You are on page 1of 3

GABAY SA PAG-AARAL Quipper

Paggalang

Basahin Natin!
Salamat sa Paggalang

Tiya Juling ay isang guro sa Mababang Paaralan ng Mamboc. Sa


pag-uwi niya sa hapon, bitbit niya ang maraming aklat na babasahin.
Inaabot siya ng hatinggabi sa paghahanda ng mga kagamitang
panturo na gagamitin niya kinabukasan.

Tuwing Sabado, nakaugalian na ni Tiya Juling na maglaba ng


kaniyang mga damit sa umaga. Pagdating naman ng hapon, natutulog
siya at nagpapahinga.

Kakaiba ang araw na ito ng Sabado. Hindi naglaba si Tiya Juling.


Nasa loob lamang siya ng kaniyang silid at nakahiga sa kaniyang kama.
Nang araw na iyon, bisita namin sa bahay ang aking mga pinsan.
Masaya ang lahat. May ilan pa na tumatawa nang malakas at patakbo-
takbo hanggang sa loob ng silid ni Tiya Juling.

Kinausap ko ang aking mga pinsan. “Maaari ba ninyong hinaan


ang inyong boses dahil nagpapahinga si Tiya Juling sa kaniyang silid?
Iwasan din muna ninyong pumunta sa kaniyang silid upang hindi siya
maabala,” ang sabi ko sa kanila. "Sige, Raul," ang pasang-ayong sagot
ng aking mga pinsan. Itinuloy namin ang masayang kuwentuhan subalit
naging maingat kami na maistorbo si Tiya Juling.

Pagdating ng hapon, lumabas na ng kaniyang silid si Tiya Juling.


“Nandito pala kayong magpipinsan. Mabuti na lang at
nakapagpahinga ako nang mabuti. Nawala na ang sakit ng aking ulo.
Maya-maya ay maaari ko nang simulan ang aking paglalaba,” ang sabi
ni Tiya Juling.

AAQC_Edukasyon sa Pagpapakatao_4_2020
GABAY SA PAG-AARAL Quipper

Ngumiti ako sa aking narinig. Mabuti na lang at hindi namin


nagambala si Tiya Juling sa kaniyang pagpapahinga kanina.

Pag-usapan Natin!

1. Anong sitwasyon sa kuwento ang nagpapakita ng pagmamalasakit ni


Raul sa kaniyang Tiya Juling?

_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

2. Sang-ayon ka ba sa ginawa ni Raul? Pangatwiranan.

_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

3. Magtala ng mga dahilan kung bakit kailangang igalang ang mga


taong:

• nagpapahinga

_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

• may sakit

_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

4. Ibahagi sa iyong kamag-aral ang mga karanasang nagpapakita ng


paggalang sa mga taong nagpapahinga at may sakit.

_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

AAQC_Edukasyon sa Pagpapakatao_4_2020
GABAY SA PAG-AARAL Quipper

Isaisip Natin!

Ang paggalang sa kapuwa-tao ay natutuhan natin mula sa


pagkabata. Ito ay isang hakbang sa pagkakamit ng isang
mapayapang pamayanan. Kapag iginagalang ng lahat ang
kaniyang kapuwa tiyak walang magkakagalit dahil nirerespeto
ang karapatang pantao.

Ang paggalang at pagtrato na nais nating gawin sa atin ng


ibang tao ay napakahalaga. Sabi nga, kung ano ang nais mong
gawin sa iyo ay siya ring gagawin mo sa iyong kapuwa-tao. Ito ay
hindi lamang naipakikita sa salita kundi pati sa kilos at gawa.

Gawin Natin!
A. Lagyan ng tsek (√ ) ang patlang bago ang numero kung ito at
nagpapakita ng paggalang at ekis ( x ) kung hindi.

_____1. Kausap ni Jomar ang isang matanda sa kanto at hindi nawawala


sa kanya ang paggamit ng po at opo sa pagsasalita.

_____2. Laging sumasagot sa magulang kapag pinagsasabihan.

_____3. Isinauli ng tamang oras ang aklat na hiniram ni sa kaibigan.

_____4. Tuwing hapon, pagkauwi ni Rogie sa galing paaralan ay tuloy


lapit agad sa kanyang lolo at lola upang magmano.

_____5. Patuloy pa din ang pagkanta ng malakas kahit hatinggabi na.

AAQC_Edukasyon sa Pagpapakatao_4_2020

You might also like