You are on page 1of 86

INDIO

Week 13 Teleplay
Episode Written By Geng de los Reyes- Delgado
Story and Original Concept By Suzette Doctolero
Creative Consultant Denoy Navarro-Punio
Creative Head Jake Tordesillas Creative Director Jun Lana
Head Writer Suzette Doctolero
Director Dondon Santos

DAY ONE

Agad na sisilip sa labas ng pinto si Esperanza at nang makitang walang ibang tao ay
agad niyang hihilahin si INDIO palabas patungo doon sa gilid ng casa.
Kabado at lilinga-linga si Esperanza.

ESPERANZA
Simeon, bakit ka nandito?! Paano kung makita ka ni Papa?!
Mapangahas itong ginawa mo kaya kailangan mong lumisan agad!

INDIO
Nais kong mabatid kung bakit nagpahatid ka ng babala?
Bakit sinisiwalat mo ang hakbangin ng iyong esposo laban sa ‘kin?

ESPERANZA
Ito lang ba ang idinayo mo rito, Simeon?
Ang tanungin ako ukol sa bagay na ito?

INDIO
Hindi ko kasi maisip na ikaw pa mismo ang mag-tra traidor sa iyong
kabiyak. Kung ako ang iyong bana, tiyak na magagalit ako dahil
pumapanig ka sa kaaway. Bakit mo ginagawa ito?

Hindi na sasagot si Esperanza, titignan lang ni si Indio.


At agad niyang kukunin ang mukha ni Indio at sisiilin ng halik.

2 INT BALAY NI JUANING NIGHT

Nag-aayos ng matutulugan si Mayang nang may marinig siyang kaluskos mula sa


labas kaya dudungaw siya sa bintana. Makikita niya si TUHAY na nakatalikod,
nagsasalin ito ng sinalok na tubig sa banga. Pagmamasdan ito ni Mayang. Tila
mararamdaman naman ni TUHAY na may nakatingin sa kanya kaya mapapalingon
ito pero agad magtatago si Mayang. Hindi ito makikita ni Tuhay kaya lalayo na ito
upang ilagay sa balkon ng kapitbahay ang gimamit na bangang panalok. Muli siyang
pinagmamasdan ni Mayang, napapangiti ito.

3 INT CONFESSION BOX/SIMBAHAN NIGHT


Naka-harap sa screen si Isabel, nagkukumpisal.
Nasa kabilang side ng screen si Padre Gustavo, nakikinig.

ISABEL
Nais kong humingi ng tawad padre.
Nagawa kong magsinungaling para sa isang lalake.

PADRE GUSTAVO
Bakit mo nagawa ang kasalanang ito, hija?

ISABEL
Pagkat may utang na loob ako sa kanya.
Pero bukod doon ay hindi ko nais siyang mapahamak pagkat… tila
humahanga ako sa kanya.

PADRE GUSTAVO
Sino ang mapalad na lalake?

Hindi sasagot si Isabel, mag-aalangan.

PADRE GUSTAVO
Hija? Bakit di ka umiimik?

Sisilip ang pari at mapapansin na wala na si Isabel sa kabilang side.


Di alam ng pari na patalilis nang umalis si Isabel kaya di rin to makikita ng padre
nang napalingon ito.

4 INT SILID NI ANTONIO/ CASA NIGHT

Papasok si Mariano sa loob ng silid ni Antonio.

MARIANO
Esperanza?

Wala si Esperanza sa loob at tulog si Antonio.


Mapapa-isip si Mariano. Taka.
Lalabas siya ng silid.

5 CONTINUATION.

Naghahalikan si Indio and Esperanza.


Bibitiw si Indio ng halik, hahawakan niya ang braso ni Esperanza.

INDIO
Esperanza?! Anong nangyayari sa’yo?

ESPERANZA
Iyon ang sagot sa katanungan mo, Simeon!
Hindi mo ba naisip na inilalayo kita sa kapahamakan? Na mahalaga sa
‘kin ang mabuhay ka pagkat di ko na maatim na mawala kang muli?

INDIO
Ngunit ikaw ay may bana na.
Wala ka bang pagmamahal sa iyong esposo?

ESPERANZA
Hindi lahat ng ikinasal ay umiibig sa kanilang napangasawa.

INDIO
Kung gayon, bakit ka pa nagpakasal kay Mariano?

ESPERANZA
Dahil ako’y isang inang labis na nagmamahal sa kanyang anak.
Pinagbantaan ni Papa ang buhay niya kung di ako makikipag-
kasunduan kay Mariano. Lahat gagawin ko para kay Antonio-- siya na
lang ang tanging ala-ala ko sa ‘yo.

INDIO
Ala-ala mo sa’kin?

ESPERANZZA
Anak natin si Antonio, Simeon.
Ikaw ang ama niya.

Gulat si Indio.

========================== GAP 1 ============================

6 CONTINUATION

Speechless si Indio at first.

INDIO
May anak ako?

ESPERANZA
Ang batang lalaki na laghi kong kasama dito.
Siya ang anak natin.

May maalala si Indio.

INSERT FLASHBACK FIRST MEETING NILA NI ANTONIO AT NANG


TAWAGIN SIYA NI ESPERANZA (WK10)

INDIO
Ang paslit na iyon ang aking anak.
Ngunit paano nangyari…? Panandalian lang akong nawala at kay bilis
ng kanyang paglaki? Magpi-pitong taon na ang kanyang hitsura nang
makilala ko siya?

Bago pa makasagot si Esperanza ay maririnig na si—

MARIANO (OS)
Esperanza? Nariyan ka ba?

Panic si Esperanza kaya agad na bubulong .

ESPERANZA
Humayo ka na, Simeon. Ang mga diwata ang makakasagot ng mga
tanong mo ukol kay Antonio. (Shouts) Mariano, nariyan na ako!

Aalis na si Esperanza at agad na sasalubong ang asawa niya.


Magtatago si Indio.

MARIANO
Anong ginagawa mo dito?

ESPERANZA
Nagpahangin lamang ako.
Halika na, matulog na tayo.

Aalis na ang dalawa habang naka-silip sa kanila si Indio.

ESTABLISHING OF DAY SA MAYNILAD

7 INT BALAY NI REMEDIOS DAY

Naghihiwa ng mga gulay si Alicia nang mapatigil ito sa huling sinabi ni Diego.

ALICIA
Pinaghahanap na kayo?! May lumabas nang kalatas laban sa inyo?!
Mamatay ata ako sa sakit sa puso!

Lalong mawiwindang si Alicia.

DIEGO
Pero hindi ho kami makikilala pagkat nakatakip ho ang mga mukha
namin. Titigil na ho kami sa pananalakay ng galleon kaya nagpasya ho
si Elena na magbalik sa ating pueblo.

ALICIA
Por Dios por Santo, hinding hindi na’ko babalik sa ilawod!
Kung tutuusin ligtas pa kung mamalagi tayo dito sa Maynilad kaysa
bumalik pa doon. Nahihibang na ba si Elenaa?!
DIEGO
Hindi din ako sang-ayon ngunit desidido ho ang inyong anak na
magbalik sa’tin. Wala tayong magagawa kundi ang katigan siya.

ALICIA
Diego, ilang ulit ka na niyang isinangkot sa mga kalokohan niya.
Hindi mo kailangang sundin si Elena kung nais mong manirahan dito
sa Maynilad.

DIEGO
Kaibigan ko ho si Elena.
Hindi ko siya maaring iwan higit ngayon na delikado sakaling ituloy
niyang magbalik sa ‘ting pinanggalingan.

Alicia looks at Diego.

ALICIA
Hindi mo siya maaring iwan o hindi mo kayang iwan si Elena?
Diego, tapatin mo nga ako, hijo, higit ba sa kaibigan ang damdamin
mo para sa aking anak?

Mapapatungo si Diego.

DIEGO
Hindi ko na ho itatanggi ang kutob ninyo.
Matagal na nga ho akong umiibig kay Elena.

We see Alicia let out a sigh and a faint smile.


Relieved siyang malaman ito.

8 EXT STREET/ IND LOCATION DAY

Naglalakad si Elena at si Remedios.


May dala silang pinamili sa mercado.

ELENA
Marahil ay sapat na ang yamang nakuha namin mula sa mga galleon
upang tanggapin kaming muli at irespeto ng mga Kastila sa aming
pueblo.

REMEDIOS
Elena, sa tingin ko’y hindi maibibigay ng mga dayo ang iyong
hinihinging karangalan kahit pa dumating kayo doon na balot ng ginto.

ELENA
Bakit ho hindi, Nay Remedios?
REMEDIOS
Sa mata ng mga Kastila, ikaw pa rin ay isang indio.
At hindi sila kailanman titingala sa mga tulad natin kahit higit pa ang
yaman mo sa kanila. Batid din sa inyo na dati kang serbidora ng
encomendero, baka mag-hinala pa sila sa kung paano mo naitaas ang
iyong estado? Ikasisira mo lamang ito, Elena.

Mapapatiim bagang si Elena.

ELENA
Ano pa bang dapat kong gawin?

REMEDIOS
Kailangan mo ng proteccion.

ELENA
(taka) Proteksyon?

9 EXT ILAYA/KAGUBATAN DAY

Naglalakad sa gitna ng kagubatan si Indio.

INDIO
Mga mahal na Diwata? Magayon?! Asan kayo?
Magpakita kayo sa akin!

Dadating ang ibong manual at mag-tratransform siya into Magayon.

MAGAYON
Natutuwa ako’t ipinabatid na sa iyo ni Esperanza na ikaw ay isang
ama, Malaya. Panahon na upang isalaysay ko sa’yo ang kababalaghang
bumabalot sa iyong anak.

INDIO
Ano ang kinalaman ninyo kay Antonio?

MAGAYON
Si Antonio ay mula sa iyong binhi. Inihandog ito ni Santonilyo sa
sinapupunan ni Esperanza.

INSERT VISUALS (WK7-8) WITHIN MAGAYON’S VO

MAGAYON (VO)
Kasunod ng kamatayan na ipinataw sa ‘yo ng mga dayo, ang siyang
pagsibol ng buhay ni Antonio kay Esperanza. Pambihira ang
pagdadalang tao niya kay Antonio pagkat ilang adlaw lang ang
nakalipas ay iniluwal na siya sa mundo. Mabilis ang kanyang paglaki
pagkat binasbasan siya ni Santonilyo…
BACK TO INDIO:

Nakikinig si Indio kay Magayon.

MAGAYON
…at dahil mula siya sa dugo ng iyong inang diwata, di maglalaon ay
maipapamalas din ni Antonio ang kanyang natatagong kapangyarihan.

INDIO
Kahit ano pa man, siya pa rin ang aking supling na biyaya mula kay
Laon. Malaki ang pasasalamat ko sa inyong mga diwata sa pagbabalik
kong ito. Bukod sa pagtupad ng aking bugna, ako’y higit pa sa dati
kong pagkatao pagkat ako ngayon ay ama sa isang anak..

Mapapatango si Magayon.
Bakas sa mukha ni Indio ang saya.

========================== GAP 2 ============================

10 EXT KALYE/BAHAY NA BATO DAY

Naka-silip sina Remedios at Elena sa labas ng bahay na bato.

ELENA
Ano ba ang pakay natin dito Nay Remedios?

REMEDIOS
May hinihintay tayo, Elena.
Maaring siya na ang lulan ng karomatang iyon.

May hihintong karomata sa tapat ng bahay na bato.


Doon bababa ang isang Donya na Filipina, 40’s pero kagandahan pa rin.
Pagmamasdan nina Remedios at Elena ang Donya sa malayo.

REMEDIOS
Gusto kong makilala mo si Donya Salvacion Torillo.

Sasalubong sa Donya ang kanyang asawang matandang Spaniard at isa pang kaibigan
(Spaniard). Makikipag-beso ang Donya sa kaibigan and they make small talk.

REMEDIOS
Si Donya Salvacion ang isa sa pinaka-magandang indio sa Maynilad
noon. Isa siya sa mga bibihira’t napaka-palad na indio na nakapang-
asawa ng Kastila dito. Iyon ang kanyang esposo, si Senyor Alonso—
ang Kastilang iyon ang nag-angat sa kanya, iyon ang kanyang
protecion!

ELENA
Nais niyo ho bang mag-asawa ako ng Kastila?
Hindi ko ata maatim, Nay Remedios.
Titignan muli ni Elena si Donya Salvacion.
Makikitang pinuluputan na ni Senyor Alonso ang Donya sa baywang habang papasok
sila.

REMEDIOS
Kung nais mo talagang magbalik sa inyong pueblo na katanggap-
tanggap at walang bahid ng paghihinala sa yaman na nakamkam mo,
kinakailangan mong mag-asawa ng isang Kastila. Iyon din ang
magbibigay protecion sa’yo.

Mapapaisip na si Elena.

11 INT CASA NI REMEDIOS/ CONTINUATION.

Iiwas na si Diego kay Alicia.

DIEGO
Sige ho, Aling Alicia. Lalabas ho muna ako.

ALICIA
Diego, sandali. Huwag mong ispin na minasama ko ang iyong sinabi.
Matagal ko na ring napapansin na napaka buti mong kaibigan kay
Elena. Kaya ako ang unang unang matutuwa kung magkakatuluyan
kayo ng anak ko.

Mapapangiti na si Diego.

DIEGO
Salamat ho, Aling Alicia.

Yayakap dito si Diego. Masaya.

12 INT SILID NI ANTONIO/ CASA NI JUANCHO DAY

Pinupulbusan, sinusuklayan ni Esperanza si Antonio na bagong ligo.

ANTONIO
Totoo, Mama? Nanggaling dito ang aking Papa kagabi?
Sana ho ginising niyo ako para nakilala ko siya!

ESPERANZA
Hindi pa iyon ang tamang pagkakataon, Antonio.
Delicado dahil pumuslit lang siya dito sa pueblo.

ANTONIO
Ano ho ang pinag-usapan ninyo, Mama?
Batid ho ba niyang anak niya ako?
ESPERANZA
Di kami nakapag-usap ng matagal dahil dumating ang iyong Papa
Mariano. Pero kilala ka na niya‘t natutuwa siyang malaman na may
anak siyang katulad mo.

ANTONIO
Maraming salamat Mama! Masaya na akong batid niya ang tungkol
sa’kin! Hindi na’ko makapaghintay na magakaharap kami!

Mapapayakap si Antonio kay Esperanza.

ESPERANZA
Ibibigay din sa’tin iyon ng Panginoon, Antonio.
Kilala ko ang iyong Papa, gagawa iyon ng paraan lalo pa’t alam na
niya ang totoo. Nakatitiyak din akong palagi ka na niyang iisipin
magmula ngayon…

Masaya din si Esperanza.

WK 13- DAY 1- SEQ 13 EXT ILOG DAY

Naghihilamos si SIMEON sa may ilog.


Saka mapapaisip siya.

WHITEFLASH:

WK 13- DAY 1 – SEQ 14 EXT ILAWOD NIGHT /FLASHBACK.

Magkasalong umiinom ng pangasi mula sa iisang bao (nagpapasahan sila) sina


Tarong at Malaya (present versions).

TARONG
Noong inakala namin ng iyong iloy na napaslang ka na ay
wala nang lalabis pa sa sakit na aming naramdaman.
Ngunit nang magbalik ka pagkalipas ng maraming taon ay
napalitan naman iyon ng labis-labis ring galak.
Tanging anak lamang ang makakapagbigay ng ganitong
pakiramdam sa isang magulang, Malaya.
Na kahit ngayong may gulang ka na, ako ay nabibigyan mo pa rin
ng tuwa kahit ang makasama lamang kita.

Saka masusyong aakbayan ni Tarong ang anak –

Kapag may sarili ka na ring anak, mauunawaan mo ang aking


nararamdaman bilang isang magulang.

Tatango lang si Malaya sa ama sabay paiinumin ito ni Tarong sa bao ng pangasi.

WHITEFLASH:
WK 13- DAY 1- SEQ 14A ILOG/ CONTINUATION.

Masaya si Indio sa ala-alang iyon.

INDIO (VO to HIMSELF)


Ngayon na may sarili na akong anak ay nauunawaan ko na ang
iyong mga sinambit baba...

Saka siya titingala sa langit, tila magdadasal.

INDIO
Nawa’y pagdulutan ninyo po ako ng panahon, Laon, para
maipakita at maipalasap ko rin sa aking anak ang pagmamahal na
naranasan ko mula sa aking baba.

Walang kamalay-malay si INDIO na pinagmamasdan siya ng dalawang kapre mula sa


di kalayuan. Masama ang tingin ng mga ito.

========================== GAP 3 ============================

16 EXT CASA NI JUANCHO DAY

Ini-aabot ni Mayang kay Isabel ang napitas niyang bulaklak at pagkain.

MAYANG
Pagdamutan ho ninyo ang aking nakayanan, Senyorita.
Maraming salamat sa iyong pagtatakip sa akin kay Senyor Mariano.
Napaka-laking utang na loob itong aking tatanawin sa iyo.

ISABEL
Walang anuman, Fernando.

MAYANG
Kung gayon ako po’y lilisan na.

ISABEL
Nahihiya ka ba sa ‘kin Fernando?
Hindi mo ba itutuloy ang pamamasyal mo sa ‘kin sa inyong lugar?

Magtataka si Mayang.

MAYANG
Pamamasyal?

ISABEL
Nakaligtaan mo ba? Iyon ang idinahilan ko sa aking kapatid habang
nawawala ka sa pueblo. Na magkasama tayo sa pamamasyal.
Hindi na ba mangyayari iyon?
MAYANG (mapipilitan):
Sige, Senyorita. Sasamahan ko kayong mamasyal.

Matutuwa si Isabel, aabri syete siya kay Mayang.


Maiilang naman si Mayang.

ISABEL
Tayo na!

17 INT SIMBAHAN DAY

Magka-usap si Victoria at Padre Gustavo.


Inis na si Gustavo.

PADRE GUSTAVO
Ilang araw na ang nakalipas at wala pa ring mga batang indio na
sumusulpot sa aking clase! Anong akala nila sa mga sarili nila, mga
henyo?!

VICTORIA
Ngunit nakita kong umalis si Esperanza kasama si Antonio.
Ang sabi sa ‘kin ay sa inyong clase sila pupunta.

PADRE GUSTAVO
Ni anino ay walang dumating, Victoria!
Kung hindi dito sa simbahan ay saan sila magtutungo?

Matitigilan si Victoria.

