You are on page 1of 7

“Sa Maliit na Kubo”

[Nagsimula ang eksena kung saan nagpaplano ang mga estudyante kung paano mandaraya sa kanilang
paparating na pagsusulit. Tahimik silang nag-uusap sa pasilyo ng paaralan, nagpaplano kung paano nila
maayos na gagawin ang planong ito. Pero hindi nila alam na may ibang estudyanteng nakikinig sa usapan
nila.]

(Lahat ay tahimik na nag-uuusap. Mga estudyanteng naglalakad, ‘di malinaw na pag-uusap ang maririnig.)

Ashelia: Pa’no natin gagawin? Alam niyo na… ‘yung exam.


Jed: Alam mo naman na kung ano ang gagawin. Gagawin natin, kung paano natin ginagawa rati.
Rojan: Pustahan tayo mas mahirap magpasahan ng sagot ngayon.
Ashelia: Kaya nga, mas magiging mahigpit at strikta ang mga titser.
Georjinnah: Kaya natin ‘to, ano ba kayo! ‘Wag nga kayong umasta na parang ‘di natin ‘to ginagawa buong
buhay natin.
Rojan: (mayabang na pananalita) Tama. Lagi namang naging madali!
Cedric: Oo, paniguradong magagawa natin ‘to basta sama-sama tayo!

[Dumating ang araw ng pagsusulit. Tumunog na ang kampanilya, at ito ang hudyat na mag-uumpisa na ang
kanilang pagsusulit. Inumpisahan na ng mga estudyante na ipasa ang mga papel.]

Sohailah (Titser): P’wede na kayong mag-umpisa.

[Ang mga sutil na estudyante ay inumpisahan ang kanilang pagsusulit nang walang kahirap-hirap. Ngunit,
napansin ng isang guro na paulit-ulit ang ginagawang ‘signal’ ni Cedric. Kaya naman, nilapitan niya ang
estudyante.]

Sohailah (Titser): Para sa’n ‘yang mga signal na ‘yan?


Cedric: (kinakabahan) Wala po, ma’am. Para lang makapag-pokus ako.
Sohailah (Titser): Totoo ba? Kanina pa kita tinitingnan, at paulit-ulit ‘yang ginagawa mo sa kamay mo.
Miguel (Estudyante): Ma’am, nangdadaya po sila! Iyon pa ang paraan nila para mangdaya?
Sohailah (Titser): Totoo ba ‘yon? Sinong kasama mo sa pangdaraya, Cedric?!
Cedric: (kausap ang estudyante) Anong pinagsasabi mo! ‘Di ko magagawa ang pangdaraya!
Miguel (Estudyante): Talaga ba? Narinig ko kayo ng mga kaibigan mo noong nakaraang araw!
Pinagpaplanuhan niyo kung paano kayo mangdaraya ulit!
Sohailah (Titser): Mga kaibigan ni Cedric? Pero lahat sila ay matataas ang mga marka!
Jed: Ma’am, ‘wag kayong maniwala sa kaniya! Hindi naman iyon magagawa!
Sohailah (Titser): Tahimik. Pag-usapan natin ‘to sa Principal’s Office. Sundan niyo ako!

[Hinablot ng titser ang papel ni Cedric at ng kaniyang mga kaibigan.]

Punongguro: Anong nangyari? Bakit nandito ang mga matatalino mong estudyante?
Sohailah (Titser): Sir, nakita ko po kasing paulit-ulit si Cedric sa ginagawa niyang signals. No’ng tinanong
ko siya, sabi niya, wala lang iyon. Ngunit, sabi naman ni Miguel, iyon daw ay pangdaraya nila.
Punongguro: Totoo ba ‘yon, Cedric?
Cedric: Hindi po, sir!
Miguel (Estudyante): Totoo po ‘yon, sir! Narinig ko sila noong isang araw!
Punongguro: Kung ako ang tatanungin, ‘di ko ‘to paniniwalaan. Pero Miguel, may pruwebe ka ba na totoo
talaga ang mga akusa mo?
[Ipinakita ni Miguel ang recording. Nagulat ang lahat sa kanilang nakita.]

