Professional Documents
Culture Documents
Christine: Good afternoon po doc meron po tayong bagong patient,1 year old, male.
Taga San pascual. Ang complain nung mother nya is hindi daw pantay yung itlog nung
baby sa may bandang left side ng ari. Nainterview na po namin yung mother ng patient,
at ayon sa kanya may history daw sa part ng husband nya yung katulad sa bata.
Nakuhanan na rin po sya ng vital signs. Temp nya ay 36.8°c, pr ay 130, rr nya ay 40
tapos yung oxygen saturation ay 98%. Weight is 20 pounds at height ay 29 inches.
Wala ding lagnat si baby. Tapos wala din naman daw any allergy sa gamot at pagkain.
Dr. Coloz: Okay sige, Papuntahin mo sa akin yung patient for head to toe assessment.
Christine: Yang mam order po ni Dr. Coloz iaassess po si baby for head to toe
assessment. Sama po kayo sa akin.
Dr. Coloz: This is for admission and for orchidopexy, left tomorrow at 8am tapos inform
Dr. Rosal for anes and Dr.Cloda for assist pakisecure na lang ng consent (iaabot ni doc
ang order)
> Please admit patient under the service of Dr. Lira to ROC
> IVF: to follow
> Diagnostics: to follow
> For Orchidopexy, Left tomorrow at 8am
> Please inform Dr. Rosal for anesthesia and Dr. Cloda for assist
> CP clearance c/o Dr. Smirz
> Monitor VS q 4 hrs and record
> I and O, TPR q shift
> AP aware of this admission
> Refer accordingly
Christine: Ms. Carla pakisecure naman ng consent for admission at consent for surgery
tomorrow si Mr. Delos Reyes yan yung baby. Salamat
Christine: Okay po Doc noted. iclarify ko lang po ang order nyo, dr. Rosal for anes at
dr. Cloda for assist nag okay na po sila the for the IVF ng patient D5 Lr 500cc x 35cc/hr
to start at 5am. Thankyou po doc.
(Tatawag sa ward)
Christine: Hello Ms.darra inform lang kita na may bago tayong admission sa room 204,
1 yr old male, ang diagnosis nito ay ano undescended testes at for surgery ito tomorrow
ng 8am tapos dadalhin na namin dyan ang patient.
Christine: Ahm.. Ms.darra nadala na namin sa room 204 si patient, time od admission
ay 3 pm. Mag eendorse na ko. Ito ay lalake, si Mr. Zhayden Delos Reyes, 1 year old,
taga San Pascual, wala syang existing na ibang sakit ang complain lang nito ay hindi
daw bumababa yung itlog ng bata sa left side ng ari. Tapos ang diagnosis naman ni Dr.
Coloz ay ano undescended testes. Wala naman syang lagnat, di rin naman nagsuka.
Wala ding any allergy sa pagkain at gamot. Nakuhanan na naman namin si patient ng
VS, lahat naman ay normal. Sa family history naman meron daw undescended testis sa
part ng husband nya. Di pa naman sya naaadmitt dati ngayon pa lang daw. Tapos sa
doctors order ang patient ay admitted under service of Dr. Lira to ROC. Nasecure na
namin ang consent for admission at consent for surgery tapos naitawag na din ni Dr.
Coloz kay Dr. Rosal for anes at Dr. Cloda for assist at na acknowledge na naman ang
referral okay na. Ang CP clearance naman ay care of na ni Dr. Smirz tapos imonitor
daw ang VS q4 and record. Pati ang I & O at TPR q shift. Tsaka AP aware daw yan for
this admission. For the IV ng patient naman D5 LR 500 cc 35cc/hr to start naman ng
5am. Yun lang gets mo ga? May tanong ka pa?
