Professional Documents
Culture Documents
HANGGANG NGAYON 1 Revised
HANGGANG NGAYON 1 Revised
Week 1
By Denoy Navarro-Punio and Des Severino
DAY 1
Intercut with:
SEQ. 1A Habang naririnig ang sagot ni Roel sa reporter, ipapakita natin ang
nangyayaring preparation sa Jewelry fashion show to showcase the launch of the
business. Si Matilda (Roel’s mother) at busy na nagmamando sa lahat (with an event
organizer).
We end the sequence with the reporter asking Roel tungkol sa lovelife nito.
(mababanggit pa ni reporter ang playboy image ni Roel) Matatawa lang si Roel at
sasabihin no comment.
SEQ. 2 FASHION EVENT PLACE. EXT. Makikitang nasa loob ng taxi si Mildred. Hawak
ang isang piece of paper kung saan nakasulat yung address nung lugar. Kita mong
kabado si Mildred. Hindi sigurado sa gagawin niya. Driver asks kung bababa na daw
ba si Mildred. Hahawakan lang ni Mildred ng bahagya ang kanyang tiyan saka
tatango.
SEQ. 3 FASHION EVENT PLACE. INT. We see the tail-end of the fashion show with
the models wearing the pieces of jewelry onstage. Palakpakan ang mga tao.
Everybody is congratulating Roel and Matilda sa successful launch ng business nila.
May lalapit kay Roel na kaibigan. Ipapakilala niya ang pinsan na si Conrad, a young
attorney na nag-top ten sa bar. Makikita na ma-i-impress si Roel kay Conrad. Pero
mapuputol ang usapan nila Conrad at Roel nang magkaroon ng komosyon sa may
entrance ng event’s place.
INTERCUT WITH:
SEQ. 6 PRIVATE AREA. NEW FLASHBACK. Kausap ni Matilda si Mildred. Magkano
daw ba ang kailangan ni Mildred? Mildred says hindi pera ang habol niya. Gusto
niyang pananagutan ni Roel ang anak niya. Matatawa si Matilda. Sa tingin mo ba
ikaw pa lang ang unang babae na nakaisip ng scheme na yun? Hindi ikaw ang unang
mukhang pera na babae ang lumapit sa amin at may planong pikutin ang anak ko!
Mildred says nangako sa kanya si Roel. Lalong matatawa si Matilda. Naniwala daw si
Mildred na seryoso si Roel sa isang babaeng tulad niya? A worker in their
pawnshop?! Then huhubarin ni Matilda ang suot niyang necklace. Kung matalino daw
si Mildred, she should take the jewelry and never bother them again. Wala daw
mapapala si Mildred sa kanila!
SEQ. 7 URBAN POOR HOUSE. Kausap ni Mildred ang batang nasa sinapupunan. She
tells her child how much she loves her and how excited she is na makita na ang anak
at eto ang tanging pamilya niya. Ipapanganak daw niya ang bata at aalagaan.
Mamahalin daw niya ito ng sobra. Biglang sasakit na ang tiyan ni Mildred.
Manganganak na siya.
GAP 1
SEQ. 8 POOR HOUSE. Manganganak na si Mildred. Babae ang sanggol niya. Iiyak si
Mildred. She promises her daughter na gagawin niya ang lahat para buhayin ng
maayos ang sanggol. Ngayong nandito ka na sa buhay ko, lahat ng pagsubok
haharapin ko as long as I have you. Pangangalanan niyang Lovelia ang anak.
SEQ. 9 POOR HOUSE. 10-11 years old na si Lovelia. Handa na siya pumasok.
Nagmamadali rin si Mildred na gumayak para pumasok as a saleslady sa department
store. Lovelia tells Mildred na parang masama ang pakiramdam niya. Mag-aalala si
Mildred pero maiisip din niya na madami na daw absence ang anak at Baka daw
mahuli ng husto sa pag-aaral si Lovelia. Ibibilin sa anak na huwag nang maglalaro sa
labas at manatili na lang sa bahay mamaya. Tatango lang si Lovelia saka
magtatanong kung anong oras daw uuwi si Mildred. Sasabihin sa anak na late na
siya uuwi. May nakahanda na daw pagkain para kay Lovelia at magsaing na lang ito
ng kanin mamaya. Mildred ipapaunawa sa anak ang kanilang sitwasyon.
