ko natupad
iyong pangako natin.

Stella: (Umiiling-iling) Hindi, ako iyong may kasalanan kung sana, kung sana hindi nagmatigas
yung ulo, kung sana nakinig ako sa iyo, kung sana… (Humahagulhol nanaman sa iyak si Stella)

Ruby: Hindi, bukal sa loob kong ginawa iyon, at masaya ako dahil ligtas ka.

Ika-walong Eksena
Location: Resto Bar ( Reception Area or Lobby)

Flashback nanaman:

May tumawag kay Ruby at pinaalam sa kanya na nakita niya si Stella na lasing na lasing.

Caller: Hello, Ruby

Ruby: Hello! Bakit? Anong nangyari?

Caller: Si Stella, lasing na lasing. Puntahan mo na dito.

Ruby: Ha! Ano! Sige sige papunta na ako.

Lasing si Stella nang maabutan ni Ruby.

Ruby: Stella!

Stella: Pinagpalit na kami ni Papa sa ibang pamilya

Ruby: Hayaan mo na ‘yon.

Stella: Mabuti naman kaming anak. Hindi namin deserve ‘yon.

Ruby: Shhh hayaan mo na ‘yon. Tahan na. Bukas na tayo mag-usap once you’re sober. Dito ka
muna ha hihingi lang ako ng tubig para mahimasmasan ka ng konti tapos tatawag din ako ng
taxi.

Stell: (sasandal lang sa upuan nang nakapikit)

Magmamadaling aalis si Ruby. Tatayo si Stella.

Stella: Nasaan ba ako? (Parang nahihilo at lalabas)

Hindi niya napansin ang sasakyang padating. Makikita siya ni Ruby.

Ruby: Stellaaaaaaaaaaa!!!! (Sisigaw at tatakbo Papunta kay Stella at itutulak ito kaya siya ang
napuruhan.)

Back to present:
Ika-siyam na Eksena
Location: Plaza Independencia

Stella: Pasensya ka na Ruby hindi man lang kita nadalaw sa iyong lamay o kahit noong inilibing
ka na

Ruby: Naiintindihan ko. Alam ko kung ano ang idinulot sa iyo ng nangyari. Pero ito ang tandaan
mo. Kailanman Stella, hindi kita sinisisi, hindi kita kinamuhian. Masaya ako dahil ligtas ka pero
nalulungkot din ako dahil iyan ang naiisip at nadarama mo.

(Namuo ang katahimikan sa kailang dalawa. Umiiyak pa rin si Stella.)

Stella: Pero..

Ruby: Shhh, ayokong nakikita kitang ganyan, ayokong habangbuhay mong sisihin ang sarili mo.
Stella, let go of that feeling, bitawan mo na lahat… and let go of me. After that, everything will
be alright.

Stella: (Umiiling-iling) Di ko kaya.

Ruby: Kaya mo. Ikaw si Stella Del Valle diba?

(May tumawag na babae kay Ruby. Iyon pala ay kanyang ina.)

Ruby: Oh nandiyan na pala mama ko. Stella, I know you can do it. Continue your life and I’ll be
happy. (Tatakbo palayo habang sinisigaw ang mga katagang,) Salamat din kasi magkasama na
kami ng mama ko.

(Itututok sa mukha ni Stella ang camera. Nakapikit ang mga mata ni Stella. Ipapakita na
nakatulog pala sa lugar kung saan palagi silang naglalagi ni Ruby. Ito pala'y isang mahaba
ngunit magandang panaginip. Ang mga naiwang luha sa mga mata ni Stella sa kanyang mukha
ay napawi at ito’y napalitan ng kanyang ngiti. Siya ay parang nabunutan ng tinik sa dibdib.
Nabawasan ang kanyang mga dala-dala.)

(Nagising si Stella na magaan na ang loob at masaya.)


Ika-sampung Eksena:
Location: Sementeryo

Pumunta si Stella sa libingan ni Ruby. Pinasalamatan niya ang kaibigan. Nagdala siya ng mga
bulaklak at nagsindi ng kandila sa puntod ni Ruby.

Stella: Sa wakas, nagkalakas loob na akong dalawin ka dito. (habang umiiyak pero masaya)

Narrate ni Stella: I am Stella. 25 years old and mahilig magtravel 2 years ago… until now.
Dahil mayroon pa rin akong kasama.

Ipapakita na nasa tabi lang niya si Stella. Sila'y magtatawanan habang naghahabulan.

THE END!

You might also like