You are on page 1of 6

ACTIVITY SHEET IN EDUKASYON SA

PAGPAPAKATAO 4
QUARTER 1, WEEK 1

MELC: Makapagsabi ng katotohanan anuman ang maging bunga nito


(ESP4PKP-Ia-b –23).

Prepared by:

ELAINE T. ARCANGEL
Teacher III
Pangalan: __________________________________________________ Petsa: ___________
Baitang/Seksyon: ____________________________________________ Iskor: __________

Pamagat ng Gawain: Pamanang Kulturang Materyal: Palaganapin at Mahalin


Most Essential Learning Competency: Nakapagsasabi ng katotohanan
anuman ang maging bunga nito

Ang pagsasabi ng katotohanan ay dapat paunlarin dahil nagpapakita ito


ng magandang pag-uugali. Ito ay makatutulong sa pagkakaroon ng
magandang ugnayan sa kapwa. Ang pagmamahal sa katotohanan ay dapat
mapagsikapang mapairal sa lahat ng pagkakataon. Dahil sa kawalan ng katotohanan,
ang kasinungalingan ang nagingibabaw. Ito ngayon ang hamon sa lahat ng tao na
maging mabuting modelo tungo sa katotohanan at pagsikapang mapanindigan nang
may katuwiran ang piniling pasiya at pagpapahalaga. Ayon sa sawikain, “Ang
katotohanan ang magpapalaya sa inyo” Hindi magiging tunay na malaya ang isang tao
kung siya ay may itinatago sa kaniyang sarili.

Panuto: Isulat ang Tama kung ang pahayag ay wasto at Mali kung ito ay hindi.

________1. Ang pagsasabi ng totoo ay makatutulong sa pagkakaroon ng mabuting ugnayan sa


kapwa.
________2. Ang pagmamahal sa katotohanan ay kailangang mapaunlad sa mga kabataan.
________3. Nakita ni Rino na nahulog ang pera mula sa isang ale habang siya ay naglalakad.
Pinulot niya ang pera at ibinigay sa ale.
________4. Ang pangongopya sa katabi habang sumasagot ng pagsusulit ay halimbawa ng
pagmamahal sa katotohanan.
________5. Sinabi ni Mika sa kaniyang ina na hindi niya sinasadyang nabasag ang baso sa
kusina.
________6. Kahit na napagalitan ay inamin ni Susan na siya ang nakasira ng paso ng kaniyang
guro.
________7. Nagsumbong si Nato ng maling pangyayari sa kaniyang guro upang hindi siya
mapag nito.
________8. Hapon na kung umuuwi si Rosa. Sinasabi niya na mayroon silang ginagawang
proyekto na dapat tapusin pero ang totoo, siya ay naglalaro kasama ang kaniyang
mga kaklase.
________9. Maaaring maging malaya ang isang tao kung may itinatago sa kaniyang sarili.
________10. Sinabi ng mga bata na sila ang gumawa ng takdang-aralin kahit ang totoo ay
pinagawa nila ito sa kanilang mga magulang.
REFERENCES:
Felamer E. Abac, et. al., Edukasyong sa Pagpapakatao 4, Kagamitan ng Mag-aaral,
Kagawaran ng Edukasyon: Vibal Group, Inc. 2015.

Kagawaran ng Edukasyon, Republika ng Pilipinas, Edukasyon sa Pagpapakatao 4, Most


Essential Learning Competencies
ACTIVITY SHEET IN EDUKASYON SA
PAGPAPAKATAO 4
QUARTER 1, WEEK 2

MELC: Nakapagsusuri ng katotohanan bago gumawa ng anumang

hakbangin batay sa mga nakalap na impormasyon

1. balitang napakinggan

2. patalastas na nabasa/narinig

3. napanood na programang pantelebisyon

4 pagsangguni sa taong kinauukulan (ESP4PKP-Ia-b –23).

Prepared by:

ELAINE T. ARCANGEL
Teacher III
Pangalan: __________________________________________________ Petsa: ___________
Baitang/Seksyon: ____________________________________________ Iskor: __________

Pamagat ng Gawain: Katotohanan: Susuriin Ko!


Most Essential Learning Competency: Nakapagsusuri ng katotohanan
bago gumawa ng anumang hakbangin batay sa mga nakalap na
impormasyon

Bawat tao ay may kaniya-kaniyang pananaw at opinyon sa balitang naririnig sa


radyo o nababasa sa pahayagan. Ang pagiging mapanuri sa naririnig ay nagpapakita
lamang ng masusing pagiisip.
May mga balita na nagbibigay ng tamang impormasyon upang lalong mapalawig
ang kaalaman ng mga nagbabasa o nakikinig. Subalit mayroon din naman sa paraang
paninirang puri. Ang ganitong klase ng pagkakasulat o paglilimbag ay itinuturing na
isang libelo.
Ayon sa Artikulo 353 ng Binagong Kodigo Penal ng Pilipinas, ang mga
elemento ng libelo ay ang:
1. pagbibintang ng isang kahiya-hiyang gawa o kalagayan sa iba;
2. paglalathala ng mga bintang;
3. pagkakakilanlan ng taong dating tanyag na nalaos; at
4. pagkakaroon ng masamang hangarin.
Ang sinumang tao na magsulat, maglathala, mag-eksibit, o maging sanhi ng
anumang paninira ay magiging responsable. Hindi lahat ng balitang naririnig o
nababasa ay totoo. Ito ay dapat na may kongkretong ebidensiya at may patunay. Ang
pagsusuri sa isang narinig o nabasang balita ay dapat na may batayan.
Ang pagiging mapagmatyag at mapanuri sa balita ay tumutulong sa atin para
makuha, malaman, at maunawaan natin ang tamang impormasyon

Panuto: Tukuyin ang bawat balita kung ito ay Katotohanan o Opinyon. Isulat ang sagot
sa patlang.

_________1. Dineklara ni DepEd Secretary Briones na ang pasukan ay magsisimula sa


darating na Agosto 24, 2020.
_________2. Sa palagay ng aking ina, matatapos ang Corona Virus Disease 2019 ngayong
Hunyo.
_________3. Ang LGU ay tinutulungan ang DOH sa pagpapatupad ng mga dapat sundin
kagaya ng mga paggamit ng face mask, paghugas ng kamay bago pumasok sa
anomang gusali at pagsunod sa social distancing.
_________4. Sabi ni Jenny, may pabuyang ibibigay sa makatuturo ng mga salarin na
lumalabag sa batas ng ating bansa.
_________5. Sa palagay ko malapit ng matapos ang problema natin sa COVID-19.
_________6. Libo-libong artista ng ABS CBN ang nawalan ng trabaho.
_________7. Barangay health workers tumulong sa pagbigay ng ayuda sa mga mamamayan sa
kalagitnaan ng COVID-19.
_________8. ABS CBN, ipanasara dahil daw sa hindi pag-renew ng prangkisa.
_________9. Sa palagay ko mahigit dalawang libo na ang nakarekober sa COVID-19.
_________10. Ayon sa balitang narinig ko sa radyo, ipinahayag ng DOH na dumarami ang
nakakarekober sa COVID-19.

REFERENCES:
Felamer E. Abac, et. al., Edukasyong sa Pagpapakatao 4, Kagamitan ng Mag-aaral,
Kagawaran ng Edukasyon: Vibal Group, Inc. 2015.

Kagawaran ng Edukasyon, Republika ng Pilipinas, Edukasyon sa Pagpapakatao 4, Most


Essential Learning Competencies

URL: https://teachertayo.com/grade-4-las/

You might also like