You are on page 1of 9

Dansalan College Foundation Inc.

Annex

Lambaguhon, Brgy. San Roque, Iligan City

Departamento ng Senior High School

A.Y. 2019 – 2020

MGA HALIMBAWA

NG IBA’T IBANG URI NG TEKSTO

(Impormatibo, Deskriptibo, Naratibo,

Prosidyural, Persuweysib, Argumentatibo)

Ipinasa ni

Neshreen A. Hassan

Ipinasa kay

Gng. Chona Pagadilan

Enero 15, 2020


TEKSTONG IMPORMATIBO

Ano nga ba ang Migraine?

Ayon sa Healthline, ito ay ang matinding sakit ng ulo, madalas ay sa kabilang bahagi lamang at may
kaakibat na pagkaduwal at pagiging sensitibo sa ilaw.

Ano-ano ang mga pagkain na makakabuti para sa migraine?

Ang pagbibigay pansin sa iyong diet ay nakakabuti upang maiwasan ang pagkakaroon ng madalas na
atake ng migraine. Ang mga pagkain na natural lamang at walang halong preservatives at artipisyal na
pampalasa ay mahalaga sa diet na ito. (Whitworth, G. 2018)

Ayon sa Physicians Committee for Responsible Medicine (PCRM) ― isang organisasyon na


nagpopromote ng mga plant-based diets upang mapabuti ang kalusugan, mahalaga ang pagpili sa mga pagkain
na kung tawagin nila ay “pain safe”. Ang mga pagkaing ito ay sinasabing hindi raw nagttrigger ng kung
anumang sakit kabilang ang migraine.

Narito ang mga “pain safe” na pagkain:

 Mga gulay na may kulay na kahel (orange), dilaw (yellow), at berde (green) tulad ng kalabasa, kamote,
carrots, at spinach
 Carbonated, spring, o kaya ay tap water
 Kanin, lalo na ang brown rice
 Pinatuyo o kaya ay nilagang prutas, lalo na ang mga non-citrus na prutas tulad ng cherries at cranberries
 Mga natural na pampatamis o pampalasa tulad ng maple syrup at vanilla extract

Ayon sa American Migraine Foundation at ang Association of Migraine Disorders, ang mga karne, manok,
at isda ay maaari ring ikonsiderang “pain safe” huwag lamang kung naproseso, pinausukan, o kaya ay
pinakuluan ng matagal.

Sinasabi rin ng American Migraine Foundation na ang Vitamin B2 o riboflavin ay nakatutulong upang
mapababa ang pag-atake ng migraine. Matatagpuan ang bitaming ito sa ibang animal products tulad ng salmon
at red meat. Meron din ito sa grains at mushrooms.

Ano ang mga pagkain na nakakapagtrigger sa Migraine?

 Itlog  Alcohol , lalo na ang red wine


 Kamatis  Caffeine (kape, tsaa)
 Sibuyas  Food additives tulad ng MSG (bitsin)
 Dairy products (butter, cheese)  Aspartame
 Wheat (pasta at mga bread)  Tsokolate
 Citrus fruits (orange, lemon, lime)  mani
 Mga pagkaing may nitrite
TEKSTONG NARATIBO

Authorized Personnel Only

Sabi ni Ben Shapiro, ang katotohanan daw ay isang malaking gago. Hindi nila iniintindi ang iyong
damdamin, wala silang pakealam. Ang tanging magagawa mo lamang ay tanggapin sila, kung hindi ay
ignorahin nalang. Ngunit paano kung nasasaktan ka na dahil dito? Patuloy mo parin bang iignorahin?

Simula noong bata pa ako, alam ko nang may mga pintuan na kahit hindi naka-kandado, kahit hindi
sarado, bawal ka paring pumasok. Tulad ng mga pintuang may nakalagay na “Authorized Personnel Only”. Hindi
naman iyon naka-kandado, pero parang common sense nalang kung papasok ka pa kahit ipinapahiwatig naman
na bawal.