VICTORIA
May masama akong kutob kay Esperanza!
Padre, samahan ninyo ako, hahanapin natin si Esperanza pati ang mga
bata! Sigurado akong magkakasama silang lahat!

Lalabas na si Victoria kasama ang pari.

18 INT BALAY DAY

Nagtuturo si Esperanza sa mga bata (wala dito si Liway).


May drawing doon ng isang pamilya sa pisara.

ESPERANZA
Ang isang pamilya ay binubuo ng Papa, Mama at mga anak.
Ang Papa ang tinuturing na pinuno ng isang tahanan pagkat siya ang
naghahanap ng pagkain at kabuhayan ng pamilya.
Sino dito ang maaring maglahad ukol sa kanyang Papa?

Magtataas ng kamay ang isang bata.


BATA
Maestra, ang aking Papa ay isang mangingisda.
Ngunit hindi Papa tawag namin sa aming ama kundi baba.

ESPERANZA
Baba? Napaka-gandang katawagan sa isang ama.

ANTONIO
Mas gusto ko ang salitang Baba kaysa sa Papa!

BATA
Ang aming mga ina o Mama ay tinatawag naman naming iloy.

ESPERANZA
Iloy… iloy…

Esperanza likes the sound of iloy

BATA
Kayo Maestra, kilala namin ang inyong Papa ngunit maari niyo bang
ilahad ang tungkol sa inyong iloy?

Mawawala ang ngiti ni Esperanza.

ESPERANZA
Sa kasamaang palad ay hindi ko na naabutang buhay ang aking iloy.
Kaya kayong lahat, mahalin ninyo ang inyong mga magulang habang
kasama niyo sila pagkat biyaya sila ng Panginoon sa’ting lahat… pag-
uwi ninyo mamaya ay yakapin niyo sila.

Tatango ang mga bata.


Agad namang yayakap si Antonio kay Esperanza.
Matutuwa ang mga bata.

19 EXT BAHAYAN NG MGA INDIO DAY

Naka-tipon sa labas ang ilang mga indio.


Naroon si Victoria at si Padre Gustavo.

BABAE
Senyora, paumanhin ngunit hindi po namin napapansin sa paligid si
Senyorita Esperanza…

VICTORIA
Inuubos niyo ba ang aking pasencia mga lintik kayo?!

PADRE GUSTAVO
Victoria ang iyong pananalita...
VICTORIA
Sanay na sila Padre kaya’t manhid na ang mga iyan!
(to all) Kayong lahat, pag wala ni isa rito sa inyo ang makakapagturo
kung nasaan si Esperanza at ang mga bata, mananagot kayong lahat sa
’king asawa! Nasaksihan na ninyo kung paano magalit ang inyong
encomiendero!!

Magkakatinginan ang lahat.

VICTORIA
Lumapit na sa ‘kin ang may alam!!

20 INT BALAY DAY

Nagsusulat sa pisara ng Spanish words si Esperanza— Tengo una familia.

ESPERANZA
Tengo una familia ay pangngusap na Kastila na ang ibig sabihin ay—
Mayroon akong pamilya. Ulitin niyo lahat.

LAHAT
Te--ngo

Biglang papasok si Victoria.


Maririnig niya na tinuturuang mag-Espanyol ang mga bata.

ESPERANZA
(kabado) Tiya Victoria?

Susugurin ni Victoria si Esperanza, pagsasaktan ang babae.


Shocked si Antonio. ang mga bata naman ay nag-umpisa nang mag-iyakan.

VICTORIA
Walanghiya ka!! Ikaw pala ang dahilan kung bakit walang dumadalo
na mga bata sa clase ni Padre Gustavo!!
Hinirang mo ang sarili mo na maestra?!
Humanda ka sa ‘kin maestra ng mga mangmang!!

Saka kakaladkarin ni Victoria sa buhok si Esperanza palabas.


Shock ang mga bata, lalo na si Antonio.

ANTONIO
Mama!!!

21 EXT BALAY DAY

Kinakaladkad ni Victoria si Esperanza ng pasabunot.


Nagsusunuran ang mga bata sa kanila.

ESPERANZA
Tiya! Tama na! Bitawan niyo ako!

VICTORIA
Hindi ka na nahiya sa ating kura paroko!
Sa tingin mo mas madunong ka sa mga frayle?! Tonta!
Kakalbuhin kita sa harap ng mga estudyante mo!

Naka-sunod si Antonio, umiiyak na.


Makikita niyang naka-bagsak na si Esperanza at pinagsasabunutan ang kanyang ina.
Lalong mag-iigting ang damdamin ng bata.

ANTONIO
Lubayan mo siya!!!

Tatakbo si Antonio para itulak si Victoria pero haharang si Padre Gustavo.

PADRE GUSTAVO
Huwag ka nang makialam, bata at baka mapalo kita?

May hawak na pamalo si Padre Gustavo habang nakikita pa rin ni Antonio ang
pananakit ni Victoria kay Esperanza kaya agad na aagawin ng bata ang pamalo kay
Gustavo.

GUSTAVO
Aba’t---

Magtatangkang agawin ni Gustavo ang pamalo pero agad kikilos si Antonio as if may
kaalaman ito sa pakikipaglaban, as if nature na nito ang maipaglaban (mabilis din ang
bata,tila may speed sa sobang liksi)--- agad mapapatumba ni ANTONIO si Gustavo
by using his pamalo.

Mapaalakpak ang mga bata sa nangyarisa Padre.


Gulat naman si Victoria.

VICTORIA
Walanghiya ka!

Itutulak ni Victoria si Esperanza para puntahan si Antonio pero agad kikilos ang bata
at hahatawin ang babae. Matutumba si Victoria. Makikitang halos nag aapoy sa galit
ang mga mata ni Antonio. Shock si Esperanza.

ESPERANZA
Antonio!

Agad na lalapitan ni Esperanza si Antonio at yayakapin ito as if pinaglulubay ang


galit nito.
ESPERANZA
Tama na...tama na...wag kanang magalit..

Gulat din si Esperanza sa ipinamalas ng anak.


Gulat din ang tingin nila Victoria at Gustavo kay Antonio.

========================== GAP 4 ============================

22 EXT ILAYA DAY

Pababa na sa paanan ng bundok si Indio.


Malalaglag ang kanyang trumpo, pupulutin niya ito sa lupa.
Pag-angat niya ay makikita niyang may taong naka-cloak sa daanan niya.

INDIO
Sino ka? Pababa ako sa ilawod, naliligaw ka ba?

Hindi sasagot ang tao instead ay magtatanggal ito ng cloak.


Makikita na ito si Burigadang Pada.
Magdududa si INDIO sa itsura nito.

INDIO
Sino ka, binibini?
Isa ka bang diwata?

Hahawakan na ni Indio ang balikat ng babae.


Pero nang dumampi ang kamay niya sa balikat ay listong kukunin ito.
Agad babaliktad ang buong katawan ni Indio with just one move.
Bagsak agad siya sa paanan ng babae. Gulat si Indio.
Mapapaisip---

Flashback—nang sinabi ng mga diwata na galit sa kanya si Burigadang Pada. Taka si


Indio, sino ito? ipapaliwanag ng mga diwata (minus the video ng itsura ni
Burigadang Pada) kung sino ito.
Alam na ni Indio,may hinala na siya kung sino ang kaharap niya.

23 INT CASA NI JUANCHO DAY

Iika-ikang bumalik sa casa si Victoria.


Nagsisigaw siya.

VICTORIA
Juancho?! Juancho?!!

JUANCHO
Victoria, bakit? (in Spanish) At bakit iika-ika ka?

VICTORIA
Na-accidente ako Juancho! Ngunit hindi ka maniniwala sa kung sinong
gumawa nito sa ‘kin! Walang iba kundi ang bastardong si Antonio!

JUANCHO
Ano?! Sinaktan ka ng bata?

VICTORIA
Bata pa siya ay may taglay na siyang galing sa paglaban at
may kakaiba rin siyang liksi, JUancho!
Lumabas na rin ang pagka-impakto ng batang iyon!
Lumabas na ang kapangyarihan ni Antonio!

Magugulat si Juancho.

24 CONTINUATION.

Muling kikilos si Burigadang Pada para saktan si INDIO pero maliksing makakaiwas
ang lalaki. Agad niyang ilalabas ang kanyang kampilan to protect himself pero pag
strike niya ay wala na ang babae. Naiwan ang cloak na hinubad nito, kakabahan si
Indio.

INDIO
May hinala na ako kung sino ka.
Ikaw ang diwata ng pagkaganid hindi ba?

May magsasalita sa likod niya.

BURIGADANG PADA (OS)


At ikaw ang supling ni Ynaguiguinid.

Haharap si Indio at nandoon na ANG BABAE.


May hawak na rin itong armas.

BURIGADANG PADA
Ang anak niya na sisingilin ko ng mahal sa buhay ng aking kapatid!

INDIO
Mahal na diwata, hindi ko pinakay na mamatay siya.
Ipinagtanggol ko lamang ang aking sarili.

BURIGADANG PADA
Gaya nang pagtatanggol ko sa kanya ngayon!!

Agad na lulutang si Burigado from her position.


Tatalon siya sa isang puno at dere-derechong susugod kay Indio with her sandata.

BURIGADANG PADA
Ahhhhhhhhhh!!!
Umpisa na ng labanan ng dalawa.

ITUTULOY...

WEEK 13 DAY 2

1 CONTINUATION.

Agad na makaka-iwas sa pagsugod ni Burigadang Pada si Indio.


Maglalaban sila. Kapwa malakas sa kani-kanilang kapangyarian o proteksyon kaya
kapwa din sila tatalsik sa huling inulos sa bawat isa.

Sa isang trunk ng puno ay makikitang nakasilip si Santonilyo sa labanan ng dalawa.


Agad itong aalis, nagmamadali, saka maglalaho.

Nakahiga sina Burigadang Pada at INDIO malayo sa isa’t isa.


Pero agad ding babangon si INDIO.
Ganun din si Burigadang Pada.
Kapwa maghihilom agad ang sugat ng isa’t isa.

INDIO
Itigil na natin ito, diwata. Hindi kita ibig labanan.
Hindi ko hangad na mapaslang ang iyong kapatid,
nagtanggol lamang ako sa aking sarili.

BURIGADANG PADA
Sumusuko ka na ba?!
Umpisa pa lang ito, Malaya!

Saka waring palipad na susugod si Burigadang Pada ka Malaya.


Maghahanda si Malaya kaya agad siyang liliyad (mala-Matrix) para iwasan ang
sumugod na lumipad na diwata---in slow mo ito: magkakaharap sila, nasa ibabaw si
Burigadang Pada, lumilipad, nasa ilalim si INDIO, magtatagpo ang mga mata nila and
we can hear Burigadang Pada’s thoughts/mentala.

BURIGADANG PADA VO
Pagkaganid sa anting-anting, iyong nakuha mula sa aking kapatid.
Ngayon, iyong huhubarin upang wala nang kalasag laban sa akin!

At saka may ilalabas na itim na usok sa bibig si Burigada na babalot kay INDIO
habang lumalapag na sa likuran ng lalaki ang babae.
Matitigilan si INDIO, mawawala ang buhay sa kanyang mga mata.
Mapapatingin siya sa kanyang suot na anting-anting.
Hahawakan niya ito, walang expression sa kanyang mukha.
Huhubarin niya ba?
2 EXT CASA NI JUANCHO DAY

Lalabas si Juancho sa casa.


Kasunod si Victoria na iika-ika at enamored na nagkwe-kwento.

VICTORIA
Kakaiba talaga ang bilis niya para sa kanyang edad, Juancho!
Santisima, kundi ba naman nilulukuban ng diablo ang batang iyon ay
hindi ko na
alam!

Iritang icu-cut ni Juancho ang asawa.

JUANCHO
Si! Si! Narinig ko na ang lahat Victoria! Silencio, por favor!
(at the guards in Spanish) Arnulfo, dumating na ba ang inyong
Senyorita Esperanza kasama si Antonio?

GUARDIA (Spanish)
Hindi pa ho, Senyor!

JUANCHO
Bueno, hanapin mo sila!
Ngayon din!

Agad tatalikod ang soldado.


Mapapatiim-bagang si Juancho, napapaisip ito.

WK 13 – DAY 2- SEQ 3 EXT TABING DAGAT DAY

Magkasama sa tabing dagat si Esperanza at Antonio.


We open the scene na nagsasalita na agad si Esperanza.

ESPERANZA
Yung naganap sa iyo kanina, na nagpakita ka ng kakaibang lakas at
bilis..
ngayon lamang ba ito naganap sa iyo, Antonio?

Mapapaisip si Antonio.
Insert snippet from the previous week--- nung nabuhat ni Antonio ang mesa bunga ng
galit nya kay Victoria.

ANTONIO
Hindi po, Mama. Pangalawang pagkakataon na po ito.
Di ko po maunawaan kung bakit ako ganito, Mama.
Kung bakit sinasabi ng diwatang si Santonilyo na may kakaiba akong
kapangyarihan na galing daw sa aking ninuno.
ESPERANZA
Tama si Santonilyo, anak, pagkat mula ka sa lahi ng mga diwata.

ANTONIO
Diwata? Tulad din po ako ni Santonilyo, Mama?

ESPERANZA
Si, ijo. At ito ay tiyak kong minana mo sa iyong Papa Simeon na tulad
mo rin
ay mula din sa lahi ng mga diwata..kaya natatakot ako para sa iyo,
anak, dahil
tiyak kong nakarating na ngayon kay Papa ang iyong ginawa.

ANTONIO
Bakit, Mama? Ako ba ay parurusahan niya?

ESPERANZA
Hindi ko tiyak kung ano ang gagawin ni Papa kaya makinig ka, anak.
Dahil may ipapagawa ako sa iyo upang matiyak kong hindi ka niya
masasaktan.

ANTONIO
(alala) Opo, Mama, anong nais mong ipagawa sa akin?

Mapapa-isip si Esperanza.

4 CONTINUATION.

Pipigtalin ni INDIO ang anting-anting at iaabot na sana iyon kay Burigadang Pada
pero---

LIHANGIN:
Magising ka mula sa mentala ng diwata, Malaya!
Iyong anting-anting, ingatan at huwag ipagkaloob sa kanya!

Sabay sasabuyan ni Lihangin ng energy ng hangin si Malaya.


Matitigilan si Malaya, magugulat, he snapped out of Burigada’s incantation.
Magagalit naman si Burigada kaya lulusob siya sa mga diwatang sinundo ni
Santonilyo: Magayon, Lihangin, Libulan at Lalahon. Na agad ding makikipaglaban
sa kanya.

Magugulat si INDIO sa nangyayari kaya agad niyang isusuot ang anting-anting at


gitlang papanoorin ang nagaganap na labanan hanggang sa mapatalsik nila Magayon
si Burigada.

Sasadsad sa lupa si Burigada, dudulas pa, creating an almost ditchlike na daan.

MAGAYON
Binalaan ka na namin na si Malaya ay hindi namin pababayaan kaya
huwag mo kaming sisihin kung ikaw man ay aming kinalaban ngayon!

Galit, masama ang loob, nagngingitngit na babangon si Burigada.


Kikilos sina Lihangin, Libulan at Lalahon, naka-pose ng mga kamay/armas, handang
magtnggol pero hindi lulusob si Burigada.

BURIGADANG PADA
Diwata laban sa diwata dahil lamang sa isang tulad niya
na nakagawa sa akin ng malaking kasalanan.
Kung talagang hindi ninyo ipagkakaloob ang katarungang ibig ko..
Kukunin ko iyon sa kahit anong paraan kahit na tuluyang magkagulo
tayo!

At saka galit na magmomorhph si Burgada into a black paniki at agad ding lilipad
palayo.
Susundan ito nina INDIo ng tingin, alala sila.

================================= GAP 1
============================

5 EXT TUMANA/BUKID DAY

Ipinapasyal ni Mayang si Isabel.

MAYANG AS FERNANDO
Mayaman ang lupain sa pulong ito kung kaya higit na matataba ang
mga palay na inaani dito...at batid ba ninyo kung paano malalaman
kung maganda ang lupa?

ISABEL
Hindi?

Dadakot si Fernando ng lupa.

FERNANDO
Iba ang amoy at pakiramdam ng lupang mayaman.
Kahit hindi basa ay hindi ito tuyot at ito ay tinirahan ng mga bulateng
gaya nito.

Saka itatapon na ulit ni Mayang ang lupa, saka tatapikin sa kamay.

ISABEL
Kinagigiliwan kitang kasama, Fernando.
Tulad naming mga Kastila, likas ang iyong dunong sa mga kung ano-
anong bagay. Mabuti at hindi ako nagkamaling mgpasama sa iyo sa
pamamasyal.
Salamat.

Hahawakan pa ni Isabe ang pisnge ni Mayang.


Tatango lang si Mayang at iiwas, makikitang sa mukha niya ang pagka-asiwa.
Napapangiti si Isabel, parang malandi pang bubuksan ang pamaypay at saka may
landing ngngiti—

ISABEL
Tayo na.

Mauuna nang maglakad si Isabel.


Asiwang susunod si Mayang, pinapahid ang pisnge na kanina ay hinawakan ng babae.

6 CONTINUED

Haharapin ni Indio ang mga diwatang sina Magayon.

INDIO
Muli, salamat sa inyong pagdalo sa akin mga diwata.
Ngunit hindi ko na naiibigan ang pangyayaring ito kaya
hayaan ninyong muli akong maglakbay patungo sa kinaroroonan niya
upang muling humingi ng pumahin sa naganap sa kanyang kapatid.

LIBULAN
Huli na, Malaya, pagkat hindi mo na masasawata pa ang galit ni
Burigadang Pada Saklawang Bulawan.
Kamatayan mo lamang ang kapalit na hihingin niya at hindi mo iyon
maaaring ipagkaloob sa kanya ngayon.

INDIO
Ngunit anong saysay kung may proteksyon nga ako ngunit maging
mga
diwata ay nag-aaway na?

MAGAYON
Gaya ng tagubilin namin, ipaubaya mo sa amin ito at gawin ang
tungkulin mo.

At saka lalapit si Magayon kay INDIO, hahawakan ang anting-anting na suot nito.

MAGAYON
Isang mentala (sub: enkantasyon) ang ngayon ay uusalin ko upang ang
iyong anting-anting ay hindi na muli pang maagaw sa iyo.
Sinumang magnasa nito, maging tao, engkanto o diwata ay masasaktan
pagkat anting-anting na ito ay hindi magpapaubaya kaninuman.

