Professional Documents
Culture Documents
HANGGANG NGAYON 1 TRT
HANGGANG NGAYON 1 TRT
Week 1
By Denoy Navarro-Punio
DAY 1
Intercut with:
SEQ. 1A Habang naririnig ang sagot ni Roel sa reporter, ipapakita natin ang
nangyayaring preparation sa Jewelry fashion show to showcase the launch of the
business. Si Matilda (Roel’s mother) at busy na nagmamando sa lahat (with an event
organizer).
We end the sequence with the reporter asking Roel tungkol sa lovelife nito.
(mababanggit pa ni reporter ang playboy image ni Roel) Matatawa lang si Roel at
sasabihin no comment.
SEQ. 2 FASHION EVENT PLACE. EXT. Makikitang nasa loob ng taxi si Mildred. Hawak
ang isang piece of paper kung saan nakasulat yung address nung lugar. Kita mong
kabado si Mildred. Hindi sigurado sa gagawin niya. Driver asks kung bababa na daw
ba si Mildred. Hahawakan lang ni Mildred ng bahagya ang kanyang tiyan saka
tatango.
SEQ. 3 FASHION EVENT PLACE. INT. Katatapos lang ng fashion show and everybody
is congratulationg Roel and Matilda sa successful launch ng business nila. May lalapit
kay Roel na kaibigan. Ipapakilala niya ang pinsan na si Conrad, a young attorney na
nag-top ten sa bar. Makikita na ma-i-impress si Roel kay Conrad. Pero mapuputol
ang usapan nila Conrad at Roel nang magkaroon ng komosyon sa may entrance ng
event’s place.
INTERCUT WITH:
SEQ. 6 PRIVATE AREA. NEW FLASHBACK. Kausap ni Matilda si Mildred. Magkano
daw ba ang kailangan ni Mildred? Mildred says hindi pera ang habol niya. Gusto
niyang pananagutan ni Roel ang anak niya. Matatawa si Matilda. Sa tingin mo ba
ikaw pa lang ang unang babae na nakaisip ng scheme na yun? Hindi ikaw ang unang
mukhang pera na babae ang lumapit sa amin at may planong pikutin ang anak ko!
Mildred says nangako sa kanya si Roel. Lalong matatawa si Matilda. Naniwala daw si
Mildred na seryoso si Roel sa isang babaeng tulad niya? A worker in their
pawnshop?! Then huhubarin ni Matilda ang suot niyang necklace. Kung matalino daw
si Mildred, she should take the jewelry and never bother them again. Wala daw
mapapala si Mildred sa kanila!
SEQ. 7 URBAN POOR HOUSE. Open tayo na kinakatok ng kahera ng apartment ang
pinto ng tinutuluyan na bahay ni Mildred. Saka bubukas ang pinto, makikitang malaki
na ang tiyan ni Mildred. Maniningil si kahera. Mildred says kung pwedeng next month
na siya magbabayad kasi hindi na siya pumapasok sa trabaho bilang kabuwanan na
niya. Kahera says wala siyang pakialam at kung ano-ano pang masasakit na salita
ang sasabihin ni kahera. Na sa totoo lang, labag sa loob nya na patuluyin si Mildred
sa apartment niya dahil malas daw ang nagpapatuloy ng disgrasyada ek-ek.
Mapuputol na lang ang litanya ni kahera nang biglang sumakit na ang tiyan ni
Mildred. Manganganak na siya.
GAP 1
SEQ. 8 POOR HOUSE. Manganganak na si Mildred. Babae ang sanggol niya. Iiyak si
Mildred. She promises her daughter na gagawin niya ang lahat para buhayin ng
maayos ang sanggol. Pangangalanan niyang Lovelia ang anak.
SEQ. 9POOR HOUSE. 10-11 years old na si Lovelia. Handa na siya pumasok.
