You are on page 1of 3

GABAY SA PAG-AARAL Quipper

Damdamin Mo: Nauunawaan Ko

Basahin Natin!
Ang Kuwento ni Mina

Kataka-takang walang imik buong araw si Lydia. Napansin kong sa


buong araw ay hindi man lang siya nakibahagi sa mga talakayan. Sa
mga pangkatang gawain ay hindi rin siya nakilahok. Wala man lang ngiti
sa kaniyang mukha. Bakas sa kaniyang mga mata na siya ay umiyak.
Hindi ako sanay na makitang ganito si Lydia.

Nang lapitan ko siya ay bigla siyang umiyak. Tinapik ko ang


kaniyang mga balikat at tumabi sa kaniya. Nagsimula siyang
magkuwento na ngayon ang ikaisang taon ng pagkamatay ng
kaniyang mahal na tatay. Tahimik kaming dalawa habang nakaupo
pagkatapos niyang magkuwento na noong buhay pa ang kaniyang
tatay ay hindi nito nakaligtaang mag-uwi ng pasalubong mula sa
kaniyang trabaho kahit ito ay kendi lang, pansit na hindi naubos o di
kaya’y lapis na maaaring gamitin ni Lydia sa paaralan. Tinapik ko ang
kaniyang balikat sabay sabi: “Lydia, ganyan talaga ang buhay.

Lahat tayo ay pahiram lang sa mundo. Nauna lang ang tatay mo.
Magpasalamat na lang tayo at minsan ay naranasan natin ang
pagmamahal ng ating tatay. May mga bata nga na hindi pa nila nakita
o nakilala man lang ang kanilang magulang.”

AAQC_Edukasyon sa Pagpapakatao_4_2020
GABAY SA PAG-AARAL Quipper

Pag-usapan Natin!
1. Kilalanin mo sina Mina at Lydia batay sa binasang kuwento. Magbigay
ng mga katangian nilang dalawa.

_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

2. Mula sa mga katangiang iyong binanggit, masasabi mo ba kung sino


sa kanila ang nagpakita ng pag-unawa sa damdamin ng kapuwa?
Ipaliwanag ang iyong sagot.

_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

3. May maibabahagi ka bang karanasan tulad ng kay Mina? Ikuwento


ito sa klase.

_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

Isaisip Natin!

Bawat tao ay maaaring magkaroon ng oras na siya ay


masayang-masaya, ngunit may mga panahon din na siya ay
malungkot dahil sa problema. Sa ganitong pagkakataon,
kakailanganin niya ng taong puwedeng dumamay sa kaniya. Dahil
bawat tao ay gumagalaw sa isang komunidad, marapat na siya ay
makipag-ugnayan o makibahagi sa ibang mga tao. Sa kaniyang
pakikibahagi, natututuhan niya ang pagdama at pag-unawa sa
damdamin ng iba, hanggang sa maipamamalas niya ang
paglalagay ng kaniyang sarili sa kinalalagyan ng ibang tao. Sa
paraang ito ay nakatutulong na siya.

AAQC_Edukasyon sa Pagpapakatao_4_2020
GABAY SA PAG-AARAL Quipper

Gawin Natin!
A. Magbigay ng mga payo ayon sa mga sitwasyon sa ibaba.
Isulat sa patlang ang iyong sagot.
1. Galit na galit ang iyong kaibigan dahil sa hindi pagdalo ng iba niyang
mga kaibigan sa kanyang kaarawan.
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
2. Dahil sa nawalan ng trabaho ang ama ni Ben, hindi siya naibili ng
bagong cellphone nito at dahil don hindi niya kinakausap ang ama.
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
3. Iyak ng iyak si Claire dahil sa pagkawala ng kanyang mapagmahal na
ina. Dahil dun hindi siya kumakain at hindi naglalabas ng kwarto.
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
4. Malungkot si Jaime dahil hindi ito pinapansin ng kanyang kaibigan
nang dahil sa hindi sinasadyang matapunan ng pagkain ang damit
nito.
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
5. Kumuha ng pera si Jherlo sa bulsa ng pantalon ng kanyang ama na
walang pahintulot.
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

AAQC_Edukasyon sa Pagpapakatao_4_2020

You might also like