You are on page 1of 18

Q2-Week 6

Kapuwa Ko, Igagalang


Ko
ELAINE T. ARCANGEL
Teacher III
Balik-Aral
Panuto: Sagutin ng TAMA o MALI ang pahayag o sitwasyon sa bawat
bilang. Isulat ang iyong sagot sa iyong sagutang papel.

1. Pababayaan mo lamang ang kapitbahay mong


nasunugan. Mali

2. Tumulong sa panahon ng kalamidad nang


walang hinihintay na kapalit. Tama
Balik-Aral
3. Magbigay ng tulong sa mga biktima nang
napipilitan dahil nakitang tumulong ang kaibigan.
Tama
4. Magbigay ng mga lumang laruan o damit sa
mga batang biktima ng baha. Tama
5. Huwag pansinin ang mga humihingi ng tulong
tuwing may kalamidad. Mali
Kuwentuhan Tayo!
Salamat sa Paggalang
Si Tiya Juling ay isang guro sa Mababang Paaralan ng
Mamboc. Sa pag-uwi niya sa hapon, bitbit niya ang
maraming aklat na babasahin. Inaabot siya ng hatinggabi
sa paghahanda ng mga kagamitang panturo na gagamitin
niya kinabukasan.
Kuwentuhan Tayo!
Tuwing Sabado, nakaugalian na ni Tiya Juling na
maglaba ng kaniyang mga damit sa umaga. Pagdating
naman ng hapon, natutulog siya at nagpapahinga.

Kakaiba ang araw na ito ng Sabado. Hindi naglaba si


Tiya Juling. Nasa loob lamang siya ng kaniyang silid at
nakahiga sa kaniyang kama. Nang araw na iyon, bisita
namin sa bahay ang aking mga pinsan.
Kuwentuhan Tayo!
Masaya ang lahat. May ilan pa na tumatawa nang
malakas at patakbo-takbo hanggang sa loob ng silid ni
Tiya Juling.
Kinausap ko ang aking mga pinsan. “Maaari ba ninyong
hinaan ang inyong boses dahil nagpapahinga si Tiya
Juling sa kaniyang silid? Iwasan din muna ninyong
pumunta sa kaniyang silid upang hindi siya maabala,” ang
sabi ko sa kanila.
Kuwentuhan Tayo!
“Sige Raul,” ang pagsang-ayong sagot ng aking mga
pinsan. Itinuloy namin ang masayang kuwentuhan subalit
naging maingat kami na maistorbo si Tiya Juling.

Pagdating ng hapon, lumabas na ng kaniyang silid si


Tiya Juling. “Nandito pala kayong magpipinsan.
Kuwentuhan Tayo!
Mabuti na lang at nakapagpahinga ako nang mabuti.
Nawala na ang sakit ng aking ulo. Maya-maya ay maaari
ko nang simulan ang aking paglalaba,” ang sabi ni Tiya
Juling.
Ngumiti ako sa aking narinig. Mabuti na lang at hindi
naming nagambala si Tiya Juling sa kaniyang
pagpapahinga kanina.
MGA TANONG:
1. Anong sitwasyon sa kuwento ang nagpapakita ng
pagmamalasakit?

2. Maganda ba ang ginawa ni Raul? Pangatuwiranan.

3. Bakit kinakailangan nating igalang ang mga taong


may sakit o nagpapahinga?
Suriin Natin
Panuto: Suriin ang dalawang larawan sa ibaba.
Sagutin ang mga katanungan tungkol sa
ipinapakita ng bawat larawan. Isulat ang iyong
katuwiran sa iyong sagutang papel.
Bigyang pansin ang
pagyayari sa larawan. Ano
ang nakikita mong
sitwasyon ng mga bata sa
larawan? Ano ang masasabi
mo kung ikaw ang batang
ginugulo?
Bigyang pansin
ang pagyayari sa
larawan. Ano ang
masasabi mo kung
ikaw ang
nagsasalita sa
larawan?
Isaisip
Ang paggalang sa kapuwa-tao ay natutuhan natin
mula sa pagkabata. Ito ay isang hakbang sa pagkakamit
ng isang mapayapang pamayanan. Kapag iginagalang
ng lahat ang kanilang kapuwa, tiyak walang
magkakagalit dahil nirerespeto ang karapatang-pantao.
Isang karapatan ng tao ang pagpapahinga (Right to
Rest) ayon sa Listahan ng Human Rights (UNESCO-
Article 24).
Isaisip
Ang paggalang at pagtrato na nais nating gawin sa
atin ng ibang tao ay napakahalaga. Sabi nga, kung
anong nais mong gawin sa iyo ay siya ring gawin mo
sa iyong kapuwa-tao. Ito ay hindi lamang naipapakita
sa salita kundi pati sa kilos at gawa.
Isaisip
Sa panahon na ang isang tao ay may sakit, nangangailangan
siya ng tahimik na paligid. Kaya ang iyong mga kilos ay
kinakailangang maayos at marahan.
Matuto tayong magbigay-halaga sa pangangailangan ng ating
kapuwa. Igalang natin ang kanilang oras ng pagpapahinga at
oras ng pag-aaral. Igalang din natin ang taong nagsasalita.
Huwag makisabay sa pagsasalita. Ang pakikinig sa nagsasalita
bago sumagot ay nagpapakita ng paggalang.
Pagsasanay

https://forms.gle/
5ohDAhWtNE3UEiN49
Summative Assessment

Google Classroom
Salamat sa
Pakikinig!

You might also like