At saka may iilaw sa kamay ni Magayon na lilipat sa anting-anting pero manghihina


si Magayon. Matutumba siya pero agad itong masasalo ni Indio.

INDIO
Magayon?! Anong nangyri sa kanya?
LALAHON
Siya ay nanghina pagkat ang kanyang lakas ay isinuko niya sa kanyang
mentalang ipinagkaloob sa iyo.
Ngunit huwag kang mabahala, Malaya, kami na ang bahala sa kanya.

Saka kikilos sina Santonilyo, Lihangin at Libulan upang kunin si Magayon kay
INDIO.

LALAHON
Paalam, Malaya, hanggang sa muli.

Saka sabay-sabay na magiging ibon ang lahat dahil nakahawak sila kay Magayon
kaya agad silang lilipad palayo.
Maiiwan si Malaya, napapaisip ito.
Hindi niya pansin ang dalawang kapre na nakakubli, nakita ng mga ito ang lahat, kaya
agad din silang aalis.

7 EXT KUTA DAY

May inuukit sa kahoy si Bahandi nang lapitan ito ni Liway.


Ang ukit ay porma ng mukha ng isang babae a makikita iyon ng bata.

LIWAY
Ubo! Sino ba iyang inuukit mo riyan? Ako ba iyan?

BAHANDI
Hindi, Liway, kungdi yaong diwata na aking nakita kailan lang.
Napakaganda niya, Liway, kaya hanggang ngayon ay hindi siya
mawala sa aking isipan.
Kailan ko kaya uli makikita ang diwatang iyon?
Magagawa kaya ni Malaya na mailapit ako kay Magayon?

LIWAY
Nakapatayog ng iyong pangarap, Ubo, pagkat batid mo namang
hindi madaling mapaibig ang isang diwata kaya ang mabuti pa ay
tigilan mo na muna ang pag-iisip sa kanya at samahan mo na lamang
ang mga kalalakihan dito upang mangaso ng hayup na makakain natin.

Hindi na iimik si Bahandi bagkus ay tatayo na lamang ito.

8 PUNO NG DAKIT DAY

Dinala nina Lalahon si Magayon sa isang puno ng dakit.


Isa itong malaki at matandang puno na maraming malalabay na ugat.

LIHANGIN
Dito sa tabi ng puno ng dakit (sub: punong maalamat pagkat tirahan
daw ng mga engkanto at dasalan ng mga babaylan) natin
pansamantalang
iiwan si Magayon nang sa gayun ay dito niya bawiin ang kanyang
lakas.

Ihihiga nila si Magayon sa isang malapad na bato sa tabi ng puno.

LIBULAN
Puno ng dakit, inyong alagaan at bantayan si Magayon nang sa ganun
ay
muli na siyang makabangon.

Tila kikislap naman ang puno as if sumagot.


Magbo-bow ang mga diwata sa puno at saka sila magmo-morph into mga hayup na
agad magsisi-alis. Maiiwang wala pa ring malay si Magayon.
Note: Hindi nila kasama si Santonilyo dito.

9 EXT BUNDOK NG MADYA- AS DAY

Kaharap na ni Sidapa si Burigadang Pada.

BURIGADANG PADA
Batid ni Magayon sampu ng kanyang mga kapanalig na may matinding
pagkakasala ang taong iyon ngunit tignan mo ang ginawa nila?
Pinagtulungan nila ako sa harap ng taong iyon!
Kinalaban nila ang kapwa nila diwata!

SIDAPA
Batid mong mahalaga kina Magayon si Malaya.
Hindi ka dapat magalit sa kanilang ikinilos laban sa iyo pagkat iyon
ang inaasahan mong mangyayari nang salakayin mo si Malaya.

BURIGADANG PADA
Ang ikinagagalit ko ay ang pagpanig nila sa isang taong may sala sa
kapwa nila diwata! Ako ang nasa tama dahil nararapat na mapaslang
si Malaya pagkat buhay ng isang diwata ang kanyang inutang.

MAKABOSOG
May karapatang magalit si Burigadang Pada Sinaklaw Bulawan, Mahal
na Sidapa!

Makikitang dadating si Makabosog, diwata ng pagkatakaw (god of gluttony), at


kasama nito ang dalawang kapre. Pag-apir niya, mababasa ang title niya sa chargen.

Tayo ang magkakalahi kaya dapat lamang na kahit kailan ay higit na


maging
matimbang ang mga diwata kaysa sa buhay ng isang tao lamang kahit
na ito ay
may dugo pang diwata.
BURIGADANG PADA
Salamat at ako ay kinatigan mo, Makabosog.
Mahal na Sidapa, kung wala kang hakbanging gagawin upang
ipagkaloob sa
akin ang katarungan ay hindi ka na rin namin mapagkakatiwalaan pa
kaya pipiliin naming lumayo din maging sa iyo.

Mapapatiim bagang na lang si Sidapa.

================= ============== GAP 2


===============================

10 EXT BAHAYAN SAME NIGHT

Inis na naglalakad papunta sa bahayan si Mayang.


Naka-sunod sa kanya si Tuhay.

TUHAY
Fernando! Kakabalik niyo lang mula sa tumana?
Mukhang nawili kayong dalawa ni Senyorita Isabel sa pamamasyal!

Saka itutulak ni Mayang si Tuhay.

MAYANG
Napaka-walanghiya mo, Tuhay! Bakit mo ako ipinain kay Senyorita
Isabel?
Nahihindik ako sa mga paghawak-hawak niya sa ‘kin! Buti na lamang
at hindi niya naamoy na ako’y babaye ding katulad niya.

TUHAY (matatawa):
Imbes na magalit ka ay samantalahin mo na lamang ang
pagkakataong mapalapit sa kapatid ng komandante, Mayang!
Pagkat magagamit mo si Senyorita Isabel para pagtakpan ka sa
mga kalokohan mo.

MAYANG
Ngunit hindi iyon maaatimng aking kalooban!
Isa pa, may naiibigan na ako!
TUHAY
May naiibigan ka na?

Magugulat si Mayang at nadulas ang bibig niya.

Ngayon ko lang ata nalaman ito?


Sino bang naiibigan mo?

Masasabi ba ni Mayang? Syempre, hindi.

O, bakit naumid ang dila mo?


Sino nga bang minamalas na tao iyang naiibigan mo?

Hindi na makakasagot si Mayang dahil may sisipol sa kanila.


Mapapalingon ang dalawa’t makikita ni Mayang si Indio na nagtatago sa isang sulok.
Lalapitan niya ito at magyayakap ang dalawa.

MAYANG
Ubo Malaya? Anong ginagawa niyo dito sa ilawod?

INDIO
Nandito ako dahil sa aking anak. Kay Antonio.

TUHAY
Si Antonio?! Ang ampon nila Senyor Juancho?

INDIO
Oo, Tuhay, siya nga, siya ang tunay naming anak ni Esperanza!

Magugulat sina Maang at Tuhay.


Magkakatinginan sila.

11 INT CASA NI JUANCHO SAME NIGHT

Naghihintay si Victoria at si Juancho sa table.


Naroon din si Mariano na tahimik.
Dadating mga soldados kasama si Esperanza.

JUANCHO
Nasaan ang bata, Esperanza?
Bakit hindi mo kasama si Antonio?

ESPERANZA
Papa, hindi ko maaring ipabatid sa’yo kung nasaan ang anak ko
lalo na’t kung hindi ninyo ako bibigyan ng kasiguraduhan na hindi
nyo siya paparusahan sa kanyang nagawa.

Agad na susugod si Victoria, susubukang saktan siya.


Pero mamagitan si Mariano.

VICTORIA
Walang hiya ka! Ilabas mo ang anak mong impakto!
Pagbabayaran niya ang ginawa niya sa ‘kin at sa ‘ting kura paroko!!

MARIANO
Mama, huwag niyo siyang saktan!

JUANCHO
Huwag kang makinig sa iyong Tiya Victoria.
Wala akong planong saktan o parusahan ang bata, ija.
(in Spanish) I give you my word, Esperanza.
Kaya sabihin mo, saan mo itinago si Antonio?

Napapa-isip si Esperanza.

12 INT BALAY NI URAY SELA/ SA MGA INDIO HOUSES ITO. NIGHT

Pinagbabalatan ni Uray Sela ng kamote si Antonio.


Nasa dulang na sila.

ANTONIO
Uray Sela, anong sabi ni Mama?
Hanggang kailan po daw ako dito sa inyo?

URAY SELA
Ang bilin niya ay dito ka lang hangga’t hindi ka na niya sinusundo
pagkat ayaw ka nga niyang makita muna ng mga magulang niya.
Hay, Antonio, gaya ka rin ng iyong tunay na ama!
Kapwa kaya kakaiba.

ANTONIO
Gaya ko rin ho ba ay may kakaiba ding nagagawa ang aking ama?

URAY SELA
Mas higit pa, Antonio, mas higit pa kung nasaksihan mo lamang ang
kabataan niya...kaya siya ay labis na kinainggitan ng iyong lolo...at
dahil doon
kaya siya ay—

Biglang mabubuksan ang pinto dahil may sumipa dito.


Papasok si Juancho, alala sina Antonio at Uray Sela.

URAY SELA
Senyor..?

Nakatingin lang si Juancho kay Antonio.


Tila takot naman ang bata na nakatingin din dito.

WK 13- DAY 2 – 12ª EXT KUTA NG INSURRECTOS SAME NIGHT

Titingin-tingin si Liway sa paligid nang makita siya ni Cosme.

LIWAY
Nandiyan ba kayo? Nadidinig ba ninyo ako? Asan kayo?

COSME
Liway, bakit andito ka sa dilim? Sinong kausap mo?
LIWAY
Wala po, baba Cosme. Nagbabakasali lamang po ako na may diwata
ho
sa paligid dahil ibig ko din pong makakita ng isang diwata.

COSME (laughs):
Liway, hindi lahat ng tao ay maaaring makakita ng kakaibang nilalang
lalo na’t kung hindi nila ibig magpakita.

LIWAY
E bakit ho ang aking ubo Bahandi?

COSME
Dahil marahil ang iyong ubo ay may ikatlong mata kaya nakakakita
siya
ng ibang nilalang...o marahil din, nasa bugna niya siguro na umibig sa
isang
diwata.

13 EXT GUBAT / ILAYA SAME NIGHT

Hinahabol ni Bahandi at ng dalawa pang insurrecto ang isang baboy damo.


May mga hawak silang bangkaw.
Pero mabilis ang baboy damo kaya magkakahiwa-hiwalay ang tatlo.
Patuloy itong tutugising ni Bahandi hanggang sa ito ay mawala sa kanyang paningin.
Saka mapapansin niyang hindi niya na kasama ang dalawang insurrecto.
Magpapalinga-linga siya, maghahanap, nang hawiin niya ang halamanan at lumabas
siya doon aymagugulat siya pagkat makikita niya si Magayon.

Nakahiga pa rin si Magayon sa malapad na bato sa tabi ng dakit.


Wala pa rin itong malay.
Gulat si Bahandi nang makita ito.
Hindi siya makapaniwala.
Mapapangiti siya.

WK 13- DAY 2- SEQ 14 INT DIWATA’S LAIR NIGHT

Magkakasama sina Lalahon at iba pang diwata.


Nandoon din si Santonilyo.

LALAHON
Si Magayon ay iniwan namin sa puno ng dakit upang doon
bumawi ng kanyang lakas...at sa sandaling siya ay magising na,
batid kong magbabalik din siya agad dito.

RIBUNG LINTI
Mabuti kung gayun ngunit labis kaming nababagabag sa iniulat ni
Santonilyo...pagkat muli nyo raw nakasagupa nina Magayon ang
diwata ng pagkaganid?

LIBULAN
Siyang tunay ngunit siya ay naitaboy na naming muli.

Matitigilan si Dalikmata pagkat magbabago ng kulay ang mga mata niya.


Tila may nraramdaman siya.

LIHANGIN
At umaasa kami na hindi na siya magpapakita pang muli.

DALIKMATA
Diyan kayo nagkakamali pagkat nakikita ko sa aking ikatlong mata
ang kanyang pagbabalik.

Mapapatingin ang lahat kay Dalikmata.

Narito lamang sila...!

Bago pa makakasagot ang lahat ay biglang magpapakita si Sidapa kasama si


Burigadang Pada. Maa-alarma sina Lalahon, may magtataas pa ng mga sandata,
handa sa kung ano man ang mangyayari.

=============================== GAP 3
===============================

WK 13- DAY 2- SEQ 15 CONTINUATION.

Magkakaharap ang mga diwata.


Hostile ang air ni Burigadang Pada.

SIDAPA
Hind kami naparito upang maghanap ng gulo bagkus ay nais kong
itama’t magkasundo tayong lahat.

LALAHON
Anong kasunduan ito, Sidapa?

SIDAPA
Ako ay nababagabag na lumala pa ang kaguluhan sa pagitan ninyo ng
diwata ng pagkaganid. Hindi ko nais magkaroon ng sigalot sa ‘tin
kung kaya’t nakiki-usap ako, hayaan niyong maisagawa niya ang nais
niya upang pagbayaring sala si Malaya.

ADLAW
Paumanhin, Sidapa, ngunit batid na ninyong hindi namin ito
papayagan.

BURIGADANG PADA
Kaya patuloy na babalewalain ninyo ang kanyang kasalanan sa ‘kin?
Ganoon ba, Adlaw?!

LIBULAN
Mabuting tao si Malaya at malaki ang nai-atang na bugna sa kanya ni
Laon!

SIDAPA
Ngunit nanghihimasok kayo sa kapalaran ng nilalang na ito!

LIHANGIN
Sidapa, batid kong naparito ka upang magka-sundo tayong mga
diwata, ngunit ngayon ka lamang namin hindi mapagbibigyan. Kahit
anupa ang maging kapalit,
hindi pa rin namin maaaring isuko sa inyo si Malaya.

Sidapa feels slighted.

SIDAPA
Kung gayon ay wala na tayong dapat pag-usapan pagkat kayo’y
nakapag- pasiya na! (kina Burigadang Pada) Tayo na!

Magdi-disapper ang dalawa.


Magkakatinginan ang mga diwata, may alala sa mga mukha nila.

16 CONTINUATIN NIGHT

Takot si Sela at Antonio.

JUANCHO
Iwan mo kami dito, Sela.

SELA
Ngnit, Senyor...

JUANCHO
Iwan mo sabi kami!!

Takot na lalabas si Sela, nakasunod dito ang mga soldado.


Lalapitan ni Juancho si Antonio.

JUANCHO
Antonio, huwag kang matakot sa ‘kin.
Nabalitaan ko ang nangyari sa’yo kanina….
Nais ko lamang makita kung ano itong ginawa mong pambihira.
Maari mo bang ipamalas sa ‘kin?

ANTONIO
Ngunit ayoko pong manakit...
Mapapangiti si Juancho, lalakad palayo sa bata..

JUANCHO
Nauunawaan ko ngunit kailangan kong makita ang kakayanan mo.

At biglang hahagisan ni Juancho si Antonio ng patalim, agad na makaka-iwas ang


bata.
Mabilis na aatake si Juancho pero masasangga lang siya ng bata—makikita iyon ni
Victoria nag ito ay pumasok. Magkakatitigan si Juancho at Antonio.

VICTORIA
Nakita mo na, Juancho. Totoo ang aking sinabi!
(in Spanish) Kailangan mong ikulong ang batang iyan!

Hahaplusin ni Juancho ang ulo ni Antonio, natutuwa siya.

JUANCHO
No Victoria, mali ka.
(to Antonio) Natutuwa ako sa iyong mga ipinamalas, hijo.
Binabati kita pagkat tunay ngang galing ka sa ‘king dugo.

Yayakapin ni Juancho ang apo.


Gulat si Victoria sa sinabi Juancho.

TUHAY (OS):
Kung anak mo nga si Antonio ay bakit malaki na agad siya, Ginoo?

17 INT BAHAY NI JUANING NIGHT

Magka-usap si Mayang at si Indio sa harap ng mababang mesa.


Nandoon din si Tuhay.

TUHAY
Paano nangyari iyon na malaki na agad ang naging anak mo kay
Senyorita Esperanza gayung sa pagkakaalam ko ay kailan lang din
kayo nagkakilala?

INDIO
Hindi pangkaraniwang bata si Antonio.
Binasbasan siya ng mga diwata kaya’t napaka bilis niyang lumaki.
Mainam rin na hindi ipinaalam sa lahat na anak siya ni Esperanza
pagkat marami ang magtataka sa edad ni Antonio.

MAYANG
Ubo, natutawa ako para sa iyo pagkat may anak ka na pala at
natatangi pa! Ngunit angtanong ko, nagkakilala na ba kayo ng anak
mo?

INDIO
Hindi pa, Mayang. At iyon ang pakay ko dito— ang makilala si
Antonio.
Kaya maari mo ba akong tulungan?

MAYANG
Tulungan?
Sa paanong paraan, Ubo?

Di na natin maririnig ang plano nila.

WK 13- DAY 2- SEQ 18 EXT BUNDOK NG MADYA-AS NIGHT

Galit na galit si Burigadang Pada habang nagsasalita.


Tahimik naman si Sidapa, nandito din si Makabosog.

BURIGADANG PADA
Nakita na ninyo kung gaano magmatigas ang mga diwatang iyon,
mahal na Sidapa? Hindi na nila alintana na magalit tayo sa kanila
masunod lamang ang ibig nila!

MAKABOSOG
Wala kang maasahan kina Magayon at sa mga kapanalig niya pagkat
likas silang malapit at nagmamahal sa mga tao gaya ni Malaya.

BURIGADANG PADA
Wala akong pagsinta sa mga tao at lalong wala na akong natitira pang
paggalang sa mga diwatang nagmamahal sa kanila!

SIDAPA
Kung gayon ay hindi na rin kita pipigilan na gawin kung ano ang sa
tingin mong nararapat kay Malaya!

BURIGADANG PADA
Ang ibig mong ipahiwatig ba sa iyong tinuran ay---

SIDAPA
Hindi ko naibigan na ako ay hindi pinagbigyan ng mga diwatang iyon
sa
aking pakiusap! Ako ang diwata ng kamatayan kaya karapat-dapat
nilang
igalang ngunit hindi nila iyon ibigay sa akin kaya gawin na ninyo ang
nais ninyo
kay Malaya kahit pa magalit ang mga diwatang nangangalaga sa
kanya!

