You are on page 1of 1

Rhea Mae A.

Samuya Filipino Journalism

Isang matinding sakit na may dalang pagbabago

Isa sa mga pangyayari na hindi ko makakalimutan sa buong buhay ko dahil ito ay nagdulot ng isang
malaking pagbababago sa aking sarili. Hindi inaasahan pangyayari na may isang matindi at
nakakahawang sakit ang natuklasan na lumalaganap sa mundo ito ay ang Coronavirus disease 2019 o
mas kilalang COVID-19 .Bago pa itong magsimula isa ako batang masayahin,madaldal at mahilig
makipaghalubilo sa iba ,ngunit dahil dito nagdulot ito ng isang malaking pagbabago hindi lamang sa
daigdig kundi pati na rin sa aking sarili.

Simula noong nagpandemya maraming mga taong nagamba at takot na lumabas sa kanilang bahay dahil
takot silang mahawaan ng isang sakit at dahil dito maraming nang pagbabago ang nangyari sa mundo at
pati na rin sa aking sarili . Naalala ko pa noon na palagi akong nakikipaghalubilo sa ibang tao at laging
nakababad sa pag-aaral ngunit nong nagpandemya lagi na lang akong nakababad sa aking cellphone at
minsan nang napabayaan ang aking pag-aaral dahil dito. Simula noong nagpandemya maraming akong
natuklasan bagay-bagay katulad na lamang kung paano gumamit ng cellphone at para saan ito. Madalas
na akong nahihiya kapag lumalabas ng bahay dahil natatakot ako sa mga posibleng mangyari at takot-
takot na baka sa isang iglap ay mawala na ako sa mundo. Isang matinding pagbabago ang nangyari sa
aking sarili na dating isang batang madaldal ay biglang na lang naging tahimik.

Ang pangyayari iyon ay hindi ko talagang makakalimutan sa buong buhay ko dahil hanggang ngayon ay
nandito pa rin ang takot at ngayon pinipilit ko pa rin na baguhin ang aking sarili na maging matibay sa
bawat problema dumaan. Nagpapasalamat ako na unting-unti ng bumabalik na sa dati ang lahat na wala
ng pangamba sa bawat puso ng isa’t-isa.

You might also like