You are on page 1of 3

SCRIPT SA ESP

Narrator: Isang araw habang naglalakad si Yuri ay nakasalubong nito ang kanyang matalik na kaibigan na si Lily.

Lily: Yuri, hi! kanina ka pa namin inaantay.

Yuri: Hmm HAHAHA. Hulaan ko, may chika ka na naman no?

Lily: Oo naman, ako pa ba? (smile). Siya nga pala, diba may outing tayo sa ilo2 sa linggo, the whole class no? sasama ka?

Narrator: Saglit na kumulimlim ang mukha ni Yuri, Naalala nya ang kanyang papa, si Mang Carlo, at ang kahigpitan nito. Hanggang
ngayon ay ginagawa pa siyang bata nito na hindi magpagkatiwalaan sa sarili.

Yuri: Uhm try ko, magpapaalam pa ako kay papa hindi ko pa kase napupuntahan 'yon, nabasa at nakikita ko lang sa mga updates sa
facebook.

Lily: Sis, alam mo bang sasama ang yung crush mo, yung si Joshua. Ayieeee

Narrator: Sa kalagitnaan ng kanilang pag-uusap, dumating naman si Paolo ang kanilang Boy Besfriend.

Paolo: 'Bat parang ansaya nyo 'ata, anong meron?

Lily: Eto kasing bestie natin…(tinakpan ni Yuri ang bibig ni lily)

Yuri: Ahh, wala. Kase ano... Diba uwian na natin? Tara galaaa...

Lily: Sabi ko ngaaa...

Paolo: Yun na agad? kakarating ko nga lang e, parang others naman to.

Yuri: Kung ayaw mong sumama edi maiwan ka(hagikgik)

Paolo: Eto na oh, sasama na nga.

Narrator: Kinagabihan...

Yuri: P-paa, ipagpapaalam ko sana sainyo ang aming outing sa ilo2 sa linggo, nais ko po sanang sumama...

Carlo: May mawawala ba sa'yo kung hindi ka sasama? Kung aaksahin mo ang oras mo doon ay ipag-aaral mo ng iyong leksyon, marami
ka pang matutunan at matitipid mo pa ang pera mo.

Yuri: Pero pa, kasama po lahat ng mga kaklase ko, hindi naman po kami mag...

Carlo: Walang pero2, pag sinabi kong hindi, hindi! Walang lalabag!

Yuri: Paaa! 'Bat napakahigpit nyo naman sa'kin, ni minsan 'di nyo ako pinayagang lumabas kasama ang mga kaibigan ko, puro nalang
pag-aaral, bawal, hindi... Kagustuhan nyo nalang ang palaging masusunod, talagang lalayas na ako!

Carlo: Yuri, tama na! Para sa'yo ang ginagawa ko!, ilang beses ko pa 'bang uulitin na para sa'yo ang ginagawa ko!

Yuri: Para sa'kin? (smirk) Ni minsan ba na isip mo kung masaya ako? Kung okay lang ako? Hindi ko nga narinig sayo ang tanong na
"Nak, kamusta ka na? Nak, may problema ka ba? Or Nak, kaya mo yan ikaw pa ba"...

Narrator: Napatahimik si mang Carlo at agad-agad na pumasok si Yuri sa kanyang kwarto.

Yuri: Talagang lalayas na ako (smirk). Maghahanap ako ng pagkakataong magagawa ko ang plano ko, pero saan naman ako pupunta?
Wala naman akong pera… Ah! Alam ko na! titipirin ko ang allowance na binibigay sa’kin ni papa at hindi na ako sasama sa gala nila,
para makauwi ako ng mas maagaa…..

Narrator: Sa paaralan.

Lily: Yuri! May pupuntahan lang kami ni Paolo at Joshua, tara, sama ka?
Narrator: Gustong gusto ni Yuri sumama pero naalala nya ang kanyang proyekto sa kaya napahinto ito saglit at nagdalawang isip kung
sasama ba ito o hindi.

