You are on page 1of 1

Greetings:

Magandang Hapon sa ating lahat! Marami sa ating mga Pilipino lalo na ang mga estudyante
ngayon ay madalas gumamit ng mga salitang “Hindi ko alam!” sa Ilocano Dk ammo, O di kaya nama’y
Ewan! Wala akong alam diyan, kahit naman alam nating may nalalaman tayo tungkol dito o kaya nama’y
ayaw lang nating sabihin o di kaya nama’y wala talaga tayong alam tungkol dito.
Ang mga Gawain nating ito ay mabibilang sa isang isang napakahalang elemento ng makataong kilos.
ANG KAMANGMANGAN. Marami naman talaga tayong hindi nalalaman at maaring hindi kalianman
natin malalaman.
Ang mahalagang tanong, paano nga ba naapektuhan ang Makataong Kilos sa pamamagitan ng
KAMANGMANGAN ng isang tao?
Upang mas maintindihan ninyo, magbibigay ako ng isang simpleng sitwasyon o halimbawa kung
saan masasabi nating ang kamangmangan ay nakababawas o di kaya namay mauwi sa simpleng kilos ang
ang isang makataong kilos. PANOORIN NATIN ITO.

AFTER 1ST:
Ayan, makikita naman natin ang naging epekto ng kamangmangan sa nangyari. Masasabi ba
nating si Atud na isang mangmang, isang taong walang karunungan o kaalaman sa mga medisina ang
may kasalanan kung bakit tuluyang namatay ang Kaibigan niyang si Dianalyn? May pananagutan nga ba
siya sa kanyang ginawang kilos? Makikita nating hindi alam ni Atud kung ano baa ng pinakukuha sa
kanya, ngunit napag isipan niyang kunin nalang ang ibat ibang gamit dahil maaring isa sa mga iyon ang
tinutukoy ni Ashley.
Masasabi nating, ang kilos ni Atud ay mauusri bilang Vincible o kamangmangang Madaraig.

Upang lubos niyo pang maunawaan ang Kamangmangan bilang elemento ng makataong kilos,
magbibgay pa kami ng sitwasyon. PANOORIN NATIN ITO.
AFTER 2ND:
Sa sumunod na sitwasyon naman, malinaw nating masasabi na wala talagang panangutan si
_______ sapagkat wala nang maaring paraan upang malaman niya o madaig niya ang kamangmangang
iyon. Tinatawag itong INVINCIBLE o kamangmangang Di madaraig. Makikita natin kung paano ito naiiba
sa vincible kung saan, gumawa parin ng paraan ang lalaki upang madaig ang kanyang kamangmangan,
habang sa ikalawang sitwasyon, walang paraan upang madaig ang kanyang kamangmangan.
Paano naman kaya kung ganito ang mangyayari. Masasambi ba nating ito ay kamangmangan o
hindi? Panoorin natin.

AFTER 3RD:
Naging mangmang nga ang lalaki sapagkat hindi niya alam ang kinahinatnan ng kanyang ginawa.
Masasabi nating si ______ ay may pagkukulang sa isip. Ngunit tulad ng sabi natin ang Kamangmangan ay
nakababawas o di kaya namay ginagawang isang simpleng kilos na lamang ang makataong kilos. Sa
ganitong paraan, walang magiging panangutan ang gumawa ng nasabing kilos. At dyan na lamang
nagtatapos an gaming palabras. Sana’y naunawaan niyo nang lubos ang kamangmangan bilang element
ng makataong kilos. MARAMING SALAMAT.

You might also like