You are on page 1of 7

Christian Nicolas A.

Guese
Grade 12-Cooperation FIL-KOM
Modyul 6: Gamit ng Wika sa Telebisyon at Pelikula
Panimulang Pagsubok
A. Panuto: Basahin at Unawain. Sa mga sitwasyong nakatala sa bawat bilang, tukuyin ang gamit ng wika
sa lipunan. (Instrumental, Regulatori, Interaksiyonal, Personal, Heuristiko, Impormatibo, Imahinatibo).
Gawin ito sa iyong kuwaderno.
1. Namumulot ka ng mga plastic at bote para ibenta, saktong napadaan ka sa isang bakery, gusto mong
bilhan ng maliit na cake ang iyong ina sa kanyang kaarawan, kaya lang kulang ang iyong pera.
Nagdesisyon kang kausapin ang may-ari ng bakery tungkol sa iyong kalagayan. - Instrumental
2. Isa kang kagawad sa inyong baranggay at may paparating na bagyo. Kailangan mong magbigay ng
paalala sa iyong mga ka-barangay ukol dito. - Regulatori
3. May bago kang kaklase at gusto mo siyang maging kaibigan. - Interaksiyonal
4. Naguusap-usap kayong magkakaibigan hinggil sa sigalot ng China at Pilipinas ang tungkol sa
Scarborough Shoal o Panatag Shoal at bilang student leader, hinihingan ka nila ng opinyon ukol dito.
- Personal
5. Nagpatawag ng press conference ang Malacañan at isa ka sa naimbitahan bilang mamamahayag ng
isang sikat na TV Channel. Nakatakda kang magtanong sa pangulo hinggil sa mga isyung kinakaharap ng
bansa. - Heuristiko
B. Panuto: Bumuo ng sariling diyalogo sa mga sitwasyon sa naunang gawain (A. Basahin at Unawain)
gamitan ng mga angkop na panghalip o cohesive device at salungguhitan ang mga ito.
PAGSASANAY 1
Panuto: Suriin mo ang sumusunod na diyalogo mula sa pelikula, tukuyin ang gamit ng wikang nasalamin
(Instrumental, Regulatori, Interaksiyonal, Personal, Heuristiko, Impormatibo, at Imahinatibo) Isulat ang
sagot sa iyong kuwaderno.
1. Luna: “Negosyo o kalayaan?” INSTRUMENTAL
2. Luna: “Bayan o sarili, pumili ka!” REGULATORI
3. Joven: “Ganyan naman po ang mga Pilipino, palaging inuuna ang pamilya.” PERSONAL
4. Luna: “May mas malaki tayong kalaban sa mga Amerikano, ang ating sarili.” PERSONAL
5. Luna: “Malaking trabaho ang ipagkaisa ang bansang watak-watak, Joven.” PERSONAL
6. Luna: “Kalaban ang kalaban. Kalaban ang kakampi, nakakapagod.” PERSONAL
7. Luna: “Mas madali pang pagkasunduin ang langit at lupa kaysa dalawang Pilipino tungkol sa kahit na
anong bagay.” PERSONAL
8. Paco: “Handang magtapon ng dugo ang totoong makabayan. Hindi pagdurusa ang pagdaan sa
napakatinding pasakit. Para kang tumanggap ng basbas, parang pag-ibig.” IMAHINATIBO
9. Luna: “Ang taong may damdamin ay hindi alipin.” PERSONAL
10. Isabel: “Wala na tayong panahon sa mga bagay na hindi natin kayang panindigan. PERSONAL
PAGSASANAY 2
Panuto: Gawan ng sariling diyalogo ang sumusunod na mga sitwasyon gawing basehan ang mga larawan
at salungguhitan ang mga salitang nagpapatunay sa gamit ng wika. Gawin ito sa iyong kuwaderno.
1. Batang nanlilimos; Instrumental
Bata: “Maari po ba akong makahingi kahit kaunting tinapay lang?”-Nagtatanong
2. Gurong nagbibigay ng paalala bago ang pagsusulit; Regulatori
Guro: “Bago tayo magsimula ay ilagay muna ninyo ang inyong mga bag sa unahan ng inyong upuan
at manatiling tahimik!”- Nagbibigay ng panuto
3. Tumatanggap ng bisita; Interaksyonal
Lalaki: “Uy, Maligayang pagdating! Tara sama-sama na tayong kumain!”
– Pagpapatuloy ng bisita sa bahay
4. Umpukan ng mga tambay sa kanto;- Personal
Tambay 1: “Sa tingin ko, kailangan natin na dagdagan at ayusin ang sound effects ng ating vines
video!”– Nagbibigay ng sariling ediya.
Tambay 2: “Oo nga noh!”
5. Pakikipanayam sa isang doktor; Heuristik
Reporter: “Ano-ano po ba ang mga hakbang na ginagawa niyo upang makahanap ng lunas para sa
cancer?”- Pagtatanong, paghahanap ng impormasyon o datos.
6. Pagbigkas ng tula sa harap ng madla; - Imahinatibo
Bata: “Ang wikang Filipino, ang sagisag ng bansa, kaya’t ating mahalin, itaguyod nang kusa!”-
Nagbibigkas ng nilikhang tula.
7. Pagbibigay ng direksiyon ng isang tour guide; Regulatori
Turista: “Sir saan ko po ba mahahanap ang lucky charm store?”
Tour Guide: “Ah ok, kailangan mong sundan ang daang ito, tapos lumiko ka pakanan dun mo
mahahanap ang tindahan.”-Nagbibigay direksiyon
Turista: “Ah sige po salamat!”
8. Batang nagtatanong; Heuristiko
Bata: “Ano po ba ang theory of relativity?”-Nagtatanong
9. Nagbibigay ng utos; Instrumental
Electrician: “Oh! Putulin mo na yan!”-Nag-uutos
10. Police na nagbibigay paalala; Regulatori
Police: ”Maadam, mag-ingat po tayo sa pagdaan dito.”-Nagpapaalala

