You are on page 1of 4

DEAD STARS

BY

Paz Marquez Benitez

SINOPSIS
Ang Dead Stars ay isinulat ni Paz Marquez Benitez na inilimbag noong taong 1925. Ito ay
itinuring na kauna-unahang maikling kwento ng Pilipino na isinulat sa wikang Ingles. Ang istorya
ay umiikot kay Alfredo Salazar na isang binatang abogado at sa dalawang dilag na
nagngangalang Esperanza na apat na taon nang kasintahan ang binatilyo at si Julia Salas na
dalagang hipag ng kakilalang hukom ni Salazar.

PANIMULA
Ang pag-iibigan ni Alfredo Salazar at Esperanza ay kay tamis noong simula, ngunit di naglaon
paglipas ng panahon napalitan ang tamis ng pait. Unti-unting nawawala ang pag-ibig ni Alfredo
at kasabay nito ang pagtagpo ng landas ni Alfredo Salazar at Julia Salas nang bumisita si Alfredo
sa kaibigan niyang hukom. Palagi na siyang pumupunta doon kasama ang kanyang ama na
siyang may kailangan din sa hukom kung kaya't madalas silang nakakapagkwentuhan ni Julia. Sa
umpisa, ay hindi nya pinapansin ang pagbilis ng tibok ng puso nya tuwing makasama ito at ang
pagkasabik na makita siya muli na naghahatid ng ngiti sa kanyang labi na tila di niya ito
mapipigilan. Pero, napawi ito lahat nung naalala nya ang nalalapit na itinakdang kasal nila ni
Esperanza.

Hanggang sa isang araw, habang naglalakad sila sa tabing baybay ng dagat sinabi ni Julia na
siya'y lilisan na at babalik na muli sa kanila.

"Bakit parang tila pinaparating mo na ito na ang huli satin?"

"Dahil ako'y uuwi na samin."

"Kailan naman ito?"


"Bukas na ang alis ko. Nakatanggap ako ng liham mula kay ama at ina kahapon, nais nilang
makasama ako sa Mahal na Araw."

Hinintay ni Julia na magsalita si Alfredo ngunit nanatili itong walang imik at nakayuko lamang.

"Kaya ito na ang huli satin."

Napatanaw na lang si Julia sa napakagandang tanawin ng dagat at ang paglubog ng araw.

"Naiiba at napakalayo nito kumpara sa aming lalawigan, pakiramdam ko ako'y nasa ibang
kalawakan."

"Sumasang ayon ako diyan Julia, napakaganda at naiiba ito, tulad na lamang ng mga lumang
bagay na tila hindi ko kayang bitawan."

"Anong mga lumang bagay Alfredo?"

"Mga pagkakamali, mga paghihinayang at ang mga bumabagabag... Ito ay ang mga lumang
bagay na lagi kong pinapasan."

Si Alfredo ay humakbang palapit kay Julia. Hinawakan nya ng kay higpit ang mga kamay ni Julia,
ngunit hindi naman makatingin ng diretso si Julia sa mga mata niya at tila parang bumubulong
at sinabing "Paalam."
Labis na nagitla si Alfredo nang nakita niya si Julia sa simbahan ng Araw ng Huwebes Santo.

"Ginoong Salazar, nais ko lamang batiin ka sa iyong nalalapit na kasal. Nawa'y maging masaya
kayo at pagpalain ng Diyos."

"Binibining Salas, ang kasal ba ay nagbabatid ng interes sa iyo?”


"Oo naman, lalong lalo na ang ikakasal ay malapit na kaibigan sakin."

"Kung sa gayon, kung iimbitahan kita ikaw ba'y babalik dito?"

"Kailan ba gaganapin ang iyong kasal?"


"Sa buwan ng Mayo."

"Bueno, sabi nila kapag ikinasal sa buwan Mayo kaligayahan ang batid nito."

"Ikaw ba ay babalik dito at pupunta sa aking kasal?"

"Bakit naman hindi? Kung ako'y iimbitahan susulpot ako. Pangako yan."

"Ika'y iniimbitahan ko Julia."

"Asahan mo ang pagako ko Alfredo."

Naglaon natuloy ang kasalan ni Alfredo at Esperanza, samantalang si Julia ay bumalik sa sariling
bayan. Lumipas ang walong taon, naatasan si Alfredo na magtungo sa isang bayan na malapit
lang kina Julia. Sa pagkakataong iyon, nilakasan niya ang kanyang loob na bisitahin si Julia.
Ngunit habang naglalakbay siya, nasagi sa kanyang isip kung ano kaya ang naging buhay niya
ngayon kung natuloy ang relasyon nila ni Julia at nagisang dibdib sila. Pero wala na din siyang
magawa kasi ang nakalipas ay nakalipas na, hindi na ito maaaring maibabalik pa at naabot din
sakanya na hindi nag-asawa si Julia.
Nang nagtama ang mga tingin nila, sa labas ng tahanan nila Julia sa kalagitnaan ng gabi, sa ilalim
ng buwan at saksi ang mga kumikinang na mga bituin. Napansin ni Alfredo may maliit na
pagbabago sa itsura ni Julia, pinag-usapan nila ang mga nangyari sa kani-kanilang buhay sa loob
ng walong taon na hindi pagkikita. Pero mayroong nagbago talaga hindi lang ang pagpayat ng
konti ni Julia, pero di niya matukoy kung ano. Si Julia katulad pa din naman ng dati, hindi
nagbago ang kanyang pagiging masayahin na makakahawa at ang pagiging magaan na kasama
na noon ay siyang ikinagagalak ni Alfredo kapag nakasama ito. Ah ngayon alam na niya kung
anong nagbago.
Pinagmasdan ng maiigi ni Alfredo si Julia at hinawakan niya ang kamay ng dilag hinahanap ang
dating malakas na pintig ng kanyang puso, lumipas ang segundo at minuto pero hindi iyon
dumating.
Hindi dumating ang kakaiba at di maipaliwanang na nadarama niya para sa babaeng minsang
nagpagulo ng buhay niya.
Napatingla si Alfredo sa milyon-milyong kumikinang na mga bituin sa kalangitan. Malinaw na sa
kaniya na katulad ng mga ibang bituin, na akala lang pala niya nagpatuloy ang pagkinang ng
pag-ibig niya kay Julia ngunit ang ibang bituin na ating nakita sa kalangitan ay matagal na palang
patay.

Kaya ang pag-ibig ni Alfredo Salazar kay Julia Salas ay parang patay na bituin na ngayon niya
lang nakita—sa walong taon—na matagal na palang naglaho ang liwanag nito.

WAKAS

Reperensiya
https://steemit.com/shortstory/@belindabering/dead-stars-by-paz-marquez-benitez-
tagalog-version-dc3a733f4856

You might also like