BURIGADANG PADA
Daghang salamat sa iyong basbas Mahal na Sidapa!

Mapapangise si Burigadang Pada at si Makabosog.


Masaya ang babaeng diwata.

19 INT SIMBAHAN NIGHT

Magka-usap si Victoria at si Padre Gustavo sa loob ng simabahan.

VICTORIA
Nahuhumaling na si Juancho sa kapangyarihan ng mga diwata ng mga
Indio, Padre, kaya maging kay Antonio ay nagpapabilog siya ng ulo!
Dios mio, dugo ng diablo ang pumapaloob sa batang iyon at walang
kinalaman doon si Juancho!

PADRE GUSTAVO
Sino ba ang ama ni Antonio?

VICTORIA
Walang iba kundi ang numero unong erehe sa pueblong ito—si
Simeon!
Na may dugo ring diwata Padre kaya hindi mamatay-matay!
Panginoon ko, Padre! Pinapasok na ng mga kampon ng diablo ang
pamilya at pamamahay ko!

PADRE GUSTAVO
Huwag kang mag-alala, Victoria, gagawa ako ng paraan..
Iisip ako ng paraan kung paano mawawala sa inyong pamamahahay
ang diablong bata.

At saka magsa-sign of the cross ang padre, sindak din.

20 EXT FIELD NIGHT

Dadating si Burigadang Pada, naglalakad siya sa gitna ng field.


At habang naglalakad siya kaya magugulo ang mga locust na nanginginain sa mga
pananim sa bukid.

BURIGADANG PADA
Mga balang!
Inuutusan ko kayong lahat!
Magsilapit kayo sa akin!!!

Maglalapitan ang mga locust o balang.


Sanlaksa sila.

BURIGADANG PADA
Batid kong kayo ay gutom na gutom kaya hindi sapat sa inyo
ang mga pagkain dito...kaya kayo ay inuutusan ko na magtungo
sa kinaroroonan ni Malaya pagkat siya ay ang pagkaing inihahain ko sa
inyo!!
At saka sasabuyan ni Burigadang Pada ng energy ang mga locust kaya sila ay lilipad
na nang palayo.

Hala, lipad! Lipad upang tapusin na ninyo ang taong kinasusuklaman


ko!!

================================ GAP 4
==============================

21 EXT PUNO NG DAKIT NIGHT

Pinagmamasdan pa rin ni Bahandi si Magayon.

BAHANDI
Napakapalad ko pagkat muli kitang nakita.
Magayon? Diwatang Magayon?

Taka si Bahandi pagkat hindi ito nagigising.

BAHANDI
Anong nangyayari sa iyo?
Bakit hindi ka nagmumulat ng mga mata?
(pupulsuhan ito) Ngunit ikaw naman ay humihinga pa.
O sadyang ganito lamang kahimbing matulog ang mga diwata?

Mapapangiti si Bahandi.

BAHANDI
Napakapalad ko kung gayun pagkat nakita kitang nahihimbing.
Mahal na diwata, sadyang nakapakaganda mo.

Saka hahawakan ni Bahandi ang mukha ni Magayon.


Maakit din siya, hahalikan niya ito sa bibig.
Doon magigising si Magayon--- makikita niyang hinahalikan siya ni Bahandi kaya
itutulak niya ito.

MAGAYON
Lapastangan ka!!

Halos tumalsik si Bahandi.


Babangon ito.

BAHANDI
Paumanhin, Diwata.
Hindi ko ibig na ikaw ay pagsamantalahin.
Patawarin mo ako—
Lalapit si Bahandi pero gagamitin ni Magayon ang kanyang energy paraitaboy ang
lalaki. Hahagis si Bahandi sa isag bato, babagsak ito, putok ang ulo.
Saka tiim-bagang na magiging agila si Magayon at lilipad itong palayo.
Maiiwan si Bahandi, sapo ang ulong nagdurugo.

22 INT SILID NI ANTONIO / CASA NIGHT

Magkasama na sa kama si Esperanza at si Antonio.


Pinupunasan niya si Antonio ng basang bimpo, nagkwe-kwento ang bata.

ANTONIO
Ipinakita ko kay Papa Juancho na mabilis akong kumilos.
Hindi niya ako nasaktan, Mama, dahil sa taglay kong bilis!

ESPERANZA
Nang makita niya iyon, ano ang kanyang reaccion, hijo?

ANTONIO
Binati niya ako Mama! Natutuwa siya’t nakita niya ang aking
kapangyarihan.
Niyakap niya pa nga ako, Mama.

Mapapangiti ng pilit si Esperanza.

ESPERANZA
Masaya ako’t tanggap ng iyong abuelo ang iyong kapangyarihan
ngunit hindi pa rin ako mapanatag, sa dahilang batid na niya ang
kakayanan mo.

ANTONIO
Huwag kang mag-alala, Mama.
Kaya kong ipagtanggol ang aking sarili at maging kayo.

Magyayakap ang mag-ina.


May kakatok sa silid at papasok si Uray Sela.

URAY SELA
Senyorita, dispensa kung ako’y naka-gambala ngunit may panauhin ho
kayo.

Magtataka si Esperanza nang makita niya si Mayang.


Lalapit siya dito, nakatayo ito sa may pinto.

ESPERANZA
Ferando, bakit ka nandito? Anong kailangan mo?

Aalisin ni Mayang ang sabik na tingin kay Antonio at ililipat kay Esperanza.
MAYANG
May pahatid ho akong mensahe mula kay Simeon.

ESPERANZA
(pabulong) Kay Simeon? Nasaan siya?
At ano ang kanyang mensahe?

MAYANG
Nais niyang makita kayo ni Antonio bukas ng umaga, pagsikat ng
adlaw.
Maghihintay siya sa may ilog.

ESPERANZA
Oo, Fernando! Tutungo kami roon ni Antonio!
Makaka-asa kamo siya!

Tatango si Mayang at agad na aalis.


Napapahinga ng malalim si Esperanza sa sobrang tuwa.

23 EXT IND SPACE SAME NIGHT

Nililinis ni INDIO ang turumpo niya at ito ay pinapakinis din niya gamit ang isang
magaspang na dahon.

INDIO
Sana ay matuwa sa iyo ang anak ko.
Sana ay kalugdan ka niya kapag ipinagkaloob kita sa kanya.

Patuloy ang masayang pagpapakintab dito ni INDIO nang makarinig siya ng mga
huni ng mga hayup. Saka makikita niya ang laksa-laksang lucost na lumilipad nang
palapit sa kanya.
Magugulat siya kaya mapapaurong siya saka sisimula niya nang tumakbo pero
hahabulin siya ng mga laksa-laksang lucost at babalutin ng mga ito ang buong
katawan niya.

INDIO
Aaahhh!!!!!

ITUTULOY
WEEK 13 DAY 3

1 CONTINUATION

Dinudumog ng mga balang si Indio.


Pinaghahampas niya ang mga ito sa katawan niya.
Babagsak siya at magpapa-ikot ikot sa lupa pero lalo siyang dudumugin.
At doon na siya mag-uumpisang magtatakbo palayo.
Maririnig ang halakhak ni Burigadang Pada Sinaklang Bulawan.

BURIGADANG PADA (VO)


Kahit pa may mentala si Magayon sa kanyang anting-anting,
wala siyang takas sa mga balang na naghahangad ng kanyang
laman!

2 EXT FIELD NIGHT

Dito magpapatuloy ang pagtawa ng diwata.


Kasama na niya si Makabosog, naglalakad sila habang nag-uusap.

MAKABOSOG
Kakaibang pagpaparusa ang iyong ipinataw kay Malaya!

BURIGADANG PADA
Parusang magdadala sa kanyang pagpanaw, Makabosog.
Tiyak akong hindi niya kayang labanan o iwasan ang sangkatutak
na balang na aking ipinadala sa kanya.

3 EXT IND. SPACE NIGHT

Tumatakbo pa rin si Indio.


Kinakawag niya pa rin ang mga balang na pumupuno ngayon sa kanyang katawan.
Nagdudugo na ang kanyang katawan bunga ng mga kagat nila.
Pipilitin niya pa ring tumakbo habang tinataboy ang mga balang hanggang
makakarating siya sa dulo/bangin.
Tatanaw siya sa ibaba at dagat na ang makikita niya.
Wala na siyang magawa kundi ang tumalon doon.
At iyon ang gagawin niya.
Tatalon si Malaya sa cliff patungo sa tubig.
4 INT SILID NI ANTONIO NIGHT

Esperanza is tucking in Antonio sa kama.

ANTONIO
Mama, hindi na ako makapaghintay sa pagsikat ng araw bukas!
Sabik na akong makita ang aking Papa!

ESPERANZA
Kaya nga’t dapat matulog ka na, anak.
Maaga pa tayong gigising bukas!
Huwag mong kalimutang magdasal.

Pipikit si Antonio pero naka-ngiti.

ANTONIO
Panginoon salamat po para bukas!
Pagkat sa wakas magkikita na kami ng aking… baba.

Hahalikan ni Esperanza si Antonio sa noo.


Napapangiti ang babae.

5 INT ILALIM NG TUBIG NIGHT

Lumalangoy sa ilalim ng tubig si Indio.


Unti-unting magtatanggalan ang mga locust na naka-dikit sa kanyang katawan.
Ang ilan naman ay lumilipad para maka-alis sa tubig.

6 EXT DAGAT NIGHT

Aahon ang ulo ni Indio sa tubig, agad siyang kukuha ng hininga.


Sa paligid niya ang ibang naglutangang patay na locust.
Makikita niya ang sangkaterbang mga locust na naghihintay na sumugod sa kanya.
Agad siyang dadapuan sa ulo at pagkakagatin sa mukha.
Saka siya muling lulubog sa tubig at lalangoy palayo.

7 INT DIWATA’S LAIR NIGHT

Lilipad ang ibong manual sa loob ng lair.


Magtra-transform siya into Magayon, kitang inis siyang pinapahid ang bibig niya.
INSERT FLASHBACK NANG HALIKAN SIYA NI BAHANDI
MAGAYON (says it under her breath)
Pangahas na lalake!

Lalapit na sina Lihangin, Libulan atbp. diwata.


Mapapansin nilang naka-simangot si Magayon.

LIBULAN
Magayon, salamat at nanumbalik ang iyong lakas!
Ngunit tila hindi ka natutuwa?

LIHANGIN
May nangyari bang di kanais-nais sa kagubatan?

MAGAYON
Huwag mo ako intindihin, Lihangin. Si Malaya?
Ginambala ba siya ulit ng diwata ng pagkaganid buhat nang ako’y
mawalan ng malay?

LIHANGIN
Wala pang ulat ukol kay Malaya ngunit di maiiwasang malagay siya
muli sa panganib nang dahil kay Sidapa.

MAGAYON
At paano na-ugnay ang mahal na Sidapa kay Malaya?

LIBULAN
Dumulog siya dito upang makipag-kasundo sa ‘tin.
Ngunit tumanggi kami sa kanyang paki-usap na hingiin si Malaya’t
ipagkaloob kay Burigadang Pada Sinaklang Bulawan.

Maririnig ang susunod na usapan ng mga diwata sa susunod na eksena.

8 EXT TABING DAGAT NIGHT

Makikitang aahon si Malaya, sugat sugat na ang katawan.


Maglalakad siya sa dalampasigan.

LIBULAN (VO)
At dahil sa aming pagtanggi, pihadong nagalit si Sidapa.
Maari itong pagdulutan ng panibagong suliranin kay Malaya.

MAGAYON (VO)
(worried) Tila nadagdagan pa siya ng mga susuunging pagsubok…

Hirap na hirap na maglakad si Indio.


Babagsak siya, mawawalan ng malay tao.

================================ GAP 1
==============================
9 EXT FIELD NIGHT

Magkasama pa rin si Burigadang Pada at Makabosog.

BURIGADANG PADA
Tiyak akong binawian na ng buhay ang hangal na indio!
Matatahimik na rin ang aking kapatid.

MAKABOSOG
Binabati kita sa iyong tagumpay.

Tatango si Burigadang Pada.


Pero bago siya mag-disappera ay maririnig niya ang pagdating ng mga locust.

MAKABOSOG
Narito na ang mga balang! At may dala silang ulat!

Ikukumpas ni Makabosog ang kanyang kamay sa mga locust.


May lalabas na light from there, matapos ay titignan ni Makabosog si Burigadang
Pada.

MAKABOSOG
Bigo ang mga balang!
Pumailalim sa dagat si Malaya kung kaya’t hindi nila ito nasundan!

Mangingitim na ang mata ni Burigadang Pada sa galit.


She shouts to the heavens and then she magically disappears!

10 EXT TABING DAGAT NIGHT

Naglalakad ang mga 2 soldado, kumakanta’t lasing.


Matatanaw ng isa ang katawan ni Indio, makikila niya ang lalake.

SOLDADO 1 (Spanish)
Madre de Dios! Ang indiong kampon ng demonyo--si Simeon!

Tatakbo ang Soldado 1 sa katawan ni Indio, naka-sunod ang isa.


Kakapain nila ang pulso.

SOLDADO 2 (Spanish)
Buhay pa siya!

SOLDADO 1 (In Spanish)


Dapat siyang mamatay!

At nagmamadali ang dalawa na kunin ang mga pistola nila.


Unang babaril ang isa pero iyon pa ang gigising kay Indio.
Magugulat ang mga soldado, shocked, magsi-sign of the cross pa.
Makikitang naghilom ang sugat ni Indio, luluwa ang bala nang bumangon siya.
Babaril pa ang isa pero mabilis na tatakpan ni Indio ng kamay niya ang bunganga ng
baril. Makukuha ni Indio ang bala, ipapakita pa sa mga soldado.
Takot na takot ang dalawang soldado.
Mabilis na babalian ng leeg ni Indio ang dalawang soldado bago pa ulit sila
makabaril.
Bagsak ang dalawa. Maglalakad palayo si Indio.

11 INT BAHAY NI REMEDIOS/MAYNILAD NIGHT

Makikita ni Diego na naghahain na si Alicia ng hapunan.

DIEGO
Hindi ho ba natin hihintayin si Elena at Nay Remedios?

ALICIA
Malayo pa ang kanilang pinuntahan.
Hindi magpapagabi si Remedios sa daan ng walang pahintulot kaya
marahil ay bukas pa sila makakabalik.

DIEGO
Kung alam ko lang ay sinamahan ko na lang sila.
Wala pa man din silang kasamang lalake.

ALICIA
Huwag ka nang mag-alala at kilala ko ang anak ko, mag iinga yun.

DIEGO
Hindi lamang ho ako nag-aalala.
Hindi ho kasi ako sanay na di makita ng matagal si Elena...
Sabik na akong makita siya.

Mapapangiti na lang si Alicia.

12 INT STREET NIGHT

May kausap si Remedios na kaibigan sa labas ng isang balay.


Naghihintay si Elena sa isang tabi, nag-iisip.
May mapapadaan na 2-3 Spanish men nag-uusap usap in Spanish. Mapapatingin siya
sa mga ito.
Habang pinagmamasdan niya ang mga lalake ay maririnig niya ang payo ni Remedios

REMEDIOS (VO)
Kung nais mo talagang magbalik sa inyong pueblo na katanggap-
tanggap at walang bahid ng paghihinala sa yaman na nakamkam mo,
kinakailangan mong mag-asawa ng isang Kastila. Iyon din ang
magbibigay protecion sa’yo.
Lalapitan siya ni Remedios.

REMEDIOS
Elena? Tayo na at ayaw kong abutan tayo ng palugit sa daan.

ELENA
Nay Remedios, sandali ho muna at may itatanong ako sa inyo.

REMEDIOS
Ano iyon?

ELENA
Pinag isipan ko hong mabuti ang mga sinabi ninyo kaya
may kakilala ho ba kayong Kastila na maari kong maging esposo?

Di maka-imik si Remedios.

13 EXT PLAZA NIGHT

Naka-higa na sa lapag ang dalawang soldadong pinatay ni Indio earlier.


Iniinspekyon sila ng isa pang soldado. Nakatingin lang si Mariano.
Dadating si Hernando kasunod si Juancho.

HERNANDO
Ano ang nangyari sa kanila, Mariano?
Sino ang may salarin?

MARIANO
Hindi pa matukoy, Senyor.
Lalo’t natagpuan silang mga bangkay na sa dalampasigan.

HERNANDO
Nalagasan na naman ang ating fuerza!
Tiyak na mga insurrectos ang gumawa nito!

JUANCHO
Kung mga insurrectos ang may kagagawan nito…
Marahil ay nandito rin ang kanilang pinuno?
Maaring umaaligid lang sa aking pueblo si Simeon!

14 EXT BAHAYAN NIGHT

Nag-aantay si Mayang sa isang tagong spot, palinga-linga.


Dadating si Indio, duguan pa ang balat o damit ngunit wala nang mga sugat.

INDIO
Mayang!
Mapapansin iyon ni Mayang.

MAYANG
Saan ka nanggaling, Ubo? At sinong gumawa nito sa iyo?!

Dadating si Mayang sa kung nasaan si Indio.

INDIO
Huwag mo nang alamin pagkat hindi ka maniniwala sa mga naganap
sa ‘kin!
Ano ang nangyari sa aking pahatid? Nagka-usap ba kayo?

MAYANG
Naipabatid ko na kay Senyorita Esperanza ang iyong bilin, Ubo
Malaya!
Makaka-asa kang nandun sila sa iyong piniling tagpuan bukas!

INDIO
Daghang salamat!

MAYANG
Sa wakas ay makikita mo na rin ang iyong anak, Ubo!
Kahit sandali ay mabubuo na rin ang iyong pamilya!
At batid kong sila rin ay di na makapag-hintay para bukas!

Tuwa si Indio at Mayang.


Maririnig ito ni Burigadang Pada na nasa taas lang ng puno.
Tiim bagang niyang pagmamasdan ang dalawa habang naglalakad sila palayo.

================================ GAP 2
==============================

15 EXT KUTA NG INSURRECTOS NIGHT

Dahan-dahang naglalakad sa bukana ng kuta si Bahandi.


Hawak niya ang kanyang tagiliran, sugat ang ulo. Sasalubong si Liway.

LIWAY
Ubo! Bakit ngayon ka lang nagbalik? Anong nangyari sa’yo?!

Mauupo muna si Bahandi.

LIWAY
Sinalakay ka ba ng mabangis na hayup?

BAHANDI
Isang napaka-gandang nilalang ang gumawa nito sa’kin.
Nagalit siya pagkat hindi ko napigilan ang sarili ko…
LIWAY
Ano? Hindi kita maunawaan?