Dalawang taon pa lamang ako ng naghiwalay na ang aking mga magulang. Isang taon pagkatapos nilang
maghiwalay, nag desisyon ang aking ina na magtrabaho nalang abroad. Kaya naiwan ako sa aking ama.
Dalawang taon ang lumipas, nag desisyon naman ang aking ama na mag-asawa, kaya sa lola ko naman ako
naiwan. Nagkaroon din ako mga kapatid pagkalipas ng ilan pa ulit na taon. Noong una, wala namang kaso
iyon. Hindi ko iyon kinokonsidera na problema o anupaman. Marahil ay dahil narin sa bata pa lamang ako sa
mga panahong iyon.

Mabait din naman ang lola ko at hindi niya kailanman ipinaramdam saakin na mag-isa ako at kailangan
kong malungkot. Inalagaan niya ako ng mabuti, sa tulong narin ng pagpapadala ng mga magulang ko ng
pansustensya saakin. Nong ako ay tutungtong ng sekondarya, umuwi ang mama ko galing abroad at dito nalang
niya ipinagpatuloy ang kanyang business. Lubos akong natuwa sa kanyang pagdating. Naging rason din ito
upang hindi ako malungkot na madalang ko lamang nakakasama ang aking ama.

“Minsan ba ay nalulungkot ka na may pamilya na ang daddy mo, anak?” minsang tanong ng mama ko.
“Hindi naman po ma, nandito ko naman. Sapat na iyon para saakin,” sagot ko ng nakangiti. “Sorry anak, kung
ganito ang sitwasyon mo ngayon. Wag kang mag-alala, ako.. hinding hindi ako mawawala saiyo. Hindi kita
iiwan.” Iyon ang pangako niya saakin. Hindi ko namalayan na pinaniwalaan ko ang pangakong iyon. Ngunit
napako din pagkalipas ng dalawang taon. Nong nasa ikalawang taon ako ng sekondarya, kinasal si mama at
nagsimula na ding bumuo ng sariling pamilya. Nanatili ako kasama ang aking lola habang ang mama ko naman
ay sa Maynila nanatili. Minsan ay tinatanong ako ng aking tiyahin kung okay lang daw ba saakin ang nagging
desisyon ni mama. “Wala pong kaso, basta ba masaya siya,” tanging sagot ko nalang. Dahil iyon naman ang
totoo. Masaya ako, basta masaya siya. Hindi naman din niya pinabayaan, tulad ng pangako niya. Tumatawag
siya palagi upang kamustahin ako at nagpapadala din siya para saaking mga pangangailangan.

Noong ako ay gagraduate na ng high school, umuwi ang mama ko kasama ang kanyang pamilya – ang
kapatid kong isang taong gulang na rin. Masaya ako sa kanilang pagdating. Natutuwa din ako sa aking kapatid
dahil malusog siya at napaka-cute. Saying nga lang at hindi nakaakyat ang mama ko sa stage, kasama ako dahil
sa aking kapatid. Nong nagdiriwang kami ng birthday ng kapatid ko ay imbitado din ang mga biyenan ni mama.
Nang magpipicture kami.. bigla akong napaisip. Pakiramdam ko, isa akong outsider. Pakiramdam ako ay hindi
ako belong sa kanila. Kahit paulit ulit na sinasabi ni mama na pamilya ko rin naman sila, pakiramdam ko may
invisible boundary parin sa pagitan namin. Tulad ng pintuan sa mga food establishment na “for authorized
personnel only”, bawal.

Masakit man ay patuloy ko paring in-ignora ang isiping iyon. Dapat pa nga ay magpasalamat ako na
buhay pa ang aking mga magulang at sinusuportahan ako papaano at hindi basta lamang iniwan sa lansangan
o sa bahay-ampunan. Iyon ang ginagawa kong motivation. Bumalik na rin sila mama sa Maynila, hindi naman
talaga sila magtatagal dahil narin sa kanilang business.

