You are on page 1of 29

FILIPINO

Baitang 5 Yunit 1
Ang Mabuting Kaibigan
Talaan ng Nilalaman
Introduksyon 3
Basahin Natin 3
Sagutin Natin 4

Aralin 1: Tamang Tono, Diin, Antala, at Damdamin………………………. 5


Layunin Natin 5
Sagutin Natin 8
Subukan Natin 8
Isaisip Natin 9
Pag-isipan Natin 9

Aralin 2: Kahulugan ng Salita: Ayon sa Gamit…………………………….. 10


Layunin Natin 10
Sagutin Natin 12
Subukan Natin 12
Isaisip Natin 13
Pag-isipan Natin 13

Aralin 3: Pangngalan: Kahulugan, Uri, at Kayarian……………………… 15


Layunin Natin 15
Sagutin Natin 18
Subukan Natin 18
Isaisip Natin 19
Pag-isipan Natin 19

Aralin 4: Pagsulat ng Tula: Tradisyunal, Malayang Taludturan,


at Form Poetry …………………………………………………… 20
Layunin Natin 20
Sagutin Natin 22
Subukan Natin 22
Isaisip Natin 22
Pag-isipan Natin 23

Gawin Natin 23 1
Paglalagom 25
Dapat Tandaan 26
Payamanin Natin 27
Susi sa Pagwawasto 27
Sanggunian 29

2
Pindutin ang Home icon para
bumalik sa Talaan ng Nilalaman
BAITANG 5 | YUNIT 1

TULA
ng tula ay ay isang uri ng sining at panitikan na kilala sa malayang paggamit

A
ng wika sa pamamagitan ng iba't ibang anyo at estilo. Pinagyayaman ito sa
pamamagitan ng paggamit ng tayutay. Madaling makilala ang isang tula
sapagkat karaniwan itong may indayog kapag binibigkas. Binubuo ang tula ng
saknong at taludtod. Karaniwan itong wawaluhin, lalabindalawahin, lalabing-
animin, at lalabing-waluhing pantig. Matalinghaga ito at ginagamitan din ito ng
mga tayutay. May tugma at sukat. Kung minsan ay maiksi o kaya naman ay mahaba.

Mababasa sa ibaba ang isang tulang may tugmaan bagaman walang sukat ang bawat
taludtod ay kakikitaan ng indayog sa pagbasa nito. Binubuo ito ng tatlong saknong at
mayroong apat na taludtod bawat saknong. Tayo na’t sabay-sabay nating basahin ang
tulang “Ang Mabuting Kaibigan.”

Basahin Natin

Ang Mabuting Kaibigan


Sa lahat ng panahon ay maasahan,
Iyan ang pangunahing katangian,
Na hinahanap natin sa mabuting kaibigan,
Iyong hindi tayo iiwanan kailanman.

Ang mabuting kaibigan ay tapat sa atin,


Hindi ikinakaila maging mga kamalian natin,
Sa tuwid na landas, kasama siyang dadaan,
Ang mabuting kaibigan, ikaw'y gagabayan.

Sila ang kasama sa lungkot at tawanan, 3


Sa kasiyahan ay nariyan, sa kasawian ay nagdadamayan,
Yaman na maituturing ang mabuting kaibigan,
Kapag nakasumpong ay huwag nang pakawalan.

Sagutin Natin
1. Sino ang maaari nating maaasahan sa lahat ng panahon?
2. Ano-ano ang katangian ng isang mabuting kaibigan?
3. Saan maituturing ang isang mabuting kaibigan?

4
Aralin 1
Tamang Tono, Diin, Antala, at Damdamin

Layunin Natin
Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaaasahang naibibigkas ng may
wastong tono, diin, antala, at damdamin ang napakinggang tula.

Pag-aralan Natin
Ang tula ay isang uri ng panitikan kung saan masining na naipahahayag ang
damdamin ng may-akda sa pamamagitan ng mga piling-piling salitang inihahanay
upang makabuo ng taludtod at saknong. Ayon kay Alejandro Abadilla, isang makata at
manunulat, ang tula ay isang paglalarawan ng buhay na hinahanap sa guni-guni at
naipararating sa damdamin sa pamamagitan ng pagpapahayag sa pananalitang may
tamang indayog.