Yuri: Sasama sana ako, kaso ano e… Wag nalang pala uuwi nalang ako, Ingat kayo ah…

Joshua: Yuri, napansin ko lang parang nagbago ka yata, ‘di ka na sumasama sa’min.

Yuri: Hi Josh (smile, titig). Uuwi na kasi ako e, dami pang gawain sa bahay.
Joshua: Ganon ba, sige bawi next time (tango, smile)…

Carlo: Magse-cellphone lang naman yan pag uwi nyan.

Yuri: Uyy hindi ahh… Uhm sige mauna na ako Lily, Josh… Byeee…

Narrator: Nang umuwi sa bahay ay agad dumiretso si Yuri sa kanyang kwarto at gumawa ng kanyang proyekto. Maya-maya ay kumatok
ang kanyang ina…

Melody: (kumatok) pwede bang pumasok? (binuksan ang pinto)

Melody: (lumapit kay Yuri) Nak, pagpasensyahan mo na ang papa mo ha, kahit ako ay nagulat sa inasal nya (himas sa buhok. Pero sana
ay maintindihan mo na para sa’yo ang ginagawa naming, syempre mahal na mahal ka naming e (hugs). Sya nga pala, gusto ka nyang
makausap

Yuri: Sino po? (tango)

Carlo: (smile)

Melody: Sige, maiwan ko muna kayo nak haa…

Carlo: (lumapit kay Yuri) Nak, sana ay mapatawad mo ako… Hindi ko naman sinadyang pagtaasan ka ng boses at sana ay mapatawad
mo ako dahil napakalupit kong ama para sayo, sorry…(hugs)

Yuri: Sorry din pa dahil sumagot ako sayo, sadyang nagulat lang po ako nung tumaas ang boses mo. Pero ngayon naintindihan ko na
ang paghihigpit mo sa’kin pa, sorry talaga…

Carlo: Binibigyan na kita ng kalayaan anak, sapagkat alam mo na ang iyong gagawin at marunong ka nang magdesisyon ng mabuti at
tama…

Yuri: Salamat pa! (hugs)

Carlo: Pero wag kalimutang mag paalam haa (smiles)

Narrator: Kinabukasan…

Sir Gary: Yuri, pumunta ka dito may sasabihin ako…

Yuri: (lumapit)… Goodmorning sir, ano po yun?

Sir Gary: Congrats Yuri, nakapasok ka sa With High Honors ngayon talagang nag improve ang mga grades mo, ipagpatuloy mo lang yan
Yuri…

Yuri: talaga po sir? Maraming salamat po, siguradong matutuwa si mama at papa nito…

Sir Gary: Walang anuman Yuri, basta ang bilin ko sayo ha, wag na wag mong kakalimutan.

Yuri: Opo sir…(smile)

Narrator: Pauwi pa lang sa bahay ay nasasabik na si Yuri na sabihin sa kanyang mga magulang ang magandang balita…

Yuri: Ma…Pa… (naiiyak) With High Honors po ako…

Carlo: Talaga? Congats anak (hug)… Proud na proud ako sayo, keep it up anak nandito lang kami ng mama mo para suportahan ka…

Yuri: Hindi ko to makakamit kung hindi dahil sainyo ma, pa…Maraming salamat po sainyoo, mahal na mahal kopo kayo.

Melody: Mahal na mahal ka rin naming anak…

Narrator: Ang magkaroon ng kumpletong pamilya ay napakalaking biyaya na natanggap natin, kaya ating pahalagahan at sundin ang
mga bilin at payo ng ating mga magulang dahil mas alam nila kung ano ang nakabubuti para sa atin, at wag din natin kalimutang
magpasalamat sa lahat ng sakripisyong binigay nila sa atin. Sana ay meron kayong matutunang aral, maraming salamat.

THE END

You might also like