Isang araw habang ako ay naglalaba, tumawag ang daddy ko upang sabihin na iniimbita nila ako sa
kanilang pagpunta sa mall, family bonding kumbaga. Isa lamang iyon sa napakadalang at paminsan-minsan
niyang pakikipagkita saakin. Agad agad naman akong pumayag at sinabing hihintayin ko sila dahil narin sa
lubos na pagka-excite. Sa Cotabato lang naman sila naninirahan ngunit halos tatlong beses sa isang taon lamang
kami nagkikita. Iniwan ko ang aking mga lalabhan at nagbihis. Pagkatapos ay naghintay sa bahay, dahilsabi
niya susunduin daw nila ako. Isang oras.. dalawa.. tatlo. Nasaan na kaya sila? Darating pa ba sila? Balikan ko nalang
kaya yung mga lalabhan ko at may pasok pa ako bukas. Narinig ko ang pagtunog ng aking cellphone.. “Pasensya na
anak. Hindi ka naming nasundo. Labas ka nalang dito sa may kanto para makuha mo itong mga gamit mo.”
Masakit. Gusto kong umiyak. Hindi ko alam kung bakit. Siguro ay dahil hindi ako nakapaglaba. Paano na
lamang ang aking mga uniporme bukas? Nagpalit ako ng pambahay, para hindi naman magmukhang
naghintay ako ng matagal. Lumabas ako upang puntahan sila na nasa loob ng sasakyan. “Hi Krystal! Pasensya
ka na ha. Nagmamadali kasi kami,” pagbati saakin ni Tita Jai, ang asawa ni daddy. “ay okay lang po! Sa
katunayan ay naglalaba din kasi ako kanina.” Ngiti ko, kahit nararamdaman ko ang nagbabadyang luha sa gilid
ng mga mata ko. Nasa labas lamang ako ng sasakyan, nakatayo. Iniabot saakin ng daddy ko ang isang supot ng
mga grocery items siguro, at isang paper bag na may nakasulat na mamahaling brand ng bag. “ingat ka, kumain
ka ng marami, mukhang nangangayat ka siguro kaka-aral.” Sabi ng daddy ko. Okay lang yan, Krys. See?
Pinayuhan ka niya. Nag-aalala siya sayo. “opo, dad.” “oh sige, aalis narin kami at baka gabihin kami sa daan.
Andrew, Anne, mag bye na kayo sa ate niyo.” Sabi ulit ng daddy ko. Ngumiti na lamang ako sa kay Tita Jam at
sa aking mga kapatid. “Okay dad, ingat kayo. Thank you tita! Bye Andrew, bye Anna!” Krys.. kunti nalang. Wag
kang iiyak. Unti-unting itinaas ni dad ang bintana ng sasakyan, tumalikod narin ako kasabay ng pagpatak ng
aking mga luha.

Siguro nga.. katulad ng authorized personnel only, may mga pintuan talaga na bawal pasukan, kahit hindi naman
ito naka-lock. At siguro nga.. kahit anong ignora ko sa katotohanang ito, ito ang aking realidad..
TEKSTONG DESKRIPTIBO

Ang Aking Dalamhati sa Gitna ng Kasiyahan


Napakasaya ng okasyon para sa araw na iyon, makikita ang bawat tao na nasisiyahan sa mga pangyayari

ngunit sa gitna nila ay ako. Ako na kung titingnan ng malapitan ay parang pinagbagsakan ng langit. Hinding

hindi ko malilimutan ang araw na iyon sapagkat ito ang araw na pagkawasak ng aking puso.

Nakatitig sa aking telepono, umaasang ang mensaheng natanggap ay isang balitang kutsero lamang.

Ang mga binitawan niyang salita ay mga salitang nais kong ibaon sa hukay. Masakit at hindi kapanipaniwala

na ang taong pinagkatiwalaan ko ay isa palang buwayang lubos.

Kung kaya’t imbis na makisalo sa okasyon ay napapunta ako sa silid-aralan. Ang lugar na maituturing

kong santuwaryo. Doon ko ibinuhos ang nagbabadyang luha na nais makawala. Sa loob ng kubeta ako roon ako

nagtago sapagkat hindi ko nais na makita ng iba na ako ay mahina, at na siya ang aking kahinaan. Lumipas ang

ilang minutong nag-iisa at nagluluksa para sa nabasag kong puso, tila hindi maubos ang luhang kanina pa

pumapatak. Hindi maubos ang kaisipan kung saan nga ba ako nagkulang, kung bakit nagawa saakin ang bagay

na ito at kung nararapat ko bang maranasan ito.

