You are on page 1of 3

KABANATA 6: GAMOT

Sa bansang Holmfirth, may isang businesswoman na kilala bilang


si Natasha Romanoff. Ang kanyang mga magulang ay
nagtatrabaho sa ibang bansa.Si Natasha ay maalaga sa katawan
kaya nang mabalitaan niyang may kumakalat na virus sa kanilang
bansa ay agad syang bumili ng mga kailangan nya upang ma
proteksyunan sya.
Nalaman ng mga magulang ni Natasha ang mga kumakalat na
virus sa iba't ibang sulok ng bansa. Kaya agad silang tumawag sa
kanilang anak upang siya'y kamustahin.
”Hello anak? Nabalitaan mona ba ang sabi sa balita na may
kumakalat na sakit sa iba't ibang sulok ng mundo?” tanong ng ina
”Opo ma.Ako nga po'y naghanda na, bumili na po ako ng mga
kailangan ko upang hindi po ako mahawaan.” Wika ng anak
”Mabuti naman anak at naghanda kana,mahirap na kapag ika'y
nahawaan kapag ikaw daw ay nakapitan maaari daw itong
ikamatay.”
”Oo nga po ma, kaya kailangan ko pong mag-ingat, at kayo rin po
mag-iingat din po kayo lagi dyan ma.”

At ibinaba na nga ni Natasha ang telepono.


Isang araw, nang papasok na si Natasha sa kanyang trabaho
nakaramdam sya ng pagkahilo ngunit ito'y hindi nya pinansin dahil
sabi nya baka ito ay normal lang dahil sa labis na pagtratrabaho.
Nang nakauwi na si Natasha ay iba na ang kanyang pakiramdam
sinisipon, inuubo, nahihilo at mataas na ang kanyang lagnat. Kaya
agad-agad nyang tinawagan ang kanyang malapit na kaibigan na si
Emmanuel upang ipunta sya sa hospital dahil hindi nya kayang
ipag drive ang kanyang sarili.

”Hello, Emmanuel napatawag ako dahil iba ang aking


nararamdaman sinisipon, inuubo, mataas ang aking lagnat at ako'y
nahihilo pakiusap pumunta ka sa aking bahay at ihatid mo ako sa
hospital.”sambit ng nanghihinang si Natasha.

”Sige Natasha, ako'y papunta na hintayin mo ako dyan sa bahay


nyo.”nag-aalalang tugon ng kaibigan.

Nang makarating si Emmanuel sa bahay nila Natasha, ay agad-


agad nya itong inihatid sa hospital at ng i-test sya ay nag positibo
sya sa sakit na COVID.

Sa kabilang banda, may isang doktora na nagngangalang Eloise


Madden, siya ay naghahanap ng gamot kontra COVID. kasama
niya ang isa sa kanyang mga nurse na si Jomarey Bonifacio.

Sa kadahilanang gusto na niyang mawala ang COVID-19 at para


hindi na maghirap ang mga tao dahil nakikita nya sa mga mata ng
tao na hirap na hirap na sila at kapag nakikita nya ito ay parang
nadudurog ang kanyang puso at nangangamba din .syang
mahawaan ang kanyang pamilya, kaya siya ay nag imbento ng iba't
ibang gamot na maaaring para sa kanya ay makapagpapagaling
iyon ng sakit, isa na dito ang saging.
”Sa tingin ko ang saging ay makapagpapagaling ng sakit na
COVID, dahil ang saging ay mayaman sa vitamin C, protina at
vitamin B6 na nakapagpapanatili at nakapagpapalakas ng immune
system.” Tugon ng doktora na alam niyang ito’y
makapagpapagaling.

”Tama ka diyan doktora, ang saging ay nakapagpapalakas nga ng


immune system. Ngunit sigurado po ba kayong kayang
makapagpagaling ng sakit ang saging?” tanong ng nars na
mukhang hindi pabor sa doktora
”Oo,sapagkat kung tamaan ka man ng COVID madali kang
gagaling sapagkat tutulong ang saging sa pagpapalakas ng
katawan.”

Marami pang gamot ang kanyang ginawa,ngunit ni isa sa mga iyon


ay hindi pa rin nakapagpagling ng sakit na COVID-19.

Isang araw, inanunsiyo ng isang professional na doktor na taga


Aberuthven na ang nasabing saging na gamut para sa covid-19, ay
hindi totoo. Wala pa ring nagpatunay na ito’y talagang
nakapagpapagaling. Sapagkat ito’y isang prutas lamang na
masustansiya para sa katawan. Kung kaya’t agad agad itong
nakarating sa bansang Holmfirth.

*BALITA*
”Magandang umaga po sa inyong lahat, ako po si Niki Morales
nagbabalita. Nasabi po ng isang doktora na nakahanap siya ng
gamot kontra covid at at ito daw po ay ang saging dahil ito daw po
ay mayaman sa bitamina at maaaring mapalakas ang iyong
immune system. Ngunit wala pang kasiguraduhan na ang saging
nga ay nakakapag gamot sa sakit na COVID dahil wala pang
nakapagpatunay na mga tao na ito ay nakakapagpagaling ito po ay
ayon sa isang professional doktor mula sa Aberuthven. Dito po
nagtatapos ang aking balita, salamat po!

You might also like