You are on page 1of 6

SCENE 1: Garden (Alfredo, nakikinig)

Carmen: Papa, kelan ba ikakasal sina Alfredo at Esperanza?


Don Julian: Di ko alam kay Alfredo, pero naiintindihan ko naman si Esperanza kung bakit gusto
nya ay sa susunod na buwan na.
Carmen: Nagtataka ako kay Alfredo. Aba, 30 na sya. Baka mapagod si Esperanza kakahintay?
Don Julian: Hindi rin naman nagmamadali si Esperanza.
Carmen: Paano sya magmamadali kung di naman sya minamadali? Dati naman hinihintay nya si
Esperanza tuwing natatapos ang misa, dinadalhan nya ng tsokolate, bulaklak, sulat at hinaharana
nya pa.
Don Juan: Ganun talaga ang mga long-engaged couple, minsan nag-iinit pero madalas
nanlalamig. HAHAHAHA!

Scene II- NEIGHBORING

Don Julian at Alfredo: (kakatok sa pinto)


Julia: (Bubuksan yung pinto, smile.) Pasok po kayo!
Brother in law ni Julia: Don Julian! Nandyan kana pala. Halika at sa taas na tayo mag-usap.
Julia, Ikaw na muna ang bahala kay Alfredo.
Julia: don muna tayo sa Teresa.
Alfredo: Ikinagagalak kong makilala ka Miss Del Valle.
Julia: (tatawa ng mahinhin) Hindi ako anak o kapatid ni Mrs. Del Valle, sister in law niya ako.
Ako si Julia Salas.
Alfredo: Alfredo ________.
Julia: Lagi naman nila akong napagkakamalan, sanay na ako. (tawa)(mapapatingin si Alfredo sa
tawa ni Julia, love at first sight kunware).

SCENE III- Day II- Neighboring

Esperanza: (palabas ng simbahan, tingin tingin sa paligid, hahanapin si Alfredo, walang darating,
aalis na mag-isa).
Alfredo: (nanahimik) (sa isip nya lang) Hindi ko alam kung ano ang tama. Hindi ko alam kung
ano ang mali. Nagtatalo ang puso at isip ko. Kasakiman ba ito? Nagmamahal ako ng dalawang
babae, mahal ko nga ba talaga si Julia? Pero mahal ko si Esperanza. Sabi nila, posibleng mahalin
ang taong matagal mo ng kilala, pero possible bang magmahal din ng taong ngayon mo lang
nakilala.

Julia: May problem ba?


Alfredo: Wala naman, ano lang
Julia: namamangha ka?
Alfredo: Hindi naman. Pakiramdam ko, bumata ako.
Julia: Hindi ka pa naman ganon katanda ah. (tawanan, tinginan, seryoso)
Alfredo: Hindi, may iniisip lang ako.
Julia: Ganon na ba kalala ang mga kasong --Alfredo: Hindi naman. Napakamisteryosa mo.
Julia: Ganun talaga siguro lalo na at ilang lingo pa lang tayong magkakilala. Hand aka bang
makilala ako ng lubusan?
Alfredo: Ikinagagalak ko.
(Julia and Alfredo smile at each other)

SCENE 4: LABAS NG SIMBAHAN


Alfredo: (naghihintay)
Julia: Sorry kung naghintay ka ng matagal.
Alfredo: Di mo kailangang humingi ng paumanhin.
Julia: Pero --Alfredo: Ayokong makipagtalo sayo Julia. Tara?
Julia: Saan?
Alfredo: Basta.

Julia: Sana naman hindi ko pagsisisihan to.


Alfredo: May pupuntahan lang tayo, wala tayong gagawing masama.

SCENE 5: Martinez House before holy week.


Alfredo: (Lalakad papunta kay Julia na nakikipag usap sa mga kamag-anak nya.) Magandang
umaga. Umaasa ako ng masaya ka.
Julia: Sobra, parang nasa amin lang ako, wala nga lang dagat. eto na rin ang huli.
Alfredo: Anong ibig mong sabihin?
Julia: Uuwi na ako sa amin bukas.
Alfreddo: Hindi ba kita maaring puntahan para magpaalam?
Julia: Kahit wag na. Wala ng oras.
Alfredo: Gusto kong Makita ang lugar nyo.
Julia: Ang Calle Luz? Wag na. Parang bukid lang don. May mga halaman, kubo
Alfredo: Wala? Pero nandun ka.
Julia: Wag ka ng mag-abalang pumanta don.
Alfredo: Pupunta ako, pagtatanong ko na lang kung san ang bahay ng pinakamagandang dalaga
sa bayan nyo.
Julia: Wag ka ngang magpatawa!
Alfredo: Seryoso ako. (hawakan ng kamay).