BAHANDI
Liway, natagpuan kong walang malay sa kakahuyan si Magayon!
Nilapitan ko siya… at hinagkan ang kanyang labi ng walang
pahintulot.
Nagulat siya’t agad niya akong iwinaksi ng kanyang kapangyarihan!

Mapapakamot sa ulo si Liway.

LIWAY
Sa susunod ay huwag ka nang mangahas na lumapit o humalik man
lang sa isang diwata! Kahit gaano pa siya ka-halina sa iyong paningin!

BAHANDI
Kung inaakala niyang natakot ako ay hindi.
Sa katunayan ay higit pa niya akong naakit.
Makikitamo, Liway,mahuhulog dn sa akin ang diwatang iyon.

Bahandi looks away, clearly smitten with Magayon.

WK 13- DAY 3 - 16 INT DIWATA’S LAIR NIGHT

Magkakasama si Magayon at ang mga diwata.

LALAHON
Kung higit na nanganganib si Malaya bunga ng galit ni Sidapa,
Ano ang maari nating hakbangin, Magayon?

MAGAYON
Hindi ko pa batid, Lalahon. Ang mahalaga’y may anting-anting siya’t
may kalakip na mentala ito sa sino mang nais kumuha.

LALAHON
Mainam na siya’y may pananggalang ngunit paano kung gamitan siya
ng lakas ni Sidapa na isang higit na makapangyarihang diwata?
Ano mang sandali ay maaring lusubin nila muli si Malaya?

May maiisip si Magayon.

MAGAYON
Tama ka Lalahon! Barangaw! Maari bang italaga ka naming diwata
na magbabantay kay Malaya? Kailangang may tumingin sa kanya
mula sa ‘tin pagkat tiyak na hindi siya lulubayan nina Burigadang Pada
Sinaklang Bulawan maging si Sidapa.
BARANGAW
Hindi mo na kailangan pang makiusap.
Makaka-asa ka sa’kin, Magayon!

17 EXT BUNDOK NG MADYA-AS NIGHT

Magkakaharap si Sidapa, Makabosog at Burigadang Pada.

SIDAPA
Ang tinutukoy niyang supling ay si Antonio.
Anak ni Malaya ito sa isang babayeng nagnga-ngalang Esperanza.
Si Esperanza ay anak ng pinuno ng mga dayo na nanakop sa
kapatagan.

BURIGADANG PADA
Bakit kailangan palihim silang magkita ng kanyang mag-ina?

SIDAPA
Pagkat matinding kaaway ang turing ng mga dayo kay Malaya!
Binansagan niya itong taksil at dati na niyang pinatawan ng parusang
kamatayan!

Magkakatinginan si Burigadang Pada at si Makabosog.

MAKABOSOG
Pambihira rin pala ang buhay ng anak ni Ynaguiginid?

BURIGADANG PADA
Gagamitin ko iyon laban sa kanya, Makabosog.
Batid ko na ang aking gagawin kay Malaya!

Mapapangise si Burigadang Pada.

18 INT BALAY NI JUANING NIGHT

Mapapabangon si Indio sa kanyang tulugan. Maalimpungatan si Mayang.

MAYANG
Ubo? Bakit ka bumangon?

INDIO
Hindi ako madalaw-dalaw ng antok.
Sabik na kasi akong makaharap ang aking anak.
Mayang, sana ay mag umaga na upang makaharap ko na at mayakap
ang
aking anak.

MAYANG
Asahan mo, ubo, mangyayari ang lahat ng iyan at higit pa.
Kaya magpahinga ka na pagkat hindi mo iibiging nanghihina ka
kapag makaharap mo na ang iyong mag-ina hindi ba?

Mahihiga na ulit si Indio pero nakatanaw pa rin siya sa labas, hopeful.

19 EXT CASA NI JUANCHO LATER THAT NIGHT

Lalabas si Juancho ng casa. Mag-smoke siya ng cigar, iipit na niya sa bibig niya.
Sisindihan niya iyon gamit ang sulo. Pero mamatay iyon dahil tila may sadyang
umihip.
Mapapalingon si Juancho, taka.

JUANCHO
(in Spanish) Sinong nandiyan?

Then sa kabilang side niya ay may mag-sisindi ng sulo.


Si Burigang Pada ito na naka-cloak.

Mapapalingon doon si Juancho, gulat sa anyo ng babae.

JUANCHO
Sino ka?!

Magically ay biglang lalakas ang sulo na hawak ni Burigadang Pada.


Papatayin ito ni Burigada with her bare hands magically
Saka huhubarin na ni Burigadang Pada ang kanyang cloak.

BURIGADA
Ako si Burigadang Pada Sinaklang Bulawan. Ang diwata ng pagkanid.
Ikinalulugod kong makilala ang pinuno ng mga dayo, Senyor Juancho.

Matutulala si Juancho sa presence ng diwata.


Malalaglag mula sa bibig niya ang naka-ipit na tabako, this time sunog na ang dulo.

================================ GAP 3
==============================

20 CONTINUATION.

Magkaharap si Juancho at si Burigadang Pada.


Amazed si Juancho sa diwata.

JUANCHO
Natutuwa akong makilala at magpakita sa ‘kin ang isang diwata!
Sa tanang buhay ko, ngayon lamang ako sinadya ng isang tulad mo.
Ano ang iyong pakay at nagpakita ka sa akin?

BURIGADANG PADA
Narito ako bilang kapanalig mo.
Lalo’t iisang tao lang ang ating kinasusuklaman!
At iyon ay si---

JUANCHO
Ang aking Indio? Si Simeon?
Bakit mo siya kinasusuklaman gayong mula rin siya sa lahi ninyong
mga diwata?

BURIGADANG PADA
Hindi ko siya kinikilalang kaisa namin!
Malaki ang pagkakasala niya sa akin nang paslangin niya ang aking
kapatid na diwata!

JUANCHO
At ano ang pumipigil sa isang makapangyarihang diwata na hindi siya
parusahan?!

BURIGADANG PADA
May anting-anting siyang nakuha mula sa aking kapatid.
Bukod doon ay pinanga-ngalagaan siya ng iba pang mga diwata.

Matitigilan si Juancho.

JUANCHO
Anting-anting?

BURIGADANG PADA
Hindi ninyo siya basta-basta magagapi ngunit may paraan pa upang
siya’y mabigo. Iyon ay kung magtutulungan tayo?

Mapapatingin si Juancho sa diwata.

BURIGANDANG PADA
Bukas pagputok ng araw ay makikipagtagpo si Malaya kay Esperanza
at sa kanilang anak na si Antonio. Kaya paghandaan mo ang inyong
muling
pagkikita!

Mapapatiim bagang na lang si Juancho.

ESTABLISHMENT OF DAY

21 INT BALAY NI JUANING DAY

Naghahanda na si Indio.
Papakintabin niya muli ang kanyang trumpo.
Lalapit si Mayang.

MAYANG
Ubo, hindi ka ba muna kakain ng almusal?

INDIO
Kailangan kong mauna sa aming tagpuan, Mayang.

MAYANG
Naiintindihan ko. Mag-iingat ka.

INDIO
Salamat. Ako’y lalakad na.
Ipagdasal mo na maging maayos ang pagkikita naming pamilya.

Tatango si Mayang.
Magyayakap ang magkapatid, at aalis na si Indio.

22 EXT BAHAY KUBO / MAYNILAD DAY

Kumakatok si Elena at Remedios sa labas ng pinto.


Pagbubuksan sila ng isang matandang Kastila—50’s, payat, halos kalbo na, madumi
ang itsura, may cane ito kasi pipilay-pilay ang isang paa.

REMEDIOS
Buenos dias, Senyor Paquito!
Nagdala ako ng makakain ninyo mula sa merkado.

May ibibigay na pagkain si Remedios.

SENYOR PAQUITO
Buenos dias, Remedios! Muchas gracias!
Entra! Vamos a comer! ( Pumasok kayo! Kumain tayo!)

Mauunang pumasok ang Espanyol.


Bago pumasok si Remedios ay hahawakan siya ni Elena.

ELENA
Nay Remedios, sino ho ba siya?

REMEDIOS
Si Senyor Paquito Alejo, ang tanging Kastila na kaibigan ko.
Dating soldado na napilay pero di na nagbalik sa Espanya.
Wala pa siyang asawa’t mabait siyang tao! Matitipuhan ka niya.

Aalma si Elena.

ELENA
Ano ho? Ngunit napaka-tanda na ho niya para sa akin!

REMEDIOS
Hija, walang Kastila na ka-edad mo ang magpapakasal at magbibigay
ng
pangalan sa isang indio lalo’t mababa tingin nila sa atin. Ngunit iba si
Senyor Paquito...matagal na siyang naghahanap ng esposa ngunit wala
nang magkakagusto sa kanya. Hindi ka niya ipagtatabuyan bagkus ay
iisipin pa niyang hulog ka ng langit lalo pa’t may ganda ka.

Hindi maka-imik si Elena.

REMEDIOS
Pag nakasal kayo ni Senyor Paquito, maari mo siyang bihisan ng
magarbo upang
mapalabas mo na dahil sa iyong esposo kaya ka umangat sa buhay!
At alam kong hindi tatanggi si Paquito...batid kong siya lamang ang
kastilang magaamit mo.

Mapapa-isip na si Elena.
Hindi ito makaimik.

23 INT CASA NI JUANCHO DAY

Kagigising pa lang ni Juancho at pupunta sa dining table.


Patapos na kumain ng agahan si Esperanza at Antonio.

ESPERANZA
Buenos dias, Papa! Maaga kaming nag-almusal ni Antonio pagkat nais
niyang mamasyal sa may parang. Paumanhin kung iiwan ka namin
mag-isa sa hapag.

JUANCHO
Si, samahan mo ang iyong anak sa pamamamasyal.
Maganda sa katawan ng bata ang masikatan ng araw sa umaga.

ESPERANZA
Gracias, Papa.

Hahalik pa si Antonio kay Juancho.

ANTONIO
Hasta luego, Papa Juancho!

Aalis ang mag-ina. Ihahatid ni Juancho ng tingin si Esperanza at Antonio.


Dadating si Mariano at si Hernando.

HERNANDO
Buenos dias Senyor Juancho!
Tila napaka-aga ng ating pagpupulong.
JUANCHO
Pagkat maaga din ang ating trabaho!
Kalalabas lang ni Esperanza kasama si Antonio—susundan natin ang
dalawang iyon kung saan man sila magpunta.

================================ GAP 4
==============================

23 EXT ILOG DAY

Naghihintay si Indio sa may ilog.


May maririnig siya.

BATA (OS)
Baba!

Agad siyang mapapalingon pero ibang bata pala iyon na may kasamang ama.
Naglalakad ang dalawa mag-ama patawid sa ilog.
Lalayo si Indio sa spot na iyon, tutungo para di siya makita.
Nang may tumawag sa kanya mula pa sa malayo.

ESPERANZA (OS)
Simeon?!

Aangat ang mukha ni Indio, makikita niya si Esperanza at si Antonio na parating sa di


kalyuan.

ESPERANZA
Simeon! Nandito na kami ng anak mo!

Tuwang-tuwa si Indio.

24 EXT PUNO NG DAKIT DAY

Nagbalik si Bahandi sa may puno ng dakit. May dala siyang pagkain.

BAHANDI
Mahal na diwatang Magayon?
Kung naririnig mo ako, may dala akong alay sa ‘yo.

Ilalapag iyon ni Bahandi sa isang bato.

BAHANDI
Nais kong humingi ng tawad sa ginawa kong kalapastangan kahapon.
Hindi ko sinadyang hagkan ka, mahal na diwata.
Batid kong mali iyon pagkat ika’y babaye pa rin na dapat
iginagalang…
ngunit di ko napigilan dahil tila ako’y inakit ng iyong mga labi… ng
iyong karikitan.
Nandoon lang pala sa paligid si Magayon.
Napapa-taas ang kanyang kilay, banas.

BAHANDI
Muli ay paumanhin, kung maari lang na magpakita ka muli sa ‘kin,
Magayon?
Nais ko lamang makipagkaibigan…

Lalapit si Magayon kay Bahandi pero di pa siya nakikita ni Bahandi.


Makakaramdam ng pangingilabot si Bahandi dahil malapit sa kanya ang diwata.

BAHANDI
Nasa paligid ka ba?

Iikot si Bahandi upang tumingin sa paligid.


Nang tumalikod siya kay Magayon ay doon mag-tratransform into a bird ang diwata.
Listong haharap si Bahandi pero naka-lipad na si Magayon palayo.

25 CONTINUATION.

Makikita ni Indio si Antonio, halos maluha siya sa tuwa.

INDIO
Anak!

Dahan-dahang lalapit si Indio sa kanyang anak, pati si Antonio.


Pero hindi pa sila nakakalapit ay magdadatingan ang mga kabayo ni Juancho,
Mariano at Hernando. Papagitna sila kina Indio at sa kanyang mag-ina.
Magugulat sina Esperanza at INDIO.

ITUTULOY...

WEEK 13 DAY 4

1 CONTINUATION.

Hindi pa nakakalapit si INDIO sa kanyang mag ina pero nariyan na ang mga kabayo
nina Juancho, Hernando at Mariano na agad papagitna sa mga ito.
Masama ang tinginan ni Indio at Juancho.
Agad i-scoop ni Mariano si Antonio at iaangkas sa kanyang kabayo.
Magpupumiglas ang bata.

ANTONIO
Papa Mariano! Bitiwan ninyo ako!
(to Indio) Baba! Baba!

Agad na kikilos si Indio para kunin ang anak.


Listo namang pagbabarilin ni Hernando si Indio.
Babagsak si Indio.
Mapapasigaw si Esperanza, in slow mo, sabay takbo.

ESPERANZA
Simeon!!!

2 EXT IND. SPACE DAY

Magkasama si Burigadang Pada at si Makabosog.

BURIGADANG PADA
Nailahad ko sa pinuno ng mga dayo ang hakbangin ng nag-iisa naming
kaaway. Tiwala ako na sa sandaling ito ay may isinasagawa na siya
upang masupil si Malaya.

MAKABOSOG
Ngunit nakati-tiyak ka bang siya’y magtatagumpay?
Isang paalala, si Malaya ay hindi na pangkaraniwang tao dulot ng
kanyang anting-anting.

Mapapa-isip si Burigadang Pada.

3 CONTINUATION.

Agad na susugod si Esperanza kay Indio pero pipigilan siya ni Juancho.


Makikitang gagalaw si Indio at unti-unting tatayo.
Babagsak sa paanan niya ang mga bala.
Gulat silang lahat except for Juancho na naka-tiim bagang.

JUANCHO
Totoo nga na may anting-anting ka!
(to Mariano in Spanish) Umalis na kayo! Madali!

Nang humarap si Juancho kay Indio ay pasugod na ang lalake sa kanya.


Masasapak ni Indio si Juancho un-guarded kaya mapapa-atras siya.
Matitigilan sina Mariano.
At doon na sila muling magkakasalpukan, susugod na sa isa’t isa.
Pero gaganti ng suntok si Juancho kay Indio kaya tatalsik ito.
Tatakbo si Juancho sa kung saaan bumagsak si Indio para sapakin pa.
Gulat si Antonio na tumalsik ang kanyang ama.

ANTONIO
Baba!!
Hahawakan ni Mariano ng mahigpit ang bata.

MARIANO
Tumigil ka, Antonio!
Mamatay na ang iyong ama!

ANTONIO
Hindiiii!!!

At sa galit ni Antonio ay maitutulak niya ng malakas si Mariano.


Tatalsik si Mariano kaya tatakbo na si Antonio papunta kay Indio.
Hawak ni Hernando si Esperanza na pumiglas din para sundan ang bata.

4 EXT BALAY NI JUANING DAY

Di mapakali si Mayang na naghihintay sa labas.


Nandoon din si Tuhay.

MAYANG
Bakit tila napakatagal magbalik ni Ubo Malaya?
Nag-aalala ako na baka may mangyaring masama sa pagtatagpo nilang
pamilya? Baka nahuli sila ng mga tauhan ni Senyor Juancho?

TUHAY
Ipanatag mo ang iyong sarili, Mayang.
Handa ang iyong kapatid sakaling may mangyaring di niya inaasahan.

MAYANG
Paano mo nasabi iyan? Wala siyang kalaban laban kay Senyor
Juancho!

TUHAY
Batid ko pagkat wala sa loob ng iyong balay ang aking sumpit.
May kumuha sa aking taguan ng tanging sandata na makakagapi sa
kapangyarihan ni Senyor Juancho.

MAYANG
Ang ibig mong sabihin… kinuha iyon ni Ubo Malaya?

Mapapangiti si Tuhay at tatango.

TUHAY
Nawa’y magamit niya iyon sa sandaling kailanganin niya.

5 CONTINUATION.

Naka-bagsak si Indio, ilalabas mula sa buslo/bulsa niya ang sumpit ni Tuhay.


Galit na papalapit na si Juancho sa kanya.

JUANCHO
Tumayo ka’t lumaban!

Dadating na si Antonio na kasunod halos si Esperanza.


Hahawak si Antonio sa kamay ni Juancho.

ANTONIO
Papa Juancho, huwag niyo siya saktan!

JUANCHO
Esperanza! Iuwi mo ang bata!

ESPERANZA
Papa! Por favor, tigilan niyo na ito.
Ama siya ng iyong kaisa-isang apo! Maawa kayo!

Haharap naman si Indio at susumpitin niya si Juancho.


Tatamaan si Juancho, tatanggalin niya agad ito kung saan tumama.
Galit na lalapitan ni Juancho si Indio pero bago pa siya maka-strike ng suntok ay iikot
na ang paningin niya. Manghihina na si Juancho

========================== GAP 1 =============================

6 CONTINUATION.

Naa-out of balance si Juancho sa kinatatayuan niya.


Nararamdaman na niya ang epekto ng pagkakasumpit, babagsak siya.
Lalapitan ni Esperanza ang nakabagsak na katawan ni Juancho.
Magkakatinginan si Antonio at si Indio.

INDIO
Anak!

Tatakbo si Antonio kay Indio at magyayakap ang mag-ama.


Makikita iyon ni Mariano.

MARIANO
Ibalik mo ang bata!

Babarilin ni Mariano si Indio sa likod pero hindi ito matatamaan.