SEQ. 11 SCHOOL. Open tayo kay Lovelia na kausap ang kaibigan nito na medyo
chubby at mukhang may konting kaya sa buhay. Nagyayabang pa si friend sa
bagong gamit niya. Saka darating si Agatha and friends. She bullies the chubby girl
para ibigay sa kanya ang bagong gamit nito. Aalma si Lovelia. Hindi daw tama ang
ginagawa ni Agatha. Mababaling ang atensyon ni Agatha kay Lovelia. Si Lovelia
naman ang ibu-bully ni Agatha pero may lalapit na teacher at sisitahin si Agatha.
Matalim ang tingin ni Agatha kay Lovelia and even threatens Lovelia na hindi pa siya
tapos sa kanya.
SEQ. 12 SCHOOL. Tapos na ang school. Pauwi na si Lovelia nang tawagin ito nung
chubby friend. Magtago na daw si Lovelia kasi hinahanap daw ito ni Agatha and
friends. Tiyak na may gagawin silang masama sa iyo. Pero huli na ang lahat.
Makikita na nung mga kaibigan ni Agatha si Lovelia. Sa takot ni Lovelia, tatakbo siya.
Sa kamamadali ni Lovelia, muntik na itong mahulog sa stairs. Babagsak si Lovelia...
pero may makakasalo sa kanya. Ang 13 year old na si Jerry.
GAP 2
SEQ. 13 STREET. Naglalakad pauwi sina Lovelia at Jerry. Jerry explains to Lovelia na
huwag matakot kay Agatha. Establish dito na kababata ni Jerry si Agatha at close
friend ng kapatid niyang si Jenny. Jerry assures Lovelia na kakausapin niya si Agatha
para hindi na pag-initan si Lovelia. Mapapansin ni Jerry yung pasa ni Lovelia na
natamo sa pagkakabagsak niya. Lovelia tells Jerry na ganoon lang daw siya.
Madaling magkasugat at pasain. Mababanggit ni Lovelia ang sitwasyon nilang mag-
ina (na wala siyang kapatid and she only has her mom).
SEQ. 14 LOOBAN. EXT. Open tayo kay Cesar at kausap yung may-ari ng tindahan—
ilegal pala ang pagtatayo nung tindahan nung may-ari at sinisita ito ni Roel... pero
tatanggap ng lagay si Roel. Then lalapit si Mildred na kakauwi lang galing sa work.
May bibilhin si Mildred na delata para almusal nilang mag-ina kinabukasan.
Mangungutang ito sa tindahan. Ayaw pa sana magpa-utang nung may-ari pero Cesar
tells him na pautangin na si Mildred. Reluctantly ay magpapasalamat si Mildred kay
Cesra. Kukumustahin pa ni Cesar si Mildred at ang anak nito. Sasabihin pa ni Cesar
na alam niya kung gaano kahipa ang buhay ng isang single parent bilang single
parent din siya. Namatay ang asawa sa panganganak kay Agatha. Obvious na may
gusto si Cesar kay Mildred. Establish din na matagal nang sinusuyo-suyo ni Cesar si
Mildred. Sasabihin pa niya kay Mildred na basta may kailangan lang ito, huwag
maghesitate na lumapit sa kanya... pero obvious na may kapalit yun!
SEQ. 16 CLINIC. Ang daming bilin ng doctor kay Mildred. Pulmonia pala ang naging
sakit niya. Mahina daw ang baga ni Lovelia kaya sakitin ito. Maraming gamot na
dapat bilhin. Titingnan ni Mildred ang laman ng wallet niya. Makikita na halos wala
na itong pera. Mamumublema si Mildred kung saan siya kukuha ng pera. Sa loob ng
wallet, makikita ni Mildred ang alahas na binigay sa kanya ni Matilda nuon (pwedeng
may mini flashback to remind the audience). Mapapatiim bagang si Matilda.