Sohailah (Titser): (gulat) Hindi maaari…


Punongguro: Sobra akong nalulungkot sa pangyayaring ito. Pero mga anak, alam niyo naman ang gagawin ng
paaralan kung mahuhuli at mapapatunayan na nangdaraya kayo.
Cedric: (nagmamakaawa) Pakiusap po! Pakiusap, ‘wag niyo po itong gawin sa’min!
Ashelia: (desperado) Hinding-hindi na po namin ulit gagawin ‘to, sir!
Georjinnah: Maawa kayo sa’min, sir! ‘Wag niyo po itong gawin sa’min!
Punongguro: Pasensiya na pero wala kaming magagawa kundi sundin ang patakaran ng paaralan. Ihanda
niyo na ang mga sarili niyo dahil susunduin kayo bukas, alas nuwebe ng umaga.

— Nang sumunod na araw —

[Dumating na ang mga estudyante sa maliit na kubo.]

Sohailah: (nagbuntong hininga) Ngayon, nandito tayo sa maliit na kubo! Kung hindi ka lang nahuli, Cedric,
gumagala na tayo sa siyudad ngayon!
Cedric: (nabubulol na pagsasalita) Pasensiya na…
Georjinnah: Kumalma nga kayo! ‘Di na kailangang mag-away pa!
Sohailah: Makaalis na nga! (sigaw ni Sohailah at naglakad papalayo)
Ashelia: Hayaan na muna natin siya. Tara, Georjinnah, ihanda na natin ang hapunan.
Jed: Tara, Ced. Laro tayo.

[Umalis si Sohailah upang maglibot sa kagubatan, habang si Ashelia at Georjinnah naman ay nag-umpisa
nang lutuin ang kanilang hapunan. Tumingin si Ashelia sa labas ng binata at nakita si Sohailah malapit sa
ilog.]

[Makalipas ang ilang minuto, natapos nang iluto ni Ashelia at Georjinnah ang kanilang hapunan. Habang
hinahanda ni Georjinnah ang lamesa, narinig ni Ashelia ang sigaw ni Sohailah.]

Sohailah: (sa hindi kalayuan) Tulong! Tulong!


Ashelia: (natakot, pabulong na nagsasalita) Ano ‘yon? Narinig mo ba ‘yon, Georjinnah?
Georjinnah: Alin? Hinahanda ko ang lamesa.
Ashelia: Ah… Baka imahinasyon ko lang ‘yon. Alam mo na, pagkatapos lahat ng mangyari sa’tin.
Georjinnah: Oo, baka stress lang ‘yan. Tawagin mo na iba para makapagpahinga ka na.

[Ang lahat ay naglakad papuntang hapag-kainan.]

Rojan: Wow, ang bango niyan ah! Nasa’n nga pala si Sohailah?
Jed: Hindi ba’t umalis siya kanina?
Georjinnah: Oo. Cedric, p’wedeng hanapin mo muna si Sohailah? Pero ‘wag kang lalayo.
Cedric: Sige.
Ashelia: (lumapit papunta kay Georjinnah) Georjinnah, parang narinig ko talagang nasigaw si Sohailah
kanina, humihingi ng tulong.
Georjinnah: Anong ibig mong sabihin, Ashe? Pinapanood pa natin siya kanina malapit sa ilog, hindi siya
malalagay sa kapahamakan.
Ashelia: (kinakabahan) Pero boses niya ‘yon! Narinig ko!
Cedric: (bumukas ang pinto, pumasok si Cedric) ‘Di ko siya mahanap.
Jed: Ano?! Wala siya sa ilog?!
Cedric: Walang tao do’n.
Rojan: Baka gusto lang ng espasyo pagkatapos noong mangyari sa inyo. Tara na, kain na tayo. Tirhan
nalang natin si Sohailah.
[Lahat ay umupo ngunit hindi mapakali si Ashelia, at laging iniisip si Sohaialah. Ano nga ba talaga ang
nangyari kay Sohailah?]

[Sa isip ni Ashelia.]

(Maririnig ang tunog ng mga kutsara’t tinidor habang ang iba’y kumakain nang dahan-dahan. Nanatili
siyang tahimik.)

Isip ni Ashe: Nasa’n ka, Sohailah? Ano ba talaga’ng nangyari?

Jed: Ashe, okay ka lang?


Georjinnah: Ano ka ba, Ashelia, ‘wag mong masyadong isipin ang nangyari. Sigurado akong ligtas si
Sohailah, baka gusto niya lang magpahangin. Babalik ‘yon kung gusto niya, pero ngayon, kumain ka muna.
Ashe: (huminga nang malalim) Sige…

[Nang kinagabihan sa kubo.]

[Tulog na ang lahat ngunit si Ashelia ay patuloy pa ring iniisip ang nangyari. Lumabas siya ng kubo.
Lumangitngit ang pinto at sahig na gawa sa kahoy nang siya ay lumabas. Umupo siya sa upuang de kahoy,
nawawala sa kaniyang sariling pag-iisip.

