You are on page 1of 2

Ang Simula ng Ating Wakas

•••

Naniniwala kaba sa pagmamahal sa unang pagkikita? Paano kung ang iyong nakaraan ay bumalik?

Bawat tao ay nakakatagpo ng mga ibat ibang tao sa kanilang buhay, sa lansangan at sa saan mang lugar silang dalhin ng
kanilang mga paa: ngunit ang isa sa mga taong kanilang nakilala ay maari andoon na pala ang taong nakatadhana para sa kanila.

Nagsimula rin ang kuwento nina Aria at Gael sa isang amusement park, kung saan unang nagkita ang dalawa. Habang nag eye
contact sila, parehong nakaramdam ng love at first sight. Lahat at lahat, marahil ang buong mundo, ay nagyeyelo. Gayunpaman, ang
kanilang pagkawala ng pagtingin at ang karamihan ng tao ay naging hadlang upang makilala nila ang isa't isa.

Ilang araw lumipas, muli nag krus ang kanilang mga landas, tila mapaglaro ang tadhana dahil ang kanilang mga kaibigan ay
magkakaibigan din, pinaka masapaya pang parte iisang eskuwelahan lang din silang nagaaral. Si Aria ay isang 21 taong gulang nag aaral
ng kursong psychology. Si gael naman ay nag hahawak ng isang maliit na negosyo at nagaaral ng accounting sa parehong eskuwelahan ni
Aria at ito’y De La Salle University, Manila. Sa pagkakilala nilang dalawa ay nabigyan ng mga oras, panahon upang magkaroon ng
puwang ang dalawa, naging maging kaibigan at gayundin ang pagtuklas na may pareho silang interest sa mga bagay bagay.

Ilang buwan ang lumipas, Nag disisyon ai gael na ipursige si Aria upang maging nobya niya. Unang ginagawa niya ay
inimbitahan niya si Aria magkaroon ng isang hapunan kasama siya. Hindi na naputol nila gael ang magandang samahan, kung kaya’t
bilang lalaki si Gael ay niligawan niya si Aria, naging sila naman pagkatapos ng anim na buwan na panliligaw niya kay aria. Mahal na
mahal nila ang isat isa. Ngunit mayroon pading hindi sila napagkakasunduan, katulad na lang ng mga komplikadong oras dahil may
mga kanya kanya silang gawain at tungkulin para sa pamilya.

Dahil sa pagkakaroon ng mga hidwaan ay unti unti nagkakaroon ng lamat ang kanilang relasyon. Kaya nagkaroon ng
paguusap na magkita sila sa unang lugar kung saan unang beses sila magkakilala, ito ang giant lantern sa amusement part. Subalit
lumipas ang mga oras hindi nagpakita si gael, nalungkot at naiyak na lamang si aria habang saktong pagbuhos ng mga patak ng ulan.
Ngayon napagtanto ni Aria, hindi na katulad si gael ng unang beses niya ito makita, makasama.
Nag antay ng nag antay si Aria sa pagbabalik ni Gael sa kaniyang buhay, ngunit tao lang si Aria nasasaktan at hindi malaman
kung saan ang totoo. Bawat araw naging malungkot, nag hahanap ng sagot si aria kung saan siya nagkulang. Dahil dito tuluyan na
siyang nag move. Binigyan naman ni Aria ng chance ang kaniyang sarili upang mag mahal muli, subalit si gael ay nag aaral sa Harvard
University abroad. Ilang taon ang mga lumipas masaya na si Aria na nalimutan na niya ang trauma ng nakaraan at pasakit ng isang
pagibig.

Lumipas ang mga taon, napag patuloy ni Aria ang kaniyang buhay sa piling ng taong nagmamahal sa kaniya sa kabila ng mga
kabiguan at pagkadismaya. Muling bumalik si gael sa pilipinas, isang mayaman promenenteng negosyante. Habang nasa pilipinas si gael
ay naglibot libot siya sa ibat ibang restaurants, at hindi sa sinasadyang pagkakataon muli niyang nakita si Aria. Nakita niya ang babaeng
mahal niya na halos walang pinagbago, maganda, at maamo padin. Subalit ang isa sa pinakamasungit na pangyayari ay may pamilya na
ito. Labis ang pag sisi ni Gael, na sana hindi niya iniwan si Aria, at kung hindi niya ito iniwan sana siya ang kasama ni Aria hanggang
pagtanda at hindi ang ibang tao. Wala na magagawa pa si Gael kundi mag-sisi kahit sabihin pa na ang kaniyang pagiwan kay Aria ay
may dahilan.

Gael's unsaid message to Aria:

Hey, Aria? Ako to si Gael Kumusta kana ba? Sana kilala mo pa ako, pasensya na ha subalit namimiss kita. Namimiss ko ang lahat sayo,
ang mga ngiti mo, pag tawa mo alam ko naman pareho tayo ng damdamin noon. Pero patawad, kung iniwan kita hindi ko kasi alam ang
gagawin ko noon. Muli kitang nakita sa restaurant at halos wala kang pinagbago. Magandang kapadin katulad ng dati, maganda padin
ang iyong mga ngiting tila nagsasabi mas mahal mo siya, pero dibale masayama naman ako muli kita makita at makitang masaya sa
piling ng iba.. Gusto ko lang sabihin ang rason bakit ako nawala, patawarin moko kung naduwag ako, naduwag ako sa mga bagay na
aking iniisip. Patawarin moko kung mas pinili ko ang pag-aaral ko kesa sayo. Patawad kung wala ako sa mga oras na kelangan moko, sa
mga oras na hindi ko alam kung asan ako. Alam ko naman ng nawala ako labis mong dinamdam, patawarin moko wala ako sa tabi mo
para aluin ka sa mga problemang kinaharap mo. Patawarin moko dahil hindi ko nagawa ang isang pangako ko sayo. Ang pangakong ako
ang magsusuot na habang sinasabi “Will you marry me?” Panahong iniwan kita labis akong na duwag, akala ko hindi moko
maiintindihan. Kung kaya ko lang ibalik ang nakaraan, hindi nakita muling iiwan pa. Alam kong huli na, pero natapos at nakuha ko ang
nais ko maging ako. Kahit ganon hindi na mababalik ang masaya kong puso, na panahong kasama ka. Mayroon mga bagay na kelangan
tanggapin, katulad na lang nangyari sa ating dalawa. Nagkilala tayo sa simula ng ating wakas, pero masaya ako dahil nabigyan ako ng
pagkakataong makilala ang isang napakaganda, maganda, at napakagandang babaeng tulad mo. Sana, sa ibang buhay, sa huli ay
magkahawak kamay tayo. Hanggang sa susunod nating eklipse, ang aking buwan. Mahal na mahal kita, Aria.

You might also like