SEQ. 17 CESAR’S HOUSE. Open tayo na pinagagalitan ni CESAR si Junior dahil may
nasira ito. Ipagtatanggol ni Agatha yung kapatid kay Cesar. Si Agatha naman ang
pagdidiskitahan ni Cesar. Sasabihan na imbes na naglalakwatsa ito dapat umuuwi
nang maaga para alagaan ang sinto-sinto na kapatid. Siguro daw ay nagbo-boyfriend
na si Agatha. Manang-mana daw ito sa kalandian ng yumaong nanay na pokpok.
Oras daw na mabuntis agad si Agatha, palalayasin daw niya ito ek-ek. Gamitin mo
yang utak mo. Kung gusto mong may marating sa buhay, huwag kang tanga ek-ek.
Mapuputol lang ang pagsesermon ni Cesar nang may kakatok sa pinto. Pagbukas ni
Cesar, si Mildred ang nasa labas.
GAP 3
GAP 4
ITUTULOY
DAY TWO
SEQ. 1 CESAR’S HOUSE. EXT. Open tayo na nagrereklamo si Agatha (OS ito). Ayaw
niya na patirahin ng tatay si Lovelia ang nanay nito sa kanila. Rinig na rinig ni Lovelia
at Mildred ang pagrereklamo ni Agatha. Lovelia tells mom na huwag na sila duon, na
maghanap na lang sila ng iba pang mauupahan. Mildred tells Lovelia na wala na
silang pera at panandalian lang daw yun. Oras na makapag-ipon siya, aalis din daw
sila duon. Sasabihin pa na mabait naman daw si Cesar. Hindi na iimik pa si Lovelia.
Lalo pa nga’t lalabas na si Cesar para tawagin sila.
SEQ. 3 JENNY and JERRY’S HOUSE. Kausap ni Agatha si Jenny. Kinukuwento niya na
may bago na namang binahay ang tatay niya but this time may sabit pang kasama—
yung anak na si Lovelia. Matatawa pa si Jenny pero nung pandilatan ng mata ni
Agatha, matatakot si Jenny at agad na sisimpatya sa problema ni Agatha. Maririnig
naman ni Jerry ang usapan nung dalawa. Jerry tells Agatha na bakit ba mainit ang
dugo nito duon kay Lovelia. Hindi ka ba naaawa sa kanya ek-ek. Agatha maiinis kay
Jerry at babarahin pa. Matatawa na lang si Jerry at aalis. Jenny manunukso pa na
may crush daw sa isa’t-isa yung dalawa. Deadma lang si Agatha. I’m sorry ha pero
hindi yung tipo lang ng kapatid mo ang papatulan ko no. Hindi na iimik si Jenny.
Alam niyang kapag bad mood si Agatha, best idea is just to keep quiet and let her
be.
SEQ. 5 STREET. Kasabay umuwi ni Lovelia si Jerry. Mapag-uusapan nila ang bagong
buhay ni Lovelia ngayon sa bahay nila Agatha. Saka maririnig nila ang away nila
Mildred at Roel mula sa loob ng bahay.
GAP 1
SEQ. 7 CESAR’S HOUSE. Ginagamot ni Mildred ang pasa niya sa may labi. Lalapitan
siya ni Lovelia. Lovelia begs Mildred na umalis na sila. Pero iiling si Mildred. Mas lalo
na silang hindi makakaalis ngayon dahil nasisante sa trabaho si Mildred. Pero
sinasaktan niya kayo. Mildred says nagsorry naman siya sa akin. Saka kasalanan ko
rin naman, sinagot-sagot ko siya. Masasabi ni Lovelia na natatakot siya kay Roel.
Mildred says don’t worry. Kailanman hindi ako papayag na saktan ka niya. Yan ang
isang bagay na hindi ko hahayaan na mangyari.