PAGSASANAY 3
Panuto: Sa iyong naging sagot sa Pagsasanay 2, angkupan ng mga cohesive device. Tingnan ang laang
halimbawa.
Sitwasyon/paksa: 1. Batang nanlilimos
Gamit ng Wika sa Personal- Nakapagpapahayag ng sariling damdamin o oipinyon
Lipunan:
Pangungusap/ “Maari po ba akong makahingi kahit kaunting tubig at tinapay lang?”
Diyalogo:
Cohesive Device: Pang-ugnay
Sitwasyon/paksa: 2. Gurong nagbibigay ng pagsusulit
Gamit ng Wika sa Regulatori- Komokontrol/ Gumagabay sa kilos at asal ng iba
Lipunan:
Pangungusap/ “Bago tayo magsimula ay ilagay muna ninyo ang inyong mga bag sa
Diyalogo: unahan ng inyong upuan at manatiling tahimik!”
Cohesive Device: Pang-ugnay
Sitwasyon/paksa: 3. Tumatanggap ng bisita
Gamit ng Wika sa Interaksiyonal- Nagpapanatili, nakapagtatatag ng relasyong sosyal.
Lipunan:
Pangungusap/ “Uy, Maligayang pagdating! Tara sama-sama na tayong kumain!”
Diyalogo:
Cohesive Device: Kohesyong Leksikal-Reiterasyon
Sitwasyon/paksa: 4. Umpukan ng mga tambay sa kanto
Gamit ng Wika sa Personal- pagbibigay ng sariling opinyon
Lipunan:
Pangungusap/ “Sa tingin ko, kailangan natin na dagdagan at ayusin ang sound effects ng
Diyalogo: ating vines video!”
Cohesive Device: Pang-ugnay
Sitwasyon/paksa: 5. Doktor na nagbibigay ng paalala
Gamit ng Wika sa Heuristiko- Naghahanap ng mga impormasyon o datos.
Lipunan:
Pangungusap/ “Ano-ano po ba ang mga hakbang na ginagawa niyo upang makahanap ng
Diyalogo: lunas para sa cancer?”
Cohesive Device: Kohesyong Leksikal-Reiterasyon

PANAPOS NA PAGSUBOK
Panuto: Sumulat ng talatang nagpapaliwanag sa kahalagahan ng gamit ng wika sa mundo ng telebisyon at
pelikula, magbigay ng mga halimbawa at gawing pantulong ang paggamit ng mga cohesive device.
Sagot:
Ang wika ay isang napakahalagang instrumento sa mundo ng telebisyon at pelikula. Ang isang
palabas ay hindi masyadong magugustuhan ng manonood kung ito ay walang diyalogo na siyang
makatutulong upang mas maramdaman ng manonood ang mga nangayayari sa palabas. Halimbawa
nalang kung ang eksena ay tungkol sa pagtatalo, kailangan na may diyalogo o wika ang ang eksena,
sapagkat mas malalaman ng mga manonood kun ano ang ipinapahiwatig sa palabas.

