You are on page 1of 6

Sol at Luna

Napakaganda ng araw at buwan, lalo na kapag


sila'y nagsasama. Pero paano kung ito'y kasalungat? Paano kung ayaw ng
mga tao na sila'y nagsasama?

Si Luna, labing-limang taong gulang, isang estudyante. Si Sol, dalawamput


limang taong gulang, guro sa filipino. Positibong tao si sol, pinapasaya niya
ang kanyang mga estudyante at tinuturuan ito ng mahusay. Ng dahil dito
ay nahulog si Luna, oo mali. Mali na mahulog siya kay Sol, lalo na't siya'y
isang guro.

"Ginoong sol!" tawag ni Luna sa kanyang guro. "Ano ang maipaglilingkod


ko sayo Luna?" "Uh, sabay na po sana tayong umuwi, mag-kapitbahay lang
naman po tayo" tugon ni Luna "Sige ba. Manong!" tawag ni Ginoong Sol sa
isang lalaki na nagmamaneho ng traysikel. Huminto ito sa kanilang
harapan at pinauna ng pumasok ni Ginoong Sol si Luna. Huminto na sa
harap ng bahay nila Ginoong Sol ang traysikel. Ngunit may problema si
Luna. "G-ginoo, kulang po ang aking pamasahe, papasok lang po muna
ako saglit sa bahay para kumuha ng barya" "Ako nang bahala, wag ka
nang mag-abala pa. Sagot ko na ang pamasahe mo" Bumaba na si
Ginoong Sol at iniabot ang pamasahe kay manong tsuper. "Nakakahiya
naman po, pero salamat po. Babawi po ako sainyo!" sambit ni Luna
pagkababa ng traysikel "Wala iyon, at saka kung gusto mo sabay na tayo
laging umuwi para ligtas ka ding makakarating sa bahay niyo" nagulat
naman si Luna sa iminungkahi ng Ginoo.
Masaya man si Luna, napuno naman ng pagkadismaya ang kanilang mga
kapitbahay. Mga mapanghusga at negatibo nilang kapitbahay. Dahil dito ay
naging usap-usapan ng mga magkakapitbahay ang madalas na pagsasabay
nila Ginoong Sol at Luna sa pag-uwi. Nakarating din ito sa paaralan nila at
naging usap-usapan ito at mas lumala ang mga kwento. Malaking epekto
ito sa gurong si Sol, nakaabot ito sa ibang guro. Ang kwento pa ay
magkarelasyon silang dalawa ni Luna, na mahigpit na ipinagbabawal ng
kanilang punong-guro.

"Ginoong Sol?" nagulat si Luna nang makita na nililigpit ni Sol ang


kanyang mga gamit sa lamesa niya. "Ipapadala nila ako sa Espanya upang
doon magturo at malayo sa iyo" sabi ni Ginoong Sol habang inilalagay ang
kanyang mga papeles sa isang kahon. "B-bakit nyo po tinanggap?" takang
tanong ni luna. "Para sa'yo din 'yon luna, para matigil na ang maling balita
tungkol sa atin." sinarado na ni Sol ang kanyang kahon at binitbit na ito
palabas. "Paalam na luna, nawa'y sana sa susunod nating pagkikita ay
positibo na ang tingin sa atin ng mga tao" Tumalikod na si Sol at naiwan si
Luna na nakatayo sa tapat ng pinto.

Napatingin sa kalangitan si Luna, naisip niya na sana para nalang silang


araw at buwan. Na kapag nagsama ay hinahangaan at pinupuri ng mga
tao. Matapos ang ilang buwan ay natigil na ang mga usap-usapan ukol sa
kanila. Naging una rin sa klase si luna, at mas naging maayos ang
pagtuturo ni Sol sa Espanya