Ang kagandahan ng isang tula ay


nakasalalay sa wastong pagbigkas
na siyang nagbibigay-buhay sa
nilalaman o mensahe ng tula.
Masasayang ang pagkakataong
makita at maunawaan ang
mensahe ng tula kung hindi tama,
malabo o mahina, wala sa tamang
bilis o bagal, at wala o kulang sa
damdamin ang pagbigkas. Kaya
upang maiwasan ang mga
nabanggit, ang pagbigkas ng tula
ay dapat na may tamang tono,
diin, antala, at damdamin.
5
Copyright © 2018 Quipper Limited
Ang tono ang paraan ng pagbigkas ng tula. Dahil sa
tono, mabibigyan ng indayog ang pagbigkas, na
Tono siyang magbibigay buhay sa tula dahil ito ang
pangunahing pupukaw sa atensyon ng tagapakinig.

Halimbawa:

Sa lahat ng panahon ay maasahan,


Iyan ang pangunahing katangian.

Bigkasin ang nasa itaas na taludtod at taasan ng bahagya ang boses sa mga pantig na
may salungguhit. Pagkatapos ay subukan namang bigkasin ang mga taludtod sa normal
na lakas ng boses. Mapapansing mas may buhay ang unang pagbasa at mas
nakahihikayat ng atensyon sa mga tagapakinig. Dahil dito, mahalaga na mayroon at
maayos ang pagtaas at pagbaba ng pagkabigkas ng tono ng tula.

Diin Ang diin ang tumutukoy sa lakas ng pagbigkas sa


pantig ng salita upang makatulong sa pag-unawa ng
mga tagapakinig sa mensahe ng tula.

Halimbawa:

Sa lahat ng panahon ay maasahan,


Iyan ang pangunahing katangian,
6
Bigkasin muli ang mga taludtod sa itaas. Lakasan ng bahagya ang pagbigkas sa mga
nakasalungguhit na pantig. Sa pamamagitan ng pagbibigay-diin sa mga pantig na
nakasalungguhit, ang salitang kinapapalooban ng pantig ay nagpapahiwatig na
mahalaga ang salitang binibigkas sa kabuuang mensahe ng tula.

Bigyang-pansin ang mga salitang binibigyang-diin.

1. Lahat - ipinauunawa ng tula na upang masabing mabuti ang kaibigan, kailangan


ay maaasahan siya sa lahat ng panahon at hindi paminsan-minsan lang.

2. Ay - ang pagbibigay diin sa salitang ito ay paghahanda sa mga tagapakinig


upang mahiwatigang mahalaga ang kaunod na salitang bibigkasin. Sa
halimbawa, ang kasunod ng “ay” ay “maaasahan,” nais ng may-akdang bigyang
importansya ang katangian na dapat taglayin ng mabuting kaibigan—ang
pagiging “maaasahan.”
3. Iyan - ang pagbibigay diin sa salitang ito ay nagbibigay kasiguraduhan sa
tagapakinig na mahalagang hanapin sa isang kaibigan ang mabubuting
katangian.

Ang antala ay ang saglit o pansamantalang pagtigil ng


pagbigkas ng tula upang mas mabigyang linaw ang
Antala mensaheng ipinaparating sa mga tagapakinig.

Halimbawa:
Ang mabuting kaibigan/ ay tapat sa atin,
Hindi ikinakaila maging/ mga kamalian natin,

Bigkasin ang mga taludtod sa itaas at saglit na tumigil sa mga "/" na makikita.
Mapapansing ang saglit na pagtigil sa pagbigkas bago ang mga kasunod na natitirang
salita sa taludtod ay nakakukuha ng atensyon at interes sa mga tagapakinig upang lalo
pang pakinggan at abangan ang mahalagang kasunod na bibigkasin.
7
Ang isa pang dapat isaalang-alang sa pagbigkas ng tula
ay ang paglalapat ng tamang damdamin upang
lubusang mayakap ng mga tagapakinig ang mensaheng
Damdamin nais ipabatid. Maaring ito ay masaya, malungkot,
nagdurusa, nagdiriwang, nagtatanong, natatakot, at iba
pa.

Gamit ang tulang "Ang Mabuting Kaibigan," ang damdaming nararapat na ilapat sa
pagbigkas ay ang damdaming masaya at nanghihikayat. Ito ang damdaming nararapat,
sapagkat ang tema ng tula ay tungkol sa paghahanap ng mabuting kaibigan. Kaya
nararapat na tiyakin muna ang damdaming nakapaloob sa tula bago ito bigkasin, nang
sa gayon ay tama ang paraan ng pagbigkas at masigurong makahihikayat ng makikinig.

