You are on page 1of 4

Phil-IRI Form 1 - Pretest

Pangalan: ____________________________ Baitang at Pangkat: ___________


Pagganyak: Kilala mo ba ang kauna-unahang babaeng doktor sa
Pilipinas? Ano ang kanyang ginawa? Kilalanin mo siya.

Isang Kagitingan ang Magsilbi sa Iba


Sa loob ng apat na taon, nagtapos si Olivia Salamanca ng
medesina. Siya ang kauna-unahang Pilipinang doktor.
Nagpakadalubhasa siya sa Estados Unidos sa paggagamot ng
tuberkulosis o sakit sa baga na karaniwang ikinamamatay ng
mga Pilipino noon. Naglibot siya sa mga pagamutan sa Amerika
upang mapagbuti ang paggagamot bago nagbalik sa Pilipinas.
Nang umuwi siya sa ating bansa, iniukol niya ang kanyang
panahon sa panggagamot nang walang bayad sa mga kababayan
nating may tuberkulosis. Bunga na rin ng kanyang gawain,
noong 1911, nahirang siyang kalihim ng Anti Tuberculosis
Society.
Sa labis na pagod at madalas na pakikisalamuha sa mga
maysakit ng TB, siya naman ay nagkasakit din nito. Namatay
siya sa murang gulang na dalawamput apat.
Gr. IV
Bilang ng mga Salita: 116

Tanong:
Literal

1. Sa loob ng ilang taon tinapos ni Olivia Salamanca ang


pagdodoktor?
Sagot: apat na taon
2. Anong sakit ang karaniwang ikinamamatay ng mga Pilipino
noon?
Sagot: tuberkolosis, TB o sakit sa baga
3. Ilang taong gulang si Olivia nang siya ay namatay?
Sagot: dalawamput apat (24)

SY 2011-2012

Pagpapakahulugan

4. Bakit kaya iniukol ni Olivia ang kanyang panahon sa


panggagamot sa mga kababayan nating may tuberkulosis?
Maaaring isagot:
Dahil mahal niya ang kanyang mga kababayan.
Dahil naaawa siya sa mga ito.
Dahil gusto niyang mabawasan ang mga namamatay sa
sakit na ito.
Dahil gusto niyang iligtas ang mga Pilipino sa sakit na ito.
Dahil naniniwala siyang matutulungan niya ang mga ito.
Dahil may pagmamalasakit siya sa kapwa-Pilipino.
Tanggapin ang iba pang katulad na mga sagot.
5. Paano ipinakita ni Olivia ang pagmamalasakit sa mga
kababayan?
Maaaring isagot:
Ginamot niya sila nang walang bayad.
Iniukol niya ang kanyang panahon sa panggagamot sa
kanila
Nagpakadalubhasa siya sa panggagamot sa sakit na ito.
Naglibot siya sa mga pagamutan sa Amerika upang pagaralan ang panggagamot sa tuberkulosis.
Tiniis niya ang pagod sa panggagamot.
Nakisalamuha siya sa mga maysakit kahit na
ito ay nakahahawa.
Tanggapin ang iba pang katulad na mga sagot.

Paglalapat 6. Paano mo mapangangalagaan ang iyong sarili laban sa sakit?


Maaaring isagot:
Mag-eehersisyo po ako.
Kumain ng masustansiyang mga pagkain.
Uminom ng hustong dami ng tubig.
Matulog ng may sapat na oras.
Iwasang lumapit sa mga taong may nakahahawang sakit.
Magpapatingin sa doktor kapag may karamdaman.
Panatilihing malinis ang aking kapaligiran.
Maligo araw-araw.
Kumain sa tamang oras.
Tanggapin ang iba pang katulad na mga sagot.

SY 2011-2012

7. May naganap na sakuna sa inyong lugar. Paano ka tutulong sa


biktima?
Maaaring isagot:
Bigyan sila ng pagkain.
Mag-ambag ng ng damit o gamit na kailangan nila.
Patuluyin sila sa aming tahanan.
Tanggapin ang iba pang katulad na mga sagot.
8. May medical mission sa inyong lugar. Anong tulong ang
maibibigay mo sa mga miyembro nito?
Maaaring isagot:
Sabihin sa mga kapit-bahay ang tunglil sa medical mission.
Tumulong sa paglilista ng mga pangalan ng magpapagamot.
Tumulong sa maaaring ipagawa ng mga nasa medical
mission na kaya kong gawin.
Tanggapin ang iba pang katulad na mga sagot.

SY 2011-2012

Isang Kagitingan ang Magsilbi sa Iba


Sa loob ng apat na taon, nagtapos si Olivia Salamanca ng
medesina. Siya ang kauna-unahang Pilipinang doktor.
Nagpakadalubhasa siya sa Estados Unidos sa paggagamot ng
tuberkulosis o sakit sa baga na karaniwang ikinamamatay ng
mga Pilipino noon. Naglibot siya sa mga pagamutan sa Amerika
upang mapagbuti ang paggagamot bago nagbalik sa Pilipinas.
Nang umuwi siya sa ating bansa, iniukol niya ang
kanyang panahon sa panggagamot nang walang bayad sa mga
kababayan nating may tuberkulosis. Bunga na rin ng kanyang
gawain, noong 1911, nahirang siyang kalihim ng Anti
Tuberculosis Society.
Sa labis na pagod at madalas na pakikisalamuha sa mga
maysakit ng TB, siya naman ay nagkasakit din nito. Namatay
siya sa murang gulang na dalawamput apat.

SY 2011-2012

You might also like