Si Rojan at Cedric naman na naghahati sa isang kuwarto ay lumabas nang marinig ang lumangitngit na
tunog.]

Cedric: (nagulat) Diyos ko, Ashe! Tinakot mo ‘ko!


Rojan: Anong ginagawa mo sa ganitong oras? *tanong niya at binuksan din ang pinto. Ngunit, nang buksan
niya ito, tumayo si Ashelia at pumasok muli.
Ashelia: Malamang nagpapahangin… *maarte niyang sagot, at bahagyang nabangga si Rojan nang pumasok
sa loob. Tumabi si Cedric upang maiwasan na madali.*
Rojan: *Agad siyang nagalit at sinundan ito. Kinuha niya ang braso ni Ashelia at pumasok sa loob ng
kuwarto, habang sumunod naman si Cedric.*
Cedric: Anong nangyayari ba, Ashe? Lagi kang nawawala sa sarili simula no’ng nawala si Sohailah!
Ashe: Wala ka nang pakialam do’n, Cedric! Bakit ka ba nangingialam masyado?
Cedric: Mangingialam ako kasi kaibigan ko si Sohailah!

[Si Georjinnah naman, na katabi ni Ashelia sa pagtulog ay narinig ang malakas na pag-uusap.]

Georjinnah: Puwede bang manahimik kayo?! Natutulog ‘yung tao rito, oh!

Ashe, Cedric, and Rojan: (sabay-sabay) Pasensiya na.


Ashelia: Narinig niyo na ‘di ba? Bumalik na kayo sa kuwarto niyo at ‘wag na akong pakialaman! *sagot niya
at malakas na sinara ang pintuan.*

Georjinnah: Kumalma ka, at matulog na lang. ‘Wag kang mag-alala, magiging maayos ang lahat. *sambit ni
Georjinnah nang may kapanatagan. Hinawakan niya ang kamay ni Ashelia.*
Ashelia: Sigurado ka?
Georjinnah: Oo…
Ashelia: Sana nga… *sambit niya at humiga. Nang lumaon ay nakatulog na siya.*

— Kinabukasan —
[Lahat ay nagising nang maaga ngunit mas maaga si Ashelia. Nasa labas siya ng kubo, hinihintay pa rin ang
pagbalik ni Sohailah.]

Georjinnah: Aga mo ngayon, ah!


Ashelia: ‘Di ako masyadong nakatulog.
Georjinnah: (umupo sa tabi ni Ashelia) Hinahantay mo si Ashelia?
Ashelia: (tumango) Oo.

[Dumating si Cedric at sumama sa kanilang pag-uusap.]

Cedric: Bumalik na ba si Sohailah?


Ashelia: (umiling) Hindi pa… Nag-aalala na nga ako. Tawagan na kaya natin ang school?
Georjinnah: Hindi maaari! Mas mapapagalitan tayo kung malalaman na may nawawala sa ‘tin!

[Sumali na rin sa kanilang usapan si Jed at Rojan.]

Rojan: Hanapin nalang natin siya. Hindi na kailangang tawagan pa ang school.
Ashelia: Pero pa’no kung tayo naman ang mawala? Hindi natin alam kung ano’ng meron dito sa gita ng
kawalan!
Jed: Ito na lang ang choice natin, Ashelia. Kung hindi natin siya hahanapin agad, baka malaman na ng
eskuwelahan ‘to.
Cedric: Sigurado na ba tayo dito? Kasi, maopahamak talaga sa labas.
Jed: Halos isang araw nang nawawala si Sohailah, tol. Sa tingin mo, dapat bang magpahinga lang tayo
rito?
Cedric: Hindi naman ‘yan ang ibig kong sabihin e!
Rojan: Kumalma nga kayo, mga pre. (huminto saglit) Ano palang plano natin para mahanap si Sohailah?
Georjinnah: Dapat lagi tayong magkakasama. Hindi na ako papayag na may mawala pa sa’ting magtotropa!
Jed: Oo.. Mag-impake na ba tayo?
Georjinnah: Tara na.

[Habang ang lahat ay tumayo na, nanatiling umupo si Ashelia. Napansin siya ni Cedric at napag-isipang
manatili sa labas kasama siya.]

Cedric: Ano? Iniisip mo pa rin ba?