Sa kabila ng paraan ng pagsulat ng tula, dahil sa pagiging limitado at pili-pili ang mga
salita ay nakamamanghang naihahatid ng tula ang mensahe at damdaming ipinaloob ng
may-akda. Masasabing tunay na marikit na uri ng panitikan ang tula.

Sagutin Natin
Mula sa mga inilahad na depinisyon ng tono, diin, antala, at damdamin, basahing
muli ang tulang “Ang Mabuting Kaibigan” na sinusunod ang tamang tono, diin, at
damdamin.

Subukan Natin
Sagutin ang sumusunod na mga tanong:

1. Ano ang tinutukoy ng diin sa pagbigkas ng tula?


2. Ano ang antala sa pagbigkas ng tula?
3. Ano ang damdamin na nararapat ilapat sa tulang "Ang Mabuting Kaibigan"? 8
Isaisip Natin
Bakit mahalagang matukoy ang wastong tono, diin, antala, at damdamin sa
pagbasa ng isang tula?

Pag-isipan Natin
Tukuyin sa kahon ang tinutukoy sa bawat bilang.

TONO DIIN ANTALA DAMDAMIN

1. Dahil dito, mabibigyan ng indayog ang pagbigkas, na siyang


magbibigay buhay sa tula dahil ito ang pangunahing pupukaw sa
atensyon ng tagapakinig.

2. Ito ang saglit o pansamantalang pagtigil ng pagbigkas ng tula upang


mas mabigyang linaw ang mensaheng ipinaparating sa mga
tagapakinig.

3. Nakatutulong ito upang lubusang mayakap ng mga tagapakinig ang


mensaheng nais ipabatid. Maaring ito ay masaya, malungkot,
nagdurusa, nagdiriwang, nagtatanong, natatakot, at iba pa.

4. Tumutukoy ito sa lakas ng pagbigkas sa pantig ng salita upang


makatulong sa pag-unawa ng mga tagapakinig sa mensahe ng tula.

9
Aralin 2
Kahulugan ng Salita: Ayon sa Gamit

Layunin Natin
Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaaasahang naibibigay ang
kahulugan ng salitang pamilyar at di-pamilyar sa pamamagitan ng gamit sa
pangungusap.

Pag-aralan Natin

Kapag tayo ay nakikipag-usap sa ating kapwa o kaya naman ay nagbabasa ng mga teksto,
ang ating kaalaman sa mga kahulugan ng mga salita ay dumadami at lumalawak. Kapag
maraming beses na nating nababasa o nabibigkas ang isang salita sa ibat' ibang
pagkakataon, nagiging pamilyar na sa atin ang salita.

• SALITANG PAMILYAR

Ang salitang pamilyar ay ang mga salitang alam na


natin ang kahulugan o ibig sabihin sa punto na ating
mabasa o marinig ang salita.

Halimbawa:
• kaibigan
• lungkot

Mas lalo nating naiintindihan ang ibig sabihin ng mga salita batay sa pagkakagamit
nito sa loob ng pangungusap.
10
Halimbawa:

Ang mabuting kaibigan ay laging maasahan, ngunit itatama ka sa tuwing may mali
kang ginagawa.

Paliwanag:
Sa pamamagitan ng pagbasa sa buong pangungusap, magkakaroon ng ideya ang
mambabasa na ang ibig sabihin ng salitang kaibigan ay kasamang maaasahan at hindi
sasang-ayon sa maling ginagawa.

Halimbawa:
2. Laging kasama sa lungkot at tawanan ang isang mabuting kaibigan.

Paliwanag:
Batay sa nilalaman ng pangungusap, matutukoy na ang kahulugan ng lungkot ay hindi
masaya, masasabing ito ay taliwas na kahulugan ng tawanan.

• SALITANG DI-PAMILYAR

Ang salitang di-pamilyar ay ang mga salita na hindi natin madalas ginagamit sa
pakikipag-usap o nababasa.

Halimbawa:
• ikinakaila
• kasawian

Maaaring sa iba ay kabilang sa kanilang bokabularyo ang hindi pamilyar na salita.


