You are on page 1of 8

STANDARDS-BASED ONLINE LEARNING PLAN

LEARNING PLAN INFORMATION:


SCHOOL: LAOAG CENTRAL ELEMENTARY SCHOOL
SUBJECT: EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
TOPIC: MASABI ANG KATOTOHANAN ANUMAN ANG MAGING BUNGA NITO
4
QUARTER: QUARTER1-WEEK
TEACHER: ELAINE T. ARCANGEL GRADE: FOUR
1
NO. OF DAYS: 5 DATE AND TIME OF IMPLEMENTATION: 10-5-2020- 10-09-2020/ 8:00-8:40
LEARNING PLAN TOPIC INTRODUCTION
Ang katotohanan ay madali nating malalaman sa tulong ng mga taong kinauukulan. Sinasabing dalawa ang mukha ng tao –isang totoo at matapat at isang sinungaling
o manloloko. Sa dalawang mukhang ito, saan ka ba pumapanig? Sino sa kanila ang dapat mong paniwalaan?
Ang aralin na ito ay makatutulong sa kung paano mo susuriin ang katotohanan bago ka gumawa ng anumang hakbangin tulad ng pagsangguni sa taong kinauukulan.
Malalaman mo rin ang kahalagahan ng ganitong hakbangin sa pagsusuri ng katotohanan.

UNIT GRADE LEVEL/ CONTENT AND PERFORMANCE STANDARDS ADDRESSED

CONTENT STANDARD: Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng pagkakaroon ng katatagan ng loob, mapanuring pag- iisip,
pagkamatiyaga, pagkamapagtiis, pagkabukas-isip, pagkamahinahon at pagmamahal sa katotohanan na magpapalaya sa anumang alalahanin sa buhay ng tao bilang kasapi
ng pamilya
PERFORMANCE STANDARD: Naisasagawa nang may mapanuring pagiisip ang tamang pamamaraan/ pamantayan sa pagtuklas ng
katotohanan.
PERFORMANCE TASK: Kumuha ng iyong larawan ng isang pangyayari kung saan nagpapakita ka ng katapatan sa ibang tao.
Sumulat ng ilang pangungusap kung bakit iyon ang kinuhanan mo ng larawan. Pagkatapos ay iupload mo ito sa Google Classroom sa asignaturang ESP 4.

LEARNING COMPETENCIES: ACTIVITY NO. 1: Panonood ng isang kuwento sa Youtube


(KNOW): AUGMENTATION) WEBSITE TITLE: 1. ESP 4 WEEK 1 MELCS-BASED | Nakapagsasabi ng Katotohanan
1. Naipamamalas ang pag-unawa sa Anoman ang Maging Bunga Nito | Teacher Eych
kahalagahan ng pagkakaroon ng 2. "Si Mat na Tapat at Matatag" ESP 4 MELC week 1
katatagan ng loob, mapanuring pag- WEBSITE URL: Video 1: https://www.youtube.com/watch?v=85MKDnl0UUk
iisip, pagkamatiyaga, Video 2: https://www.youtube.com/watch?v=7yzqT7L4Qjk
pagkamapagtiis, pagkabukas-isip,
pagkamahinahon at pagmamahal sa PROCEDURES:
katotohanan na magpapalaya sa ACCESS: Pipindutin ng mga mag-aaral ang pook-sapot na naibigay.
anumang alalahanin sa buhay ng tao PROCESS: Papanoorin at Papakinggang mabuti ng mga mag-aaral ang kuwento
bilang kasapi ng pamilya QUESTIONS TO ANSWER: A. Sino ang pangunahing tauhan sa kuwento?
B. Anong pag-uugali ang ipinakita niya sa kuwento?