Makikipag-agawan ng baril si Esperanza kay Mariano.
Pero pipiglas si Mariano kay Esperanza.
Indio takes this chance na buhatin si Antonio at itakbo siya palayo.
Nang makita ni Mariano na tumatakbo na si Indio ay---

MARIANO
Punyeta!
Mariano aims at Indio na tumatakbo palayo.

ESPERANZA
Ang anak ko Mariano! Baka matamaan mo si Antonio!

Babaril pa rin si Mariano pero hindi niya pa rin matatamaan si Indio.

MARIANO
(to Hernando) Senyor, tumatakas si Simeon kasama ang bata!

Sasakay ng kabayo ang dalawa.


Hahabulin ni Hernando at Mariano si Simeon.

7 EXT KUTA NG MGA INSURRECTOS SAME DAY

Naka-abang si Bagani sa isang daan, lalapitan ito ni Liway.

LIWAY
Ubo, huwag mong sabihing inaantabayanan mo na naman
ang diwatang iyong nakita?
Iyon ba ang dahilan kaya ka nandito?

BAGANI
Hindi, Liway..ang iyong ubo Malaya ang inaabangan ko.
Napapadalas ang pag-alis niya sa ating kuta...nag-aalala lamang ako
para sa kanya lalo’t siya ang tinitingalang pinuno ng lahat.
Anumang mangyaring masama sa kanya ay tiyak na makakapagpahina
iyon sa loob ng lahat.

LIWAY
May tiwala akong hindi mapapahamak ang ating pinuno, Ubo.

BAGANI
Sana nga ay tama ka, Liway.
Ngunit kinakabahan pa rin ako sa kanya.
Pakiramamdam ko ay tila nasa kapahamakan si Malaya.

WK 13- DAY 4- SEQ 8 EXT GUBAT DAY

Tumatakbo pa rin si Indio buhat si Antonio.


Humahabol si Mariano at si Hernando sakay ng mga kabayo.
Kahit anong bilis ang gawing pagtakbo ni Malaya ay mapapalibutan ng dalawa si
Indio. Saanman sumuling si INDIO ay haharang sina Marano at Hernando.

HERNANDO
Isuko mo ang anak ni Esperanza, Simeon!
Mapapahamak lang siya sa ginagawa mo!

Matitigilan si Indio.
Pero hindi niya bibitiwan si Antonio.
Agad kukunin ni Mariano ang latigo at hahatawin si INDIO pero agd iyong kakapitan
ng lalaki sabay hihilahin kaya babagsak si Mariano.

Nang ito ay bumagsak saka tatakbo na uli si INDIO para itakas ang kalong na anak.
Patuloy itong hahabulin ni Hernando sakay pa rin ng kabayo.
Agad ding sasakay si Mariano sa kabayo at hahabol din.

Sa di kalayuan ay naka-tingin si Barangaw.


Gagawa siya ng energy ball na pagmumulan ng iba’t ibang kulay na parang sa
rainbow.

Makikitang tila maaabutang muli nina Mariano at Hernando si INDIO.


Hawak muli ni Mariano ang latigo at iwinawasiwas ito at ihahagupit.
Matatamaan si INDIO sa likod kaya babagsak siya kasama si Antonio.

ANTONIO
Baba!!

Agad bababa sina Hernando at Mariano sa kabayo para lumapit kina INDIO at
ANTONIO pero ihahagis na ni Barangaw ang energy ball.

9 TABI NG ILOG/ CONTINUATION.

Kumukuha si Esperanza ng tubig mula sa ilog.


Agad niyang babasain ang mukha ng ama para gumising.

ESPERANZA
Papa? Papa?

Mag-aapear sa paligid si Burigadang Pada at si Makabosog.


Di sila nakikita ni Esperanza.

BURIGADANG PADA
Nasaan si Malaya? Bakit wala siya dito?
Hindi ko naiintindihan!
Dito ang tagpuan nila ng babaeng iyan at ng anak niya!

Mapapatingin si Makabosog kay Juancho.


Makikitang tinatanggal ni Esperaza ng arrow sa katawan nito o kaya ay
pinagmamasdan iyon (kung tinanggal iyon ni Juancho sa nagdaang scene).

MAKABOSOG
Isang lason ang tumudla sa pinuno ng mga dayo.

Mapapangise si Makabosog.

MAKABOSOG
Tila kakaiba ang pagtatagpong naganap dito!
Pakiwari ko’y naisahan ni Malaya ang mga dayo!

Mapapatiim bagang si Burigadang Pada.

WK 13- DAY 4- SEQ 10 GUBAT/ CONTINUATION.

Maihahagis na ni BARANGAW ang energy ball.


Tatalsik sina Mariano at Hernando kaya hindi na sila makakalapit.
Papaloob naman si Indio at Antonio sa energy ball.
Para silang nasa loob ng lobo na aangat.
Mapapatingala sina Mariano at Hernando, matitigilan ang huli.

HERNANDO
Dios mio! Anong kababalaghan ito!

Kukuha ng pistola si Mariano at pagbabarilin ang energy ball.


Mapapa-cover pa si Indio sa anak pero kitang hindi pumapasok ang bala.
Sa galit ni Mariano ay itatapon niya ang baril sa energy ball na unti-unti nang
lumalayo.

MARIANO
Hindi ito maari!!

Kukunin ni Mariano ang baril ni Hernando at magbabaril pa.


Maglalakbay na ang lobo pero hahabulin pa rin ni Mariano, babatuhin ng bato after
maubusan ng bala.

Malayo na ang energy ball kay Mariano.


Kaya sa galit ay gigil na paghahampasin ni Mariano ang pistol niya sa puno,
magsisigaw siya.

MARIANO
(in Spanish to the pistol) Walang kwenta!
I curse you, Simeon!

Makikitang naka-tingin na lang si Barangaw kay Mariano.


Natatawa ang diwata dahil parang batang nagmamaktol si Mariano.

========================== GAP 2 =============================


11 EXT TABING ILONG DAY

Dumating na si Mariano at Hernando by horse sa kinaroroonan ni Juancho at


Esperanza. Sasalubong si Esperanza kay Mariano.
Dederecho si Hernando kay Juancho..

ESPERANZA
Nasaan si Simeon? Ang anak ko?!

MARIANO
Wala kaming nagawa upang pigilan si Simeon!

HERNANDO
Nakatakas siya’t nai-tangay si Antonio!
Tinulungan sila ng mga kampon ng diablo para makalayo!
(to Mariano) Mariano, tulungan mo akong buhatin si Senyor Juancho!
Kailangan niya agad ng lunas!

Mapapanatag si Esperanza, lihim na mapapangiti.


Mariano helps Hernando na buhatin si Juancho.

ESPERANZA (under her breath)


Tinulungan sila ng mga diwata...
Salamat... maraming salamat.

Natitigilan naman si Burigadang Pada matapos marinig ang mga iyon.


Hindi pa rin siya nakikita ng mga tao.

12 EXT KABUNDUKAN/ ILAYA DAY

Makakarating na sa lupa ang energy ball, magpo-pop ito.


Lalabas mula doon si Indio at Antonio.
Tuwang tuwa si Antonio.

ANTONIO
Ang galing! Ngayon lang ako naka-paglakbay sa loob ng isang
malaking lobo! Paano nangyari iyon, Baba?!

INDIO
Hindi ko rin alam, Antonio.
Magpasalamat na lamang tayo pagkat iyon ang naging daaan natin
upang matakasan sila!

ANTONIO
Nasaan na po tayo?

INDIO
Narito tayo sa ilaya o kabundukan. Dito ako naninirahan.

ANTONIO
Dito po kayo nakatira? Sa mga puno at halaman?

Matatawa si Indio.

INDIO
Hindi. Malapit dito ang aking tirahan, Antonio.
Halika dadalhin kita doon.
ANTONIO
Bago ako pumunta sa iyong tirahan ay nais kong magpakilala.
Ako po si Antonio San Real, ako po ang inyong anak.

INDIO
At ako naman si Simeon, ako ang iyong baba.

They shake hands. At mapapayakap si Antonio kay Indio.

ANTONIO
Matagal ko na kayong gusto makilala aking baba!

Hihigpit ang yakap ni Indio kay Antonio, halos maluha.

INDIO
Ako rin, anak.

Indio looks at his child with fatherly love.

13 INT DIWATA’S LAIR DAY

Makikita sa water screen na masayang yayakapin ulit ni Indio si Antonio.


Mapapangiti si Magayon at ang mga diwata.

MAGAYON
Hindi ko pa man batid ang maging magulang ngunit nababakas ko ang
kaligayahan ni Malaya sa yakap ng kanyang supling.

LALAHON
Masaya din ako para sa kanila, Magayon.

LIHANGIN
Ang ligayang ito ang magdadala kay Malaya upang higit na tuparin
ang kanyang bugna.

14 EXT KUTA NG MGA INSURECTOS DAY

Naglalakad na sa bukana ng kuta ang mag-ama.


Bago sila pumasok ay luluhod si Indio to meet Antonio’s eye level.
Aayusin niya ang buhok ng bata.

INDIO
Marami akong kasama sa aking tirahan, Antonio.
Ipapakilala kita sa kanila at higit silang matutuwa na makilala ka.
Magmula ngayon, dito ka titira kasama ang mga mangahublag.

ANTONIO
Paano po ang aking Mama?

INDIO
Batid kong hindi ka sanay na wala si Esperanza.
Ngunit huwag kang mag-alala sasagipin ko rin ang iyong Mama.

ANTONIO
Para po magkasama-sama na tayo, baba?

INDIO
Pangako, anak.
Gagawin ko iyon upang mabuo tayong pamilya…

Muli silang magyayakap.

15 INT KWARTO/ CASA NI JUANHCO DAY

Lumabas si Victoria sa kwarto ni Juancho.


Kasama niya ang isang serbidora na may dalang napigang mga calamansi.
Naghihintay sa labas ng pinto si Hernando at Mariano.

MARIANO
Kumusta ang senyor? Malubha ba siya?

VICTORIA
Huwag kang mag-alala, Mariano, gagaling din siya pagkat hindi ito
ang unang beses na natudlaan si Juancho ng lason!
Nilapatan na siya ng gamot laban dito.

Magpapaypay ng mabilis si Victoria, aburido.

HERNANDO
Hindi namin inakala na nag-handa si Simeon laban kay Juancho!
Maaring napag-alaman niya na dadating kami.

VICTORIA
Santisima, hindi kasi nag-iingat si Juancho!
Hindi mangyayari ito kundi dahil kay---

Dadating si Esperanza.

ESPERANZA
Tiya, gumising na ba si Papa?

Agad siyang pagpapaluin ni Victoria ng pamaypay niya sa mukha.


Haharangin ni Esperanza ng kamay niya kaya ang mga kamay ang magkakasaugat.

VICTORIA
Nagtatanong ka pang bruja ka!
Ikaw ang dahilan kung bakit nalagay sa kapahamakan ang aking
esposo! Sakit ka talaga sa ulo!!

Pagsasabunutan ni Victoria si Esperanza hanggang sa bumalandra na lang siya.


This time, hindi na pipigil si Mariano kay Victoria.

VICTORIA
Huwag kang iiyak iyak diyan dahil malaki ang kasalanan mo!
Dapat ka ngang maparusahan sa ginawa mo!!

Aalis si Victoria. Si Hernando ang tutulong kay Esperanza na maka-tayo.


Titignan na lang siya ni Mariano.
Napapatiim-bagang ang lalaki.

========================== GAP 3 =============================

16 INT BALAY NI REMEDIOS LATER THAT DAY

Makikitang naglilinis ng paligid si Diego.


Dadating si Alicia na may dalang gulay.

ALICIA
Diego, bakit ikaw ang naglilinis diyan?
Ako na ang bahala sa gawaing iyan, ikuha mo na lamang ako ng
panggatong.

DIEGO
Naihanda ko na ho sa kusina.
Sinunod ko na ho ang maglinis, baka ho dumating ng biglaan sina
Elena at Nay Remedios.

Matutuwa si Alicia.

ALICIA
Talagang di ka na makapaghintay na makita si Elena?

Mapapangiti na lang si Diego.

DIEGO
Nais ko lamang ho maging maaliwalas ang dadatnan niya.
Tiyak ho na pagod na uuwi sina Elena ngayon lalo pa’t hindi sila naka-
uwi ng buong magdamag.

ALICIA
Humahanga ako sa ipinapakita mong pagmamalasakit sa aking anak,
Diego. Nawa ay gantihan niya rin ng pagmamahal ang pagmamahal
mo sa kanya.

DIEGO
Iyan din po ang aking dasal, inay Alicia.
Sana nga po.

Masaya ang ngiti ni Diego.

17 INT ISANG KAPILYA / MAYNILAD SAME DAY

Naghihntay si Elena, Remedios at ang matandang kastila.


Lalabas ang pari.

MATANDANG KASTILA
(in spanish) Magandang araw sa inyo, Frayle.

PARI
(in spanish) Magandang araw din sa inyo.
Ano ang kailangan ninyo?

Mapapatinin angmatandang kastila kina Remedios at Elena.

REMEDIOS
Padre, nandito po kami upang manghingi ng inyong basbas at
pagsang-ayon pagkat nais na hong magpakasal ng aking Senyor at
ng babaing ito na kanyang nais mapangasawa, si Elena.

Mapapatingin ang pari kina Elena at sa matandang kastila na nakangise at agad na


aakbay kay Elena. Ngingiti din ng pilit si Elena sa pari.

18 EXT KUTA NG INSURECTO DAY

Kasama na ni Indio si Antonio sa kuta.


Makikita siya ni Cosme at ng iba pa, magtataka sila.

COSME
Sino ang batang iyan, Simeon?
Bakit mo siya isinama dito?

INDIO
Itay Cosme, mga kasama..ibig ko hong ipakilala sa inyo
si Antonio...siya ang anak namin ni Esperanza.

COSME
Anak? May anak kayo ng anak ni Senyor Juancho na
ganyan na agad kalaki?

INDIO
Alam ko pong nagtataka kayo at ipapaliwanag ko sa inyo
ang lahat ..kung bakit biglang malaki na agad ang aking anak..
sa sandaling makapagpahinga na siya.
Lalapit si Bahandi kay Antonio.

BAHANDI
Maligayang pagdating, Antonio.
Natutuwa ako’t nadagdagan na muli ng isang paslit ang mga
mangahublag!

Dadating si Liway.

LIWAY
Antonio! Dito ka na titira?!

ANTONIO
Oo! Nandito ka rin pala! (to Indio) May kaibigan pala ako dito, baba!

INDIO
Oo, Antonio, silang lahat ay magiging kaibigan mo na rin.

PEDRO
Tama, ijo, kaya natutuwa din kaming makilala ka.

Makikipgkamay dito si Pedro, ganun din ang iba pang hublag.


Mapapangiti si Indio habang pinagmamasdan niya si Antonio.

19 INT KWARTO/CASA NI JUANCHO DAY

Ginagamot ni Uray Sela ang sugat sa kamay ni Esperanza.


Tahimik si Esperanza.

URAY SELA
Senyorita, huwag niyo nang indahin kung kinagalitan kang muli ng
iyong Tiya Victoria. Kilala niyo naman ang iyong madrasta...

ESPERANZA
Manhid na ‘ko sa pagpapasakit sa ‘kin ni Tiya Victoria.
Si Antonio ang iniisip ko. Ngayon lamang ako nalayo sa kanya.
Ngayon ko lang hindi mahahalikan ang aking unico hijo bago matulog.

URAY SELA
Tiyak akong nasa mabuting kamay siya, Senyorita.

ESPERANZA
Iyon na lang ang iniisip ko, Uray Sela.
Napapalitan ng saya ang aking pangungulila pagkat batid kong
kapiling na ni Antonio ang kanyang tunay na ama.
Panatag ako pagkat tiyak akong higit na ligtas siya doon kaysa dito sa
casa.
20 MONTAGE

A. Ipinapasyal ni Indio si Antonio sa kuta.


B. Tinuruan niya kung paano mag-ihaw ng isda.
C. Sinusubuan niya ito ng pagkain.
D. Pinupunasan niya ang mukha at braso.
E. Pinagmamasdan niya ang bata habang nakikipag-laro ito ng stick sword kay
Liway

21 INT KUBO/ KUTA NG INSURRECTO THAT NIGHT

Hinahanda na ni Indio si Antonio sa kanyang tulugan.

INDIO
Pag-tyagaan mo na lamang ang tulugan na ito, anak.
Patawad kung hindi ito kasing lambot ng iyong higaan doon sa pueblo.

ANTONIO
Baba, mahimbing po akong matutulog pagkat alam kong kasama na
kita. Sana’y maihimbing din ang tulog ni Mama at sana’y mabuti na
ang kalagayan ng aking Papa Juancho.

INDIO
Ang iyong Papa Juancho, naging mabuti ba siya sa iyo?

ANTONIO
Opo, baba. Mabait siyang abuelo sa akin.
Mag-aalala iyon na wala ako, tiyak na hahanapin niya ako at kukunin
sa ‘yo.

INDIO
Hindi ko hahayaang makuha ka niya sa ‘kin, anak.
Kahit pa mawalay tayo sa isa’t isa, mananatiling kasama mo ako.

ANTONIO
Papaano po iyon, baba?

Saka kukunin ni Indio ang turumpong pinakinis niya.


I-aabot niya ito kay Antonio. Matutuwa ang bata.

INDIO
Paka-ingatan mo ang turumpong iyan pagkat pinagkaloob sa akin ‘to
ng aking baba. At ngayon na nandito ka, anak, ipapamana ko na ito sa
‘yo. Ang laruan na ito ang mag-uugnay sa ‘ting dalawa.
Dahil habang hawak mo ito, hawak mo rin ako, Antonio.
Palagi tayong magkasama kahit pa mawalay ka sa ‘kin.

ANTONIO
Salamat po, baba!
Iingatan ko ito pagkat mahal na mahal ko kayo!

INDIO
Higit ang pagmamahal ko sa ‘yo anak.

Magyayakap ang dalawa.


Sa di kalayuan ay pinagmamasdan sila ni Burigadang Pada.

========================== GAP 4 =============================

22 INT BAHAY NI REMEDIOS NIGHT

Nakaupo sina Diego at Alicia sa dulang na nahahatagan ng pagkain.

ALICIA
Malamig na ang iyong inihandang pagkain, Diego.
Tila hindi pa yata ngayon uuwi sina Remedios at Elena.
Ang mabuti pa ay mauna na tayong kumain pagkat baka
malipasan tayo.