SEQ. 9 CESAR’S HOUSE. Umiinom si Cesar with his friends. Si Lovelia ang nagsisilbi.
Pinagmamalaki niya ang anak na si Agatha. Friends of Cesar will even say na
maganda daw ang anak ni Cesar. Baka daw may boyfriend na. Cesar says upakan
daw niya ang anak kung malaman na lumalandi na ito. Dapat daw gamitin nito ang
utak. Agatha says oo naman, mana yata ako sa inyo. Matalino daw siya hindi tulad ni
Lovelia, bobo daw yun at lalampa-lampa pa. Ikukuwento pa na sa school daw
bagsak daw lagi ang scores na nakukuha ni Lovelia samantalang siya laging perfect!
Pahiyang-pahiya si Lovelia.
GAP 2
SEQ. 11 CESAR’S HOUSE. EXT-INT. Open tayo na may kausap si Cesar na some kind
of goon. May inaabot na pera kay Cesar. Then papasok na sa loob si Cesar habang
tinatago ang pera sa belt bag. Kukulitin naman ni Agatha ang ama. Gusto magpabili
ng celphone sa ama pero ayaw pumayag ni Cesar. Magmamaktol pa si Agatha.
(note: sama sa eksena si Junior)
SEQ. 12 PUBLIC SCHOOL. Kausap ni Lovelia si Jerry. Mapag-uusapan nila ang project
na kailangan gawin. Pero mahal yung project. Lovelia needs to do it kung gusto
niyang makapasa kasi mababa ang grades niya. Lalait-laitin pa ni Agatha ang dalawa
nung mapadaan ito. Lovelia tells Jerry na huwag na lang pansinin si Agatha.
SEQ. 13 CESAR’S HOUSE. Humihingi ng pera si Mildred kay Cesar para sa project ni
Lovelia. Cesar says dapat daw kasi hindi na pinag-aaral si Lovelia tutal boba naman
tapos madalas pang magkasakit. Manatili na lang daw sa bahay si Lovelia kasama ni
Junior. Hindi papahiramin ng pera ni Cesar si Mildred. Pagkaalis ni Cesar, kakausapin
ni Mildred si Lovelia. Mildred promises Lovelia na gagawa siya ng paraan.
SEQ. 15 CESAR’S HOUSE. Makikita na natutulog si Cesar. May hang-over. Nasa tabi
lang niya yung belt bag kung saan may pera dito. Magpapaalam na si Agatha para
pumasok sa school. Gigisingin ang ama para humingi ng pera. Inis na sasabihin ni
Cesar na kumuha na lang sa bulsa ng nakasabit na pantalon. Susundin naman ni
Agatha. Saka niya mapapansin ang pera na nasa envelope sa may beltbag ng ama.
May mabubuong plano si Agatha.
GAP 3
SEQ. 18 CESAR’S HOUSE. Nagbibilang ng pera si Cesar, makikita niya na kulang ang
pera niya. He corners ang kakauwi lang na si Agatha mula sa school. Ikaw ba ang
kumuha ng pera ko?! Takot na takot si Agatha.
SEQ. 19 CESAR’S HOUSE. EXT-INT Pauwi galing sa school si Lovelia. Masaya pa siya
kasi pumayag yung teacher na magsubmit pa siya ng project. Pero sabunot ang
sasalubong sa kanya mula kay Cesar. Saan daw nito ginastos ang pera niya. Saka
makikita si Agatha sa may gilid at pangisi-ngisi.
GAP 4
SEQ. 21 CESAR’S HOUSE. Lovelia denies na siya ang kumuha ng pera pero may
makukuhang pera si Cesar mula sa bulsa ni Lovelia. E ano ito? Lovelia tries to explain
kung saan galing yung pera pero pagbubuhatan na siya ng kamay ni Cesar.
Bubugbugin ni Cesar si Lovelia.
ITUTULOY...