Nagmamadali rin si Mildred na gumayak para pumasok as a saleslady sa department
store. Lovelia tells Mildred na parang masama ang pakiramdam niya. Mildred says
baka naman daw naghahanap lang ng excuse si Lovelia na huwag pumasok. Madami
na daw itong absence. Baka daw mahuli ng husto sa pag-aaral si Lovelia. Ibibilin sa
anak na huwag nang maglalaro sa labas at manatili na lang sa bahay mamaya.
Tatango lang si Lovelia saka magtatanong kung anong oras daw uuwi si Mildred.
Sasabihin sa anak na late na siya uuwi. May nakahanda na daw pagkain para kay
Lovelia at magsaing na lang ito ng kanin mamaya. Mildred ipapaunawa sa anak ang
kanilang sitwasyon.
SEQ. 12 SCHOOL. Tapos na ang school. Pauwi na si Lovelia nang tawagin ito nung
chubby friend. Magtago na daw si Lovelia kasi hinahanap daw ito ni Agatha and
friends. Tiyak na may gagawin silang masama sa iyo. Pero huli na ang lahat.
Makikita na nung mga kaibigan ni Agatha si Lovelia. Sa takot ni Lovelia, tatakbo siya.
Sa kamamadali ni Lovelia, muntik na itong mahulog sa stairs. Babagsak si Lovelia...
pero may makakasalo sa kanya. Ang 13 year old na si Jerry.
GAP 2
SEQ. 13STREET. Naglalakad pauwi sina Lovelia at Jerry. Jerry explains to Lovelia na
huwag matakot kay Agatha. Establish dito na kababata ni Jerry si Agatha at close
friend ng kapatid niyang si Jenny. Jerry assures Lovelia na kakausapin niya si Agatha
para hindi na pag-initan si Lovelia. Mapapansin ni Jerry yung pasa ni Lovelia na
natamo sa pagkakabagsak niya. Lovelia tells Jerry na ganoon lang daw siya.
Madaling magkasugat at pasain. Mababanggit ni Lovelia ang sitwasyon nilang mag-
ina (na wala siyang kapatid and she only has her mom).
SEQ. 14 LOOBAN. EXT. Open tayo kay Cesar at kausap yung may-ari ng tindahan—
ilegal pala ang pagtatayo nung tindahan nung may-ari at sinisita ito ni Roel... pero
tatanggap ng lagay si Roel. Then lalapit si Mildred na kakauwi lang galing sa work.
May bibilhin si Mildred na delata para almusal nilang mag-ina kinabukasan.
Mangungutang ito sa tindahan. Ayaw pa sana magpa-utang nung may-ari pero Cesar
tells him na pautangin na si Mildred. Reluctantly ay magpapasalamat si Mildred kay
Cesra. Kukumustahin pa ni Cesar si Mildred at ang anak nito. Sasabihin pa ni Cesar
na alam niya kung gaano kahipa ang buhay ng isang single parent bilang single
parent din siya. Namatay ang asawa sa panganganak kay Agatha. Obvious na may
gusto si Cesar kay Mildred. Establish din na matagal nang sinusuyo-suyo ni Cesar si
Mildred. Sasabihin pa niya kay Mildred na basta may kailangan lang ito, huwag
maghesitate na lumapit sa kanya... pero obvious na may kapalit yun!
SEQ. 16 CLINIC. Ang daming bilin ng doctor kay Mildred. Pulmonia pala ang naging
sakit ng sanggol. Mahina daw ang baga ni Lovelia kaya sakitin ito. Maraming gamot
na dapat bilhin. Titingnan ni Mildred ang laman ng wallet niya. Makikita na halos
wala na itong pera. Mamumublema si Mildred kung saan siya kukuha ng pera. (note:
pwedeng makita niya dito yung necklace ni Matilda)
SEQ. 17 CESAR’S HOUSE. Open tayo na pinagagalitan ni CESAR si Junior dahil may
nasira ito. Ipagtatanggol ni Agatha yung kapatid kay Cesar. Si Agatha naman ang
pagdidiskitahan ni Cesar. Sasabihan na imbes na naglalakwatsa ito dapat umuuwi
nang maaga para alagaan ang sinto-sinto na kapatid. Siguro daw ay nagbo-boyfriend
na si Agatha. Manang-mana daw ito sa kalandian ng yumaong nanay na pokpok.