CHECKING WHAT YOU KNOW: (Formative):


Basahin mo ang usapan.
Isang araw, masiglang naglalaro ang magkapatid na Ali at Ron, kasama ang kanilang alagang tuta sa loob ng kanilang bahay.
Habulan ditto; habulan doon. Takbo rito; takbo roon hanggang sa masagi ni Ron ang plorera sa lamesa.
Ali: Naku ka, Ron! Nabasag mo ang plorera!
Ron: Ay, oo! Hindi ko sinasadya.
Ali: Kahit na! Kasalanan mo pa rin.
Ron: Itapon na lang natin para hindi makita ni Inay at hindi niya tayo mapagalitan.
Kinahapunan, pagdating ng kanilang nanay…
Ron: Mano po, Inay.
Ali: Mano po.
Ron: Inay, nabasag ko po ang plorera na nakalagay sa mesa dahil nasagi ko ito kanina sa aming paghahabulan.
Inay: Ganoon ba? Nasaan na?
Ali: Itinapon na po namin sa basurahan.
Inay: Natutuwa ako Ron at nagsasabi ka ng katotohanan. Dahil diyan, hindi kita pagagalitan pero sa susunod kung
maglalaro kayo ng habulan, doon kayo sa labas.
Ron: Maraming salamat po, Inay! Mahal na mahal kita.
Inay: Walang anuman. Sana ipagpatuloy mo ang pagiging matapat
anuman ang bunga nito.
Ron: Opo.

Sagutin ang mga tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot.


1. Sino ang naglalaro sa loob ng kanilang bahay?
A. Ali at Ron C. Arman at Rodel
B. Allan at Roldan D. Anthony at Richard
2. Ano ang nangyari sa kanilang paghahabulan?
A. Kinagat si Ron ng tuta. C. Nahulog ang tuta sa bintana.
B. Nadapa si Ali sa sahig. D. Nabasag ang plorera sa mesa.
3. Tama ba ang ginawa ni Ron na pagsabi ng katotohanan? Bakit?
A. Opo, sapagkat kailangang ipaalam sa magulang ang katotohanan.
B. Hindi po, sapagkat magagalit ang magulang kapag nalaman na may maling ginawa.
C. Hindi sigurado, sapagkat iba-iba ang reaksyon ng magulang kung magagalit o hindi.
D. Hindi ko alam.
4. Kaya mo rin ba ang ginawang pagtatapat ni Ron sa kaniyang nanay? Bakit?
A. Opo, dahil maluwag sa kalooban ang pagsasabi ng totoo.
B. Opo, pero sasabihin ko na si Ali ang nakabasag.
C. Opo, sasabihin ko na ang tuta ang may kasalanan.
D. Opo, pero sisisihin ko si nanay na naglagay ng babasaging plorera sa mesa.
5. Anong katangian ang ipinakita ni Ali at Ron nang tinanong sila ng kanilang inay? Sila ay ______________.
A. Matapat
B. May lakas ng loob
C. Mapagmahal sa katotohanan
D. Lahat ng nabanggit
Activity no. 2: PAGSUSUKAT SA KAKAYAHAN
Repleksiyon sa antas ng kakayahan sa araling ito. Suriin ang kulay ng ilaw na nagsusukat sa bawat pag-unawa: Pula – Kailangan
pa ng karagdagang paghahasa sa aralin at bawat Gawain. Dilaw 50% ang mga konsepto ng aralin ay naintindihan, Berde-
naintidihang Mabuti ang aralin at maaari nang gamitin sa pang araw-araw na sitwasyon.
Kung ang sagot ninyo ay dilaw, bumalik ulit at pag aralang Mabuti ang araling. Kung ag sagot ninyo ay Berde, maaari na kayong
kumuha ng maikling pagsusulit.

Pula – Kailangan pa ng karagdagang paghahasa sa aralin

Dilaw 50% ang mga konsepto ng aralin ay naintindihan

Berde- naintidihang mabuti ang aralin at maaari nang gamitin sa pang araw-araw na
sitwasyon.

QUIZ: FORMATIVE
Ang inyong pagsubok ay nasa Google Forms. Pindutin ang link sa ibaba upang makasagot sa pagsasanay. Good luck!
MASABI ANG KATOTOHANAN ANUMAN ANG MAGING BUNGA NITO
https://bit.ly/3nkW10H

Paano kayo sumagot? Kung nakakuha kayo ng mataas na marka ay maaari na kayong pumunta sa susunod na leksiyon. Kung
kailangan pa ng karagdagang pang-unawa, maaari kayong bumalik at pag-aralang muli ang aralin.

