You are on page 1of 1

Lumabas ako ng bahay, natanaw ko ang paligid.

Maraming bata ang naglalaro sa parke at matatandang


nag eehersisyo. May mga naghahabulan at naglalakad, bumibili ng sorbetes at nagpapalipad ng
saranggola. Bigla kong naisip “sana ganito nalang palagi”. Napasapo ako sa aking noo nang maalala na
kailangan ko pa palang mamalengke at maghanda ng aming kakainin ngayong gabi.

Habang nasa loob ng grocery, napadaan ako sa personal hygiene section. Naalala ko lagi ako rito
bumibili ng – oo nga pala kailangan ko na magbayad sa kahera.

Kasalukuyan akong nagluluto ng gabihan nang dumating ang aking pamangkin. Tinanong ko kung
kumusta ang araw niya, ang nakuha kong sagot, “sobrang nakakapagod tita”. Hinihiwa ko ang karne
nang kalabitin niya ako at sinabing “tita, may takdang aralin nga pala ako tungkol sa pandemyang covid
19 noong 2020. Diba po alam mo ito?” Tila tumigil ang mundo ko at naalala ang mga pangyayari noong
mga panahong iyon. Muling bumalik ang lahat.

May pumutok na bulkan sa dibdib ko nang aking mabasa ang balita hinggil sa kumakalat na virus sa
buong mundo. Tinanong ko ito sa mga kapwa ko dahil sigurado ako na nabasa rin nila ito, ano ba yun?
Pero ang sagot nila, “hindi ko alam mars”. Nabahala ako na talagang importante na malaman ang isyung
ito. Kahit hindi ko naririnig ang boses ng mamamayan ay nararamdaman ko naman sa aking puso ang
lungkot na nararamdaman nila. Inulit ko ang tanong sa sarili ko, nagbabakasakali na mali ang
pagkakabasa ko.

Nagising ako nang maaga at narinig ang balitang may isang Chinese nationale ang nagpositibo rito sa
Pilipinas noong Enero 2020. Isinawalang bahala ko ito dahil iisa lang naman niya, natitiyak ko na gagaling
rin siya agad. Ngunit makalipas ang ilang buwan ay padami na nang padami ang kaso nito sa bansa na
halos umabot na sa 300,000 katao ang nagpositibo rito. Eh ano bayan? Paano ba yan napapasa? Bakit
bawal lumabas?

Sa pananaliksik ko, itong virus pala na ito ay maaaring magdulot ng sakit mula sa karaniwang sipon
hanggang sa mas malubhang sakit. Itong sakit na ito ay lumitaw noong Disyembre 2019, nagmula sa
Wuhan, China. Ahh kaya pala bawal lumabas dahil nakakahawa raw ito. May mga sintomas din ito tulad
ng prolema sa paghinga, patuloy na sakit o presyon sa dibdib, hindi makapanlasa at makapang amoy at
lagnat, ubo o pananakit ng katawan.

Mula nang malaman ko ang mga ito, agad akong tumakbo sa malapit na grocery store at bumili ng mga
kakailanganin ko tulad ng face mask at alcohol. Nilimitahan ko rin ang sarili kong lumabas ng bahay lalo
na’t di naman mahalaga ang aking pupuntahan. Isa pa, sinunod ko rin ang mga hakbang na utos ng
ahensya ng kalusugan tulad ng paghuhugas ng kamay, pagtakip sa ilong at bibig kung babahing, pag iwas
sa matataong lugar, at gumamit ng alcohol at face mask.

Naging isang malaking bangungot ang pandemyang ito para sa mga katulad ko na unang beses pa
lamang nakaranas ng ganito. Kaba at takot ang nadarama, kabilang na rin ang pagkabalisa.

Muli akong naibalik sa reyalidad at tumingin sa aking pamangkin at sinabing “Oo alam ko iyan, at buti na
lamang ay naging alisto ako”. Hindi kailanman maaalis sa aking isipan ang pandemyang ito na nagdulot
ng malaking perwisyo sa ekonomiya ng bansa maging sa pang araw araw na pamumuhay ng bawat isa.
Mabuti na lamang ay nagkaisa ang mamamayan upang malampasan ang pandemyang ito, na naging
dahilan ng normal at masayang pamumuhay ng bawait isa sa panahon ngayon.

“Halika na, kakain na tayo, mamaya ay ikukwento ko ang nangyari noon”

You might also like