Oras daw na mabuntis agad si Agatha, palalayasin daw niya ito ek-ek. Gamitin mo
yang utak mo. Kung gusto mong may marating sa buhay, huwag kang tanga ek-ek.
Mapuputol lang ang pagsesermon ni Cesar nang may kakatok sa pinto. Pagbukas ni
Cesar, si Mildred ang nasa labas.
GAP 3
SEQ. 18CLINIC. Nabili na ni Mildred ang lahat ng gamot na kailangan ni Lovelia. Pero
kailangan pa daw manatili ni Agatha sa clinic for further observation.
Magpapasalamat si Mildred kay Cesar. Then Cesar says mukhang nagpapahinga na si
Lovelia. Mukhang mamaya pa ang gising niya... hindi naman siguro masama kung
magdinner si Mildred muna with him. Aayaw si Mildred pero pasimpleng
manunumbat si Roel. Isa pa, hindi ba’t kailangan pa ni Mildred ng tulong para sa
pambayad ng clinic?
GAP 4
SEQ. 21 HOUSE. Pauwi na galing sa clinic sina Mildred at Lovelia. Estblish na ilang
araw din nanatili si Lovelia sa clinic. Worried pa si Lovelia na naka-miss siya ng exam
at baka mahirapan na naman siyang maka-catch up sa lessons nila. Pagdating nila
Mildred sa bahay, makikita na nakakandado na ito. Taka si Mildred. Saka dadating si
kahera. Ilang buwan na daw hindi nakakabayad yung mag-ina, maghanap na daw ito
ng ibang matitirahan. Ubos na daw pasensya niya sa kanila. Magmamaka-awa si
Mildred pero sarado na ang isip ni kahera.
ITUTULOY...
DAY TWO
SEQ. 1 CESAR’S HOUSE. EXT. Open tayo na nagrereklamo si Agatha (OS ito). Ayaw
niya na patirahin ng tatay si Lovelia ang nanay nito sa kanila. Rinig na rinig ni Lovelia
at Mildred ang pagrereklamo ni Ria. Lovelia tells mom na huwag na sila duon, na
maghanap na lang sila ng iba pang mauupahan. Mildred tells Lovelia na wala na
silang pera at panandalian lang daw yun. Oras na makapag-ipon siya, aalis din daw
sila duon. Sasabihin pa na mabait naman daw si Roel. Hindi na iimik pa si Lovelia.
Lalo pa nga’t lalabas na si Roel para tawagin sila.
SEQ. 3 JENNY and JERRY’S HOUSE. Kausap ni Agatha si Jenny. Kinukuwento niya na
may bago na namang binahay ang tatay niya but this time may sabit pang kasama—
yung anak na si Lovelia. Matatawa pa si Jenny pero nung pandilatan ng mata ni
Agatha, matatakot si Jenny at agad na sisimpatya sa problema ni Agatha. Maririnig
naman ni Jerry ang usapan nung dalawa. Jerry tells Agatha na bakit ba mainit ang
dugo nito duon kay Lovelia. Hindi ka ba naaawa sa kanya ek-ek. Agatha maiinis kay
Jerry at babarahin pa. Matatawa na lang si Jerry at aalis. Jenny manunukso pa na
may crush daw sa isa’t-isa yung dalawa. Deadma lang si Agatha. I’m sorry ha pero
hindi yung tipo lang ng kapatid mo ang papatulan ko no. Hindi na iimik si Jenny.
Alam niyang kapag bad mood si Agatha, best idea is just to keep quiet and let her
be.
