You are on page 1of 10

Script – GUNI-GUNI

INTRO
Sa chapel
(ipapakita ang isang pari, itinataas ang Holy Eucharist pero di kita ang mukha, then
blackout, mula sa oscha nung paring nagmimisa, makikita yung dalawang bata, isang
babae may hawak ng balloon (wala sa sarili) yung batang lalaki naman ay normal
Regielyn: Oh siya, nak tara na? Mag sign of the cross na kayo.
Dalawang bata: tutungo*

Scene 1
Sa ospital
(mula sa pintuan ng simbahan, papunta sa pintuan ng ospital, ditto sasabihin yung sakit
at reresetahan ng doctor ang bata)
(nakatalikod sina Regielyn at Maron habang nakikinig sa doctor)
Angeli: Schizoaffective disorder is a chronic mental health condition characterized
primarily by symptoms of schizophrenia, such as hallucinations or delusions, and
symptoms of mood disorder, such as mania and depression. Yan po ang nakikita kong
sakit sa inyong anak base sa observations po na aking nagather so here the medicines
to take po mommy ha (iaabot ang reseta)
(habang nakikinig si Regielyn sa doctor)
Batang Micah: makakakita ng kung anu-ano, lalapit sa parang bench sa ospital
tapos may kinakausap na invisible entity
Batang Ovien: sino kinakausap mo?
(lalapitan ni Regielyn)
Regielyn: Anak, aalis na tayo. Ba’t ka nandyan, may kinakausap ka ba?
Batang Ovien: Mommy, sino kausap ni Clara?
Regielyn: Halika na nga. Magpahinga na muna kayo sa bahay.

Makalipas ang ilang taon, nakatungtong na ang dalawang bata sa hayskul. Ito ang
naging daan sa kanila upang makadaupang-palad ang ilan sa mga taong magiging
pasakit ng kambal. Baguhan pa lamang sila sa paaralan kaya’t mahirap para sa kanila
ang makihalubilo sa iba sapagkat isinasaalang-alang ni Crispin ang kalagayan ng kapatid
na si Clara.

Scene 2
Sa classroom
(mula sa papel na reseta na ibinigay, papunta sa papel ng notebook, dito din makikita
yung transition ng edad ng kambal)
Allana: I am Mrs. Cruz, your class adviser and teacher in Basic Calculus. So alam
niyo naman pag first day, may pa-introduction so let’s start with our transferees.
Ovien: Ako si Crispin Catacutan. (Si Micah ay nakatingin kay Huey at nagsimula
sa unang guni-guni)
(Guni-guni)
Huey: Uy Catacutan, pangalan palang ang creepy na! Hahahaha (nagtawanan
lahat)
Allana: Class, stop, kung maaari, tulungan niyo mag adjust itong dalawang
transferee natin. Next, Ms. Catacutan.
Micah: (umiiling, ayaw tumayo at magpakilala) Ako po si Clara. Yun lamang po.

Scene 3
(break, nasa classroom sina Ovien at Micah. Tahimik lang si Ovien at Micah)
Huey: Brad, ang tahimik mo kanina pa dyan? Ako nga pala sa Charles.
Ovien: Pasensya na kayo. Iba kasi sa public school sa probinsya. Di ako sanay
sa gantong lugar. Nakakapressure ang mga tao.
Huey: Kami? Dude, di mo pa nga kami nakikilala eh. Ito nga pala si Angelo, medyo
luko pero mapagtitiisan na. Hahahaha. Tara sa labas ang init dine sa loob eh!
Miguel: Baliw! Hahahaha!
Ovien: Tara, kaso di ko pwedeng iwanan ang kapatid ko dine sa loob mag-isa e.
Sakin yan binilin ni Mama.
Miguel: Ikaw naman, malaki na yan. Ano bang meron sa kapatid mo?
Ovien: Ah, wala, wala. Te’na.
Scene 3
Sa corridor
(Si Micah ay kung saan-saan nakatingin, lalapit kay Ovien)
Micah: Crispin, magccr lang ako
(low volume) Huey: Ba’t ganan kumilos si Clara. Di normal, pre. Parang baliw.
Ovien: Oy tumahik ka ha, hindi baliw ang kapatid ko!
Huey: Easy ka lang pare. Nagbibiro lang oh!

Scene 4
Sa banyo
(Lalapitan nina Krista at Vhea si Micah na nag-iisa, ngingiti nakanta)
Krista: Clara, sa susunod magpasama ka nalang samin ni Anna, pagbabanyo ka.
Delikado na baka pagka-isahan ka ng mga delikadesa nating kaklase.
Vhea: Ah sina-? (pipigilan ni Krista si Vhea na sabihin yung pangalan) Jusko
ganun talaga mga yon. Feeling kanila ‘tong school.
Krista: Wala nang bago, Hahahaha!
Micah: (ngingiti, creepy smile)
(papasok sa eksena sina Liela at Jayik upang manalamin sa banyo)
Vhea: (bubulong) Speaking of the devil.
(lalabas na yung tatlo sa banyo, sad sfx)
Micah: (utal) Sila ba yung tinutukoy niyo? Mukang mabait naman sila.
Krista: Well, akala mo lang. Kilala na naming ‘yang mga yan!