Ngunit maaari din namang may limitadong bokabularyo sa mga salitang hindi pamilyar
11
ang iba sa atin. Upang madaling matukoy ang kahulugan ng salitang hindi pamilyar ay
makabubuting gamitin ito sa pangungusap.

Halimbawa:
Ang isang mabuting kaibigan ay hindi ikinakaila ang mali mong nagagawa, sa
halip, ikaw ay kaniyang itatama.

Paliwanag:
Madaling matutukoy ang kahulugan ng isang salita ayon sa gamit nito sa pangungusap,
gaya ng salitang ikinakaila. Inilahad sa pangungusap na itatama ng kaibigan ang mali
mong nagagawa, samakatuwid ang kahulugan ng ikinakaila ay hindi pagtatakip o
paglilihim ng iyong kamalian.

Halimbawa:

Hindi ka iiwanan ng isang mabuting kaibigan, kahit pa sa kasawian.

Paliwanag:
Batay sa pangungusap, kailanman ay laging nariyan ang isang mabuting kaibigan,
kahit pa sa kasawian. Samakatuwid, ang kasawian ay nangangahulugang kabiguan.

Mayaman sa salita ang wikang Filipino, sakop nito ang mga salitang pamilyar at hindi
pamilyar. Bilang isang kabataang Pilipino, mahalagang maging pamilyar rin sa mga
salitang hindi pamilyar, upang higit pang lumawak ang talasalitaan.

Sagutin Natin
Hanapin sa diksyunaryo ang kahulugan ng sumusunod na mga salita at gamitin
nang wasto sa pangungusap.
12
Subukan Natin
Sagutin ang sumusunod na mga tanong:

1. Ano ang pamilyar na salita?


2. Ano ang di-pamilyar na salita?
3. Ano ang ibig sabihin ng salitang hinagpis sa sumusunod na pangungusap?

Puno ng hinagpis ang kaniyang nadarama sa pagkawala ng kaniyang


minamahal.

Isaisip Natin

Paano matutukoy ang kahulugan ng mga di-pamilyar na salita sa pangungusap?

Pag-isipan Natin

Sa loob ng kahon ay nakatala ang iba’t ibang salita na maaaring pamilyar o di-pamilyar
na salita. Pumili ng tatlong salita na sa tingin mo ay pamilyar at tatlong salita naman na
sa tingin mo di-pamilyar para sa iyo. Pagkatapos ay isulat ang pagpapakahulugan mo
sa mga ito sa iyong kuwaderno.

Maarok Magsasaliksik Adhika

Gusto Dumating Saloobin

Sagrado Binigyan Hinanakit 13


Pamilyar na salita Di-pamilyar na salita

Aralin 3:
Pangngalan: Kahulugan at Uri at Kayarian

Layunin Natin
Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaaasahang nagagamit nang wasto
ang mga pangngalan at panghalip sa pagtalakay tungkol sa sarili, sa mga tao, hayop,
lugar, bagay, at pangyayari sa paligid.

Pag-aralan Natin

Ang pangngalan ay bahagi ng pananalita na tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay,


hayop, lugar, at pangyayari.

14
Halimbawa:

Pangngalan para sa tao

Hinahanap ng aking kaibigang si Jenny ang kaniyang suklay.

Pangngalan para sa bagay

Iniingatan ko ang sapatos naibinigay sa akin ng aking matalik na


kaibigan.

Pangngalan para sa hayop

Nagtataka ako sa aking kaibigang si Rodrigo, kung bakit pinapangarap


niyang makapag-alaga ng leon.

Pangngalan para sa lugar

Masaya sa pakiramdam ang makapasyal sa Luneta.

Pangngalan para sa pangyayari

Tuwing Mahal na Araw ay kami ay abala sa aming parokya.

15
Uri ng Pangngalan

Pantangi Pambalana

Tumutukoy sa tiyak Tumutukoy sa


na ngalan ng tao, karaniwang ngalan
hayop, bagay, pook, ng tao, hayop,
at pangyayari. Ito ay bagay, pook, at
laging nagsisimula pangyayari. Ito ay
sa malaking titik. laging nagsisimula
sa maliit na titik.