SEQ. 4 ROEL’S HOUSE. Nasa kwarto ni Agatha si Lovelia. Kung inaakala daw ni
Lovelia na duon siya sa kama ni Agatha matutulog nagkakamali daw si Lovelia. Sa
sahig daw siya, sabay tapon ni Agathan ng unan at kumot kay Lovelia sa floor.
SEQ. 5 STREET. Kasabay umuwi ni Lovelia si Jerry. Mapag-uusapan nila ang bagong
buhay ni Lovelia ngayon sa bahay nila Agatha. Saka maririnig nila ang away nila
Mildred at Roel mula sa loob ng bahay.
GAP 1
SEQ. 7 CESAR’S HOUSE. Ginagamot ni Mildred ang pasa niya sa may labi. Lalapitan
siya ni Lovelia. Lovelia begs Mildred na umalis na sila. Pero iiling si Mildred. Mas lalo
na silang hindi makakaalis ngayon dahil nasisante sa trabaho si Mildred. Pero
sinasaktan niya kayo. Mildred says nagsorry naman siya sa akin. Saka kasalanan ko
rin naman, sinagot-sagot ko siya. Masasabi ni Lovelia na natatakot siya kay Roel.
Mildred says don’t worry. Kailanman hindi ako papayag na saktan ka niya. Yan ang
isang bagay na hindi ko hahayaan na mangyari.
SEQ. 9 CESAR’S HOUSE. Umiinom si Cesar with his friends. Si Lovelia ang nagsisilbi.
Pinagmamalaki niya ang anak na si Ria. Maganda daw ito at matalino. Pero yung
anak daw ni Lovelia, bobo daw yun at lalampa-lampa pa. Makiki-ayon naman si Ria.
Ikukuwento pa na sa school daw bagsak daw lagi ang scores na nakukuha ni Lovelia
samantalang siya laging perfect! Pahiyang-pahiya si Lovelia.
GAP 2
SEQ. 11 CESAR’S HOUSE. EXT-INT.Open tayo na may kausap si Cesar na some kind
of goon. May inaabot na pera kay Cesar. Then papasok na sa loob si Cesar habang
tinatago ang pera sa belt bag. Kukulitin naman ni Agatha ang ama. Gusto magpabili
ng celphone (will check kung meron nang celphone ng time na ito) sa ama pero
ayaw pumayag ni Cesar. Magmamaktol pa si Agatha. (note: sama sa eksena si
Junior)
SEQ. 12 PUBLIC SCHOOL. Kausap ni Lovelia si Jerry. Mapag-uusapan nila ang project
na kailangan gawin. Pero mahal yung project. Lovelia needs to do it kung gusto
niyang makapasa kasi mababa ang grades niya. Lalait-laitin pa ni Agatha ang dalawa
nung mapadaan ito. Lovelia tells Jerry na huwag na lang pansinin si Agatha.
SEQ. 13 CESAR’S HOUSE. Humihingi ng pera si Mildred kay Cesar para sa project ni
Lovelia. Cesar says dapat daw kasi hindi na pinag-aaral si Lovelia tutal boba naman
tapos madalas pang magkasakit. Manatili na lang daw sa bahay si Lovelia kasama ni
Junior. Hindi papahiramin ng pera ni Cesar si Mildred. Pagkaalis ni Cesar, kakausapin
ni Mildred si Lovelia. Mildred promises Lovelia na gagawa siya ng paraan.
GAP 3
SEQ. 18 CESAR’S HOUSE. Nagbibilang ng pera si Cesar, makikita niya na kulang ang
pera niya. He corners ang kakauwi lang na si Agatha mula sa school. Ikaw ba ang
kumuha ng pera ko?! Takot na takot si Agatha.