KARAGDAGANG GAWAIN
Panuto: Pumili ng pelikulang Pilipino na panonoorin o napanood. Gumawa ng suring pelikula, mula rito
ay magtala ng sariling interpretasyong diyalogo ngunit base parin sa pelikula na may angkop na cohesive
device o mga panghalip. Sundin ng Pormat sa pagsulat. Gawin ito gamit ang long size bond paper.

Sagot:
I. Pamagat
Heneral Luna

II. Mga Pangunaging Tauhan


John Arcilla as Heneral Luna
Mon Confiado as Emilio Aguinaldo
Paulo Avelino as Heneral Gregorio Del Pilar
Jeffry Quizon asApolinario Mabini
Leo Martinez as Pedro Paterno
Arron Villaflor as Joven Hernando
Joem Bascon as Col. Paco Roman
Nonie Buencamino as Felipe Buencamino
Ketchup Eusebio as Capt. Janolino
Mylene Dizon as Isabel
III. Buod ng Pelikula
Ang buhay ni Heneral Antonio Luna bilang isa sa mga bayani na nagkulang sa parangalsa
marami ng nagdaan na taon ng kasaysayan, ang siyang ipinakilala ng pelikulang ito. Nang umusbong na
ang hudyat at simulang pananakop ng mga Amerikano sa bansa sapanahon ng kinilalang unang pangulo
ng Republika ng Pilipinas, na si Emilio Aguinaldo ay ang panunungkulan din naman ni Heneral
Luna bilang pinuno ng lakas-militar ng bansa. Nang
iniwan ni Heneral Luna ang propesyon bilang isa sa pinakamatalino at pinakamagaling
naabogado ng kanyang panahon, ipinangako naman nya ang pagtutuloy ng isang hangarin para sabayan sa
pamamagitan ng pagkilos gamit ang lakas na nagdala sa kanya sa kaniyang katungkulan bilang Heneral.
Nang sumiklab ang dahas ng mga Amerikano at nagsimula ang mga pakikidigmaay sumiklab din ang
katanungan sa mga Pilipino, higit na sa mga lider ng bansa sa kung ano baang magandang idudulot ng
pagpapatuloy ng paglaban nila sa mga Amerikano kaysa tanggapinna lamang ang mga ito sa kanilang
hangarin na pagsakop. Kalaban man ang mga balikong pag-iisip ng mga lider na ito, ipinagpatuloy ni
HeneralLuna ang paninindigang ipaglaban ang totoong kasarinlan ng bayan at ibinigay ang buong sarilisa
lahat ng pakikipaglaban maging ang maging katunggali na ay kalahi. Sa ganitong prinsipyo,ay hindi
bumitaw ng Heneral, at patuloy syang lumaban hanggang sa binawi ng marahas ang kanyang buhay sa
kamay ng kaniyang kapwa Pilipinong Sundalo.
IV. Banghay ng Pelikula
A. Tagpuan
Pilipinas
-Bulacan
-Kawit Cavite
-Pampanga atbp.

B. Protagonista
Heneral Luna
Apolinario Mabini
Gregorio Del Pilar

C. Antagonista
Capt. Janolino
Emilio Aguinaldo
Felipe Buencamino Sr.
Pedro Paterno
Ang mga pwersa ng Amerikano
Mga pumatay kay Heneral Luna