DAY THREE
SEQ. 2 HOUSE. Binubugbog ni Cesar si Lovelia. Panay ang deny ni Lovelia na siya
ang kumuha ng pera. Panay naman ang gatong ni Agatha. Sinungaling daw si
Lovelia etc. Kukunin ni Cesar yung pera ni Lovelia, nasaan pa daw yung iba. Dahil sa
walang mailabas si Lovelia na pera, kakaladkarin ni Cesar si Lovelia sa may labas.
SEQ. 4 HOUSE EXT. Ibibitin ni Cesar ng patiwarik si Lovelia nang darating si Mildred
at aawat. Mildred tells Cesar na hindi nagnakaw ang anak niya. Sa kanya galing yung
pera ni Lovelia ipinangutang daw niya! May darating pa na ibang kasamahang pulis
para umawat. Wala nang magagawa si Cesar. Aalis ito na badtrip.
SEQ. 5 HOUSE. INT Ginagamot ni Mildred ang mga sugat ni Lovelia. Umiiyak silang
mag-ina. Hihingi ng tawad si Mildred kay Lovelia. Pangisi-ngisi naman si Agatha.
Mabubuwisit na si Mildred, haharapin si Agatha. Ikaw siguro ang nagnakaw. Sasagot
pa si Agatha. Mapupuno na si Mildred, masasaktan na niya si Agatha. Magbabanta si
Agatha, magsusumbong daw siya sa ama! Saka tatakbo paalis si Agatha.
GAP 1
SEQ. 9 MANSION. Nagpupumilit si Mildred na ipatawag daw si Roel. Hindi daw siya
aalis hangga’t hindi niya na nakakausap si Roel. Lalabas si Conrad at magpapakilala
kay Mildred na abogado ng pamilya. Mildred says hindi kita kilala, si Roel ang gusto
kong makausap. Masasabi pa ni Conrad na pwedeng kasuhan ng trespassing si
Mildred. Pero hindi papatinag si Mildred. Mayamaya pa ay lalabas na rin si Matilda.
Magtatalo sila ni Mildred. Bilib din siya kay Mildred at hanggang bahay nila ay
nalaman pa ni Mildred. Palaban si Mildred. Ipinaglalaban lang daw niya ang
karapatan ng anak niya. Magkakagulo na... hanggang sa matigil ang lahat dahil sa
hihimatayin si Lovelia.
SEQ. 10 MANSION. Open sa reaction ni Roel nang malaman na hinimitay yung bata.
Conrad reports na sinamahan ni Carmela yung mag-ina sa hospital. Mag-aalala si
Roel pero Matilda says naku baka modus nilang mag-ina yan. Baka scripted ang
dramang nangyari. Matilda insists na umi-style lang yung babaeng yun. Kalimutan na
daw ni Roel yung nangyari. Matilda leaves the room. Conrad talks to Roel and asks
about Mildred at yung naging relasyon ni Roel sa babae. Roel explains na he had a
brief affair with the woman pero hindi siya seryoso sa relasyon. Conrad then asks
paano nga kung anak mo yung bata? Hindi makakaimik si Roel.
SEQ. 11A HOSPITAL ROOM. Papasok sa loob ng kwarto si Mildred. Lovelia asks kung
aalis na daw ba sila sa hospital. Mildred says hindi pa... pero meron akong gustong
ipakilala sa iyo. Saka papasok na si Roel. Eto ang ama mo. Awkward pa si Roel.
Kukumustahin si Lovelia pero sobrang happy si Lovelia. Yayakap agad sa ama. Gulat
si Roel.
GAP 2
SEQ. 12 HOSPITAL ROOM. Ilang na ilang si Roel. Pero si Lovelia naman sabik na
sabik. Tatanungin pa ni Lovelia kung ano daw ang itatawag niya kay Roel. Kung okay
lang ba na tawagini niya itong daddy? Iiwas si Roel. Sasabihin na babalik na lang
daw siya ulit mamaya at may pupuntahan pa siya. Aasa naman si Lovelia na makikita
ulit ang ama.