DIEGO
Maghintay na lang ho tayo ng kahit saglit pa, inay Alicia.
Tiyak kong pauwi na ho sina Elena kaya---

REMEDIOS OS
Alicia? Buksan ninyo ang pinto.
Narito na kami!

DIEGO
Nakita na ho ninyo?
Narito na sina Elena!

Masayang bubuksan ni Diego ang pinto.


Papasok sina Elena, Remedios at ang matandang kastila.

ELENA
Magandang gabi ho, inay.

Hahalik si Elena sa ina.

ALICIA
Bakit ngayon lang kayo umuwi, Elena?
At sino iyang kasama ninyo?

Mapapatingin si Elena kina Remedios at sa matandang kastila.

ELENA
Inay, Diego...ibig ko hong malaman ninyo na ako ay
nagpakasal na at siya ho ..siya ho ang aking napangasawa..
ang aking bana.

Gulat si Alicia at Diego.


Hindi sila makaimik pareho.

23 INT CASA NI JUANCHO NIGHT

Naghihintay si Juancho sa kanyang study.


Victoria is reluctantly pouring wine sa goblet ni Juancho.

VICTORIA
Juancho, kagagaling mo lamang sa malubhang karamdaman!
Hindi ata tamang umiinom ka na ng alak!

JUANCHO
Victoria, hindi lason ang alak para sa akin. Si Simeon!
Siya ang lason sa buhay ko! Unti-unti na ring nagiging lason ang
pangyayamot mo sa’kin! Maari bang iwan mo na ‘ko mag-isa?

Aalis na si Victoria, makakasalubong niyang dumating si Esperanza.


Iirapan niya ang babae. Kasunod ni Esperanza si Mariano.
Lalapit si Esperanza sa kanyang Papa.

ESPERANZA
(kabado) Papa? Mabuti’t maayos na ang inyong lagay.
Pa—paumanhin sa ‘king nagawa...

Tatayo si Juancho, lalagok ng alak saka bigla niyang sasampalin si Esperanza.


Agad na magdudugo ang bibig ni Esperanza at iiyak ng tahimik.

JUANCHO
Naipahatid ko ba ng malinaw sa’yo Esperanza na hindi ko naibigan
ang iyong ginawang kahangalan?

Tatango habang nanginginig sa takot si Esperanza.

ESPERANZA
Si, Papa.

JUANCHO
Nais ko ring malaman mo na hindi ako titigil hangga’t di ko nakukuha
ang aking apong si Antonio! At hindi rin ako titigil hangga’t hindi ko
napapaslang ang walanghiyang ama ng anak mo!
Itaga mo sa bato, hija, papatayin ko si Simeon!

Hindi na iimik si Esperanza.


24 INT/EXT KUBO/ KUTA NG INSURRECTO NIGHT

Hinahaplos ni Indio ang natutulog nang si Antonio.

INDIO
Patnubayan ka nawa ng mga diwata sa iyong panaginip, anak.
Tatabihan kita maya-maya.

Saka hahalikan niya ang bata.


Lalabas na siya ng kubo.
Madadaanan ni Indio si Burigadang Pada pero hindi niya nakikita ito.
Mapapangise si Burigadang Pada, she walks through inside the kubo magically.
Makikitang niyang tulog si Antonio.
Kitang masama ang tingin ng diwata kay Antonio.

ITUTULOY

REVISED.
WEEK 13 DAY 5

1 CONTINUATION.

Hahaplusin ni Burigandang Pada ang mukha ni Antonio.


Saka magpapakita si Barangaw.

BARANGAW
Itigil mo kung ano man ang iyong binabalak!
Huwag mong idamay ang paslit sa pagkakasala ng kanyang ama sa
iyo!

Matitigilan si Burigadang Pada.

BURIGADANG PADA
Nagkakamali ka ng hinuha, Barangaw.
Pinagmamasdan ko lamang ang supling ni Malaya…

BARANGAW
Lubayan mo siya’t huwag nang lumapit pa!

BURIGADANG PADA
Paumanhin kung ako’y naka-gambala…

Tatalikod si Burigadang Pada kay Barangaw pero mapapangise ito.


Iihip siya ng itim na hangin sa kanyang kamay at biglang niyang ica-cast ito kay
Barangaw.
Gulat si Barangaw sa ginawa ni Burigadang Pada.

2 MAYNILAD/CONTINUATION.
Gulat si Diego sa sinabi ni Elena.
Parang maiiyak na siya, umiiwas ng tingin.

ALICIA
Nag-asawa ka na?
Bakit biglaan?
At saka paano mo siya nakilala?
Bakit sa kanya ka nagpakasal?

ELENA
Inay, saka ko na lang ho ipapaliwanag ang lahat.
Ang mahalaga sa ngayon ay batid ninyo na ang naging pasya ko.

DIEGO
Paumanhin, inay Alicia, pero lalabas na ho muna ako.

ELENA
Sandali, Diego, bakit lalabas ka?
Hindi mo man lang ba ako babatiin?

Mapapatitig si Diego kay Elena, puno ng pain ang mga mata.

DIEGO
Binabati kita, Elena...
Nawa ay maging masaya ka sa iyong pasya.
Binabati ko kayo ng iyong bana.

Saka dali-daling lalabas ng balay si Diego.


Susundan siya ng tingin ni Alicia, taka ding nakatingin si Elena.

3 EXT CASA NI REMEDIOS NIGHT

Nagmamadaling lumabas si Diego, hinahabol ang hininga.


Di niya alam kung saan ba siya pupunta, maglalakad siya habang naiiyak.
Saka mapapa-upo na lang sa pavement at doon na iiyak ng iiyak sa lilim ng gabi.

4 EXT PLAZA NIGHT

Naka-pulong ang mga kastilang soldado kasama si Hernando.


Nandoon si Tuhay at Mayang sa gilid na discreetly nag-uusap.

TUHAY
Naitakbo daw ni Simeon ang apo ni Senyor Juancho kanina sa may
ilog.

MAYANG
Totoo? Nakatakas sila?
Tatango si Tuhay. Mapapangiti si Mayang.
Matatahimik ang dalawa nang dumating si Juancho kasunod si Mariano.

JUANCHO
Buenas noches mga soldados! Marahil ay napag-alaman na ninyong
lahat ang kaganapan sa pagitan namin at ni Simeon kaninang umaga.
Iyon ang dahilan ng pagpupulong na ito--- nais kong maghanda kayo
sa paglusob natin ngayong gabi sa mga insurrectos!

HERNANDO
Perdone Senyor, ngunit bumuti na ba ang inyong pakiramdam upang
makipag-laban muli?
JUANCHO
Bumalik na ang aking lakas, Hernando. Kaya wala tayong aaksayahing
panahon!
Kailangan nating mabawi si Antonio’t turuan ng leccion ang aking
hangal na Indio!

Magkakatinginan sina Mayang at Tuhay.

5 EXT KUTA NG MGA INSURRECTOS SAME NIGHT

Kaharap din ni Indio ang mga mangahublag.

INDIO
Kailangan nating magmatyag sa paligid ng ating tanggulan.
Pakiramdam ko’y maaring sumugod ang mga dayo dito sa ilaya.
Tiyak akong gumagawa na sila ng hakbangin upang mabawi si
Antonio.

COSME
Ito na ang aming ikinaba-bahala kanina pa, Simeon.
Naiintindihan kita bilang ama, ngunit nang dinala mo rito ang bata ay
kasama nito ang alalahanin sa ‘ting mga kasama. Maaring maging
mitsa ang iyong anak ng kaguluhan ano mang sandali at hindi tayo
handa.

INDIO
Paumanhin kung di naka-dulot ng buti ang pagdatal ni Antonio dito,
ngunit hindi ko na siya maaring isuko. Ngayon pa na nakasama ko na
siya.

LALAKE 1
Naunawaan namin, Simeon.

INDIO
Salamat. Kung kaya’t sundin niyo na lamang ang aking panuto.
(to other men) Nais kong magmanman kayo higit ngayon.
Makiramdam kayong mabuti sa paligid.

Tatango ang mga kasama niya.

6 KUBO/CONTINUATION.

Pumasok sa tenga ni Barangaw ang itim na hangin mula kay Burigadang Pada.

BARANGAW
Anong ginawa mo…?!

He shakes his head off para mawala iyon pero too late na.
Tila magzo-zone out na si Barangaw. Matatawa si Burigadang Pada.

BURIGADANG PADA
Barangaw, sa isang kumpas ay hawak ko na ang iyong pag-iisip!
Kaya’t gagawin mo ang lahat ng aking i-utos.
Nagkakaintindihan ba tayo?

Tatango si Barangaw.

BARANGAW
Ano ang iyong utos, mahal na diwata?

Mapapangise si Burigadang Pada.


Hahaplusin niya ang mukha ni Barangaw.

BURIGADANG PADA
Nais kong salubungin mo si Malaya..
at ibig kong kalabanin mo siya hanggang sa mapaslang mo siya.

Saka tatawa si Burigadang Pada.

7 EXT KUBO/KUTA NG INSURRECTOS NIGHT

Katatapos lang kausapin ni Indio ang isang rebelde, maglalakad na siya tungo sa
kubo.
Bago pa maka-akyat si Indio sa kubo ay biglang sasalubong na sa kanya si Barangaw.
May hawak na kampilan si Barangaw at agad nitong itataga iyon kay Indio.
Nagulat man si INDIO ay makakaiwas naman ito.

INDIO
Diwata? Anong nagaganap sa iyo?
Bakit mo ako kinakalaban?!

Pero tila walang naririnig si Barangaw pagkat muli itong aatake.


Mapipilitan na si INDIO na bunutin ang kanyang kampilan at makipaglaban dito.
Pero dahil diwata ang kalaban kaya higit na malakas ito ---kaya masusugatan ni
Barangaw si INDIO. Gulat si INDIO, kabado.
================================== GAP 1
===================================
8 INT KWARTO/CASA NI REMEDIOS NIGHT

Hinila ni Alicia si Elena sa loob ng kwarto.

ALICIA
Halika nga dito’t mag-usap tayo ng masinsinan!
Maari bang ilahad mo sa’kin ng maayos ang mga pangyayaring ito sa
buhay mo?! Bakit ka nagpakasal na wala ang aking pahintulot?! At sa
isa pang Kastilang matanda?! Dios mio, Elena, nais mo bang ikamatay
ko ito ng maaga?!

ELENA
Nay, huminahon kayo. Ginagamit ko lamang ang aking dayuhang bana
upang makabalik tayo ng maayos sa ilawod! Hindi sila maghihinala sa
mataas na estado natin sa buhay pagkat iisipin ng lahat na kaya tayo
yumaman ay dahil nakapang-asawa ako ng Kastila. Iyon lang ang
dahilan ng biglaan kong pagpapakasal!

ALICIA
At paano si Diego? Hindi mo ba naiisip kung ano ang kanyang
mararamdaman?!

ELENA
Paano si Diego? Anong kinalaman niya---

ALICIA
Umiibig sa’yo si Diego, Elena!
Sa tagal ng pagkakakilala mo sa kanya, alam kong nararamdaman mo
na higit pa sa kaibigan ang pinapakita niya sa’yo! Sa ginawa mong ito,
labis na nasaktan mo ang pinakamatalik mong kaibigan—hindi mo ba
iyon inisip ha?

Matitigilan si Elena.

Wk 13- day 5- seq 9 CONTINUATION.

Mapapa-atras si Indio, gulat.

INDIO
Barangaw, anong kasalanan ko upang gawin mo sa ‘kin ‘to?!

BARANGAW
Ilabas mo ang iyong kampilan at lumaban ka sa ‘kin, Malaya!

INDIO
Hindi ako makikipag-tunggali sa ‘yo!
Labanan mo ang iyong sarili dahil tila wala ka sa tamang pag-iisip!

Pero susugod pa rin si Barangaw kay Indio.


Sinasalag lang ni Indio ang mga bira ni Santonilyo kaya nasusugatan pa rin siya.

10 INT KWARTO/CASA NI JUANCHO NIGHT

Pinapasok ni Esperanza si Mayang sa kwarto.

MAYANG
Paumanhin Senyorita, ngunit mahalaga ang aking ulat.
Humayo na ang inyong Papa kasama ang mga fuerzang Kastila.
Patungo sila sa ilaya upang sumugod sa mga insurrectos.

ESPERANZA
Ano?! Dapat mabatid agad ito ni Simeon dahil baka hindi sila handa!

MAYANG
Huwag kayong mag-alala, Senyorita, madali akong makakarating doon
upang bigyan sila ng babala. Hindi pa batid ng iyong Papa kung saan
ang tanggulan ng mga mangahublag kaya mauunahan ko pa sila’t
maabisuhan agad sina Simeon.

ESPERANZA
Batid mo kung saan ang kanilang himpilan?
Kung gayon, sasama ako sa’yo!

Tatango si Mayang. Dahan-dahan lalabas ang dalawa sa kwarto.


Agad namang magtatago si Victoria na kanina pa pala nasa gilid ng pinto’t nakikinig.
Pagmamasdan ni Victoria ang dalawa na paalis.

11 CONTINUATION.

May sugat na si INDIO, alala siya.

INDIO
Hindi tayo magka-away, diwata, kaya ano ang dahilan at
ginagawa mo sa akin ito?

BARANGAW
Wala ka nang puwang!
Dapat kang mapaslang!

Nang magstrike na ulit si Barangaw ay biglang magpapakita si Libulan.


Agad siya mag-eemit ng moon light beam from her hand.
At habang ginagawa niya ito ay nagbibigay it ng mental:
LIBULAN
Liwanag ng buwan na sing bisa ng adlaw.
Liwanag na sa iyo ay nagbibigay ng mga kulay.
Ngunit ngayon, sa iyo ay maglilinis ng kadiliman.

Masisilaw si Barangaw, kakawala ang itim na usok sa tenga niya’t mawawalan siya
ng malay.
Takang nakatingin si INDIO.

LIBULAN
Paumanhin kung ika’y sinalakay ni Barangaw.
May pumaloob sa kanyang ibang kapangyarihan kaya niya nagawa ito
sa’yo.

INDIO
May pumaloob sa kanyang ibang kapangyarihan?
Kaninong kapangyarihan?
Sa akin ho bang kaaway?

LIBULAN
Kay Burigadnag Pada Saklawang Bulawan nga.

Matitigilan si Malaya.

Kay mag-iingat ka, Malaya.


Kami’y hahayo na!

Hahawakan ni Libulan si Barangaw and both of them will disappear.


Hahawakan ni Indio ang wounds niya’t unti-unti itong maghihilom.
Agad siyang aalis.

12 INT KUBO NIGHT

Papasok si Indio sa loob ng kubo.

INDIO
Antonio?!

Makikitang niyang wala na doon si Antonio sa higaan.


Mapupuno ng pag-aalala ang mukha ni Indio habang hawak niya ang ang pinaghigaan
ni Antonio.

================================== GAP 2
===================================
13 EXT KUTA NG INSURRECTO NIGHT

Frantic na lalapit si Indio sa paparating na mga mangahublag.

INDIO
Nakita niyo na ba si Antonio sa paligid?

LALAKE
Nagtungo na kami sa labas ng tanggulan ngunit walang bakas doon
ang paslit.

Lalapit si Indio kay Liway na tulog.


Maalimpungatan ang bata.

INDIO
Liway? Nakita mo ba ang anak ko?
Napansin niyo bang lumabas siya kanina sa kubo?

LIWAY
Hindi po, Ubo Malaya.

Dadating na si Bahandi at Cosme.

BAHANDI
Simeon, hindi namin nakita si Antonio.
Naghahanap na rin ang iba nating kasama ngunit wala rin silang nakita.

COSME
Walang nakaka-alam ni isa rito kung nasaan ang bata?
Hindi kaya may dumukot sa kanya?

Mag-aalala si Indio.

Additonal scene. 13a EXT IND SPACE SA ILAYA SAME NIGHT

Kasama ni Burigadang Pada si Santonilyo.


Mukhang zoned out si Antonio, under the spell ni Burigadang Pada.
Naglalakad sila, nauuna si Burigadang Pada.

BURIGADANG PADA
Dalian mo, Antonio, sumunod ka sa akin.

At sakhihipan ni Burigadang Pada ng itim na usok ang isang kamay at tutungo iyon sa
bata.

ANTONIO
Maususunod po, diwata...

Saka nakangiseng lalakad na si Burigadang Pada habang susunod naman sa kanya ang
bata.

14 EXT CASA NI JUANCHO NIGHT


Sasakay si Esperanza at Mayang sa kabayo.

MAYANG
Salamat, Senyorita.
Mabilis tayong makakarating doon sakay nito.

ESPERANZA
Halika na, Mayang. Bago pa may makapansin sa ‘tin.

At aalis ang dalawa sakay ng kabayo (isang kabayo lang).


Lalabas si Victoria sa casa, kasunod niya ang isang soldado.

VICTORIA
(to soldado in Spanish) Sundan mo ang dalawang iyon!
Magmadali ka at huwag kang magpapahalata!

SOLDADO
Si, Senyora!

Aalis ang soldado para kumuha ng kabayo.


Napapatiim bagang si Victoria.

15 EXT IND SPACE SA ILAYA NIGHT

Naglalakad pa din si Burigadang Pada pababa sa ilaya at nakasunod sa kanya si


Antonio pero makikita ng babaing diwata na nakaharang na si Santonilyo sa daan.

SANTONILYO
Saan mo dadalhin ang bata na aking inaalagaan, diwata?

BURIGADANG PADA
Hindi mo na iyon kailangan pang malaman, Santonilyo!
Umalis ka sa aming daraanan at huwag nang makialam!

SANTONILYO
Hindi ko papayagang kunin mo ang bata!

Saka hahagisan ni Santonilyo ng energy ball si Burigadang Pada.


Titilamsik si Burigadang Pada.
Agad na lalapit si Santonilyo kay Antonio, na zoned out pa rin, saka hahatakin ito.

SANTONILYO
Halika, Antonio, sumama ka sa akin!!!

Hahatakin na ni Santonilyo si Antonio pero agad namang makakabangon si


Burigadang Pada at hahagisan ng itim na energy ball si Santonilyo.

SANTONILYO
Aaahh!!!
Babangon si Santonilyo at saka maghaharap sila ni Burigadang Pada.
Energy to energy light ang kanilang labanan.

15ª EXT ILAYA SAME NIGHT

Tumatakbo si INDIO, naghahanap.

INDIO
Antonio!?
Antonio???!!