D. Suliranin
Umiikot ang istorya sa panahon ng pananakop ng mga Amerikano at kung paano lumaban at
sumuong sa suliraninang mga kapwa natin Pilipino upang hindi tuluyang masakop ang mga dayuhan at
makamit ang soberanya. Umikot din ang daloy ng istorya sa tema ng disiplinang nakatatak sa
karakter,ang bayaning si Luna. Sinalamin ng pelikula kung paano niyapinamahalaan ang mga Pilipinong
sundalo upang sugpuin ang pwersa ng mga Amerikano sa bansa at matupad ang kanilang hangaring
makamit ang pang matagalang kalayaang hinahangad ng sambayanan. Bukod pa rito, detalyado ring
inilarawan sa pelikula ang mga suliraning kaakibat ng mgahangaring ito. Isa na rito ang hindi maiwasang
pagpili ngmaraming Pilipino sa pansarili nilang kapakanan kaysaikabubuti ng buong bayan. Dito
pumapasok ang ideya ngmatinding pagkiling sa sariling pamilya at mga karatig narehiyon ng Pilipinas ng
ilang mga Pilipino kaysa sa bansangkanilang pinagmulan na naging balakid sa pagkamit ngnasyonalismo
noon pa lamang. Kung iisipin, ito ang mgakatangiang nakatatak pa rin sa lipunan maging sakasalukuyan.
Sakripisyo sa bayan at disiplina ang mga katangiang ito ang nagsilbing pundasyon ng pelikula
sapaglalarawan sa kahusayan ng bayaning si Luna. Kilala si Luna bilang isang mahigpit na heneral na
may malaking pagpapahalaga sa disiplina. Naisadiwa ng pelikula ang mga katangian ni Luna sa
pamamagitan ng paglalarawan ng ilang eksenang hango sa kanyang karanasan noong panahon ng
digmaan.

E. Mga Kaugnay na Pangyayari o mga Pagsubok sa Paglutas ng Suliranin.


“Mayroon tayong mas malaking kaaway kaysa mga Amerikano, ang ating sarili,”
Isa lamang ito sa mga linyang tumatak sa manunuod. Matagal nang usapan sa ating bansa kung sino nga
ba ang dahilan sa kabila ng pagkamatay ni Heneral Luna. Maraming nagsabi na si Presidente Emilio
Aguinaldo ang nagpautos na ipapatay ito kagaya ng nangyari kay Andres Bonifacio. Ang pagtatraydor ng
magkakapatid sa bansa ay tila naging dahilan upang mas lalo pang mapabagal ang ating pag-unlad.Isa sa
mga katangian ng pelikula na nais ipabatid sa manunuod ay ang pagiging isangtunay na Pilipino sa puso
maging sa gawa. Makikita dito ang nasyonalismo ni Heneral Luna dahil sa hangad niyang bumuo ng
isang matatag na bansa. Ibinahagi ni Arcilla kay Villaflor ang mga kwento ng nasyonalismo na
natunghayan niya sa kanyang mga paglalakbay. Dito nabuo ang pagbabalik-tanaw sa ilang piling
pangyayari sa buhay niLuna bilang pinuno ng militar na may paninindigan sa batas at pagpapataw
ngdisiplina. Nalampasan ni Tarog ang hamong isalaysay ang komplikadong buhay ni Lunaat ipaalam sa
mga manonood ang kabayanihang ipinamalas niya noong panahon ngdigmaang pambansa.Hindi naging
madali para sa mga producer at direktor ang paglalarawan sa mgapangyayari sa bawat bahagi ng buhay
ng naturang bayani. Punong-puno ang pelikulang mga masasalimuot na eksena bunsod ng walang
humpay na giyera’t labanang kinaharap ni Luna.Dumanas din ang heneral ng ‘di mabilang na tama ng
bala at saksakng bolo bago mabawian ng buhay. May karahasan man, paliwanag ni Eddie
Rocha,producer, “toned down” na ang paglalarawang ito sa pelikula kung ihalilintulad sa ibapang
karanasang kinasadlakan ng kapita-pitagang bayani ng lahi.Naging mabigat man ang imahe ng pelikula
dahil sa mga masalimuot na eksena, hindi parin naisantabi ni Tarog ang makapagbigay-aliw sa
pamamagitan ng pagdaragdag ngilang nakahahalakhak na pangyayari sa istorya. Nilapatan ng kaunting
katatawananang ilang eksena upang maalis ang tensyon mula sa mabibigat na pangyayari tulad ngeksena
sa tren na naging komedya dahil sa kulang-kulang na Ingles ni Luna at ngkanyang mga kasamahan.
Maayos ding nagampanan ng bawat artistang gumaganap sa pelikula ang pagsasabuhay sa kani-kanilang
mga karakter, alinsunod na rin sa hinihinging direktor at manuskrito ng kwento, na mahigit labing-walong
taon nang nag-aantay namailimbag sa pinilakang tabing.Sa huli, nag-iwan ng epekto ang bawat eksena
sapelikula upang mapanindigan ang mga simbolong isinabuhay ng nasabing obra at makapaghatid ng
mensahe sa mga manonood. Inilalarawan nito ang kahalagahan ng disiplina sa isang bayan, pagkiling sa
ideya ng isang matatag na nasyon, at katangianng mga tunay na bayaning handang ibuwis ang sariling
buhay para sa ikabubuti ngbuong lahing Pilipino. Iiwanan nitong mapaiisip ang mga manonood kung
hanggang saan nga ba ang kaya nilang ibuwis para sa bayan at kung sino ang tunay na bayani ng ating
lahi.
F. Mga Ibinunga
Si Luna ay ipinatawag ng isang telegram sa headquarters ng Pangulo sa Cabanatuan. Subalit, ang
kanyang mga opisyal ay kahina-hinala, Si Heneral Luna ay pumunta sa Cabanatuan kasama lamang niya
sila Roman at Rusca. Nadiskubre ni Luna sa knaiyang pagkadating na si Aguinaldo ay nakaalis na at ang
natitira nalang sa opisina ay si Felipe Buencamino. Habang sila ay nag-uusap na may mga mainit na
salita, may isang putok narinig sa labas. Inimbestigahan ni Heneral Luna ito at natagpuan niya si Kapitan
Janolino at ang kanyang mga tauhan, dito narin siya inatake ng mga ito. Si Heneral Luna ay ibinaril at
tinaga nang paulit-ulit hanggang sa namatay siya.Namatay din si Paco Roman, habang si Rusca ay
nasugatan at sumuko sa sundalo ng mga Kawit.Karamihan sa mga natitirang tapat na opisyal ni Luna ay
naaresto, habang ang ilan ay namatay, pati rin ang magkapatid na Bernal.