SEQ. 19 CESAR’S HOUSE. EXT-INT Pauwi galing sa school si Lovelia. Masaya pa siya
kasi pumayag yung teacher na magsubmit pa siya ng project. Pero sabunot ang
sasalubong sa kanya mula kay Cesar. Saan daw nito ginastos ang pera niya. Saka
makikita si Ria sa may gilid at pangisi-ngisi.
GAP 4
SEQ. 21 CESAR’S HOUSE. Lovelia denies na siya ang kumuha ng pera pero may
makukuhang pera si Cesar mula sa bulsa ni Lovelia. E ano ito? Lovelia tries to explain
kung saan galing yung pera pero pagbubuhatan na siya ng kamay ni Cesar.
Bubugbugin ni Cesar si Lovelia.
ITUTULOY...
DAY THREE
SEQ. 2 HOUSE. Binubugbog ni Roel si Lovelia. Panay ang deny ni Lovelia na siya ang
kumuha ng pera. Panay naman ang gatong ni Ria. Sinungaling daw si Lovelia etc.
Kukunin ni Roel yung pera ni Lovelia, nasaan pa daw yung iba. Dahil sa walang
mailabas si Lovelia na pera, kakaladkarin ni Roel si Lovelia sa may labas.
SEQ. 4 HOUSE EXT. Ibibitin ni Cesar ng patiwarik si Lovelia nang darating si Mildred
at aawat. Mildred tells Cesar na hindi nagnakaw ang anak niya. Sa kanya galing yung
pera ni Lovelia ipinangutang daw niya! May darating pa na ibang kasamahang pulis
para umawat. Wala nang magagawa si Cesar. Aalis ito na badtrip.
SEQ. 5 HOUSE. INT Ginagamot ni Mildred ang mga sugat ni Lovelia. Umiiyak silang
mag-ina. Hihingi ng tawad si Mildred kay Lovelia. Pangisi-ngisi naman si Agatha.
Mabubuwisit na si Mildred, haharapin si Agatha. Ikaw siguro ang nagnakaw. Sasagot
pa si Agatha. Mapupuno na si Mildred, masasaktan na niya si Agatha. Magbabanta si
Agatha, magsusumbong daw siya sa ama! Saka tatakbo paalis si Agatha.
GAP 1
SEQ. 8 MANSION. Kumamain sina Roel and Donya Matilda with Conrad at ang
bagong girlfriend nitong si Carmela. Niloloko nila si Matilda sa pagiging babaero ng
anak ni Roel na mukhang hindi na talaga mag-aasawa at magpapakatandang binata
na playboy. Matilda says naku kung basta-basta lang din naman ang babaeng iuuwi
niya dito, i would rather na huwag na nga siya talagang mag-asawa no! then may
lalapit na maid, may naghahanap daw kay Roel sa labas.
SEQ. 9 MANSION. Nagpupumilit si Mildred na ipatawag daw si Roel. Hindi daw siya
aalis hangga’t hindi niya na nakakausap si Roel. Lalabas si Conrad at magpapakilala
kay Mildred na abogado ng pamilya. Mildred says hindi kita kilala, si Roel ang gusto
kong makausap. Masasabi pa ni Conrad na pwedeng kasuhan ng trespassing si
Mildred. Pero hindi papatinag si Mildred. Mayamaya pa ay lalabas na rin si Matilda.
Magtatalo sila ni Mildred. Bilib din siya kay Mildred at hanggang bahay nila ay
nalaman pa ni Mildred. Palaban si Mildred. Ipinaglalaban lang daw niya ang
karapatan ng anak niya. Magkakagulo na... hanggang sa matigil ang lahat dahil sa
hihimatayin si Lovelia.
SEQ. 11 HOSPITAL ROOM. Papasok sa loob ng kwarto si Mildred. Lovelia asks kung
aalis na daw ba sila sa hospital. Mildred says hindi pa... pero meron akong gustong
ipakilala sa iyo. Saka papasok na si Roel. Eto ang ama mo. Awkward pa si Roel.