16
Tingnan ang mga halimbawa sa ibaba.

Pangngalan Pangngalang Pambalana Pangngalang Pantangi


Tao kaibigan Ramon Tolentino
Bagay telepono Samsung
Hayop aso Brownie
Lugar lungsod Maynila
Pangyayari Pagkakatipong espiritwal Pasasalamat sa Dios

Kayarian ng Pangngalan
May apat na kayarian ang pangngalan:

1. Payak
Ang payak na kayarian ng pangngalan ay nagtataglay lamang ng salitang-ugat.

Halimbawa:
• halaman
• walis
• tsinelas

2. Maylapi
Ang maylapi na kayarian ng pangngalan ay nagtataglay ng salitang-ugat at
panlapi.

Halimbawa:
• kaklase = ka (panlapi) + klase (salitang-ugat)
• aklatan = aklat (salitang-ugat) + an (panlapi)
• makatao = maka (panlapi) + tao (salitang-ugat)

3. Inuulit
Ang inuulit na kayarian ng pangngalan ay nagtataglay ng salitang-ugat o bahagi
ng salitang-ugat na inuulit.

Halimbawa:
▪ bahay-bahayan
17
▪ hagdan-hagdan
▪ pulu-pulutong

4. Tambalan
Ang tambalan na kayarian ng pangngalan ay nagtataglay ng dalawang
pinagsamang salitang-ugat upang makabuo ng isang bagong salita na maaaring
manatili ang kahulugan ng pinagtambal na salita, o kaya naman ay magkaroon
ng bagong kahulugan.

Halimbawa:
▪ halamang-dagat
▪ punong-guro
▪ bahaghari

Sagutin Natin
Mula sa binasang tulang “Ang Mabuting Kaibigan”, pumili ng tigdadalawang
salitang ginamit ayon sa iba't ibang kayarian ng pangngalan.

Subukan Natin

Sagutin ang sumusunod na mga tanong:

1. Ano ang pangngalan?


2. Ano-ano ang uri ng pangngalan?
3. Ano-ano ang kayarian ng pangngalan?
18
Isaisip Natin

Bakit mahalagang matukoy ang uri ng pangngalan at ang kayarian nito?

Pag-isipan Natin
A. Isulat sa patlang ang pangngalang pambalana na katumbas ng ibinigay na
pangngalang pantangi.

1. Toyota - __________________
2. Pinatubo - _________________
3. Baguio - __________________
4. Jose P. Rizal - ______________
5. Disyembre - ________________

B. Isulat sa patlang ang pangngalang pantangi na katumbas ng ibinigay na


pangngalang pambalana.

1. dyaryo - __________________
2. artista - ___________________
3. manunulat - ________________
4. laruan - ___________________
5. aklat - ____________________

C. Sumulat ng tiglimang halimbawa ng salita ayon sa kayarian ng pangngalan.


Gamitin ang talahanayan sa ibaba.
PAYAK MAYLAPI INUULIT TAMBALAN

19
Aralin 4
Pagsulat ng Tula: Tradisyunal, Malayang Taludturan,
at Form Poetry

Layunin Natin
Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaaasahang makasusulat ng
maikling tula.

Pag-aralan Natin
Mayroong iba’t ibang anyo ang tula. Ang sinumang susulat nito ay maaaring
pumili ng alinman sa mga anyo nito.

MGA ANYO NG TULA


1. Tradisyunal
• Nasa anyong tradisyunal ang tula kapag ito ay may sukat at tugma.

Halimbawa:
Sa tuwid na landas, kasama siyang dadaan,
Ang mabuting kaibigan, ikaw'y gagabayan.
Paliwanag:
Binubuo ng tig-labing-apat na pantig ang bawat taludtod. Pansinin, ang dulong pantig
ng bawat taludtod, ito ay magkatugma o magkatunog – “dadaan” at “gagabayan.”

20
2. Malayang taludturan
• Nasa anyong malayang taludturan ang tula kapag ito ay walang sukat at tugma.

Halimbawa:
Ikaw ang aking pag-ibig, ito man ay aking ikasawi,
Lubha akong magdurusa, kapag ikaw ay nawala.

Paliwanag:
Ang bilang ng pantig sa unang taludtod ay labingwalo, at labing-anim naman ang sa
ikalawa. Kung gayon, wala itong iisang sukat. Ang dulo ng unang taludtod ay"ikasawi"
at "nawala" naman sa ikalawang taludtod. Samakatuwid, wala itong tugma.