(UNDERSTAND): ACTIVITY NO. 2: Masabi ang katotohanan anuman ang maging bunga nito
2. Naisasagawa nang may mapanuring (MODIFICATION) WEBSITE 1 TITLE: Katotohanan: Sasabihin ko!
pagiisip ang tamang pamamaraan/ WEBSITE URL: https://drive.google.com/open?id=11Ieo5Z6LYRwXiL62i9pmyk3nXEb_yiWv&authuser=0
pamantayan sa pagtuklas ng
katotohanan. OTHER MATERIALS: Video presentation, Power point Presentation, Notebook, Piece of paper
CHECKING WHAT YOU UNDERSTAND: (Formative)

Suriin mo ang mga sitwasyon. Piliin ang titik ng tamang sagot para sa bawat bilang.
1. Oras ng recess. Aksidente mong nabuhos ang juice sa bag ng iyong kaklase. Paano mo sasabihin sa kanya ang
nangyari?
A. “Pasensiya ka na; hindi ko sinasasadyang mabuhusan ang bag mo. Hayaan mo at ito ay aking pupunasan ng aking
panyo.”
B. “Bakit ba kasi diyan mo lang nilalagay iyang bag mo? Hayan tuloy, nabuhusan ko.”
C. “Sana hindi mo nilagay dito sa tabi ko ang bag mo para hindi ko ito nabasa.”
D. “Ilipat mo na lang sa ibang upuan itong bag mo kasi nabasa na.”

2. Nakita mong nagpapasahan ng bola sina Edgar at Roy sa labas ng inyong silid-aralan. Natamaan nila ang salaming
bintana kaya ito ay nabasag. Ano ang sasabihin mo sa inyong guro na alam mong magagalit sa inyong klase kapag
nalaman ito?
A. “Ma’am, hindi ko po alam kung sino ang nakabasag niyan kasi dito lang naman ako sa loob ng silid-aralan.”
B. “Ma’am, sina Edgar at Roy po ang nakatama niyan kanina habang sila ay nagpapasahan ng bola.”
C. “Ma’am, mga taga-ibang seksyon po siguro ang nakabasag niyan kanina sa kanilang pagdaan dito.”
D. “Ma’am, siguro po sina Ana at Lisa ang nakabasag kasi sila po ang nagtatakbuhan kanina.”

3. Naabutan mong pinapagalitan ng iyong tatay ang kapatid mo dahil nakita niyang sira ang gripo sa inyong lababo.
Alam mong ikaw ang nakasira nito. Paano mo sasabihin sa iyong tatay?
A. “Sila po, Tatay ang nag iwan niyan kaya dapat lang na sila ay pagalitan.”
B. “Hindi ko po alam na babahain tayo dito kapag iniwan ko lamang ang gripong sira.”
C. “Ako po, Tatay ang may kasalanan kaya huwag mo na po silang pagalitan.”
D. “Pasensiya na po, Tatay at hindi ko agad nasabi sa inyo na nasira ko ang gripo kanina habang ako ay naliligo.”

QUIZ: (Summative)
(MODIFICATION) WEBSITE TITLE: Pagsasanay1: Pasa Mo, Sagot Mo!
WEBSITE URL: https://bit.ly/3nkW10H
Paano kayo sumagot? Kung nakakuha kayo ng mataas na marka ay maaari na kayong pumunta sa susunod na
leksiyon. Kung kailangan pa ng karagdagang pang-unawa, maaari kayong bumalik at pag-aralang muli ang aralin.
(DO) PROCEDURES:
3. Uses a variety of strategies to write (REDEFINITION)
informational and literary compositions
ACCESS: Pumunta sa Google Classroom
Website URL: https://classroom.google.com/u/0/c/MTEzNTE3NDAyODI0/a/MTg0MzAwMjM0MzU3/submissions/by-
status/and-sort-name/list
CREATE: Kumuha ng iyong larawan ng isang pangyayari kung saan nagpapakita ka ng katapatan sa ibang tao.
Sumulat ng ilang pangungusap kung bakit iyon ang kinuhanan mo ng larawan. Pagkatapos ay iupload mo ito sa
Google Classroom sa asignaturang ESP 4.
COMMUNICATE/SEND: Mag log ulit sa inyong google account at ishare ito sa aking email address.
CHECKING ON WHAT YOU DO:
Prepared by:
ELAINE T. ARCANGEL
Teacher III
Checked and reviewed:

JOVENCIO P. ASUNCION, JR.


Principal IV

Recommending Approval:

Approved:

You might also like