Kukumustahin si Lovelia pero sobrang happy si Lovelia. Yayakap agad sa ama. Gualt
si Roel.
GAP 2
SEQ. 12 HOSPITAL ROOM. Ilang na ilang si Roel. Pero si Lovelia naman sabik na
sabik. Tatanungin pa ni Lovelia kung ano daw ang itatawag niya kay Roel. Kung okay
lang ba na tawagini niya itong daddy? Iiwas si Roel. Sasabihin na babalik na lang
daw siya ulit mamaya at may pupuntahan pa siya. Aasa naman si Lovelia na makikita
ulit ang ama.
SEQ. 13 MANSION. Open tayo na galit si Matilda. Haharapin niya si Roel. Nandito rin
si Conrad. Matilda confronts Roel. Pinuntahan mo sa hospital? Bakit pa? I need to
see her... paano kung anak ko nga siya? Matilda says nagpapaniwala ka sa babaeng
yun! Sa itsura pa lang nung Mildred na yun mukhang gusto lang maka-pera! Limusan
mo na lang tapos kalimutan mo na! Torn si Roel. Will seek advice from Conrad.
Conrad says baka nga it would be wise kung huwag ka nang bumalik sa ospital. Let
me handle the situation.
GAP 3
SEQ. 17 HOSPITAL ROOM. DAY. Malungkot si Lovelia. Bakit hindi na bumalik ang
tatay ko inay? Hindi ba niya ako gusto? Siguro nung nakita niya ako, hindi niya ako
nagustuhan, ayaw niya ako na maging anak niya. Kita ni Mildred ang labis na
pagdadamdam ni Lovelia. Mildred then says baka naging busy lang siya sa trabaho.
Huwag ka nang malungkot. Kumain ka na, sabi ng doctor, bawal daw sa iyo ang
hindi kumakain. Mapipilitan si Lovelia na kumain na. Kikimkimin naman ni Mildred
ang galit kay Roel.
SEQ. 19 HOSPITAL ROOM. Nakabantay si Mildred kay Lovelia. Malalim ang iniisip.
Magigising pa si Lovelia. Bakit daw hindi pa natutulog si Mildred. Mildred says gusto
niyang bantayan lang si Lovelia. Mag-uusap ang mag-ina. Mildred tells Lovelia na
mahal na mahal niya ito at kahit anong mangyari, huwag na huwag mong
kakalimutan yun ha.
GAP 4
ITUTULOY...
DAY FOUR
SEQ. 2 HOSPITAL. Naglalakad si Roel kasama si Matilda. Kausap nila ang hospital
admin. What do you mean na wala na si Mildred? Nag-iwan daw ito ng note sa
nurses station. Binibilin ang anak at iniwan din ang number ni Roel. May sulat din
para sa inyo. Iaabot nung admin yung letter ni Mildred. Babasahin ni Roel.
SEQ. 5 HOSPITAL ROOM. Ayaw kumain ni Lovelia. Ayaw din uminom ng gamot. Saka
bubukas ang pinto, papasok sa loob si Roel. Mas iiyak si Lovelia. Iniwan na daw siya
ng nanay niya. Mahahabag si Roel kay Lovelia. Yayakapin ito to comfort her.
SEQ. 6 MANSION. Inuwi ni Roel si Lovelia. Dito na daw ito titira kasama niya. Then
iiwan lang sandali ni Roel si Lovelia para iutos sa maid yung kwarto ni Lovelia.
Maiiwan sa may living room area si Lovelia. Tamang-tama naman darating si Matilda.
Gulat to see Lovelia there. Sino ka? Ano’ng ginagawa mo dito? Lovelia haharap kay
Matilda. Kayo po ba ang lola ko? Matilda says hindi kita apo! Wala akong apo! Umalis
ka dito sa pamamahay ko!