Scene 4
Dismissal
(Guni-guni)
Liela: (nakatingin kay Micah, habang nag-aayos ng gamit) Alam mo kanina pa
akong naweweirduhan kay Clara.
Jayik: Same girl, I feel something strange. What can we expect from her?
Liela: Baka baliw? Hahaha! Omg kailangan itong malaman nina- (napatigil)
Jayik: Nukaba Julia, baka marinig nan! (sabay ligpit ng gamit)
(makakasalubong nina Liela at Jayik, si Micah ay nakasulyap sa pinto tinitingan ang girls
na nag-uusap)
Jayik: (habang nagseselfie si Liela) Sofia, gala naman tayo next. Sunday! For sure
free kayong lahat non.
Acine: Sure, want ko mag road trip. You know, with you guys! (nahuli si Micah na
nakatingin sa kanila) Sino yun? Ang weird, nakatingin satin)
Liela: Ah si Clara (biglang papasok si Sam, tas titingin si Liela) Uy Claire, sama
ka sa Sunday?
Sam: Diko sure pare, baka sumimba ako with fam!
Acine: Ikaw? Sisimba? Wag kang pakitang-tao siz!

The next day…


Scene 5
Sa classroom
(Nagtuturo si Mrs. Cruz sa unahan, ang shot ay zoom in sa glass board habang
nagsusulat si Ovien ng sagot)
Allana: Okay, Mr. Catacutan, your answer is incorrect. Let’s see if Chesca can get
it.
Jayik: (tatayo, sasagutan, tama)
(Guni-guni)
Allana: (naglalakad papuntang unahan) Di hamak na mas magaling ka kaysa sa
magkapatid na ito. Mga bobo…
Micah: (sumama ang tingin kay Allana, sabay tayo) Mrs. Cruz, may I use the
bathroom?
Allana: Go ahead… (low volume) so class prepare for your graded activity
tomorrow!

Scene 6
Sa banyo
Micah: (naghuhum ng ili ili tulog anay sa cubicle, lalabas makikita si Acine)
Acine: So ikaw yung transferee? Ako nga pala si Sofia (makikipagshake hands,
magaalcohol muna) Oops, wait baka may germs. (fake smile)
Sam: Oy, wag mo kausapin yan! Balita ko baliw yan! Excuse nga! (sasagiin si
Micah sabay pasok ng cubicle)
Acine: Grabe ka naman, muka naming mabait yung tao! (fake smile)
Sam: Pwe, (low volume) ang dami mong sinasabi Sofia ha! Feeling close ka dyan!
Ang weird kaya nyan!

Scene 7
Sa bahay
Micah: (nasa harap ng maliit na altar, nakatitig sa mga holy figures) Mama, may
mali ba sa akin?
Regielyn: Anong sinasabi mo anak? Kahit ganyan ang sitwasyon mo, isipin mong
may lugar ka sa mundong ito at sa puso namin.
Macky: Anak, alam mo, ang susi dyan ay dasal. Wag kang panghinaan ng loob.
Kahit ganan ka, di ka pababayaan ng Diyos, talikuran ka man ng lahat. Matulog ka na.

Scene 8
Sa classroom
Student 1: May audition daw mamaya sa gym. Naghahanap yata ng bagong
member ng glee club.
Student 2: Sa mga nakanta jan, Grades 11-12 ang kailangan.
Ovien: (nakatingin kay Micah) Baka gusto mong sumali. Naniniwala ako sayo.
Micah: Crispin, natatakot ako. Baka pagtawanan lang nila ako.
Huey: Oy si Clara daw oh!
Micah: (mapapatingin sa lahat at aayaw)
Liela: Clara, sumali ka na! Bilis! (tuwang-tuwa)
Ovien: Tingnan mo, maraming naniniwala sayo.

Sa gymnasium
(Nakanta si Micah ng Ili ili habang nanunuod ang kanyang mga kaklase)
Krista, Vhea: Go Clara! (pumapalakpak)
(Habang kumakanta sa unahan, nagsimula ulit magkaroon ng guni-guni si Clara)
(Guni-guni)
Liela: Boo!
Jayik: Boo! Hahahaha!
(Akala ni Micah ay pinagbabato siya ng ginasumot na papel ng mga kaklase na
pinangungunahan nina Huey at Liela, tumigil si Micah sa pagkanta at nagwalk out)

Scene 9
Sa kwarto
(Kahit na nainom ng gamut si Clara, di nababawasan ang epekto ng kanyang sakit sa
utak.)
Micah: Ili-ili tulog anay, Wala diri imong nanay. Kadto tienda bakal papay. Ili-ili
tulog anay. (habang hinahanda ang gamut nya)
(Flashback lahat ng mga guni-guni, akala ni Clara na masama sa kanya ang lahat ngunit
hindi)
(Maluluka na creepy)
Micah: (boses na nagsasabing ‘iisa-isahin ko kayo, di ka mahalaga sa kanila,
tingin nila sayo ay baliw’) Manahimik ka! Argghh (pinapawisan)
(Magwawala at magpapakamatay si Micah, nagsindi ng posporo at sinunog ang sarili at
ito’y magiging misteryo sa lahat)