Ashelia: (malungkot na boses) Kasalanan ko ‘tong lahat…
Cedric: ‘Wag mong sisihin ang sarili mo, Ashe. Pinapangako ko sa’yo na mahahanap natin si Sohailah.
Ashelia: Pa’no kung hindi? *Nag-umpisa na siyang umiyak habang patuloy na tapusin ang kaniyang
sinasabi.* Dapat tinulungan ko talaga siya no;ng marinig ko siyang sumigaw pero hindi…
Cedric: Kumalma ka, Ashe. Mahahanap natin siya. Basta magkakasama tayong lahat. (saglit na huminto)
Tara, ihanda na natin mga gamit natin.

[Inumpisahan na nila ang kanilang misyon para hanapin si Sohailah. Kinalaunan, dumilim na ang paligid.]

Georjinnah: Gumagabi na! (maarteng pagsasalita) At pinepeste na ‘ko ng mga lamok!


Cedric: Tatlong oras pa lang tayong naglalakad! Ba’t ang arte mo?!
Ashelia: Pero oo nga, gumagabi na at kung hindi tayo makahanap agad ng matutulugan, mas magiging
mapahamak sa labas.
Rojan: Tara, lakad muna tayo kaunti at magpahinga na.

[Pagkatapos maglakad ng ila pang minuto, may nakita silang bahay na sobrang kahalintulad ng kanilang
kubo, na malapit din sa isang ilog.]
Jed: (nagtataka) Hindi ko ine-expect na makahanap tayo ng isa pang kubo sa malalim na parte ng
kagubatan.
Ashelia: At bukas ang mga ilaw? Huh, kakaiba!
Cedric: (nananabik) Tingnan niyo! May mga tao rin sa loob!

[Naglakad sila papunta sa kubo at kumatok. Makalipas ang ilang segundo, lumangitngit ang pintuan nang
buksan ito ng isang lalaki na nasa kaniyang kuwarenta na.]

Tatay (Miguel): Anong maitutulong ko sa inyo?


Jed: Hi po, pasensiya na at sobrang gabi na. Pero mga estuyante pa lang po kami, at naglilibot ng
kagubatan. Pero gumagabi na po kasi at wala po kaming matutuluyan ngayong gabi.
Cedric: Puwede po ba kaming matulog dito kahit isang gabi lang? Aalis po kami agad bukas ng umaga.
Tatay (Miguel): Oo naman! Pero kasama ko sa bahay na ito ang aking asawa at dalawang anak.
Georjinnah: Okay lang po!

[Masayang tinanggap ng pamilya ang magkakaibigan. Kahit na iniisip ng mga estudyante na medyo ‘weird’
sila, hinayaan na lamang nila ito.]

[Lahat sila ay nanatili sa isang kuwarto. Matutulog na sana nang biglang magsalita si Ashelia.]

(Lahat ay nag-uusap pabulong.)

Ashelia: Ako lang ba, pero sa tingin ko medyo weird sila?


Cedric: Sa tingin ko rin.
Georjinnah: Kaya nga e, weird pero hindi ko ma-ilarawan kung gaano sila ka-weird.
Rojan: Pero huy, at least mainit ang pagtanggap nila sa atin. Kung iba ‘yan, tinaboy na tayo!
Jed: Matulog na lang tayong lahat para maaga nating umpisahan ang paghahanap kay Sohailah bukas.

[At nag-umpisa na silang matulog. Lagpas alas dose na ng hatinggabi nang maramdaman niya na may
kakaiba— hindi niya magalaw ang kaniyang katawan! Sa dala ng takot, agad-agad niyang binuksan ang
kaniyang mata upang matingnan kung ano ang nangyayari.]

Rojan: Ano?! (sigaw niya, sobrang nagulat nang makita ang sarili na nakatali siya sa isang upuan. Tumingin
siya sa kaniyang madilim na paligid. Ang maliit na ilaw sa sulok ng kuwarto ay nakatulong upang makakita
pa rin siya kahit papaano.)

[Si Ashelia naman na narinig ang boses ni Rojan ay agad binuksan ang mata.

Ashelia: Nasa’n tayo?!


Rojan: Ashe, ikaw ba ‘yan?
Ashelia: Ako ‘to! Nasa’n tayo? Wala akong makita!
Rojan: Hindi ko alam, pero nakatalii ka rin ba.
Ashelia: Oo, nakatali ako.

[Narinig ng tatlo pa ang kanilang pag-uusap at binuksan na rin ang kanilang mga mata.]

Cedric: Nasa’n tayo?!