Nais kong may makayakap at mapagbuntungan ng hinanakit, ngunit ang lahat ay masaya at ako lamang

ang natatanging nagluluksa. Sa loob ng maraming minute sa kubeta ay gustuhin ko mang tanggalin ang bakas

ng pag-iyak ay hindi ko nagawa. Nais kong tanggalin ang bakas, dahil nasisigurado kong kapag ako ay nakita

sa ganoong sitwasyon, kakalat lamang ang alimuom.

Nagawa kong lumabas at sinubukang humarap. Nagpanggap na parang ang pusong biyak ay hindi

nasasaktan. Tinapos ko ang araw na wasak ang puso sa kabila ng kasiyahan. Sa pagtatapos ng taon, hindi ito

ang aking inaasahan na mangyari. Lahat ay nawala na tila kidlat sa bilis. Hindi ko lubos maisip na sa

pagsisimula ng bagong taong ay siya ring pagtatapos natin.


TEKSTONG PROSIDYURAL

Ang mga hakbang sa pagreceive ng pera sa Palawan Express:


Mga kakailanganin:

*Valid ID *Ballpen (opsyonal)

Unang Hakbang:

Ang unang hakbang ay ang pagpunta sa pinakamalapit o kung saan mo man nais na branch ng Palawan
Express ngunit bago ‘yon, siguraduhing naipadala na ng iyong sender ang pera at nareceive mo ang isang text
mula sa Palawan Express na maaari mo ng i-claim ang ipinadala sayo. Halimbawa ng text na ipapadala ng
Palawan Express:

Mr/Ms ____, claim your PALAWAN Express ________ (transaction code) at any Palawan
Pawnshop/Palawan Express/Tambunting/LBC/SM/Robinsons. Bring ID.

Ikalawang Hakbang:

Kumuha ng RECEIVE MONEY FORM na kulay dilaw mula sa security guard o kaya ay sa lalagyan
nito na nasa harap ng teller.

(Halimbawa ng Receive Money Form)

Ikatlong Hakbang:

Kompletuhin ang mga hinihinging detalye sa form.

Ikaapat na Hakbang:

Ipasa sa teller ang nakompletong form kasama ang iyong Valid ID. Maupo lamang at maghintay sa

pagtawag ng iyong pangalan para sa pagkuha ng pera.

Huling Hakbang:

Kapag tinawag na ang iyong pangalan ay kunin ang pera at ang form na magsisilbing resibo mo.
TEKSTONG PERSUWEYSIB

(Talumpati ng Pangangampanya)

Bata pa lamang ako ng maghiwalay ang aking mga magulang. Nang lumaki na ako ay nagkaroon sila

ng kanilang sariling pamilya. Wala naming kaso iyon noong una. Nagpapasalamat pa ako na nasusuportahan

ako sa aking mga pangangailangan. Mas swerte ako kumpara sa mga batang iniwan lamang sa lansangan.

Patuloy kong pinaniwalaan na mas swerte ako sa iba, sinubukan kong tingnan ang “silver lining” ng aking

sitwasyon.

Ngunit habang tumatagal ay napapaisip ako sa salitang priority. Narealize ko na kailanman ay hindi koi

yon naramdaman. Sinusustensyuhan naman ngunit hindi nga lang priority. Sabi nila, maipaparamdam mo lang

sa isang tao ang isang emosyon na naramdaman mo na. Maibibigay mo lamang isang bagay kung mayroon ka

nito. Ngunit hindi po ako sumasang-ayon. Ngayon na ako ay tatakbo bilang alkalde ng baying ito, wala po

akong ibang priority kung hindi kayo, ang mga mamamayan at ang ating bayan. Sinisiguro ko po na hindi ko

ituturing na basta-bastang responsibilidad lamang an gang aking posisyon, hindi koi to ituturing na

kapangyarihan lamang, kundi isang passion at isang pangako na hinding hindi ko bibitawan.

Ang aking tanging hangad ay ang kabutihan ng mga mamamayan at ang pagpapabuti sa ating bayan.

Bigyan niyo po ako ng tsansang iparamdam sainyo na maging priority at gawing priority, at sinisiguro kop o

na kapag ako ang ibinoto niyo, hindi ako ang panalo, kundi kayo.
TEKSTONG ARGUMENTATIBO

Ang paggamit ng social media

Sa panahon ngayon, pati ang isang anim na taong gulang na bata ay marunong ng gumamit ng social

media. Ang social media ay kung saan ang mga tao ay nakakapag-interact upang magbahagi g mga

impormasyon, ideya, personal na mensahe, at iba pa. At tulad lamang ng iba pang salita, ang social media ay

mayroong benepisyong nakakabuti at hindi nakakabuti.

