You are on page 1of 1

Ang Hamon na Hinaharap ng Mundo

Ang Coronavirus o mas kilala bilang Covid-19 ay isang malaking suliranin na kinaharap at patuloy
na kinakaharap ng mundo. Ang virus na ito ay bunga ng SARS-Cov2 na nagsimula noong February 2003.
Ito ay unang natuklasan sa Wuhan, China at simula noon ay naging global pandemic na ito.

Sa unang pag-uulat sinasabing ang virus ay nagmula sa mga bats o paniki. Ngunit hanggang sa
kasalukuyan ay patuloy pa rin ang paghahanap ng kumpirmadong pinagmulan ng nasabing virus. Apat na
taon na ang lumipas mula nang magsimula ang pandemya. At sa loob ng naturang panahon, maraming
pagbabago at pinsala ang naidulot nito. Matatandaang sa mga unang buwan ng pandemya ay maraming
tao ang nawalan ng trabaho at ilang mga negosyo ang napilitang magsara at tuluyang hindi na
nakabangon dahil sa pagkakalugmok. Ang mga pangyayaring ito ay hindi lamang limitado sa ating bansa,
bagkus ito ay ramdam ng buong mundo. Nakakapanlumo ang bilang ng mga taong nakitil ang buhay
dahil sa virus na ito.

Dagdag pa dito ay ang malaking pagbabago ng paraan ng pagkatuto ng mga mag-aaral. Taliwas
sa nakasanayang pag-aaral sa loob ng apat na sulok ng silid-aralan, umusbong ang tinatawag na Distance
Learning at Blended Learning. Hindi man handa ang mga mag-aaral maging ang kanilang magulang,
walang naging ibang tugon sa kinaharap na suliranin sa patuloy na pagdaloy ng pagkatuto ng mga mag-
aaral kundi i-adapt ang nasabing makabagong paraan ng pagdaloy ng karunungan.

Sa kabuuan, maraming pagbabago ang naidulot ng pandemya. Binago rin nito ang inog ng
mundo. Gayunpaman hindi ito naging hadlang upang ito’y ating malapagpasan. Nag-iba man ang mga
bagay at nakagawian, masasabing ito’y ating napagtagumpayan. Hindi man lubusan, sapagkat ang
kasawiang dulot nito’y hanggang sa kasalukuyan ay atin pa ring nararamdaman at patuloy na
nararanasan. Maging ang mga buhay na nawala ay kailanman hindi na natin maibabalik pa. Ngunit sa
huli, nanaig pa rin ang diwa ng pagtutulungan at pagdadamayan. Ito ang susi upang unti-unti man, tayo
ay nakabangon at ang pighating nararamdaman ay naibsan. Ito ay nakapagdulot ng pag-asa na ang lahat
ng ito’y matatapos rin at sa dulo ay ang masaya at payapang hinaharap para sa bawat isa.

You might also like