3. Form Poetry
• Ang tulang nasa anyong form poetry ay mas malikhain ang pagkakagawa. Ito ay
mga salitang bumubuo ng anyo kung tungkol saan ang tema o kwento ng tula.

Halimbawa:
Ito ang krus na tumubos
sa mga makasalanan ng sanlibutan
Kaya tayo na at ipagdangal ang krus
na sati'y ipinang tubos
Ang Poon dito ay nalubos

Paliwanag:
Ang tema ng tula ay tungkol sa krus na tumubos sa ating mga kasalanan, kaya ang
anyong binuo ay hugis krus.

21
Sadyang nakaaaliw ang magbasa ng tula, lalo pa kung ang tulang binabasa ay dumaan
sa masusing pagsulat ng may-akda, magig ito man ay nasa anyong may sukat at tugma,
malayang taludturan, at form poetry.

Sagutin Natin
Mula sa mga ibinigay na anyo ng tula at halimbawa nito, tukuyin kung anong anyo
ang ginamit sa tulang binasa na “Ang Mabuting Kaibigan.”

Subukan Natin

Sagutin ang sumusunod na mga tanong:

1. Ano tradisyunal na tula?

2. Ano tulang nasa malayang taludturan?

3. Ano ang form poetry?

Isaisip Natin

Ano ang kahalagahan ng pagtukoy sa anyo ng tulang babasahin?


22
Pag-isipan Natin
Isulat sa patlang ang T kung ang pangungusap ay tama samantalang palitan naman ang
nakasalungguhit na salita o parirala kung ito ay mali.

________ 1. Mayroong tatlong anyo ang tula


________ 2. Tinatawag na form poetry ang isang tula kung ito ay may sukat
at tugma.
________ 3. Matatawag naman na tradisyunal ang tula kung ito ay walang sukat at
tugma.

________ 4. Higit na malikhain ang pagkakabuo ng form poetry kaysa sa tradisyunal


na anyo ng tula.

________ 5. Ang pahayag na “Sa tuwid na landas, kasama siyang dadaan,


Ang mabuting kaibigan, ikaw'y gagabayan” ay isang malayang
taludturan.

Gawin Natin
Bumuo ng isang sariling tula tungkol sa isa sa sumusunod na paksa. Maaaring pumili
ng kahit anumang anyo ng tula batay sa tinalakay na aralin.

Mga paksa:
• Pangarap ko sa Buhay
• Ang Gusto kong Laruan
• Ang Pinakamagandang Lugar Para sa Akin

23
Rubrik sa Pagtataya

Pamantayan sa Pagsulat ng Tula 1 2 3 4 5


1. Kahusayan ng pagkakasulat ng tula

2. Kaayusan ng daloy ng mga kaisipan sa tula

3. Kaangkupan ng paggamit ng salita

4. Pagiging malikhain sa pagsukat ng tula

Kabuuang Puntos

Interpretasyon:
16 – 20 : Napakahusay
11 – 15 : Mahusay
6 – 10 : Katamtaman
1–5 : Nangangailangan pa ng pagsasanay

24
Paglalagom

Kayarian ng
Tamang Tono, Diin, Pagsulat ng Tula
Salita ayon sa Pangngalan
at Damdamin Pangngalan
Gamit

Payak Tradisyunal

Ang pagbigkas
Pamilyar Bahagi ng Malayang
ng tula ay dapat
na may tamang pananalita na Taludturan
Maylapi
tono, diin, tumutukoy sa
antala, at Di- ngalan ng tao,
damdamin. bagay, hayop, Form Poetry
pamilyar
lugar, at Inuulit
pangyayari.

Tambalan
Pantangi

Pambalana

25
Dapat Tandaan
• Ang tula ay isang uri ng panitikan kung saan masining na naipahahayag
ang damdamin ng may-akda sa pamamagitan ng mga piling-piling
salitang inihahanay upang makabuo ng taludtod at saknong.
• Ang pagbigkas ng tula ay dapat na may tamang tono, diin, antala, at
damdamin.
• Ang salitang pamilyar ay ang mga salitang alam na natin ang
kahulugan o ibig sabihin sa punto na ating mabasa o marinig ang salita.
• Ang salitang di-pamilyar ay ang mga salita na hindi natin madalas
ginagamit sa pakikipag-usap o nababasa.
• Ang pangngalan ay bahagi ng pananalita na tumutukoy sa ngalan ng
tao, bagay, hayop, lugar, at pangyayari.
• Ang pangngalang pantangi ay tumutukoy sa tiyak na ngalan ng tao,
hayop, bagay, pook, at pangyayari. Ito ay laging nagsisimula sa
malaking titik.
• Ang pangngalang pambalana naman ay tumutukoy sa karaniwang
ngalan ng tao, hayop, bagay, pook, at pangyayari. Ito ay laging
nagsisimula sa maliit na titik.
• May apat na kayarian ng pangngalan: payak, maylapi, inuulit at
tambalan
• May tatlong anyo ng tula: tradisyunal, malayang taludturan, at form
poetry.