SCENE 6: Pag-alis.

Julia: (naghihintay)
Alfredo: (darating)
Julia: Mr. Salazar, masaya ako para sayo.
Alfredo: para saan?
Julia: sa nalalapit na kasal mo. Dapat dati pa kita binate. Di mo ba ko iimbitahan?
Alfredo: Pupunta ka ba kung iimbitahan kita?

Julia: (naiiyak) Oo naman, kaibigan kita e. kelan ba?


Alfredo: Sa mayo
Julia: (sarcastic) sabi nila, ang mayo ang buwan ng kaligayahan.

Julia: (paalis na, hihilahin ni Alfredo).


Alfredo: Julia! Minsan ba namili ka kung ano ang dapat mong gawin at kung ano ang mas
nararapat mong gawin?
Julia: Hindi! Kailangan na nating tapusin to. Paalam Mister Salazar. (tatakbo paalis).

Scene 7 Unhappy Wedding

Esperanza: (flirty) Mr. Salazar, nakakaistorbo ba ako?


Alfredo: Hindi naman.
Esperanza: Sabihin mo.
Alfredo: Ang alin.
Esperanza: Pangalan ko.
Alfredo: Esperanza
Esperanza: Yung buong pangalan ko.
Alfredo: Bakit ko naman gagawin yon?
Esperanza: (furious) Gusto ko lang marinig galing sayo.
Alfredo: (irritated) Marinig ang alin?
Esperanza: Mrs. Salazar! Mrs. Esperanza Salazar!
Alfredo: Alam ko na yon, bakit kailangan ko pang sabihin?
Esperanza: Kasal na tayo Alfredo, pero sya pa rin ba? Minahal kita! Mahal kita, pero sya! Sya pa
rin yung nasa puso mo!
Alfredo: (pasigaw) Pakiusap Esperanza, wala akong oras makipagtalo sayo. Marami pa akong
kailangang tapusin.

Esperanza: bakit ka nagagalit? Hindi kita maintindihan! Ang lamig ng trato mo sa akin. Hindi
ako bulag! Hindi ako bingi! Nakikita ko at nararamdaman ko na may tinatago ka sa akin. Bakit
di mo pa sabihin?
Alfredo: Oo! Sya pa rin! Hindi madaling makalimot ang puso.
Esperanza: Walong taon! Walang taon na ang nakalipas pero bakit sya pa rin? Kung pagod kana,
sabihin mo! (tatakbo palabas)
Alfredo: Esperanza!

ENDING
Alfredo: (nakatingin sa kalangitan, gabi): hindi ko alam kung anong nararamdaman ko.Sa tuwing
nakikita ko ang mga bituin, naaalala ko si Julia. Hindi ko sya kakalimutan kahit alam ko na si
esperanza ang aking hinaharap. Sya at sya pa rin ang asawa ko hanggang sa huli.

Julia is sitting reading a book at the house when Alfredo comes.

Julia: (surprised) Anong ginagawa mo dito? Pasok ka(offer a seat)


Alfredo: May mga negosyo akong dapat ayusin dito sa lugar nyo, kaya naisip na kitang bisitahin.
Alfredo: Kamusta kana? Tagaal na nating di nagkikita. Nawalan ako ng balita sayo.
Julia: (giggles) Dapat yata ako ang nagtatanong nyan sayo! Eto, masaya naman kasama mga
magulang ko. kamusta naman ang kasal nyo ni Esperanza?
Alfredo: Mabuti naman at ayos kana, ayun maayos naman.
Julia: Talaga?(laughs) kamusta naman sa lugar nyo?

Fade out while Alfredo and Julia are conversing.

I guess we werent exactly meant to be as I had hoped but she was everything I didnt expect to
fall for... She was my opposite. Although now, I come to realize that Esperanza will be, as I
always thought, my future. I thought everything would change once I fell for Julia. I guess I am
just another man with greed never quite satisfied until I make a final decision. I now learn to
not regret that decision as I exchanged vows with my betrothed since my feelings did soon fade.

The stars in the sky... these dead stars still continue to give light in the darkness of the sky even if
we all fade and pass and continue to live our lives.

You might also like