SEQ. 13 MANSION. Open tayo na galit si Matilda. Haharapin niya si Roel. Nandito rin
si Conrad. Matilda confronts Roel. Pinuntahan mo sa hospital? Bakit pa? I need to
see her... paano kung anak ko nga siya? Matilda says nagpapaniwala ka sa babaeng
yun! Sa itsura pa lang nung Mildred na yun mukhang gusto lang maka-pera! Limusan
mo na lang tapos kalimutan mo na! Torn si Roel. Will seek advice from Conrad.
Conrad says baka nga it would be wise kung huwag ka nang bumalik sa ospital. Let
me handle the situation.
SEQ. 15 HOSPITAL. Kausap ni Mildred yung nurse. Kailangan daw mag-bayad kahit
na kalahati si Mildred sa hospital. Matatanong ni Mildred kung magkano, magugulat
siya sa mahal na hospital bill. Tatango na lang si Mildred pero kita mo na problematic
siya. Saka makikita siya nung doctor. I need to speak to you... lumabas na ang lab
result. Your daughter has leukemia. Gulat si Mildred.
GAP 3
SEQ. 17 HOSPITAL ROOM. DAY. Malungkot si Lovelia. Bakit hindi na bumalik ang
tatay ko inay? Hindi ba niya ako gusto? Siguro nung nakita niya ako, hindi niya ako
nagustuhan, ayaw niya ako na maging anak niya. Kita ni Mildred ang labis na
pagdadamdam ni Lovelia. Mildred then says baka naging busy lang siya sa trabaho.
Huwag ka nang malungkot. Kumain ka na, sabi ng doctor, bawal daw sa iyo ang
hindi kumakain. Mapipilitan si Lovelia na kumain na. Kikimkimin naman ni Mildred
ang galit kay Roel.
SEQ. 19 HOSPITAL ROOM. Nakabantay si Mildred kay Lovelia. Malalim ang iniisip.
Magigising pa si Lovelia. Bakit daw hindi pa natutulog si Mildred. Mildred says gusto
niyang bantayan lang si Lovelia. Mag-uusap ang mag-ina. Mildred tells Lovelia na
mahal na mahal niya ito at kahit anong mangyari, huwag na huwag mong
kakalimutan yun ha.
GAP 4
ITUTULOY...
DAY FOUR
SEQ. 2 HOSPITAL. Naglalakad si Roel kasama si Matilda. Kausap nila ang hospital
admin. What do you mean na wala na si Mildred? Nag-iwan daw ito ng note sa
nurses station. Binibilin ang anak at iniwan din ang number ni Roel. May sulat din
para sa inyo. Iaabot nung admin yung letter ni Mildred. Babasahin ni Roel.
INTERCUT WITH:
INTERCUT WITH:
SEQ. 5 HOSPITAL ROOM. Ayaw kumain ni Lovelia. Ayaw din uminom ng gamot. Saka
bubukas ang pinto, papasok sa loob si Roel. Mas iiyak si Lovelia. Iniwan na daw siya
ng nanay niya. Mahahabag si Roel kay Lovelia. Yayakapin ito to comfort her.
SEQ. 6 MANSION. Inuwi ni Roel si Lovelia. Dito na daw ito titira kasama niya. Then
iiwan lang sandali ni Roel si Lovelia para iutos sa maid yung kwarto ni Lovelia.
Maiiwan sa may living room area si Lovelia. Tamang-tama naman darating si Matilda.
Gulat to see Lovelia there. Sino ka? Ano’ng ginagawa mo dito? Lovelia haharap kay
Matilda. Kayo po ba ang lola ko? Matilda says hindi kita apo! Wala akong apo! Umalis
ka dito sa pamamahay ko!
GAP 1
SEQ. 9 MANSION. Manang Connie tells Lovelia na eto na ang kwarto mo. Hindi iimik
si Lovelia. Connie asks nagdaramdam ka ba sa ginawa ng madam? Pagpasensyahan
mo na yung matanda na yun. Lovelia asks bakit po siya galit sa akin? Bakit po siya
galit sa nanay ko? Connie says marami na daw kasing oportunista ang nagtangka na
lokohin sila nuon. Lovelia says hindi daw sinungaling ang nanay niya. Sabi niya po
siya po ang ama ko, yun po ang totoo. Connie says sana nga. Sana nga nagsasabi
ng totoo ang nanay mo.