15b KINA BURIGADANG PADA

Naglalaban ang mga powers nina Santonilyo at Burigadang Pada.


Pero tila natatalo na si Santonilyo lalo’t napapaurong ito.

Saka dadating si INDIO.


Makikita niya ang nagaganap.
Saktong nakatalikod sa kanya si Burigadang Pada kaya agad siyang lalapit dito at
itutulak ito.

INDIO
Lubayan mo sila!!

Matutumba si Burigadang Pada.


Saka agad lalapit si INDIO kina Santonilyo at Antonio.
Babangon si BURIGADANG PADA pero ilalabas na ni INDIO ang kampilan.

INDIO
Magdadaan ka muna sa aking bangkay bago mo makuha sa akin
ang aking anak.

Hindi na makakalaban si Burigadang Pada dahil dadating na din si Magayon at si


Lihangin.
Masama ang tingin sa kanya ng mga ito.

BURIGADANG PADA
Hindi ito ang magiging huli nating pagkikita, Malaya.
Hindi ito ang huli.

At saka magiging bat si Burigadang Pada at lilipad nang palayo.

SANTONILYO
Mabuti na lamang at naharang ko siya.
Kamuntik niya nang matangay ang iyong anak.

INDIO
Salamat, Santonilyo!
Antonio, anak, sinaktan ka ba niya?

Pero unresponsive ang bata, zoned out pa rin.

Anong nangyayari sa aking anak?

LIHANGIN
Siya ay nasa ilalim ng sumpa ni Burigadang Pada..
ngunit huwag kang mabahala pagkat lilinisin ng aking
hangin ang kanyang katauhan.

Saka itatakip ni Lihangin sa magkabilang tenga ni Santonilyo ang kanyang mga


kamay saka hihipan niya ito ng hangin sa ulo.
May kapangyarihan ang hangin na kanyang iniihip ka Santonilyo ---at iyon ay pupuno
sa bata hanggng sa lumabas ang mga itim na hangin sa katawan nito.

Matatauhan si Antonio, taka.

ANTONIO
Baba? Santonilyo?
Anong nangyari? Bakit nandito tayo?
Anong ginagawa natin dito?

INDIO
Wala, anak, ngunit natutuwa ako na ikaw ay maayos na.
(at Lihangin) Salamat, Lihangin.

MAGAYON
Nailigtas man ang iyong anak ngunit kayo ay nasa panganib, Malaya,
pagkat parating na rito ang mga dayuhan upang sa inyo ay sumalakay.

Matitigilan si Malaya.

16 EXT ILAYA NIGHT

Naglalalakbay na sina Juancho at ang kanyang sandatahang Kastila.


Nagmamadali sila. Patungo na sila sa Ilaya.

17 CONTINUATION.

Alala si INDIO sa sinabi ni Magayon.

INDIO
Hindi na ako nagulat sa iyong ibinalita, Magayon, pagkat batid kong
lulusob anumang sandali sina Juancho.
Ang nais ko lang malaman mula sa inyo ay kung tutulungan ninyo
kami
na mataboy sila.
MAGAYON
Gagawin namin ang lahat n gaming magaawa upang tulungan kayo
kaya magbalik na kayo sa inyong tirahan at maghanda.

INDIO
Salamat, Magayon.
Tayo na, Antonio!!

Saka nagmamdaling hahatakin ni Indio ang anak.


Susundan sila ng tingin nina Magayon, Lihangin at Santonilyo.

17a CONTINUATION

Patuloy na naglalakbay sina Juancho.


Suddenly, an eerie air hovers before them, magpapanic ang mga kabayo.
Matitigilan ang mga soldado.

HERNANDO
Senyor, tila may nagmamasid sa ‘tin!
Maaring pananambang ito!
(to the men) Magsihanda kayo!

Maglalabasan ng mga pistola ang mga soldado. Juancho is observing.

JUANCHO
Iba ang pakiramdam ko, Hernando...

Mapapasigaw ang isang soldado dahil may lilipad na malaking black cloth around
them.

SOLDADO
Diablo!!

Sabay babarilin ito ng mga soldado!


Pero titigil sa hangin ang mga bala at babagsak sa kanila.
Magpapakita si Burigadang Pada Sinaklang Bulawan sa kanila, shocked ang mga
soldado.

JUANCHO
(in Spanish) Tumigil kayo sa pamamaril!
Huwag kayo matakot dahil kapanalig natin ang nilalang na ito!

Mapapangiti si Burigadang Pada kay Juancho.

================================== GAP 3
===================================

18 EXT BALAY NI REMEDIOS/MAYNILAD NIGHT


Lumabas si Elena sa bahay
Makikita niyang pabalik na si Diego, ok na siya pero malungkot.

ELENA
Saan ka nagpunta, Diego? Bigla kang umalis.

DIEGO
Nagpahangin lamang ako.
Pumasok na tayo bago pa tayo abutan ng palugit sa labas.

ELENA
Diego, patawad kung nabigla ka’t di mo naibigan ang aking mga
desisyon…
Nagawa ko lamang pakasalan si Senyor Alonso para sa sarili nating
proteccion sa sandaling magbalik tayo sa ilawod…

DIEGO
Huwag ka nang magpaliwanag sa ‘kin dahil hindi ako galit sa ‘yo.
Naiintindihan ko kung bakit mo ginawa ito. Batid kong sarado ang
puso’t isip mo sa paghihiganti sa mga San Real. Huwag kang mag-
alala pagkat mananatili pa rin akong nandito para sa’yo… na kaibigan
mo.

Matutuwa si Elena, mapapayakap.

ELENA
Maraming salamat Diego! Kahit kailan makaka-asa ako sa’yo!
Ilang araw mula ngayon ay magbabalik na tayo sa ilawod at magugulat
silang lahat sa ‘tin!

Matitigilan si Elena habang yakap si Diego, shifts mood.


She is careful of what she is about to say next.

ELENA
Diego, kung nasaktan ko kayo ni Inay hindi ko sinadya iyon.
Di ko nanaising saktan ka… na isang matalik kong kaibigan.

Unti-unti nang maluluha si Diego habang yakap siya ni Elena.

DIEGO
Ganoon naman ang magkaibigan hindi ba? Handang unawain ang isa’t
isa.

ELENA
Kaya muli ay maraming salamat!

Diego is still hurting as he wipes ayaw his tears.


19 EXT ILAYA NIGHT

Kaharap ni Juancho si Burigadang Pada.

JUANCHO
Natutuwa ako at muli kang nagpakita sa akin, diwata.
Batid mo na marahil kung bakit kami naglalakbay?

BURIGADANG PADA
Patungo kayo sa kinaroroonan nina Malaya hindi ba?

JUANCHO
Nababasa mo ang aking iniisip!
Ngayon, nais kong malaman kung saan matatagpuan ang himpilan ng
mga insurrectos!

Mapapangise si Burigadang Pada

BURIGADANG PADA
Sumunod kayo sa akin.
Ihahatid ko kayo sa kinaroroonan ni Malaya!

20 EXT ILAYA / KUTA NIGHT

Darating si INDIO sa kuta kasama si Antonio.


Makikita niyang nagpulong-pulong ang lahat.

INDIO
Mga kasama!

COSME
Simeon, mabuti at kasama mo na si Antonio!
Saan mo siya natagpuan?

INDIO
Mahaba hong kuwento, Itay Cosme.
At hindi na ho iyon mahalaga pagkat patungo na rito sa ilaya ang mga
dayo upang lusubin tayo!

BAHANDI
At paano mo ito nalaman?

INDIO
Ibinalita ito sa akin ng mga diwata kaya ihanda ninyo ang inyong mga
sandata
ngayundin!

COSME
Mga kasama!
Narinig nyo ang sinabi ni Simeon kaya maghanda kayong lahat!

Mabilis na lalayo ang mga hublag para kunin ang kanilang mga armas at maghanda.

INDIO
Liway, halika!
Sumama ka sa amin ni Antonio!

BAHANDI
Saan mo sila dadalhin?

INDIO
Itatago ko muna sila upang hindi na sila madamay pa sa mangyayaring
gulo.
Hintayinninyo ako, babalik din agad ako!

BAHANDI
Masusunod, pinuno!

Lalayo na si INDIO kasama si Liway at Antonio.


Lalakad naman si Bahandi patungo kina Cosme, na namimigay na ng ilang baril na
nasa pg iingat nila. Hindi nila alam na pinagmamasdan sila ni Makabosog.

21 ILAYA/CONTINUATION.

Naglalakabay na sina Junacho papanhik sa bundok, nakasunod sila kay Burigadang


Pada.

JUANCHO
Diwata, ilang pagkakataon na naming pinagtangkaang pasukin ang
kabundukang ito ngunit kami ay nabigo dahil palagi kaming
pinaglalaruan ng mga diwatang kapanalig ni INDIO. Sana naman sa
pagkakataong ito ay hindi na kami mabigo.

BURIGADANG PADA
Huwag mong alalahanin ang iba pang mga diwata pagkat ako na ang
lulutas sa suliraning iyon! Tayo na!

Lalakad na muli si Burigadang Pada.


Mapapangise si Juancho.

JUANCHO (sa mga kasama)


(in spanish) Ano’t nakatanga kayo riyan?
Tayo na!

Maglalakad na ang hukbo nila’t susundan ang diwata.

21a EXT DIWATA’S LAIR NIGHT


Kasama ni INDIO sina Liway at Antonio.
Naglalakad sila, palinga-linga ang dalawang bata.
Kasama nila s Santonilyo at Libulan.

LIBULAN
Halikayo, Malaya, pumasok kayo.

LIWAY
Ubo Malaya, asan po tayo?

INDIO
Narito tayo sa tirahan ng mga diwata, Liway!

ANTONIO
Ito ang tirahan ng mga diwata, baba?
Aba ay napakaganda!

Mapapangiti si INDIO sa dalawang bata na amazed na pinagmamasdan ang paligid.


At saka mapapatingin siya kina Libulan at Santonilyo.

INDIO
Mga mahal na diwata, kayo na muna ang bahala sa kanila.

LIBULAN
Huwag kang mag-alala, Malaya, hindi namin sila pababayaan.

INDIO
Salamat.
Antonio, Liway, iiwan ko muna kayo rito.
Ditomuna kayong dalawa ha?
ANTONIO
Babalik ka ba, Baba?
Kukunin mo pa ba ako?
Ipapangako mo ba na mananatili kang ligtas kahit lusubin pa kayo ng
aking
abuelo?

INDIO
Oo anak, magiging ligtas ako parasa iyo.
Babalikan kita, pangako iyan.

At saka yayakapin ni INDIO ang bata.

22 EXT KUTA NG INSURRECTOS NIGHT

Naghahanda na ang mga insurrectos.


Kinuhuha na nila ang kanilang mga sandata.
COSME
Bawat isa ba ay may hawak na armas?

Everyone gathers around.

COSME
Maghanda tayong lahat sa paglusob, mga kasama!

BAHANDI
Ang isang pulutong ay doon sa dakong iyon maghihintay
habang ang isa pang pangkat ay doon naman sa may ilog---

Lalapit na si Makabosog.

MAKABOSOG
Itigil nyo na ang inyong paghahanda.

Magugulat ang lahat, may mga maglaabas pa ng sandata.

COSME
Sino ka?
At paano kang nakarating dito?

MAKABOSOG
Mga hangal! Hindi ba ninyo nakikilala ang isang diwata na
magdudulot sa inyo ng maraming pagkain?!

Magugulat sina Cosme dahil biglang aapir ang maraming agkain sa paligid (may rice
din at mga inihaw na ulam, bukod pa sa mga prutas--- yes, may rice na noon).

PEDRO
Mga pagkain!
Ngayon lamang ako nakakita ng ganito karaming pagkain!

Tatawa si Makabosog.

MAKABOSOG
Kung ganun ay ano pa ang inyong hinihintay?

Ilalahad ni Makabosog ang mga kamay at may ma-eemit na light doon.

Inyo nang pagsaluhan mga pagkaing aking alay!


Pagkasiba sa pagkain sa iyong mga isip ang aking ihahain...
Parusa sa pagkaganid ng inyong pinuno, katakawan na walang patid
ay mapapasainyo ngayundin!

At saka ihahagis niya ang light sa lahat.


Kaya matitigilan ang lahat, saka mapapatingin sila sa mga pagkain as if under it’s
spell, saka nagmamadali silang kukuha ng mga pagkain at kakain nang kakain ang
lahat.
Matatawa lang si Makabosog.

================================== GAP 4
===================================
24 EXT ILAYA NIGHT

Naglalakbay na sina Juancho kasabay si Burigadang Pada.

BURIGADANG PADA
Nalalapit na tayo!

Pero biglang hahangin ng malakas at magbabagsakan ang mga malalaking sanga ng


puno sa mga Kastila. Magpapakita si Lihangin sa kanila kaya matatakot ang mga
Kastila.
Manlilisik ang paninigin ni Burigadang Pada kaya susugurin niya si Lihangin.

BURIGADANG PADA
Magsitabi kayong mga dayo!

Pagsugod ni Burigadang Pada ay biglang siyang tatamaan ng ball of fire.


That ball of fire turns to Lalahon.

LALAHON
Napaka-walanghiya mo talaga!
Tinulungan mo pa ang mga dayuhan!

Pagtutulungan ni Lalahon at Lihangin si Burigadang Pada.


Mapapabagsak nila si Burigadang Pada.
Haharap si Lalahon sa mga Kastila, manlilisik din ang mga mata niya at gagawa siya
ng semi-ring of fire para di sila maka-tawid sa kabila.
Hihipan iyon ni Lihangin kaya lalong lalakas ang apoy!

JUANCHO
(in Spanish) Retreat!! Retreat!!

Nang magtakbuhan sa opposite direction ang mga Kastila ay doon lalabas mula sa
lupa si Sidapa.

SIDAPA
Huwag kayong umalis mga dayo!

Matitigilan ang mga Kastila, windang na sila.


Nasa gitna na ng dalawang nag-uumpugang forces ang mga Kastila.
Gulat si Lihangin at Lalahon. Mapapangise si Burigadang Pada.

BURIGADANG PADA
Wala na kayong laban kay Mahal na Sidapa!

Biglang iigpaw si Sidapa kay Lalahon at Lihangin.


Mahahawakan niya ang kanilang mga paa at ipapa-ikot ikot na parang ipo-ipo ang
dalawa. Ibabalibag niya ang mga ito.
Nagkandasabit sa puno si Lihangin at Lalahon, hinang hina.
Juancho is enjoying all the spectacle.

JUANCHO
Kung sino ka man, mahal na diwata, natutuwa ako’t pumanig ka sa
’min!

Sidapa looks at Juancho with a poker face and he disappears.

25 EXT ILAYA SAME NIGHT

Tumatakbo si INDIO pabalik sa kuta.


Nang matigilan siya pagkat makikita niyang abala ang lahat sa pagkain (wala na dito
sina Liway at Antonio ha). Waring gutom na gutom ang lahat sa pagkain.

INDIO
Anong nagyayari sa inyo?
Bakit kayo nanginginain?
Hindi ba’t inutusan ko kayong magsipaghanda pagkat dadating na ang
mga kaaway? Bakit hindi kayo tumtigil? Narrinig ba ninyo ako???

Pero walang pakialam ang lahat kay INDIO, panay lang ang pagkain nila.
Bahadi, itigil nyo iyan!

Hahatakin ni Indio si Bahandi pero itutulak lang siya nito.


Saka ito babalik sa pagkain.
Taka si INDIO, napapaisip habang pinagmamsdan ang lahat.

INDIO
Tiyak na may kababalaghang naganap sa kanila kaya sila
nagkakaganito.
Mahal na Laon, aong gagawin ko?
Paano ko sila mapapatigil sa kanilang ginagawa lalo’t parating na ang
mga
kaaway?

Alala si INDIO.

26 EXT DIWATA’S LAIR NIGHT

Naghihintay sina Magayon, Dalikmata at Ribung Linti.


Dadating si Libulan at Adlaw, kasama sina Lalahon at Lihangin na nanghihina.
Nadito din sina Santonilyo: kasama si Antonio at Liway.

ADLAW
Ang mga diwatang ito ay kinalaban ni Sidapa upang pangalagaan ang
mga
nanghihimasok na dayo dito sa ilaya.

MAGAYON
Alam ko, nakita namin sa mahiwagang tubig ang pangyayari.
Dalhin mo sa puno ng dakit sina Lalahon at Lihangin upang doon
manumbalik ang kanilang lakas.
Bantayan mo sila doon pati na si Barangaw hanggang sa sila ay
magkamalay
lahat.

ADLAW
Masusunod.

Hahawakan ni Adlaw sina Lalahon at Lihangin at sila ay maglalaho.

LIBULAN
Ano ang gagawin natin ngayon, Magayon?

MAGAYON
Sumama kayong lahat sa akin liban kay Santonilyo na magbabantay sa
mga bata...tayo na upang harangin natin ang mga dayo!

Ngunit bago pa sila maka-alis ay dadating na si Sidapa.


Aapir ito mula sa apoy na unang dumating.
Pagdating ni Sidapa ay agad na hahatakin ni Santonilyo sina Liway at Antonioupang
magtago.

SIDAPA
Hindi ba’t sinabi ko na sa inyo na hindi kayo dapat makialam sa
mga pangyayari sa mga tao?
Ano’t ngayon ay tutulungan na naman ninyo si Malaya?

MAGAYON
Mahal na Sidapa, hindi tayo magka-away kaya pakiusap...
itigil mo na ang pagpanig kay Burigadang Pada pagkat
ayaw kong higit pang lumaki ang ating mga hidwaan.

SIDAPA
Kayo ang nagsimula nito.
Ni hindi rin kayo nakinig sa aking pakiusap kaya bakit ngayon ay
ibig nyong pumanig ako sa inyo?

RIBUNG LINTI
Kung ganun ay wala nang kabuluhan pa ang usapang ito!

Agad na ilalabas ni Ribung Linti ang armas niya (magically) pero agad na ilalabas din
ni Sidapa ang kanyang staff.
SIDAPA
Hindi ko kayo uurungan!!

Agad sasalakay si Ribung Linti pero agad itong mahahataw ni Sidapa sa ulo kaya
tatalsik ito. Magagalit na din sina Magayon at Dalikamata kaya maglalabas sila ng
mga energy light para ihagis kay Sidapa pero masasangga iyon ng kanyang staff-----
na maglalabas din ng energy light para labanan sina Magayon.

ITUTULOY

You might also like