Rojan: Kumalma ka, nandito kami.
Jed: Sino gumawa nito sa atin?!
Rojan: Sa tingin ko, yung pamilya na ‘yon ang gumawa nito!
Georjinnah: Ano na gagawin natin ngayon? Hindi puwedeng dito tayo habang buhay!
Ashelia: Natatakot ako. Paano kung ganito rin ang nangyayari kay Sohailah ngayon? *Bigla na lamang
siyang umiyak dahil sa takot.*
Jed: Kumalma ka. Hindi makakatulong ang pag-iyak dito!

[Napuno ng katahimikan ang malamig na simoy ng hangin. Sinubukan ni Ashelia na tumingin sa paligid
ngunit wala siyang makita kung wala ang kanyang salamin. Maya-maya, bumukas ang pinto. Napuno ng
liwanag ang silid, halos mabulag sila. Pumasok ang lalaki sa kwarto at binuksan ang mga ilaw.]

Tatay (Miguel): Ang ingay naman! Ginigising niyo ba kami?!


Jed: Anong ginawa mo sa’min! Ba’t kami nakatali!
Tatay (Miguel): (pagalit na nagsalita) ‘Wag kang sumigaw!
Ashelia: Nakikiuisap kmi sir, ‘wag mo po itong gawin natin.
Tatay (Miguel): Ayan ang mas gusto nila! Mga bata!

[Nagulat ang grupo ng mga estudyante sa kanya. Libo-libong kaisipan ang pumasok sa kanilang isipan. Ano
ang ibig niyang sabihin doon? Bakit mas gusto nila ang mga bata? Sino ang mas gusto ng mga bata? Anong
nangyayari?]

Cedric: (nauutal, natatakot) Anong ibig mong sabihin?


Tatay (Miguel): Hindi ba ninyo naiintindihan, mga bata? Binigyan namin kayo ng maraming pagkain kanina
dahil kapag hinain na kayo, matutuwa ang Diyos namin!
[Sa wakas, napagtanto nila ang kaniyang sinasabi. Nagsasakripisyo sila ng mga tao? Iniisip pa lang nila’y
nasusuka na sila.]

Georjinnah: Seryoso ka?! Ihahain mo kami?! Ano kami, handog mo?!


Tatay (Miguel): Tama! Ihanda ang inyong mga sarili dahil bawat araw, pipiliin namin ang isa sa inyo!
(tumawa nang nakakatakot) Sa katunayan, ang inyong nawawalang kaibigan ay ihahain bukas!

[Naglakad ang lalaki patungo sa isang malaking kabinet.]

Tatay (Miguel): Tingnan ninyo nang maigi….

[Dahan-dahan niya itong binuksan at ipinakita ang katawan ni Sohailah. Sobrang putla ng katawan niya
habang nakabitin ang kaniyang katawan. Naghiyawan sa takot ang magkakaibigan nang makita nila si
Sohailah sa kan’yang sitwasyon.]

Ashelia: Anong ginawa mo sa kanya! (Galit na sigaw ni Ashelia, nadala na siya ng kaniyang emosyon nang
makita niyang nakabitin ang kaniyang kaibigan simula noong sila’y bata pa.)
Ama (Miguel): Bakit?! May reklamo ka?!
Jed: Pakiusap, pag-usapan natin ito ng maayos. Mga bata pa lang kami, hayaan niyo kaming mabuhay!!
Tatay (Miguel): Hindi! Sa pagsabi mo niyan, mas gusto ko nang pumili ngayon ng ihahain bukas sa alay!

[Naglakad ang lalaki papunta sa harap ng magkakaibigan, pabalik-balik siya. Alam niya kung paano matakot
at kabahana ng mga bata.]

Tatay (Miguel): (patuloy na naglalakad) Siguro ikaw… O ikaw? O baka ikaw kasi ang ingay mo kanina? Pero
mukha ka ring masarap…. *sambit niya habang pabalik-balik sa harap ng mga estudyante.*

[At sa wakas, huminto na siya.]

Tatay (Miguel): Pero, ikaw ang pipiliin ko. *sambit niya at itinuro ang daliri sa isang estudyante.*

Wakas
Mga Miyembro
Isinulat ni:
MAGLUYAN, Georjinnah Bless
DIZON, Ashelia Yixyn
ESPERAS, John Cedric
PACAAMBONG, Sohailah
MALAYALAY, Rojan Cedrick

Isinalin ni:
MAGLUYAN, Georjinnah Bless

Iprininta ni:
CASTILLO, Miguel
DOLALAS, Jed

You might also like