GAP 1
SEQ. 9 MANSION. Manang Connie tells Lovelia na eto na ang kwarto mo. Hindi iimik
si Lovelia. Connie asks nagdaramdam ka ba sa ginawa ng madam? Pagpasensyahan
mo na yung matanda na yun. Lovelia asks bakit po siya galit sa akin? Bakit po siya
galit sa nanay ko? Connie says marami na daw kasing oportunista ang nagtangka na
lokohin sila nuon. Lovelia says hindi daw sinungaling ang nanay niya. Sabi niya po
siya po ang ama ko, yun po ang totoo. Connie says sana nga. Sana nga nagsasabi
ng totoo ang nanay mo.
SEQ. 10 MANSION. Kausap ni Conrad si Matilda at si Roel. Nagtatalo maigi yung
mag-ina sa ginawang desisyon ni Roel na iuwi agad si Lovelia sa mansion. Conrad
says may point din daw si Ma’am Matilda. What if hindi mo nga siya anak? Ano nang
gagawin mo sa batang yan? Roel then asks e what if anak ko nga siya? Muling
magtatalo na naman yung mag-ina. Papagitna na si Conrad. The only thing we can
do right now is to wait for the DNA result.
SEQ. 11 MANSION. Open tayo na ayon sa lab result confirmed na anak nga ni Roel si
Lovelia. Roel iuutos agad sa abogado niya na papalitan ang apelido at lahat ng
papeles ni Lovelia para maging ganap na Villacorta si Lovelia. Haharap si Roel kay
Matilda, siguro naman mama matatanggap nyo na si Lovelia ngayon. Hindi iimik si
Matilda, mapapatiim bagang na lang siya.
GAP 2
SEQ. 12 MANSION. Kumakain ang mag-anak. Panay ang puna ni Matilda kay Lovelia
sa table manners nito. Kita mo na maikli lang ang pasensya ni Matilda kay Lovelia.
Hindi daw ba marunong magtanda si Lovelia. Roel says mama give her some time,
siyempre hindi pa sanay si Lovelia. Then mapag-uusapan ang nalalapit na kaarawan
ni Lovelia. Gusto ni Roel na magpa-party. Eto na rin yung way natin para mapakilala
si Lovelia sa mga kaibigan nila.
SEQ. 13 SCHOOL. Kausap ni Roel yung admin ng exclusive school. Hindi pumasa sa
entrance exam si Lovelia. Roel says, handa siyang magbayad kahit magkano para
lang duon makapag-aral ang anak niya. Wiling din siya na ipa-tutor si Lovelia. Admin
says she still needs to talk to the principal and board regarding the matter. Lovelia
tells Roel na sa public school na lang daw siya papasok. Pero siyempre hindi papayag
si Roel. Isa na daw Villacorta si Lovelia.
GAP 3
SEQ. 17 MANSION. Open tayo na pagagalitan nang husto ni Matilda si Lovelia. Wala
daw itong modo! Huwag mong madala-dala dito sa pamamahay ko ang ugaling
squatter mo! Nakakahiya ka! Ipapamukha maigi ni Matilda kay Lovelia kung gaano
kababa lang ang tingin nito sa apo. Iiyak lang si Lovelia.
SEQ. 19 MANSION. Araw ng party. Invited ang lahat ng mayayaman na friends nila
Matilda at Roel. Makikita na naka-display ang mga alahas (parang may small
showcase of fine jewelry) Ngayong ama na pala si Roel, siguro naman he will change
his wild ways. Tawanan. Saka ipapakilala ni Roel ang anak niya sa mga bisita. Mag-i-
english pa si Lovelia, minemorize pa niya ito. Pero nung tanungin na siya in english
nung isang bisita, hindi na niya alam ang isasagot. Medyo mahihiya si Roel. Pero he
tries to make light of the situation. Palihim na sasabihin ni Matilda kay Lovelia na
umalis at pumasok na lang sa loob ng bahay. Hiyang-hiya si Lovelia. Maluluha. Dahil
na rin dito, matatapilok or something si Lovelia. ***masisira ang jewelry or
something to do with Matilda’s alahas.