SEQ. 11 MANSION. Open tayo na ayon sa lab result confirmed na anak nga ni Roel si
Lovelia. Roel iuutos agad sa abogado niya na papalitan ang apelido at lahat ng
papeles ni Lovelia para maging ganap na Villacorta si Lovelia. Haharap si Roel kay
Matilda, siguro naman mama matatanggap nyo na si Lovelia ngayon. Hindi iimik si
Matilda, mapapatiim bagang na lang siya.
GAP 2
GAP 3
SEQ. 17 MANSION. Nakahiga na sa bed sina Lovelia at Roel. Roel asks how she’s
feeling. Lovelia says she’s feeling really bad pero titiisin daw niya kasi gusto niyang
gumaling, gusto niyang makasama pa ang ama ng matagal. Ngayon lang daw kasi
sila nagkakilala. Touched naman si Roel sa sinabi ng anak. Says gagaling daw siya
promise niya sa kanya ‘yun. Matulog na raw ito. Lovelia says Mildred always read to
her daw pag matutulog (puwede tong i-establish earlier). Roel reads to Lovelia na
agad namang makakatulog. Roel looks at this child na kahit papaano napapamahal
na rin sa kanya.
GAP 4
SEQ. 1 MANSION. Lalabas sina Roel at Lovelia. Dadatnan doon si Matilda. Sino
raw ang kausap? Wala. Sasabihin nina Roel na may check-up lang daw si Lovelia
kaya aalis lang muna sila.
SEQ. 2 HOSPITAL. Kausap nila ang doctor. Says Lovelia is responding well to
treatment but she still needs to undergo a series/cycles of treatment pa. Sabihin ni
Roel na just do whatever is necessary para gumaling ang anak niya.
SEQ. 3 HOSPITAL- MONTAGE. Treatment ni Lovelia. Roel is by her side the whole
time.
SEQ. 4 JEWELRY OFFICE. Open tayo na ini-inspect ni Matilda ang mga finished
jewelry pieces. Mainit ang ulo ni Matilda, puro negative comments ang maririnig ng
designer at managers. Papasok si Conrad para ireport kay Matilda na katatapos lang
niyang kausapin yung construction firm na gumagawa ng store nila. Hindi raw
magbubukas on time ang shop dahil hindi raw matatapos ang construction in time
because of many problems. The contractor is saying na wala daw sa kanila ang
kasalanan ng delay at binabato sa office ni Roel ang cause of delay. Mas lalong
maiinis si Matilda. Kasalanan daw ito ni Roel dahil napapabayaan na ni Roel ang
jewelry business dahil kay Lovelia. Conrad says mukhang lahat na nga ng attention
ni Roel na kay Lovelia na. Sana nga raw gumaling na ito para makabalik na sa
normal ang lahat.
SEQ. 5 HOSPITAL. Doctor shows the new test results. Sasabihin na successful ang
treatment nila. Lovelia’s cancer is gone. She is in remission. Mayayakap ni Roel si
Lovelia sa tuwa.
GAP 1
SEQ. 7 MANSION. Lovelia is looking at Mildred’s letter and picture nila together.
Ibinabalita niya dito na magaling na siya kaya sana daw balikan na siya pero mabait
daw si Daddy Roel niya sana raw puwede silang maging pamilya. Miss na miss na
raw niya ang ina. Darating si Roel, makikita si Lovelia na umiiyak, talks to her
about Mildred...alam niyang nami-miss ni Lovelia ang nanay pero wala raw itong
dapat ipag-alala, aalagaan siyang mabuti etc..bukas nga raw gusto niyang ayusin
ang pagbalik ni Lovelia sa school...