Sa pagtatayo ng relasyon, ang social media ay nagkokonekta ng mga taong malayo sa isa’t isa. Kahit

sino at kahit saan ay maaaring makapagconnect. Mararating nito kahit nasa magkabilang bahagi kayo ng mundo

basta ba ay may internet. Maaaring ito ang iyong pamilya, mga kaibigan, o kaya ay kasamahan sa trabaho. Sa

isang propesyonal at pormal na pananaw, makakatulong ang social media sa iyong business sa pamamagitan

ng pag-advertise ng iyong produkto at pakikipag-usap sa mga customers online.

Sa pagbabahagi ng iyong kakayahan at kaalaman, binibigyan ng social media ang mga tao ng

oportunidad na maibahagi nila ang isang bagay kung saan sila magaling at magiging daan iyon upang

makakuha ng exposure. Kung ipagpapatuloy mo ang pangangasiwa sa iyong channel, mas maraming

magsishare nito at mas marami rin ang makakakita.

Sa pag-eeducate sa sarili, ang social media ay isang “maingay” na lugar. Saan mang bahagi ng mundo

ay may gumagamit nito kaya maaari mo itong gawing daan upang makakuha ng impormasyon ukol sa mga

kasalukuyang pangyayari sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Gayunpaman, ang social media ay maaaring maituring na mapanganib kung aabusuhin ang paggamit

nito. Tulad sa mga mag-aaral. Peligroso ito sa kanilang mga grado kung hindi gagamitin ng responsible at kung

patuloy na sasayangin ang oras sa paggamit nito. Ayon sa sarbey na isinagawa ng Pew Research Center, 72%

ng mga mag-aaral na nasa sekondarya at 78% ng mga mag-aaral na nasa kolehiyo ay iginugugol ang oras sa

paggamit ng iba’t ibang social media platforms tulad ng Facebook at Instagram.

Ang social media ay hindi magandang lugar para sa mga taong naïve, kung sabihin sa wikang Ingles.

Lalo pa’t uso ang cyberbullying at ang pagsishare ng mga fake news ngayon. Kilala ang social media bilang

isang daan upang magbahagi ng kung anuman. Kaya ang iba ay patuloy nalang sa pagbabahagi ng mga

impormasyon kahit hindi pinag-iisipanng mabuti kung tama ba ang impormasyon o kung maaari bang
magsanhi ito sa iba ng galit. Kaya nagreresulta ng pagiging biktima ng cyberbullying at pagsishare ng fake news

na nagsasanhi ng panic sa ibang tao.

Ang social media rin ay hindi nakabubuti sa relasyon ng mga tao. Mas pinipili ang pakikipag-usap online

kaysa face-to-face. Ayon sa research noong 2015, ang Facebook ay may 1.49 Billion na active users. Karamihan

sa mga taong ito ay magagawa naman talagang makipag-usap sa mga taong malapit sa kanila in person pero

mas pinipili parin ang pakikipag-usap sa Facebook. Kapansin pansin ito sa mga family gathering at bonding,

ang mga miyembro ng pamilya ay halos pare-parehong nakayuko sa kanilang mga cellphone imbes na gamitin

ang oras na iyon na makipagbonding o anupaman.

Gayundin, hindi natin maipagkakaila kung gaano kalaki ang naitutulong nito satin. Sa pakikipag

connect, sa pagpapahayag, sa ating negosyo, sa pag-alam ng pinakabagong balita, at sa pakikipagkaibigan. Lalo

na sa mga taong introvert, social anxiety, o ibang mental issues na hindi maibahagi ang kanilang emosyon at

ideya kaya pinipili lamang ang social media.

Social media is a nice place to be, sabi nga sa wikang Ingles. Ang kailangan lang ay magkaroon ang mga

gumagamit ng sapat na kaalaman kung paano ito gamitin at mga limitasyon ng paggamit. Sa paraang ito, ang

bilang ng mabubuting benepisyo ay mas rarami kumpara sa bilang ng masasamang epekto.

You might also like