GAP 4
DISSOLVE TO:
SEQ. 21 MANSION. Open tayo na may sinusuot na necklace sa leeg ni Lovelia... then
reveal na dalaga na si Lovelia.
ITUTULOY...
DAY FIVE
SEQ. 4 OFFICE. Pinakikilala ni Roel sa mga tauhan niya si Lovelia. Siya na ngayon
ang Finance Officer (will check pa rin regarding this). Ibibilin na ni Roel sa secretary
or assistant si Lovelia.
SEQ. 5 OFFICE. Papunta sa pantry si Lovelia nang marinig niya nag nagtsi-tsismisan
ang mga employees. Imbyerna si assistant kasi akala nila na nung magretire si FSL
(yung dating VP ng finance) ay siya na ang papalit. Tapos malalait nila si Lovelia.
Parang bobo naman daw ek-ek. Saka may makakapuna na nanduon na pala si
Lovelia. Isa-isang magsisialisan yung mga employees.
GAP 1
SEQ. 8 MANSION. Ready na to go to the office sina Matilda at Roel pero si Lovelia
kakagising palang. Magagalit si Matilda. Lovelia says pasensya na daw kasi nagpuyat
siya the whole night preparing the report pero bibilisan na daw niya. Susunod na siya
agad sa opisina. Aalis na sina Roel at Matilda. Connie tells Lovelia na kumain na
muna pero Lovelia says wala na siyang time. Mapupuna pa ni Connie na may mga
bagong pasa si Lovelia. Dedeadmahin na lang ni Lovelia.
SEQ. 9 OFFICE. Nanduon na ang mga ka-meeting nila pero wala pa si Lovelia. E na
kay Lovelia ang report. Matilda inis na. Hindi ipapahalata ni Roel ang situation sa
mga ka-meeting. Uutusan ang secretary na maghanda ng cake and coffee for all.
Then kukunin ang phone para tawagan si Lovelia.
GAP 2
SEQ. 12 OFFICE. Darating si Lovelia. Inip na ang mga investors. Wala nang patience.
Magsisimula na si Lovelia sa kanyang report pero dahil sa rattled na siya, panay pa
ang pagkakamali niya. Investor finally say na they don’t have time to listen anymore,
babasahin na lang nila ang report. Then tatayo na sila to leave.
SEQ. 13 HOUSE. Tinitingnan ni taxi driver ang kanyang bangga. Malaki din ang
damage. At ilang araw din mananatili sa talyer. Darating pa si sister ni taxi driver at
nanghihingi ng pera. Maba-bad trip lalo si taxi driver. Kasalanan ito nung babaeng
yun. Kukunin sa bulsa ang calling card. Makikita ang pangalan ng kumpanya.
SEQ. 14 OPISINA. Matatanggap nila ang bad news from the investors na hindi sila
mag-iinvest. Si Conrad pa ang magsasabi ng news. Disappointed sobra si Roel.
Masisisi ni Matilda si Lovelia sa nangyari. Kung hindi ka palpak, hindi sana nangyari
tio. Roel says, tama na, mama. Matilda says anong tama na? Hanggang kailan mo ba
pagtatakpan ang kahinaan ng anak mo?!
GAP 3
SEQ. 17 OFFICE. Nagkulong si Lovelia. May kakatok sa pinto, si Conrad ito. Lovelia
and Conrad talk. Devastated si Lovelia. Alam niyang palpak siya. Conrad tries to lift
up her spirits. Grateful si Lovelia at mabait sa kanya si Atty Conrad pero down pa rin
siya.
GAP 4
SEQ. 20 STREET. Nawalan ng malay si Lovelia pero may tumutulong sa kanya para
magising at mahimasmasan. Pagdilat ng mata niya, isang gwapong lalake ang nasa
harapan niya walang iba kundi si Jerry.
ITUTULOY...