Scene 10
Sa sementeryo
(Di makapaniwala ang mga magulang ni Clara sa nangyari, tingin ni Crispin ay dahil ito
sa pangungutya ng mga kaklase pero ito ay dahil sa lahat ng guni-guning nadama ni
Clara nun ito’y nabubuhay pa. Di lingid sa kaalaman ng lahat, na ang sakit ni Clara ang
pumapatay sa kanya.)
(Ipapakita ang lapida, blackout)
Makalipas ang mga araw…

Scene 10
Sa kwarto ni Crispin
(Magsisimula na si micah sa pagpaparamdam)
Ovien: (habang tulog ay mapapanaginipan nito si Micah)
(Panaginip)
(nakanta si Micah at hinahanap si Crispin)
(Namamawis, nagising si Ovien sa pagkakapanaginip at tarantang-taranta, di alam ang
gagawin, nagdasal na lamang siya_
Ovien: Panginoon, kayo nap o bahala sa kapatid ko, sa ngalan ng Ama, ng Anak,
at ng Espiritu Santo, Amen. (sabay tunog ng alarm ni Ovien)(blackout, strange sfx)

Scene 11
(Mula sa alarm ng kay Ovien, transition as alarm or bell ng school ditto na magsisimula
ang misteryong hatid ni Micah, naglalakad si Ovien si corridor, makikita ang group of
friends ni Liela kasama si Huey, habang nagaayos ng mga sarili)
Ovien: Akala ko kaibigan ka. (lalagpasan si Huey)
(Mapapahinto si Ovien dahil maririnig nito ang boses ni Micah na sa una’y mahina
hanggang sa papalakas nang papalakas, blackout)
Sa isang mansion
(Dito na magsisimula si Micah, pumatay, gagamitin niya si Ovien upang maghiganti)
Jayik: (nag-iinom) Siz, namatay na daw si weirdo? (laging hawak ang bote ng
alak)
Acine: Yes, I remember, yun yung nakairingan mo sa banyo! Lagot ka!
Buwahahaha (nanakot habang nagliliptint)
Sam: Uy, pare anong gagawin ko. Binungangaan ko pa naman yun dati. Frenny
baka unahin ako nun!
(Dumating sina Huey at Liela, si Huey ang driver, sinamahan ni Liela)
(biglang papasok si Liela sa bahay, naiwan si Huey sa labas at naisipan umihi sa tabi
tabi, sinaksak ni Ovien na sinapian ni Micah si Huey sa likod)
Liela: Surprise!
Jayik: Ano ba yan! Kala ko di ka sisipot!
(After some time, nagsimula na maginuman lahat)
Sam – tinahi ang bibig (after mag cr, nanalamin, nagpakita si Micah sa salamin, nakita ni
Liela sa cabinet)
Liela – sinakal (inihiga sa kama, akala ni Jayik buhay pa kaya kinakausap)
Jayik: Guys let’s go, nasa labas na ang sasakyan. Si Charles ang magddrive!
Acine: Omg, roadtrip na ba ito?
(Lumabas na si Jayik at Acine at iniwan sina Sam at Liela na akala ay lasing na’t
natutulog)
Jayik – offscreen pinatay
Acine – binangga ng kotse
(Nagroadtrip sina Huey, Liela, Jayik, Sam, at Acine. Di nila alam na hinahatid na sila ni
Micah papunta sa kanilang huling hantungan)

Scene 10
Sa school
Allana: Crispin, late ka na naman. Bukod sa absent sina Charles, Chesca, at Julia.
Ikaw naman tong sumunod!
(Possessed Ovien, tiningnan ng masama si Allana, pinaglaruan ni Micah si Allana,
nawala ang students, hinabol ni Micah si Allana hanggang sa mapadpad sa abandoned
classroom. Si Allana ay nagtatago na takot na takot, pagtingin niya sa paligid wala, sa
likod niya wala, pagtingin niya sa taas andun si Micah, pagbaba ng cam andun si Ovien)
Allana – throat slit (blackout)

Scene 11
(Dito na marealize ni Ovien na hindi na siya yung sarili niya)
Room setting:
Ovien: Anong nangyare sakin? (makikita si Micah) Clara, tama na. In Jesus Name
(paulit ulit) (habang nakahawak sa cross na necklace) (praying Our Father, Hail Mary)
Micah: Tapos na kuya, salamat. HAHAHA (evil laugh)
Ovien: Alam kong guni-guni lang lahat ng ito! Guni-guni!!! (blackout)

Fast forward…
Scene 11
Sa simbahan
(Mula sa necklace na cross, transition sa malaking cross sa simbahan, naging pari si
Ovien sa huli, nalabanan niya ang poot ng kapatid niyang si Clara dahil sa kaniyang
pananampalataya)
Ovien: A person can conquer every evil within them, if God is with them, no matter
what it takes, walang makakapagbagsak sa pananampalataya natin sa Panginoon, kahit
guni-guni pa yan (blackout, flash title, credits)

You might also like