V. Paksa o Tema
Kabayanihan
Aksiyon
Kasaysayan
Talambuhay

VI. Mga Aspetong Teknikal


A. Sinematograpiya
May mga parteng magaganda ang pagkakakuha ng lente ng kamera sa pelikula.Katulad na lamang noong
nag-uusap si Heneral Antonio Luna (John Arcilla) at ang kaniyang kasintahang si Isabel (Mylene Dizon).
napakaganda ng pagkakakuha noon dahil nakapokus talaga ang kamera sa kaniya at kitang-kita ang
kaniyang emosyon. Ang pag-akyat ni Heneral Luna sa bundok ay kakikitaan din ng
napakagadangsinematograpiya. Doon makikita kung gaano lamng siya kaliit sa napakalawak namundong
kaniyang ginagalawan. Ang pag-iilaw ay naaangkop sa bawat senaryong ipinakikita. Hindi siya katulad
ng ibang pelikulang napakaraming arte sa pag-iilaw at pagkuha ng anggulo sa pagpipihit ng lente ng
kamera na kung saan madaling maintindihan ng mga manonood ang daloy ng palabas.

B. Musika
Naaangkop ang musikang ginamit sa pelikulang ito. Naaayon ang bawat tunog sa mga eksenang
ipinakikita sa palabas. Kung anong emosyon ang ipinakikita, naaangkop din ang tunog na inilapat dito.

VII. Kabuuang Mensahe ng Pelikula


Ang pagtataksil sa sariling tungkulin ay isang malaking kasalanan sa iyong inang bayan. Ang pagiging
bayani ay maipapakita sa katapatan mo sa iyong sariling bayan.

B.

Gamit ng wika sa Lipunan Diyalogo at cohesive device sa Pelikula


Instrumental “Negosyo o kalayaan?”
Regulatori “Bayan o sarili, pumili ka!”
Interaksiyonal “Ipagpagpaumanhin mo at pinaghintay kita.”
Personal “Malaking trabaho ang ipagkaisa ang bansang
watak-watak, Joven.”
Heuristiko “Kung Espanya talaga ang kalaban ng Amerikano,
bakit di sila makiisa sa atin?”
Representatibo “Para kayong mga birhen na naniniwala sa pag-ibig
ng isang p*ta!”
Imahinatibo “Sabihin mo sa ating mga kababayan na hindi
nakakamit ang kalayaan sa pag-aaruga sa kanilang
mahal sa buhay.”

You might also like