26
Pagyamanin Natin

Ang sumusunod na mga video links ay maaaring panoorin para sa karagdagang


impormasyon at malalim na talakayan.
• Tula Linggo ng Wika
https://www.youtube.com/watch?v=X8wokOB8jP

• Aming Magulang
https://www.youtube.com/watch?v=DxExggyUKq8

Susi sa Pagwawasto
Aralin 1

Subukan Natin
1. Ang diin ang tumutukoy sa lakas ng pagbigkas sa pantig ng salita upang
makatulong sa pag-unawa ng mga tagapakinig sa mensahe ng tula.
2. Ang antala ay ang saglit o pansamantalang pagtigil ng pagbigkas ng tula upang
mas mabigyang linaw ang mensaheng ipinaparating sa mga tagapakinig.
3. Nararapat na ilapat sa tulang "Ang Mabuting Kaibigan," ang damdaming masaya
at nanghihikayat sapagkat ang tema ng tula ay tungkol sa paghahanap ng mabuting
kaibigan.

Isaisip Natin

Mahalagang matukoy ang wastong tono, diin, at damdamin sa pagbigkas ng isang


tula dahil higit na magiging maganda at maindayog ang kalalabasan nito.
27
Aralin 2

Subukan Natin
1. Ang salitang pamilyar ay ang mga salitang alam na natin ang kahulugan o ibig
sabihin sa punto na ating mabasa o marinig ang salita.
2. Ang salitang di-pamilyar ay ang mga salita na hindi natin madalas ginagamit sa
pakikipag-usap o nababasa.
3. Ang kasingkahulugan ng hinagpis ay kalungkutan.

Isaisip Natin

Madaling matutukoy ang kahulugan ng isang salita ayon sa gamit nito sa


pangungusap.

Aralin 3

Subukan Natin
1. Ang pangngalan ay bahagi ng pananalita na tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay,
hayop, lugar, at pangyayari.

2. Pangngalang Pantangi at Pangngalang Pambalana

3. Ang mga kayarian ng pangngalan: Payak, Maylapi, Inuulit at Tambalan

Isaisip Natin!

Mahalagang malaman ang uri at kayarian ng pangngalan upang maging madali


ang pagbuo ng mga salita sa pangungusap.

28
Aralin 4

Subukan Natin
1. Nasa anyong tradisyunal ang tula kapag ito ay may sukat at tugma.
2. Nasa anyong malayang taludturan ang tula kapag ito ay walang sukat at tugma.
3. Ang tulang nasa anyong form poetry ay mas malikhain ang pagkakagawa. Ito ay
mga salitang bumubuo ng anyo kung tungkol saan ang tema o kwento ng tula.

Isaisip Natin

Mahalagang matukoy ang anyo ng tulang babasahin sapagkat makatutulong ito


sa isang manunulat kung anong anyo ng tula ang isusulat niya sa susunod.

Sanggunian
Arevalo, Miguel Victor. Tekstong Patnubay sa Pag-aaral ng Gramatika.
Quezon City: C &E. Publishing Inc., 2002.

Julian, Ailene Baisa at Nestor S. Lontoc. Bagong Lakbay ng Lahing


Filipino. Quezon City: Phoenix Publishing House, 2009.

Julian, Ailene Baisa. Pinagyamang Pluma 5. Quezon City: Phoenix


Publishing House, 2016.

Marasigan, Emily V. at Louie C. Tesalona. Pinagyamang Pluma 6.


Quezon City: Phoenix Publishing House, 2016.

Santiago, Alfonso O. at Norma G. Tiangco. Makabagong Balarilang


ilipino. Manila: Rex Book Store, 1991.

29

You might also like