SEQ. 9 EXCLUSIVE SCHOOL. Papasok sa school sina Roel at Lovelia. Lovelia says
doon na siya papasok? Roel says of course only the best school dapat raw for
Lovelia pero kabado si Lovelia. Lalapitan na sila ng teacher. Papasok na sila sa
classroom para mag-exam si Lovelia. Mapapatingin pa si Lovelia kay Roel pero he
gives her the thumbs up sign.
GAP 2
SEQ. 11 MANSION. Uuwi sina Roel at Lovelia. Roel says he knows that she will do
well. Aalis raw muna siya to check on the construction ng store. Maiiwan si Lovelia,
pakakakinin na ni Manang Connie. Mahirap raw ba ang exam? Siguradong papasa
raw ito. Makikita sila ni Matilda at papansinin ang lack of table manners ni Lovelia,
ngayong nandoon na raw sa kanila kailangan she should act appropAgathately bilang
isang Villacorta. Sana nga raw pumasa ito sa school kung saan siya nag-exam dahil
doon sa prestigious school na ‘yun pumasok ang lahat ng mga Villacorta.
SEQ. 13 SCHOOL. Kausap ni Roel yung admin ng exclusive school. Hindi pumasa sa
entrance exam si Lovelia. Roel says, handa siyang magbayad kahit magkano para
lang duon makapag-aral ang anak niya. Wiling din siya na ipa-tutor si Lovelia. Admin
says she still needs to talk to the principal and board regarding the matter. Lovelia
tells Roel na sa public school na lang daw siya papasok. Pero siyempre hindi papayag
si Roel. Isa na daw Villacorta si Lovelia.
GAP 3
SEQ. 16 MANSION. Makikitang sinusukatan si Lovelia para sa party nito. Nakabantay
naman si Matilda. Tapos mag-uusap sila ng kanyang amiga. Masasabi ni amiga na
hidni daw kamukha ni Roel ang anak niya. Matilda says, sa kasamaang palad,
nagmana sa ina. Matatawa si amiga. Sino daw bang chipipay na babae yung
nabuntis na yun ni Roel? GRO daw ba o waitress. Magagalit si Lovelia sa narinig niya.
Hindi daw cheap ang nanay niya. Mapapahiya naman si Matilda sa ginawang
pagsagot ni Lovelia.
SEQ. 17 MANSION. Open tayo na pagagalitan nang husto ni Matilda si Lovelia. Wala
daw itong modo! Huwag mong madala-dala dito sa pamamahay ko ang ugaling
squatter mo! Nakakahiya ka! Ipapamukha maigi ni Matilda kay Lovelia kung gaano
kababa lang ang tingin nito sa apo. Iiyak lang si Lovelia.
SEQ. 19 JEWELRY SHOP. Araw ng party at opening ng jewelry shop. Invited ang
lahat ng mayayaman na friends nila Matilda at Roel. Makikita na naka-display ang
mga alahas (parang may small showcase of fine jewelry). May isang piece that
they’re particularly proud of designed by their new designer na sa HongKong pa nag-
aral. Ipinagmamalaki ito ni Roel. ‘Yun daw ang new look ng Villacorta jewelry.
Ngayong ama na pala si Roel, siguro naman he will change his wild ways. Tawanan.
Saka ipapakilala ni Roel ang anak niya sa mga bisita. Mag-i-english pa si Lovelia,
minemorize pa niya ito. Pero nung tanungin na siya in english nung isang bisita,
hindi na niya alam ang isasagot. Medyo mahihiya si Roel. Pero he tries to make light
of the situation. Palihim na sasabihin ni Matilda kay Lovelia na umalis. Hiyang-hiya si
Lovelia. Maluluha. Dahil na rin dito, matatapilok or something si Lovelia, she knocks
down a glass stand ng jewelry ‘yung pinakamahal.
GAP 4
DISSOLVE TO:
SEQ. 21 MANSION. Open tayo na may sinusuot na necklace sa leeg ni Lovelia... then
reveal na dalaga na si Lovelia.
End of week...