. ~Hindi ba't kay ganda ng kanilang kwento? Kung paano nagsakripisyo


ang araw upang lumiwanag ang buwan.
Alamat ng Lawa ng Luha

Malaki at malalim ang lawa ng luha,


malinis at malinaw rin ang tubig dito. Ngunit noon ay wala naman
talaga ito, nagkaroon lang ng lawa dahil sa isang binibini. Si Binibining
Amihan ay isang babaeng umiibig kay Ginoong Alejandro. Para bang
isinumpa si Amihan, sa tuwing siya'y umiiyak, ganoon din ang langit.
Kapag siya'y masaya ganoon din mismo ang langit. Pinagsisilbihan
lamang ng pamilya ni Amihan ang pamilya nila Alejandro. Tagalinis at
tagaluto ang kanyang ina, ang ama naman niya ang nagmamaneho
ng kotse kapag may alis ang ama at ina ni Alejandro. Si Amihan
naman ang tagalaba at tagaplantsa ng mga damit nila. Lihim lamang
na umiibig si Amihan kay Alejandro, magkaibigan sila kaya't umaasa si
Amihan na mapansin siya nito. "Amihan! Tara na't sumabay ka na sa
pagsayaw ng cariñosa" aya ni Alejandro kay Amihan na naghahatid ng
mga pagkain sa mga bisita. Ika-dalawamput apat na kaarawan ni
Alejandro at ginanap ito sa kanilang mansyon. "Pasensya na Ginoo,
kailangan ko pa silang hatiran ng mga pagkain" sagot ni Amihan
habang nagbibigay ng mga pagkain sa bisita. "Ako ang bahala sayo!"
Hinila ni Alejandro ang kaliwang kamay ni Amihan at sumayaw sila ng
cariñosa sa gitna. "Nakakahiya Ginoo, ang daming nanonood" bulong
ni Amihan kay Alejandro habang nagsasayaw pero hindi ito pinansin
ng ginoo. Natapos na ang pagsasayaw nila at inanunsyo ng
tagapagsalita na dumating na si Binibining Ligaya. Napakaganda at
napakahinhin niya. Ngunit nagtaka si Amihan kung bakit siya nandito.
Lumapit si Alejandro kay Ligaya at masaya nilang binati ang isa't-isa.
Muling nanatili sa gilid si Amihan upang maghintay nang iuutos
sakanya. Napansin niya na masayang nag-uusap ang dalawa kaya
tinanong niya ang isa pang tagapagsilbi.

"Dalisay, alam mo ba kung ano ang meron at nandito si Ligaya? Hindi


naman sila magkakilala hindi ba?" tanong ni Amihan. "Nako Amihan,
usap-usapan ang gaganaping kasal nila sa linggo, pinagsundo sila ng
kanilang mga ama" natigilan si Amihan at napatitig lang sa dalawa na
masayang nag-uusap. Si alejandro,ikakasal na? Iyan lamang ang tumatakbo
sa isipan ni Amihan buong gabi. Tumayo na sa harapan si Alejandro at
Ligaya upang ibalita ang magaganap na kasal sa linggo. Ngunit bago
pa magsalita ang binata ay may bumaril dito, sakto sa kanyang ulo.
Nagsisisigaw ang mga tao at ang iba ay lumabas upang hindi
madamay. Pagkabagsak ni Alejandro ay biglang tumakbo paalis si
Ligaya ngunit naharangan na siya ng mga guwardiya. Napansin pala
ng mga guwardiya ang bumaril, ngunit huli na nang mapigilan nila ito.
Hindi matanggap ni Amihan ang nangyari, mag-isa lamang siya sa
puno ng narra at madalas umiiyak, kaya madalas din ang pag-ulan ng
malakas. Natuklasan na din kung sino ang bumaril kay Ginoong
Alejandro, kaya pala umalis kagad si Ligaya ay plano nila iyon ng
kanilang ama, na patayin si Ginoong Alejandro upang makamit ang
yaman nila. Ngunit hindi sila nagtagumpay dahil nahuli sila ng mga
guwardiya.

Ilang linggo ang nakalipas at madalas lang na nasa ilalim ng puno ng


narra si Amihan, basang basa na sya ng ulan pero hindi niya iyon
pinansin. Naisip niya na magpakalunod sa lawa at sumama na kay
Alejandro sa kabilang buhay. Wala na siyang maisip na iba pang
dahilan dahil sa sakit na nararamdaman niya, gusto niya lang
makasama si Alejandro muli. Dahan dahang lumakad papunta sa lawa
si Amihan, umabot na ang tubig sa kanyang leeg pero tuloy-tuloy
lamang siya hanggang sa lumubog na siya. Nararamdaman niya na
ang hirap sa paghinga kaya nararamdaman niya na ring malapit na
silang magsama muli ni Alejandro. Matapos noon ay tumigil na ang
ulan, lumiwanag ang kapaligiran at humupa ang mga baha. Ngunit
ang lawa ay nandoon padin, at nabuo na ito. Maraming tao ang
tinawag iyong Lawa ng Luha, dahil sa walang sawang pagluha ng
langit ng ilang linggo. Ang hindi nila alam ay nabuo ni Amihan ang
Lawa ng Luha mula sa mga nararamdaman niyang sakit at pagkaulila
sa kaniyang minamahal na si Alejandro.

July 8, 2019
Rommel Mercado
English Teacher
Dear Mr. Mercado, please accept this letter as a formal
notification that I am resigning from my position as Assistant
Secretary for E-Zone Club. My last day will be July 8th.
Thank you very much for the trust you've given me to be an
Assistant Secretary. I genuinely enjoyed my time with the club
and with the other members and officers. I'm looking forward
for the English Month! Again, thank you so much Mr. Mercado.
Sincerely,
Krystal Heart C. Pangan

You might also like