Darra: Wala na akong katanugan pa. Bale uyy kapag nagpaorder ka ng meryenda
iorder mon a din ako ha HAHAHAHA. Salamaaat
(WARD)
Darra(CN-Ward): Ms. Ethel paabot naman ako ng isang kardex diyan ikecarried out ko
lang itong doctor’s order. Ano bay an ang tagal (tumawa)
Ethel: wait lang hihigupin ko palang yung tubig e (tumawa) oh eto na
Darra: (nagcacarried out) ahhm.. Ms. Ethel
Ethel: ano na naman (tumawa)
Darra: pamonitor ako ng VS ni patient every 4 hours. Bigyan mo ng I&O sheet yung
parent para marecord nila yung ihi at dumi ng anak nila.
Ethel: (Kinuha VS) T: 36.5, BP: 60/70, RR: 16cpm, PR: 127, O2: 97% babalik nalang
po ako after 4 hours.
Darra: Ms. Jedeth parequest naman ako sa pharmacy ng isang IV, D5LR 500cc para
hook nalang bukas ng 5am. At padaan naren nitong OR proposal ha. Thank you.
Jedeth: Ako pa! Nakuha ko na ang IV and Okay na nadaan ko na yung OR proposal
informed na sila for surgery bukas ng 8 am.
NEXT DAY
JEDETH: ms. Darra nahooked ko napo yung IV, D5LR kaninang 5 am
Ethel: Nakuhanan ko na ng VS. Okay naman T: 36.4 C, BP: 70/80, RR: 15cpm, PR:
132, O2: 98%
Darra: Okay. Thank youuu. (Nagring ang telepono at sinagot) Hello? Good morning po
this is darra charge nurse from ward. (Nalaman na si Dr. Rosal ang tumawag) Ayy
Doctor rosal good morning po. Yes po, nahooked nap o kanina 5am. Nakuhanan na din
po ng VS, initial VS nya po ay T: 36.4 C, BP: 70/80, RR: 15cpm, PR: 132, O2: 98%.
Okay sige po mam, ibababa nalang po si patient mamayang 7:45. Thank you po.
Darra: (tinawagan ang OR) Good morning, meron akong ibababang pasyente mamaya,
lalaki, 1 year old, taga san pascual walang kahit na anong allergy sa gamot at pagkain
bale order ni doctor coloz na for orchidopexy and bata and tumawag saakin ngayon
lang ang Anes si Dr. Rosal, ibababa na mamaya pasyente mga 7:45.
Romar: ala eh paano kung ayaw ko? (tumawa)
Darra: Isusumbog naman kita kay doktora e. ikaw tuturukan non ng anesthesia
HAHAHAA.
Romar: Manhid na ako noon pa. HAHAHHA Oo sigee noted salamat.
Darra: Okay sige thank you
Darra: (knock-knock) Good morning mam. Inform ko lang po kayo na mamaya pong
7:45 ibababa nap o anak niyo sa operating room para isagawa po yung operation.
PARENT: Kami ba pupunta don or may susundo skaanya dito?
Darra: May susundo po mam. May magaassist po sainyo sa pagbaba
Parent: okay sige thank you.
Darra: Thank you din po. Balikan kop o kayo mamaya.
ASI(PACU): Dr. Rosal for clarification uulitin ko po and order niyo. (inulit and DO)
Dr.Rosal: Okay Thank you
ASI: good afternoon endorse ko lang NPO si patient for the meantime, nainstruct ko na
for moderate high back rest ang bata or pwede ding side lying, naregulate ko na ang IV
sama rate pa den, Given na ang ketorolac 8 mg Through IV at paracetamol 100 mg
every 6 hours for 4 doses. Nakuhanan ko na ng VS every 15 mins hanggang maging
stable sya at ang initial VS nya ay T: 36.4, BP: 70/80, RR: 17cpm, PR: 128 O2: 98%
even the I&O recorded na. Wala naman akong napansin during my shift na bleeding or
respiratory distress sa bata. All goods naman.
Darra: Okayy sige noted.
DARRA: Ms. Ethel pakuha naman ako ng VS ni patient room 204. Para mamonitor
natin ng maayos. Then double check mo if may unusual na signs and symptom si
patient and if tama ang regulation kasi malikot ang bata e.
Ethel: okay sigee punta na ako now.
Ethel: (pumunta sa pasyente niregulate ang IV, chneck if nagrerecord ng I&O, Nagtake
ng VS)